Epilogue

Life of Kim Hyoyeon

May nakita akong papel na nalaglag sa ilalim ng stretcher ni Sunny. Kahit na alam kong wala akong karapatan, gusto ko pa rin ito tingnan.

 

Binuksan ko ang puting papel. At ng mabasa ko ang mga unang salita na nakita ko, lumuha nanaman ako. Ang cold princess ng SNSD ay hindi laging cold, hirap rin siyang mag kontrol ng nararamdaman niya.

 

At kahit nasasaktan ako, kailangan ko parin basahin 'to alang-alang kay Hyoyeon. Alang-alang sa long time bestfriend ko.

 

Kumuha ako ng lakas ng loob, humugot ako ng iba't ibang emosyon para sa isang mala nobelang mensahe na ito para kay Hyoyeon.

 

At kahit na hindi niya na ako naririnig, kung ito na lang ang magawa ko para pasayahin ang bestfriend ko, gagawin ko.

 

Mag mukha man akong gago dito, mag mukha man akong gago sa harapan ng mga umiiyak kong myembro, mag mukha man akong gago sa harapan ng mga doktor at nurse dito gagawin ko.

 

Ito na lang ang kaya kong gawin.

 

"Dear Hyoyeon,"

 

Nakita kong napatingin silang lahat saakin, maski ang mga myembro kong umiiyak. Para akong tanga dito na tumutula sa harap ng bestfriend kong walang buhay.

 

"Bestfriend tama ba? Siguro pag nabasa mo 'to, magagalit ka saakin ng sobra-sobra. Bakit? Kasi nag lihim ako sa'yo. Walong taon na ang nakalipas simula ng ipasok ako ng tiyuhin 'ko sa grupo na binuo niya. Nung una ay pito pa lang kayo. Sa mga panahong ramdam 'kong hindi niyo ako tanggap, ikaw ang unang lumapit saakin at nakipag kaibigan kaya sobrang laki ng pag papasalamat 'ko sa'yo dahil hindi mo ako hinayaan maging mag isa. Ikaw lang sa buong barkada, kung matatawag man tayong barkada, ang nakakagawa nun."

 

Paano niya pa mababasa? Paano pa? Kung sabay lang din naman silang nawala na?

 

"Nung una pa lang ay alam ko naman na kung bakit nagagalit si Yuri, Taeyeon at Jessica sa'yo. Pero hindi ko kayang sabihin dahil ayokong may mas masira pa sa samahan nating siyam. Hindi ko rin kayang sabihin sa'yo yung kay Jessica dahil alam kong ako ang may kasalanan. Para sabihin 'ko sa'yo Hyoyeon, kailanman ay hindi ako naging manhid. Laging bukas ang isipan 'ko at mga mata 'ko sa nangyayari kaya't alam 'ko ang mga dahilan. Nakakatuwa lang dahil mas nauna pa ako sa'yo na makaalam."

 

Kaya ba ganon na lang kung hindi sumunod si Sunny?

 

Mas magaling pang bestfriend saakin si Sunny.

 

Huminto ako sandali para singhotin ang sipon kong tumutulo na. Naramdaman kong lumapit na rin sa likod ko si Taeyeon.

 

"Gusto mo ba malaman kung anong dahilan ni Jessica? Dahil sigurado akong hindi niya pa kayang makipag ayos sa'yo dahil sobrang laki ng kasalanan 'ko. Tama, ako ang dapat mong sisihin.

 

Ano ba ulit ang sabi mo saakin? Si Jessica ang pinaka matagal mo ng kaibigan sa loob ng Girls' Generation, tama ba? Yun nga, siya ang pinaka matagal, pero ng pumasok ako, nag iba ang lahat. Saakin ka naging malapit, ako na ang tinatawag mong bestfriend. At dahil dun nagalit si Jessica sa'yo, na dapat ay saakin siya magalit. Hindi ko rin masisi si Jessica dahil, lahat naman kaming walo, paborito ka, kung hindi man paborito, ikaw ang pinaka gusto. Kung may pag kakaiba man 'yon."

 

Tamang-tama si Sunny.

 

"Nung mga unang araw ka pa lang nag kasakit, o kaya'y nalaman mong may sakit ka, alam ko ng meron ka ngang sakit sa puso. Sinundan kita noon, pero syempre hindi mo alam, ayokong ipaalam sa'yo dahil ayoko ng madagdagan ang problema mo. Lagi lang akong nasa tabi mo, inaalagaan ka, kung hindi man sinusuportahan ka.

 

Ng makauwi ka nga galing ospital ay ang sabi ko, ang inaakala ko ay galing ka sa kung ano mang bakasyon iyon. Sa totoo lang ay wala naman talagang sinabi si Tiffany na kung ano man saakin. Oo, binalita niya, pero ang sabi ko matagal ko ng alam. Pinilit ko lang yung dalawang ilihim lahat sa'yo, kasi ayoko ng makita kang nahihirapan."

 

Kahit na pinipigilan kong pumatak ang mga luha sa papel na hawak ko ay hindi ko na nakayanan. Lahat ng iyon ay nag sipag laglagan na at tumulo sa papel na hawak 'ko.

 

"Ikaw na rin ang nag sabi, sobrang sakit na, sobrang hirap na. Kaya bilang bestfriend mo, gumawa ako ng paraan para hindi ka na muling mahirapan pa. Tulad ng pag tago ko ng sikreto ko na malalaman mo ngayon, lagi mong tatandaan na ginawa ko iyon dahil ayaw na kitang mahirapan pa. Sobra.

 

Hindi ka ba nag taka kung bakit hindi na ako sumasama sa'yo nitong mga nakaraang araw? Ayoko talagang sabihin sa'yo 'to pero mukang ito na yung tamang panahon para malaman mo. Nagawa mong mag tago ng sakit mo, magagawa ko rin iyon diba?

 

Hyoyeonie, pasensya na, mukhang ito na ang panahon ko para mag paalam. Napapagod na rin ako, nahihirapan na rin ako. Tulad mo, sobrang sakit na ng nararamdaman 'ko. Kaya siguro baka hindi na kita masamahan hanggang dulo. Ngayon makikita mo ako sa tabi mo, dahil ito ang utos 'ko kay G-Dragon, ang itabi ako sa'yo sa mga oras ng huling pag hinga 'ko.

 

Sana mabasa mo ito, at sa oras na mabasa mo ito sana hindi ka na muling tumingin pa sa iba dahil andyan lang si Jessica sa tabi mo. Hindi mo lang talaga siya makita dahil sobrang manhid mo."

 

Andito lang ako sa tabi ni Hyoyeon, pero ngayon, wala na siya sa tabi 'ko.

 

"Kumalat na ang cancer cells ko sa katawan Hyoyeon, naaalala mo ba nung mga panahong nag tataka ka kung bakit gumagamit ako ng extension sa buhok? Nalalagasan na ako ng buhok dahil sa cancer ko sa lungs. Sa ngayon ay hindi na kinaya ng chemotherapy ang sakit ko kaya naisipan kong patayin na lang ang life supporter ko."

 

Napatingin naman ako sa paligid ko, iniwan na kami ng mga doktor at nurse, ang natira na lang dito kaming pito.

 

Lahat sila ay pansin kong nagulat sa nabasa ko at narinig nila.

 

Maski ako nagulat.

 

Mas lumala ang pag iyak ko. Pero hindi ko pwedeng tigilan ang pag babasa nito.

 

"Nasa iisang lugar tayo Hyoyeon, pero wala kang alam, wala ring alam yung pito. Hindi ko pinaalam dahil ayoko ng maging pabigat pa sainyo. Bilang yung taong naging saling kitkit na lang sa grupo niyo, hindi ko na kakayanin kung maski ako poproblemahin niyo pa, lalo ka na.

 

Sa mga huling sandali ng buhay ko ang gusto ko lang makita kita at malaman mo kung ano nga ba ang nararamdaman ko. Lagi kang nagagalit saakin dahil hindi ako nag oopen up ng mga problema ko sa'yo. Ayaw na kitang pag alalahanin pa Hyo.

 

Sana, ngayong wala na ako sa tabi mo, sumandal ka naman sa iba mong kagrupo, hindi lang saakin. Dahil kahit ilang beses kong sabihin sayong okay lang ako, hindi ko talaga kayang maging okay Hyoyeon. Sobrang hirap na hirap na ako Hyoyeon. Hinintay ko lang na maayos mo ang issue mo sa tatlong iyon, hinintay ko lang na maayos mo ang issue mo kay G-Dragon para kahit man lang sa huling pag kakataon makita kitang masaya.

 

Gusto kong sabihin sa'yo na masaya ako ngayon para sa'yo at para na rin sa sarili ko. Masaya ako para sa'yo dahil masaya ka na. Maayos na kayo ng kapatid mo, maayos na kayo ni Yuri, pati na rin siguro si Jessica? Pero wag mong kakalimutan si Sooyoung, hindi ko na alam kung ano nga ba ang ipapayo ko kay Sooyoung sa tuwing makikita ko siyang umiiyak dahil sa'yo at kay Yuri."

 

Narinig kong mas napaiyak si Sooyoung sa mga narinig niya.

 

Anong pati ako? Huli na nga ako. Anong pinag sasasabi nito ni Sunny?

 

"Masaya ako para sa'yo dahil masaya ka na sa piling ng Jiyong mo. Yung lalaking isinakripisyo mo para kay Yuri pero sa huli ikaw rin nag pinili. Yung lalaking isinakripisyo mo para kay Kiko, pero si Kiko isinakripisyo rin para sa'yo. Wag kang magulat kung bakit alam ko ah. Sabi ko sa'yo, lagi akong nasa tabi mo.

 

Siguro ngayon, may isa sa myembro natin ang gustong mag bigay ng puso nila, pero dahil kilala kita, umayaw ka. Hindi ko naman kayang ibigay pa sa'yo yung akin dahil maski ito nahawaan na ng cancer ko."

 

Kumuha muli ako ng sandali para huminga at pigilan ang mga pag sinok sinok ko. Kahit na putol-putol ang pag babasa ko dahil sa pag iyak ko, nakikinig pa rin silang lahat saakin.

 

"Pasensya na Hyoyeon dahil kahit na sa mga huling sandali ko, hindi ko kayang ibigay sa'yo yung bagay na ako lang may kayang makapag bigay sa'yo. Kahit na gaano ko kagustong makita kang ngumingiti at tumatawa, hindi ko na rin kayang tingnan dahil isinasampal ng mundo saakin ang katotohanang wala man lang akong nagawa para sa'yo.

 

Pag nabasa mo na 'to sabihin mo kay Jessica na humihingi ako ng tawad sakaniya. Gusto kong mag sorry sakaniya dahil naging kaclose kita. Gusto kong mag sorry sakaniya dahil laging nasa piling ko yung taong tanging makakaintindi sakaniya maliban sa kapatid niya.

 

Gusto kong mag sorry dahil inagaw kita."

 

Mas lumuha ako sa mga nabasa ko, kung pwedeng mas lumala ang pag luha ko na naiisip niyo, isipin niyo dahil hindi ko na alam kung ano nga bang nararamdaman ko. Halong sakit, halong awa.

 

"Pakisabi kay Taeyeon na humihingi rin ako ng tawad sakaniya dahil kahit kailan hindi ko naparamdam sakaniya na nandito rin ako para sakaniya, para masandalan niya, para sabihan ng problema niya. Hindi ko kayang ibigay sakaniya yung mga balikat ko para iyakan niya dahil lagi lang akong nasa tabi mo, nasa iyo."

 

Tiningnan ko si Taeyeon sa tabi ko, tumango-tango naman siya. At kitang-kita mong bumubuka ang bibig niya para mag sabi ng mga salitang 'sorry'.

 

"Pakisabi na rin kay Sooyoung na ngayong wala na ako, sana ay makahanap pa siya ng taong kayang patahanin siya sa tuwing nasasaktan siya. Kung pwede sana Hyoyeon, maging ikaw yung tao na yun. Isang pabor lang hihingiin ko Hyoyeon, wag mo ng saktan si Sooyoung."

 

Tiningnan ko naman si Sooyoung nahanggang ngayon ay yakap-yakap si Seohyun.

 

Paano pa magiging si Hyoyeon iyon? 

 

Kung parehas naman silang nawala na saamin?

 

"Sino pa ba? Yoona? Yuri? Seohun? Tiffany? Yung dalawang maknae ng grupo at dalawang mamatay-matay sa'yo? 

 

Wala naman akong dahilan para humingi ng tawad pero hihingi pa rin ako. Humihingi ako ng tawad sakanilang apat dahil hindi ko sila nabigyan ng sapat na oras para maging close kami, hindi ko sila nakita. Humihingi ako ng tawad dahil alam kong kailangan kong humingi dahil kung kelan wala na ako dito sa tabi niyo tsaka ko lang narealize yung presensiya nilang apat."

 

Si Tiffany na naka upo sa sahig at nakatungo ay biglang iniangat ang tingin niya saakin ng marinig niya ang pangalan niya. Si Yuri na hanggang ngayon ay nasa tabi ni Hyoyeon napatingin na lang saakin. At yung dalawang maknae ay nakatungo lang ay kitang-kita mo ang pag tulo ng mga luha nila papunta sa sahig.

 

Ito ba ang gusto kong grupo? Ng dahil saakin, nag kaganito kami.

 

"At sa'yo. humihingi ako ng tawad. Humihingi ako ng tawad dahil hindi ko ito nagawa nung umpisa pa lang. Humihingi ako ng tawad dahil ngayon ko lang 'to sinabi kahit na alam kong hirap na hirap ka na diyan. Humihingi ako ng tawad dahil hindi ko alam. Ang pakiramdam ko sa sobrang dami ng kasalanang nagawa ko sa'yo ay hindi ko na alam kung ano ba ang mga dapat kong hingian ng tawad.

 

Sorry dahil hindi ako naging perpektong bestfriend para sa'yo.

 

At kahit na ngayon wala na ako, gusto ko lang sabihin sa'yo na mahal kita bilang bestfriend 'ko. Kahit parang ang kapal ng mukha kong gumanito sa'yo lalo na't hindi naman ako ang orihinal mong bestfriend. Gusto ko paring iparamdam sa'yo na hanggang sa huli nandito ako para sa'yo."

 

Bestfriend? Ano ba ulit sabi ko sa bestfriend? Iiwan ka lang rin nila.

 

Kung tutuusin naiintindihan ko naman na kung bakit nga ba mas pinili ni Hyoyeon si Sunny. Mas nag kakasundo sila ni Sunny, hindi tulad 'ko.

 

Pero pinili ba talaga niya si Sunny? O ako lang talaga ang nag taboy kay Hyo?

 

"Gusto kong sabihin sa lahat ng myembro na mahal ko sila. Lalo na si Jessica. Kahit na inagaw ko sakaniya ang bestfriend niya hindi para siguro nag bago ang tingin niya saakin. Gusto kong sabihin sa lahat ng myembro na mahal ko sila dahil kahit na baguhan lang ako natutunan niyong tanggapin ako."

 

Naramdaman ko yung sakit sa dibdib ko ng mabasa ko yung pangalan ko. Kahit na ganito ang pag kakasabi niya, aaminin ko namang sobrang nag bago ang tingin ko sakanilang dalawa. At dahil dun, nag sisisi ako.

 

"Huli na 'to Hyoyeon, hindi na ito baka maging huli. Huli na talaga 'to. Titigil na ako dito dahil hindi ko na kaya, hindi ko na kayang mag sulat pa dahil nang hihina na ako. Pasensya na sa mga luhang pumatak."

 

Tiningnan ko ang papel, puro patak nga naman ito ng luha na natuyo na.

 

Tiningnan ko naman silang lahat at sinenyasang pumunta silang lahat sa tabi ko. Agad naman silang tumabi saakin.

 

At bakit ko sila pinapunta? Dahil sa mga nabasa ko.

 

"Paalam Hyoyeon, paalam Girls' Generation."

 

Paalam Sunny.

 

"Sabayan niyo nga ako,"

 

Nag tinginan naman kami at hinintay ang lider naman na manguna.

 

"OT9 Saranghaja!" Binasa naming lahat ang naka sulat sa mensahe ni Sunny.

 

Nakita ko naman na ngumiti saamin si Taeyeon at kitang-kita na masaya siya.

 

"Yeongwonhi!"

 

Sigaw ni Taeyeon saamin.

 

Namiss ko yang salitang yan.

 

"So Nyeo Shi Dae!"

 

Lahat naman kami sumigaw.

 

"Lee Sunkyu."

 

Pag tatapos ko ng mensahe ni Sunny.

 

*

 

Nandito kaming pito ngayon, sa harapan ng puntod ng dalawa naming yumaong myembro. Nalaman na rin ng media ang tungkol sa nangyari, hindi naman kami tinanggalan ng trabaho at ang sabi ay mag dadagdag sila ng myembro pero lahat kami umayaw. Wala ng makakapantay pa kay Hyoyeon at Sunny.

 

Linggo na rin ang lumipas simula ng yumao silang dalawa. Hindi pa rin naman kami nakaka move-on sa nangyari pero lahat kami pinapakita naming masaya kami dahil alam naman naming nakikita kami ni Hyoyeon at Sunny ngayon.

 

Pero bilang nag iisang taong hindi na nakahingi ng tawad kay Hyoyeon, ay hindi ko makakaila na nakikita pa rin nilang malungkot ako. Sobrang lungkot ko.

 

Dahil nahuli na ako, hindi na ako naka hingi ng tawad sa kaibigan ko. Hindi ko man lang nasabi na kahit anong nangyari o mangyari ay siya pa rin ang tinuturing kong bestfriend ko. At dahil dun ay nag sisisi ako.

 

"Jessica unnie, ngumiti ka naman." 

 

Nag aegyo saakin si Seohyun at dahil minsan lang mag aegyo si Seohyun napangiti niya rin ako.

 

"Ayan unnie! Mas maganda ka kapag naka ngiti! Mukha kang teacher pag naka simangot ka!"

 

Hindi ko kasi kayang ngumiti. Pero paano ko sasabihin 'to kay Seohyun.

 

Alam ko namang maganda ako, pwede ba.

 

"Hoy maknae, kung hindi ka lang maknae papatulan talaga kita." Pananakot ko naman sakaniya.

 

Pero kilala ko na sila, hindi naman sila natatakot sakin. Kay Hyoyeon at Taeyeon lang.

 

At sa pag iisip ko pa lang kay Hyoyeon, nalungkot muli ako,

 

"Jung Sooyeon, kung malungkot ka satingin mo matutuwa bestfriend mo?" Bulong naman saakin ni Taeyeon.

 

Tama naman si Taeyeon, hindi matutuwa si Hyoyeon nito saakin. Bakit ko pa kailangang maging malungkot?

 

Ngumiti naman ako ng totoo ng makita kong lahat sila ay nakatingin saakin at naka ngiti. Ito ang totoong SNSD pero wala nga lang yung dalawa.

 

"Gutom na ako! Unnie yung ginawa mong rice roll, nasaan na?!" Sigaw ni Sooyoung kay Taeyeon.

 

Kinuha naman ni Taeyeon ang baunan na pinag lagyan niya ng mga rice roll at isa-isa kaming binigyan.

 

Ng makuha ko ang akin ay lahat sila naka ngiti ng misteryoso saakin.

 

"Ano?"

 

Irap ko naman sakanila.

 

Ano bang masama sa ginagawa ko?

 

"Kain ka na unnie." Pag lalagay naman ng rice roll na hawak ko sa bibig ko ni Yoona.

 

Nginuya ko ng nginuya ang pag kain.

 

Masarap naman kaso bakit parang may nalalasahan akong iba?

 

"Ayan na!"

 

Sumigaw naman si Taeyeon sa tabi ko.

 

Anong ayan na?

 

Napatingin naman ako sakanilang anim at nakita kong nag sipag tayuan na sila.

 

Pero ako ngumunguya pa rin.

 

Ng malaman ko na kung ano yung nalalasahan ko.

 

"Takbo!" Sigaw naman ni Sooyoung.

 

Kumuha naman ako ng plastic para idura ang nakain ko.

 

"Bakit may pipino Taeyeon?!"

 

At kahit na nagagalit ako, tinatawanan lang nila ako.

 

*

 

HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. 

 

Creepy ko ba?

 

Author's Note yan lol.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
-ClvnnJl- #1
Chapter 36: Grabeeee naiyakk ako dito! Walang warning na ganto kasakit ahh. Pero ano 'yong ibig sabihin no Jessica na "How 'bout losing one" pa? Please continue authornim huhu. Supporttttt!
girlwhocriedwolf
#2
Chapter 36: okay. napaiyak ako dito. akala ko magiging okay na lahat. wHYYYY. ang cute ni gd at hyo, sa sobrang cute nila gusto ko sanang maging totoo nalang sila omg. daming twists and everything. the best! ang ganda ng story sobra. kaloka yung last one, naisip ko yung pag alis ni jessica sa snsd.
Angah_F2 #3
Chapter 35: it really good..hope you could make in english version..because google translate is hard to understand