18.

Life of Kim Hyoyeon

18. Truth III

 

Isang mahinang pag hinga ang naririnig ko sa gilid ko. Nagising rin ako dahil rito. Alam kong gabi na rin, at mula kaninang umaga ay hindi ako kumain. Wala rin kasi akong gana. 

 

Iba ang simoy ng hangin, mas lumamig ito kaya't alam kong gabi na. Sa bawat pag hinga na naririnig ko, ay siyang pag pigil ko sa mga mata kong bumukas.

 

Panibagong pangongompronta nanaman ata ang mararanasan ko. Konting oras na nga lang bago maisagawa ang operasyon, tsaka nila ako kinompronta ng kinompronta.

 

Mula kahapon ay iyak narin ako ng iyak, kahit papaano nakakasawa na.

 

Ang kalmado ng pag hinga niya, mukhang tulog ata.

 

Iminulat ko na ang mga mata ko. Magiging ligtas naman siguro ang gagawin ko.

 

Inilinga ko ang ulo ko, sinusubukang wag magalaw ang taong nasa gilid ko. 

 

"Unnie." Mahinang sabi niya.

 

Akala ko ba tulog siya?

 

Lumingon ako sa kaliwa ko, kung saan ko narinig yung boses na pinanggalingan ng salitang narinig ko.

 

"Wag ka mag alala, hindi kita tatanungin ng kung ano-ano. Mag pahinga ka na lang muna." Mas lumalim ang boses niya.

 

"May gusto ka bang tanungin?" Mahina ko ring tanong.

 

Gusto kong malaman yung mga bagay na gusto niyang malaman. Hindi ko kayang ganituhin si Seo. Paborito ko man si Yuri pero si Seo, iba siya sa lahat. Ibang iba siya kay Sooyoung.

 

"Mag pahinga ka na lang muna. Alam kong hindi mo pa kaya." Malumanay niya pa ring sagot saakin.

 

Bakit ba hindi ko napansin na si Seohyun yung kasama ko dito kanina pa.

 

"Ngayon na maknae." Utos ko naman.

 

Gusto ko ring malaman niya yung mga bagay na pinag tataka niya dahil si Seohyun yung kausap ko. Hindi ko kakayanin kung makita ko ring nahihirapang umintindi si Seo. Kailangan niyang maintindihan ang sitwasyon dahil dapat umpisa pa lang ipinaintindi ko na sakaniya.

 

Dahil malamang, nahihirapan siya sa nangyayari. Siya ang pinaka bata, inaasahang may kakampihan siya.

 

"Gusto mo ba talaga?" Wala akong narinig na unnie sakaniya.

 

Itinango ko ang ulo ko, senyales na gusto kong malaman yung mga itatanong niya.

 

Agad niya rin naman naintindihan at huminga ng malalim. Nakita kong bumuka ang bibig niya pero wala akong narinig na kahit na anong tunog.

 

Bumibilis ang tibok ng puso ko, kasabay ng pag galaw ng mga mata ko papunta sa kinalalagyan ng mga mata niya.

 

Inaninag ko ito kahit na may pag ka madilim ang kwartong kinauupuan namin.

 

"Bakit-" Agad siyang napatigil sa sasabihin niya.

 

Inaninag ko ulit ang mukha niya.

 

May luhang tumulo galing sa mga mata niya. Kasabay rin ng pag lunon ng laway niya na naging dahilan ng pag tigil ng kanyang pag sasalita.

 

Napaupo agad ako dahil sa panic na naramdaman ko, maski si Seohyun umiiyak na rin sa nangyayari.

 

"Ikaw, bakit? Bakit inilihim mo? Bakit ganito?" Mahina niyang bulong.

 

Pinunasan niya ang mga luhang tumutulo sa pisngi niya. Gaya ng sabi ko, ayokong nakikita silang umiiyak. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, kung dapat bang sabihin ko yung totoo o baka dapat sisihin ko nanaman ang sarili ko dahil tulad ni Soo, iniidolo niya ako, pero kailanman hindi ko magawang ibalik iyon.

 

Pero mag kaiba sila ni Sooyoung. "Inilihim ko kasi gago ako Seohyun. Kasi ako sainyo." Mahinang daing ko.

 

Hindi ko alam kung tama ba itong mga sinasabi ko, pero kailangan ito.

 

"Ako ang sumira ng pangarap mo, kaya sisihin mo ako hangga't gusto mo." 

 

"Hindi ito tama unnie. Hindi ka ganitong tao, iba ang sinabi ni Tiffany unnie saakin kanina. Hindi ganyan!" Umiiyak nanaman siya.

 

Iniiwas ko na ang tingin ko sa mukha niya. Ayokong makita yung ganong mukha. Yung mukhang nag mamakaawa, ayaw na ayaw kong makita muli iyon.

 

"Satingin mo ba nag sisinungaling ako? Ano ba sinabi ko sa Strong Heart? Hindi ba't nasira ko na yung pangarap mo?" Humarap muli ako sakaniya.

 

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko, at makikita mo na rin ang pag pula ng pisngi, ilong at mga mata niya.

 

"Bakit ba ang sama mo?!" Isang malakas na sigaw ang narinig ko galing sakaniya.

 

Itong mga salitang ito ang gusto kong marinig galing sakaniya. Gusto kong kamuhian niya ako, dahil ako lang naman yung taong hinahangaan niya na sumira ng pinapangarap niya.

 

Pero bakit ang sakit? Hindi ba't ako naman ang pumili nito? Hindi ba't ako ang nag pasya na piliin na kagalitan niya ako kesa kampihan niya ako?

 

"Pasensiya na Joohyun. Hindi ko natupad yung pangarap mo ah." Tumulo na rin ang luha ko.

 

Kahit na gusto kong pigilan ang pag tulo nito, hindi ko maiwasan. Sobrang sakit na ng nararamdaman ko. Pero hindi ba't mas masakit ang nararamdaman niya?

 

"Bakit mo pa ako pinaasa? Bakit?" Tumungo na siya at sinimulang humagulgol.

 

Unfair naman kasi talaga ang mundo.

 

"Kasi nga gago ako, kaya pinaasa kita maknae. Hindi ako yung unnie na inaakala mong ako."

 

Naramdaman kong umikot ang mukha ko papunta sa kaliwa. Sa lugar na kinalalagyan niya. Hinawakan niya ang mukha ko at iniikot ito papunta sakaniya.

 

"Tingnan mo ako unnie, tingnan mo ako!" Tumulo nanaman ang mga luha niya.

 

Hindi ko na rin napigilan ang mga luhang nag uunahang pumatak sa pisngi ko. Tumulo na rin ang mga ito, kasabay ng pag pikit ko.

 

"Unnie please, tingnan mo ako." Nag mamakaawa niya nanamang sabi.

 

Eto nanaman, nag mamakaawa nanaman siya. Palagi na lang.

 

Ayoko mang makitang nag mamakaawa siya, pero para matapos na, iminulat ko ang mga mata ko at tumitig sa mga mata niya. Sa tatlong segundong pag tititigan ay hindi ko rin kinaya.

 

Hinila ko siya at niyakap. Hindi ko rin pala kayang makipag matigasan sakaniya.

 

"Unnie, anong nangyari sayo? Hindi ka ganito." Pinalo niya ang dibdib ko.

 

"Maknae, bakit ba hanggang ngayon naniniwala ka saakin?" Himas ko rin ng mga buhok niya.

 

"Ang sabi mo saakin noon, mag tiwala ako sayo. Ang sabi rin ni Tiffany unnie, mag tiwala ako sayo." Inilayo niya ang katawan niya sa pag kakahawak ko.

 

Umiiyak pa rin siya, tulad ng kanina. Naawa nanaman ako sa mukha niya. "Bakit hindi mo ko pinigilan? Bakit hinayaan mo lang ako na sundin ko si Taeyeon unnie?" Naka tungo nanaman siya.

 

Akala ko pa naman tapos na yung pangongompronta. Sabagay, paano nga naman matatapos. Hindi niya nakukuha yung mga sagot na gusto niyang marinig mula saakin.

 

"Kasi diba, ito yung pangarap mo. Hindi naman ako yung klase ng unnie na hinahangaan mong sisira ng pangarap na yun." Mahina kong sagot sa katanungan niya.

 

"Pero sa huli, sinira ko rin." Tumawa ako ng mahina.

 

Totoo naman lahat, ito yung pangarap niya. Ayoko ng makita muli siyang mag makaawa kay Taeyeon na ipasok siya sa grupo na ito. Ayoko ng makita muli siyang umiiyak, nag lulumpasay sa gilid ng dahil lang sa pinapangarap nyang makapasok sa grupo na to. Ayoko na.

 

"Ikaw ang nag tupad ng pangarap na iyon unnie, kaya handa naman akong ipaglaban ka." Tumulo nanaman ang luha niya. Pero agad-agad niyan rin naman ito pinunasan.

 

"Yun na nga eh Joohyun. Ako ang nag tupad kaya bakit ko pa kailangang sirain?" Isang katotohanang hindi ko na napigilan itago.

 

Umpisa pa lang, namimili na ako, kung ililihim ko ba o hindi. Na brain wash na rin kasi si Seohyun nila Taeyeon, pero buti na lang bumalik ito sa normal. May isang beses na tinawag niya na rin akong , pero hindi niya naman kasalanan iyon. Okay lang saakin.

 

Kung ililihim ko, balang araw sasabog na rin yung nararamdaman ko at baka ako mismo yung maging dahilan ng pag kasira nito. Tulad noong shooting ng Strong Heart. Sa sobrang sakit na kasi ng nararamdaman ko hindi ko na kinaya.

 

Kung sakaling pinili kong sabihin sakanila, syempre may tiyansang kampihan ako ng iba sakanila, kaya baka magalit ang may pasimuno at isisi lahat saakin. At pag nangyari yun, tulad ng nauna kong sinabi, baka sumabog na ko sa bigat ng nararamdaman ko.

 

"Okay lang naman saakin kung masira na unnie. Matagal na rin naman ito sira." Umiwas siya bigla ng tingin saakin.

 

"Paanong matagal na?" Kahit na satingin ko alam ko na yung kasagutan sa tanong ko, may pakiramdam pa rin akong baka may hindi ako alam.

 

"Hindi ko alam kung kailangan ko ba ito sabihin sayo, lalo na sa ganyang kalagayan mo unnie." Mahinang sabi niya.

 

Iniangat niya ang ulo niya, habang pinipigilan niya ang pag tulo ng mga luha niya.

 

Muli, nakita ko nanaman ang mukhang nag mamakaawa mula sakaniya. Ito ang ayokong makita sakaniya. Ayoko ng makita siyang nag mamakaawa. Ayokong makita siyang nasasaktan. Kasi ayokong gawin niya yung mga bagay na matagal ko ng ginagawa.

 

"Sabihin mo lang Seo, okay lang saakin. Okay lang ako." 

 

"Yan ka nanaman eh, sasabihin mong okay ka. Pero sa totoo lang, hindi naman." Medyo tumaas na ang boses niya sa normal niyang tono.

 

"Okay nga lang ako, maknae. Makikinig ako sa gusto mong sabihin." Kailangan ko ring makinig sa problema niya.

 

"Dapat ko bang sabihin sayo?" Nang hihinayang niyang tanong.

 

"Okay lang." Sabay thumbs up ko sakaniya.

 

Eto nanaman ako eh, iniisip niya nararamdaman ko pero ako yung nag pupumilit na sabihin niya saakin kahit na alam kong baka masaktan din ako.

 

"Inaapi nila ako unnie." Para siyang batang nag susumbong.

 

Ng narinig ko yung salitang inaapi ay nag init agad ang ulo ko. Pati ba naman si Seo? "Kelan pa nangyari?" At sa lahat bakit si Seo pa?

 

"Sa tuwing wala ka. Lalo na nung nag kaaway tayong lahat." 

 

"Ano bang mga sinabi? Anong ginawa nila?" 

 

"Kasalanan ko bang mag hangad unnie? Kung ayaw saakin ni Taeyeon unnie, bakit kailangan pa niya ako sabihan ng nag pipiling?" Umiiyak nanaman siya.

 

"Katulad nila, gusto kong kumanta. Mali ba yun?" Ayokong tingnan ang mga mata niya. Ayokong makitang ganyan siya.

 

"Mali bang umasa na baka sa mga susunod na taon ng pag sali ko ay matatanggap na nila ako?" Kasalanan ko ba? Kung bakit nag kakaganyan siya?

 

"Ano bang wala ako para hindi nila ako sa tanggapin sa grupo na iyon?" Sa pag kaawa na naramdaman ko sakaniya ang dahilan, kaya ngayon nasasaktan siya.

 

"Joohyun, bakit ba sa lahat Girls' Generation pa?"

 

Nagulat siya sa tanong ko. Mula umpisa pa lang naman, wala akong alam kung bakit nga ba Girls' Generation ang napili niya.

 

Kung tutuusin dapat walo lang kami sa grupo, dapat si Seohyun ay para sa f(x) ngayon. Nang napasok siya sa SNSD ay baguhan pa lamang siya sa kompanya. Siguro mga nasa dalawang buwan na rin.

 

Nag mamakaawa siya kay Taeyeon na lider na namin ng panahon na iyon para makapasok siya. Bakit? Kasi hinayaan siya ng may ari ng kompanya namin na mamili ng isa myembro sa f(x) at gawin niyang pang siyam na myembro.

 

Ang balak talaga nila ni Jessica ay si Krystal. Gaya nga ng sabi ko ay dapat walo kami kaso nang hinging pabor si Taeyeon na baka pwedeng gawin kaming siyam para maipasok nila si Krystal.

 

Gustong gusto ni Seohyun saamin, sa hindi ko alam na kadahilanan. Ng makita ko siyang umiiyak at nag mamakaawa kay Taeyeon ay naawa ako. Nagawa niya na ring lumuhod sa harapan ni Taeyeon kaya't napag desisyonan kong isali siya sa grupo. Bakit? Kasi ako dapat ang lider ng grupo, ako ang pinili ng may ari ng kompanya. Pero dahil mas pinili ng mga myembro ng Girls' Generation si Taeyeon, inalisan ako ng karapatang maging lider.

 

Nung mga panahon na iyon ay nagawa ko paring ipasok si Seohyun sa grupo. 

 

"Tulad ng pag iidolo ko sayo, iniidolo ko rin si Taeyeon unnie. Siguro higit pa sa pag iidolo ko sayo." Isang makakatohanang sagot niya saakin.

 

Kasi nung mga panahon na iyon, takot pa siya saakin. Kasi nung panahon na iyon, kaya ko pa silang kontrolin.

 

"Sobrang iniidolo ko siya, kaya't napasunod niya ako. Sobrang iniidolo ko siya kaya't mas pinili ko siya kesa sayo."

 

Sabagay, wala namang masama sa ginawa niya. Katulad ng pag pabor ko kay Yuri, ganon din ang pag pabor na ginagawa niya kay Taeyeon.

 

"Hindi ko naman kasi alam na ganito pala unnie. Sa mga sumunod na taon, nawalan ako ng respeto sakaniya. Pero ikaw, hindi ka nag bago." Hinawakan niya kamay ko at lumapit saakin.

 

"Ng ipinasok mo ako sa grupo na iyon, inidolo na kita. Pero sadyang mas inidolo ko siya. Ang bait niya noon, hindi ko na alam kung anong nangyari ngayon unnie." Isa nanamang makatotohanang sagot niya. Hindi ko na rin kasi alam kung ano na nga ba nangyari ngayon kay Taeyeon.

 

"Ang galing-galing niya kumanta. Close siya kela Jessica unnie, kela Tiffany unnie. Pero sayo lang hindi. Pero kahit na ganon, inidolo ko parin siya. Kahit na alam kong ayaw nila sayo, siya pa rin yung iniidolo ko." Halata na rin pala niya yung pag aayaw saakin ni Taeyeon?

 

"Akala ko kasi, bilang ako yung pinaka bata, magiging close ako sakaniya. Sakaniya ko maibubuhos yung mga problema ko. Yun pala hindi, sayo pala. Hindi ko agad narealize. I'm sorry unnie."

 

"Okay lang, naiintindihan ko naman."

 

"I'm sorry unnie, sa lahat. Na kahit sinbihan kita ng masasakit na salita, pinapakinggan mo pa rin ako. Sana umpisa pa lang talaga, narealize ko na iyon." 'Ang mo kasi unnie.'

 

Biglang pumasok sa isipan ko ang salitang binitiwan saakin ni Seo. 

 

"Wala namang problema, okay lang saakin. Gusto ko rin kasi ng eksplenasyon sa lahat. Lagi naman ako nandito para pakinggan ka. Kayo." Pero kahit na ganon, hinayaan ko na lang, hindi ko na pinatulan. Hindi naman kasi ganoon ang pag kaka kilala ko kay Seo.

 

Niyakap niya lang ako at patuloy na umiyak. Kahit papaano, naiintindihan ko na rin yung nararamdaman ni Sooyoung. Na kahit gaano mo siya ka paborito, hindi niya kayang ibalik yung pag hangang meron siya para sayo.

 

Tulad kay Seo, hindi maibalik ni Taeyeon yung pag hangang meron siya kasi hindi naman kasi talaga nila gusto si Seo. Ako ang nag insist, ako ang nag pumilit. Kaya ako ang dapat sisihin kung bakit ganito ang nararamdaman ni Seo ngayon.

 

Kung bakit nasasaktan siya ngayon. Kasi ako naman talaga ang may kasalanan, kung hindi ko siya ipinasok sa grupo edi sana mas payapa ang buhay niya kasama f(x), lalo na't close naman siya sakanila.

 

Sana umpisa pa lang, inalam ko na yung may posibilidad na mangyari. Sana hindi na siya ngayon nasasaktan.

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
-ClvnnJl- #1
Chapter 36: Grabeeee naiyakk ako dito! Walang warning na ganto kasakit ahh. Pero ano 'yong ibig sabihin no Jessica na "How 'bout losing one" pa? Please continue authornim huhu. Supporttttt!
girlwhocriedwolf
#2
Chapter 36: okay. napaiyak ako dito. akala ko magiging okay na lahat. wHYYYY. ang cute ni gd at hyo, sa sobrang cute nila gusto ko sanang maging totoo nalang sila omg. daming twists and everything. the best! ang ganda ng story sobra. kaloka yung last one, naisip ko yung pag alis ni jessica sa snsd.
Angah_F2 #3
Chapter 35: it really good..hope you could make in english version..because google translate is hard to understand