10.

Life of Kim Hyoyeon

10. Off cam Part I

 

Wala naman kasi ito sa balak ko, bakit nga ba siya ang kasama ko ngayon. Kung tutuusin dapat nasa bahay na ako ngayon galing sa doktor ko. Pero ngayon hila-hila niya ako papunta sa lugar kung saan may bibilhan daw siya. Seryoso ako, kailangan ko ng pumunta sa doktor ko. Takas kaya ako?

 

"Hyo, ito na! Dapat parehas tayong meron nito, tutal unang araw natin bilang mag ka relasyon!" Tumigil kami sa isang bentahan ng bracelet sa gilid ng 7/11.

 

May sumusunod na rin na mga tao saamin. "Jiyong, anong unang araw, pinagloloko mo ba ako?" Humarap lang siya saakin. Naka pout pa ang loko.

 

"Hyo naman, itinatanggi mo nanaman ba ako? Nakakatampo naman." Sabay layo niya saakin.

 

Yung mga tao naman na nakapalibot saamin, puro picture ang inaatupag. Kesa bigyan kami ng kalayaang huminga, mas lumapit pa saamin ng sobra.

 

"Jiyong, di kita maintindihan. Seryoso, trip mo nanaman ba ako?" Tinanong ko ng seryoso.

 

Hindi ko naman kasi talaga maintindihan. Pag tiningnan niyo kami ngayon, baka akalain niyong mas matagal ko na siyang kaibigan kesa kela CL. Tumingin nanaman siya saakin, at ngumiti. Nag init nanaman ang pisngi ko sa pag ngiti na ginawa niya. Aminado naman akong gwapo itong nilalang na ito.

 

"Hyo, alam kong gwapo ako, pero wag ka namang mag pahalatang pinagnanasaan mo ako. Iyong-iyo na ako." Sabay hug saakin.

 

Itinulak ko naman siya ng mahina. Huminga ako ng malalim, habang yung kilay niya naman taas-baba ang galaw. Kung ayaw niya ako samahan, ako na lang mag isa pupunta. Tutal kotse ko naman ginamit naming dalawa. Kinuha ko na bag ko sakaniya at tumakbo na palayo, buti na lang at hindi ako nag heels, laking tulong na rin yung pag iimpluwensiya ni CL sa pananamit ko. At buti na lang rin, nag bigay ng daan ang mga fans sa paligid namin. Nginitian ko na lang sila, para naman hindi nila sabihing snob ako o ano.

 

Malapit na sana ako sa pinag paradahan ng kotse ko kung hindi lang hinawakan ni Jiyong kamay ko. "Jiyong, seryoso kasi, kailangan ko ng pumunta sa doktor ko." Tiningnan ko naman siya sa mata.

 

"Hyo, bracelet lang bibilhin ko. Yun lang, pag tapos pupunta na tayo sa doktor mo at sasamahan mo ko sa isa ko pang pupuntahan." Inexplain niya naman, hindi ko alam kung malumanay ba 'to.

 

"Edi sana pinapunta mo na ako sa doktor ko habang ikaw bumibili ng bracelet diba?" Tinanggal ko na pagkakahawak niya sa kamay ko.

 

Tinitigan ko lang siya, kung ayaw niyang mag salita aalis na ako. Bumili na siya ng dapat niyang bilhin.

 

"Hyo, hindi ba kita pwedeng samahan? Hindi naman siguro tama na pabayaan ko ang syota ko na mag isa hindi ba?" Tumalikod na ako.

 

Hindi magiging maganda kung makikita niya nanaman ang pag pula ng mga pisngi ko. "Bumili ka na ng bracelet, hihintayin na lang kita sa kotse. Pagod na ako." Dinahilan ko na lang.

 

Alam niyang bawal akong mapagod dahil sa sakit ko sa puso. "Aish, fine. Hintayin mo ko doon. Sige na, mag ingat ka papakasalan pa kita." Ibinulong niya ang mga huling salita sa tenga ko.

 

Tuluyan na akong lumayo, bakit? Kasi ayoko na ng mga ganyan salita. Sa ganyan ako nainlove kay Junhyung (Kim Junhyung, not the beast member). Kaya ayoko na eh, pinapaasa lang ako. Hindi na ako pwede pang magka gusto kay Jiyong dahil may iba siyang gusto. 

 

At talagang hindi pwede dahil gusto siya ni Yuri. Itatakwil nanaman ba ako ng paborito kong maknae? Oo, siguro inaakala niyang kami ni Jiyong, pero lilinawin ko naman sakanila. Sa huling 2 buwan na makikita nila ako sa bahay namin, lilinisin at lilinawin ko lahat ng dapat linisin at linawin. Baka sabihin ko na rin sakanila yung sakit ko sa puso, para na rin malaman nilang hindi lang ako puro arte.

 

Maaring hindi nila tanggapin yung side ko, pero okay na rin iyon. Atleast masabi ko sakanila ang dapat sabihin. Kung hindi sila makinig, wala na ako magagawa diba?

 

"Hyoyeon unnie, papicture?" Sabi ng isang babae.

 

Hindi ko rin siguro namalayan na dumadami na ang mga tao sa paligid ko, puro na lang cell phone ang nakikita ko, maliit na nga ako puro yan pa ang nakikita ko.

 

Hindi rin naman ako pwedeng tumanggi kaya pumayag na ako. Kinuha ko ang phone niya at pinicturan ang sarili namin, inakbayan ko na rin siya para naman worth it ang pangangalabit niya saakin kahit na maraming taong nakaharang.

 

Nang hingi na rin siya ng autograph saakin, binigyan ko na lang rin. Atleast may natitirang pang hyohunie. Yung ibang nag papa picture, pinag bigyan ko na rin. Gaya ng sabi ko noon, sila na lang ang mga natitirang susuporta saakin. Kailangan rin nila ng kapalit.

 

Matagal-tagal na rin ako dito at naisipan kong pumunta na sa kotse ko, hindi na rin kasi ako makahinga sa sobrang kulob ng puwesto ko. Inintindi naman nila at sinabi kong babawi ako.

 

May ilan rin na nag papa picture habang papunta ako sa kotse ko, pinag bigyan ko na rin. At pag dating sa parking lot, may isa pang humabol. Natuwa na lang rin ako kasi lalaki. Bihira na lang ako makakita ng lalaking ako ang gusto sa siyam.

 

Papasok na sana ako ng kotse ko ng nahagilap ko ang pamilyar na van, 2 metro ang layo. Inaning ko ito, hindi nag tagal ay lumabas na rin si Tiffany. Bakit kaya siya andito?

 

Hindi ko alam kung tama ba ang nakikita ko, palapit saakin si Tiffany? Ano ba talaga ang nangyayari?

 

"Hyo!" Niyakap ako ni Tiffany?

 

Sinampal ko ang sarili ko, hindi ko alam kung totoo ba 'to. "Hyo, I'm sorry. I never realized about that." Sabay turo niya sa dibdib ko.

 

Ah, so alam na nila? Yung dapat na lihim ko, ay nabunyag na?

 

"Hyo, I'm really really sorry. Alam kong ang mean ko pero pinag sisisihan ko na lahat. Nung time na inaaway ka ni Taeyeon at Jessica, napapansin ko na yang sakit mo. Tapos, tapos, naisip ko na rin na mali lahat to." Nag mamadali niyang sabi.

 

Natawa ako sa mukha niya, umiiyak siya. "Pero Tiffany, hindi ba't nag send ka saakin ng message?" Naalala ko lang naman.

 

"Hindi ako nag send nun! Promise! Sinabihan ko na sila Taeng na wag na pero kinuha nila cell phone ko. I'm sorry!" Sabay yakap niya nanaman saakin.

 

Kaya ba na kay Taeyeon ang cell phone niya noong mga oras na iyon? "Tiffany, yung picture sa instagram?" Tanong ko naman, kailangan ko ng kasagutan.

 

"Hindi rin ako iyon, alam ni Jessica password ko sa instagram at siya nag upload nun. Hindi ko na rin madelete kasi iniba niya ng password." Tumutulo na luha niya.

 

Aish, ayoko ng ganito. Pinunasan ko naman luha niya, Miyoung is now hugging me. Nakakamiss itong pakiramdam na ito.

 

"Can I call you Miyoung again?" Tanong ko naman sakaniya, mas matanda siya saakin, bakit ba ang iyakin niya?

 

"Of course you can! Hyo! I'm really really sorry, kaya lang naman naging ganito turing ko saiyo dahil utos ni Taeng. Leader natin siya kaya wala akong magawa." Mabilis niya nanamang sinabi saakin.

 

Hindi na lang ako mag tatanong pa ng iba, masaya na ako na okay na kami ni Miyoung. I forgive Miyoung, nakakamiss rin pala ang number 1 fangirl ko.

 

"Hyo, don't worry, hindi nila alam. Ayokong sabihin, kailangan ikaw ang mag sabi sakanila. Sinundan lang kita dito, dahil hehe. GD and you." Sabay ngiti niya naman.

 

Ang weird naman nitong babaeng 'to. Kanina umiiyak, ngayon biglang ngingiti. "Nakita kitang mag isa kaya ayun di na kinaya ng feels ko, kinausap na kita." Pag tatapat niya naman.

 

"Miyoung, okay naman na eh. Kahit isang sorry lang sabihin niyo saakin patatawarin ko na kayo. Sadyang sumuko lang talaga ako." Lumayo na siya saakin.

 

"Sana sinabi mo agad yang sakit mo, nakakainis ka! Edi sana naipaglaban kita kay Taeng!" Lumayo pa lalo siya saakin. Nag tatampo naman siya ngayon?

 

"Miyoung, hindi ko pwedeng sabihin. Una, ayoko bigyan kayo ng aalagain. Pangalawa, ang pakiramdam ko na rin kasi wala kayong pake." Mag tatampo lalo 'to si Miyoung.

 

"Hmph, purkit may G-Dragon ka na." Sabay tingin niya saakin. Naniwala talaga siya doon?

 

"Miyoung hindi naman kasi totoo-" 

 

Naputol ang sasabihin ko ng may tumawag kay Miyoung. Si Taeyeon, pinapapunta siguro siya sa dorm. 

 

"Hyo, si Taeng pinapabalik na ako. Bye!" Sabay halik niya sa pisngi ko.

 

"Miyoung, act like nothing happened okay? Let's surprise them." 

 

Umapir naman siya saakin. "Sure! Yung sasabihin mo tungkol sainyo ni GD next time na! Alis na ako!" Sabay takbo niya sa van.

 

"Yah! Stop crying!" Sigaw ko pabalik. Ngiti na lang rin ang sagot niya saakin, sabay pahid sa mukha niya.

 

Okay na rin iyon, okay na kami ni Miyoung. 6 to go. I got my fangirl back. Masaya ako, kasi may isa sakanilang bumalik na saakin. Bumalik na ako sa kotse ko ng nakangiti. Umupo na ako sa hood nito, naka pants naman ako kaya okay lang.

 

Hindi ko maexplain ang nararamdaman ko pero masaya ako. Oo, hindi ako pwedeng makaramdam nito pero, pabayaan na. Ngayon ko na lan ulit naramdaman iton kasiyahan na ito. Binuksan ko cell phone ko, nag text si Miyoung at si Jiyong.

 

Una kong binuksan ang kay Miyoung. 

 

'Hyo, I'll change my number, okay? I'll use the other phone I have here. Doon tayo mag usap, hinihiram ni Taeng itong akin.'

 

Sinabihan ko na lang na tawagan ako pag may bagong number na siya. Protection na rin sa privacy namin diba?

 

Binuksan ko na rin yung kay Jiyong, it's almost been an hour simula ng huli kaming mag kita.

 

'Hyo, some things happened. Go to your doctor right now. I'm sorry.' 

 

Tinitigan ko lang ang message na sinend niya saakin, edi sana pala pumunta na ako kanina pa. Hindi yung humiga pa ako sa hood ng kotse ko mahintay ko lang itong kumag na ito. Binato ko na cell phone ko sa bag ko at pumasok na ng kotse. Naiinis ako.

 

Umalis na ako at dumiretso sa doktor ko. Nag madali na rin ako sa pag mamaneho ko dahil nga sa naiinis ako. Pero okay na rin siguro dahil nag kaayos na kami ni Miyoung, pero naiinis pa rin ako.

 

Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit nga ba ako naiinis. Dahil ba pinag hintay niya ako? Hindi ba't nakasama ko naman si Miyoung? Dahil ba inuna niya yung 'things happened' na iyon kesa sa lakad namin? Hindi ba't dapat priority niya ang syota niya? 'Sino ba kasing nag sabi na syota ka niya, Hyoyeon?' 'Siya, diba?' Hay nako, bakit naman kasi ako umasa diba?

 

Mas idiniin ko ang pag tapak sa accelerator ng kotse ko, idadaan ko na lang sa pag mamaneho ang init ng ulo ko. Dahil na rin sa mabilis kong pag mamaneho, naka dating agad ako sa ospital.

 

Pag pasok na pag pasok ko ay binungaran ako ng ngiti ng doktor ko. "Hyoyeon, napadaan ka? Next 6 days pa raw makakarating ang puso mo."

 

"Inatake po kasi ako kanina." Pag eexplain ko naman sakaniya.

 

"Ah ganon ba? Uminom ka naman agad ng gamot, hindi ba? Nothing to worry about." Umoo naman ako.

 

"I can sense wala ka sa mood? Sige na, go outside. Have some fun. Hindi ka ganyan makipag usap saakin." Tumayo siya at itinulak ako palabas.

 

Ni hindi pa nga ako nakakaupo sa upuan, pinalabas agad ako. "Thank you!" Sigaw ko naman tsaka ako lumakad papunta sa kotse ko.

 

Hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko, kung babalik ba ako sa dorm, kung tatawagan ko ba sila Minzy, sa pag kaka alam ko may isa pa silang cameo sa bgong variety show ng Winner eh. Kung babalik naman ako sa dorm, baka hindi ko kayanin at kausapin ko si Miyoung. Wala naman si Kibum at Jinki.

 

Pumasok na ako sa kotse ko, tiningnan ko ang listahan ng contacts. Hindi ko rin makakausap si Min, may conecrt iyon ngayon. Si Amber naman, busy sa pag hahanda niya sa solo debut niya. Exo? No, I can't. May tour sila ngayon. Mag isa na lang akong pupunta sa mall.

 

Gaya nga ng sabi ko, nag maneho na ako papunta sa mall. Kakain na lang ako, tutal di pa ako kumakain simula kaninang lunch. Mag aalas tres na rin. Mukhang maling desisyon ata ang pag pasok ko ng mall, maraming tao agad ang nag sipag labasan ng kani-kanilang cell phone at pumaligid saakin. Nag suot na lang ako ng shades, para na rin dagdag disguise, di yata effective. 

 

Bow naman ako ng bow, may mga ibang gusto mag papicture, pinag bigyan ko na rin. Aish, gutom na talaga ako. Tulad ng ginawa ko kanina, sinabihan ko na lang na babawi ako. Sinabi ko na rin na gutom talaga ako at kailangan ko ng kumain. Yung iba naman pinag tawanan ako, yung iba sinasabihan akong kumain ng maayos. May iba rin namang nag sasabing sasamahan daw nila ako.

 

Dumiretso na ako sa unang kainan na nakita ko, nag order na lang ako ng regular meal nila at pepsi. Wala akong balak mag diet ngayon. Umupo na ako sa dulo, para hindi crowded. Hindi naman kasi talaga matao dito, siguro halos pito lang ang occupied tables dito.

 

Duon lang talaga ako umupo sa dulo kasi nga ayoko sa tao ngayon. Bad trip pa rin kasi ako sa ginawa ni Jiyong. 

 

Dumating na yung pagkain na inorder ko, syempre kinain ko na agad. Gutom kasi talaga ako. Mangangalahati ko na sana ang pagkain ko ng mapatingin ako sa nasa harap ko, bandang kanan. Likod ng lalaki ang nakita ko.

 

Parang pamilyar ang suot niya, parang nakita ko na. Inaninag ko rin yung buhok niya, pamilyar talaga eh. Tiningnan ko rin yung sapatos, kilala ko talaga.

 

Tiningnan ko naman ang kasama niya, maikli ang buhok na babae. Mukhang iba ang lahi, pero sanay siya sa lengwahe na ginagamit namin. Pag tiningnan mo siya, matangkad siya kung ikukumpara sa ibang babae.

 

"Kiko." Sabi ng lalaki.

 

Ng marinig ko ang boses ng lalaki, alam ko na agad kung sino ito. Kwon Jiyong.

 

Tiningnan ko ulit ang babae, sigurado akong narinig ko na ang pangalan na ito.

 

Mizu? Mizuhara?

 

Ah, Mizuhara Kiko.

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
-ClvnnJl- #1
Chapter 36: Grabeeee naiyakk ako dito! Walang warning na ganto kasakit ahh. Pero ano 'yong ibig sabihin no Jessica na "How 'bout losing one" pa? Please continue authornim huhu. Supporttttt!
girlwhocriedwolf
#2
Chapter 36: okay. napaiyak ako dito. akala ko magiging okay na lahat. wHYYYY. ang cute ni gd at hyo, sa sobrang cute nila gusto ko sanang maging totoo nalang sila omg. daming twists and everything. the best! ang ganda ng story sobra. kaloka yung last one, naisip ko yung pag alis ni jessica sa snsd.
Angah_F2 #3
Chapter 35: it really good..hope you could make in english version..because google translate is hard to understand