Music 21, Mami't Pares at Iba Pa

Pag May Alak, May Balak

After a few more minutes, dala dala na niya yung bag niya at magkasunod na kaming nagfinger sa biometrics at nagantay na naman ng libreng elevator. Maayos naman kaming nakababa sa ground floor at dahil tapos na din silang magyosi, nasa parking na sila nagaantay. Wala palang dalang kotse si boss dahil coding daw kaya nagoffer na akong isabay.

Nang makalapit na sa grupo medyo nagulat pa din sila ng makitang kasama kong naglalakad ang aming tl. Hindi sila makahirit dahil mejo nahihiya pa sila pero panigurado pag nakainom na ay mangaasar na yang mga yan. Wala ng filter mga bunganga pag may alak na. Kasabay ko sa kotse si tl, Seulgi, Lisa at Rosie at sa kabila naman at sina Jisoo, Jennie, Jeongyeon, Chaeyoung, at Mina. Susunod na lang daw yung iba pero minsan talk yung mga yun.

Nakarating na kami sa Music 21 at buti na lang ay nakapagpareserve na si Jeongyeon kaya dire.diretso na kami sa room. May kalakihan at pang kinseng katao yung nareserve kaya sakto lang sa amin. Ang blockings namin ngayon ay: Lisa, Rosie, Jennie, Jisoo, Chaeyoung, Mina, Jeongyeon, Seulgi, Irene and me.  Nagtitingin na sa menu sila Rosie, Lisa at Jeongyeon habang nililista ni ate girl yung mga order.

"Boss, ano trip mong inumin? Red Horse, San Mig Light o Pilsen?" tanong ni Chaeyoung na nakatoka sa pagsabi ng order ng alak.

"I'm good with any." Nag.okay sign na lang si Chaeyoung at sinabi na nga ang order na dalawang bucket ng RH at 2 bucket ng SML. Nang makuha nadin ang order sa pagkaen ay simula ng naglinya ng mga kanta sa videoke. Unang kumanta si Jennie ng Best Part ni Daniel Caesar na sinundan naman ni Chaeyoung ng Girlfriend ni Justin Bieber. Dumating na ang mga order at nagsimula ng kumaen at maginom. Sumunod namang kumanta si Seulgi ng Titanium ni Sia na sinundan ni Lisa ng Sure Thing ni Miguel.

"Boss baka gusto niyong kumanta. Sabihin niyo lang hahanapin namin" Tanong ni Mina habang naghahanap ng kakantahin niya.

Uminom sa baso na may lamang red horse at napaisip. Naisip ang usapang kpop kanina kasama si Wendy at binigay ang title ng kanta. Kumanta muna si Mina ng Almost is never enough ni Ariana Grande at nagplay na nga ang sunod na kanta which is yung sinabi ni boss.

Bumulong sa akin at nagsabing sabayan ko daw siya eh di go lang.

ojik naegeman pyeolcheojeo
ontong neoro nal muldeuryeo
nae mameul gadeuk chaeweo
Baby I will love you till kingdom come
kkumeseo kkaeji aneullae Baby
yeongweontorok I got you, you got me
Love you till kingdom come

At dun na nagsimula ang listahan ng kpop songs at pagdami ng alak.

Napadami ang order ng bucket at pulutan at labo labo na sa pagkanta. Paminsan.minsang lumalabas ng kwarto ang tropa para magyosi at ayun na nga sinimulan na akong asarin.

"Sweet niyo ni boss kanina ah. Ano ba ginawa niyo sa elevator at nakatulog siya? Pinagod mo noh?" Asar ni Lisa habang kumukuha ng panibagong stick ng yosi. Tawa na lang din yung iba.

"Gago ka! Nag.panic kami pareho pero mehn kinikilig ako." Sagot ko naman dahil nga alam naman nilang gusto ko yung tl namin.

"Pero seryoso, iba yung aura kanina pagbukas nung pinto ng elevator. Parang may something" Dugtong na tanong ni Seulgi.

Hindi ko naman na.gets kung ano yung something na sinasabi niya.  Pagkatapos ng tig.dalawang stick pumasok na ulit kami sa loob ng room at nagtuloy lang sa paginom at pagkanta. Nakita ko kung gaano na kapula yung tl namin pero mukhang game na game namang makipagsabayan sa inom at kantahan. Ayos ito!

Pagkatapos ng limang oras at walong bucket ng alak nagaya na umuwi ang iba. Keber na lang sa ambagan minsan lang din naman yun. Nagpasya ang iba na kumaen muna ng mami at pares and in fairness g pa din si tl. Okay naman pala siyang kasama. Tamang pampawala lang ng amats dahil magd.drive pa ako. Naisip kong ihatid si boss sa kung saan man siya nakatira kaya pinakiusapan ko si Seulgi na makisabay kina Jisoo, same way din naman at tsaka umuwi na din ang ibang kasabay niya kanina since ibang direksyon naman yung bahay. Hindi na nagreklamo si bespren dahil gets na naman niya. Katatapos ko lang kumaen at nakita kong nagbubukas ng grab app si tl so nilaksan ko na loob ko.

"Boss, hatid na lang po kita. Sayang lang pera mag.grab may sasakyan naman" Nagulat na naman ata nung bigla akong nagsalita at muntik na niyang mabitawan yung phone niya.

"It's okay Wannie" Luh san galing yun? Shet may pa.nickname na sya sa akin. "Taga Las Piñas pa ako and ikaw malapit na lang dito."

Medyo nag.lag ako dun. Paano niya nalamang malapit lang bahay ko? Nagets niya ata yung pagkunot ko ng noo.

"I have all of your contact details that's why" Ay galing nabasa niya nasa utak ko.

Nakainom ako oo pero g pa ako magdrive kahit mag.baguio pa kami ngayon.

"I insist boss. Hindi kita titigilan. Hehe" Tinaasan ako ng kilay pero gumora na din siya sa offer ko. Pagkatapos magbayad nagpaalamanan na sa team at lumarga na kami. Pagstart ko ng sasakyan nilaksan ko muna yung aircon dahil napaka.init sa labas. Everyday summer sa Pinas.

Nung medyo okay na, inabot ko yung phone ko kay tl para ilagay sa Waze yung address niya. Simpleng galawan para malaman kung saan siya nakatira. Pagkalagay naman niya, ay nagsimula na akong magdrive. Hindi naman masyadong traffic dahil sabado pero sabi ni Waze, you will arrive in thirty minutes. Nagplay na lang ako music para hindi na naman awkward and nakita ko naman na nagtataas baba yung ulo nyang sumasabay sa tugtog. You can never go wrong with Paramore. Kasalukuyang tumutugtog ang peyborit kong Misery Business and nakikita ko through my peripheral vision na sumasabay siya sa pag.lip sync. Jive pala talaga tayo sa gusto sa music. Ayos!

Nagsalita na naman si Waze na ten minutes na lang daw and na.sad ako ng slight. Paglingon ko kay tl nakita kong tulog na siya. Tinamaan na talaga ng antok. Nakatigil na kami sa tapat ng isang itim na gate na siyang bahay ng magandang dilag na nasa tabi ko. Tinapik ko yung balikat niya at naalimpungatan siya at nakita na nakarating na kami sa kanila. Nagayos siya ng upo at tinanggal ang seat belt.

"Thank you sa paghatid Wendy. Kaya mo pa bang magdrive pabalik?" Tanong niya bago buksan ang bag para siguro kunin yung susi niya.

Hindi ko naman napigilang biglang napahikab bago ako nakasagot. "Keri lang boss. Kaya pa naman"

Tinaasan na naman ako ng kilay. "Gusto mo bang magcoffee muna? Or magnap sandali? Baka maaksidente ka sa gagawin mo eh kanina lang sa shift nakatulog ka na, lalo pa ngayong nakainom ka pa. Lika muna sa loob"

Nagkamot ulo na lang pero bigla akong kinilig pero syempre discreet lang. "Ugh sige po boss. Sabi niyo eh" So bumaba na kami ng sasakyan at isinuksok na niya ang susi sa gate at pinapasok ako sa kanyang bahay.

In fairness ang ganda ng bahay ni tl. Pinaupo niya ako sa may sala at nagpunta siya somewhere. Di ko na sinundan ng tingin baka isipin nun creep ako or something. Nilibot ng mata ko ang paligid at nakita ang mangilan.ngilang litratong naka.display. May nakakatawag pansing litrato sa medyo bandang likod ng table at dahil na curious ako nilapitan ko na at nakita ang litrato niya na may kasamang lalaki. Wedding photo pero parang hindi masaya yung itsura ni tl sa picture. Or ang concept nung photo ay pang.teleserye lang o kaya pang.model ng tronix. Natawa na lang ako sa isip ko pero kahit hindi palaging ngumingiti si tl ang ganda ganda pa din talaga niya. Tinignan ko pa ang ibang mga nka.display na picture at nakita ko yung family photo nila. Nakwento nga niya kanina nung nasa elevator kami na may nakababata siyang kapatid, Yeri ata yung pangalan. Yung parents naman niya naka.base sa South Korea. Dun din siya pinanganak pero nung panahon daw na medyo naghirap sila eh pinadala siya dito para magaral at sa Tita niya na siya lumaki. May ibang mga litrato pa pero hindi ko na masyadong natignan kasi narinig kong pabalik na siya kaya bumalik ako sa pwesto ko sa couch.

May dala.dala siyang isang tray na may dalawang mug at umuusok. Ipinatong sa lamesa at umupo sa tabi ko.

"Magkape ka muna Wendy" wika niya so inabot ko naman yung isang mug, hinipan ng konti tapos nag.sip. Lakas maka.caramel macchiato ng Starbucks. Paborito ko pa naman yun.

"Boss magisa ka lang nakatira dito?" Tanong ko kasi ang tahimik na naman.

Uminom din siya sa sarili niyang mug tapos sumagot. "I used to live with my sister but she chose to live on her own. We don't really get along." Tumango lang ako habang umiinom ulit ng kape.

"Boss I hope you don't mind me asking ha. Curious lang din ako, may nakita kasi akong wedding picture"

Tumingin siya sa direksyon kung saan nakalagay yung mga picture frames tapos parang iritable yung itsura.

"Ah yeah. I was married. Arranged and I guess it's already obvious why I wasn't smiling. But that was years ago."

Oh. Asan kaya na kaya si sir? May itsura naman siya and mukhang bagay naman sila.

"Lasted a year before I decided to cut all ties. I don't plan to spend the rest of my life with someone who I don't really have feelings with."

"May point ka naman dun boss. Kung sabagay kung ako yun hindi din ako papayag na ipakasal lang kung kanino. And I don't really swing that way. I mean no boys allowed ang peg ko." Sagot ko sabay tawa, napangiti naman si tl so kinilig na naman ako ng slight.

"I know." Ay obvious na ba ako? O kasi tropa ko puro ganun din? Paubos na yung kape pero ayoko pang umalis pero nahihiya din naman akong mag stay ng matagal. Alam ko din naman gusto ng matulog ni tl since dalawang beses na siyang naka.nap kanina. 

With a heavy heart, I finished my drink. Bumuntong hininga at ibinaba ang mug na wala ng laman.  Chineck ko ang oras sa aking relo at nakitang mag.aalas dose na pala ng tanghali. Pakshet ang init nito lalo.

"Boss, una na ako ha. Salamat sa pa.kape mo. Pahinga ka na din po. Daming ganap ngayon eh. Hehe" Medyo sumimangot si tl. Luh bakit may ganun? Does she still want me to stay? Cause I will forever if she wants. Char.

Tumayo na siya so tumayo na din ako. Checking if wala naman akong naiwan pero secretly hoping na meron para may excuse para makabalik dito, nagsimula na kaming lumabas ng pinto. Bubuksan ko na sana yung gate pero natigil ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.

"Thank you ulit for today Wannie ha." Curious talaga ako bakit may pa.nickname na ganun pero I'm not complaining. "Ingat ka sa pagdrive mo and let me know din pag nakauwi ka na"

Dala na ding may alak pa ang sistema ko, biniro ko ulit siya. "Baka gusto mong magstay pa ako boss. Pwede naman" Sabi ko sabay ngiting pangasar.

Tinignan niya ako ng seryoso. Ay shet bad joke.

"Only if you want too as well"

Oh my gaaaaadddd ano ito?? Madali lang akong kausap.

So hindi na nga ako umuwi dahil pumasok na ulit kami sa loob…

 

 

 

 

 

Papunta sa kwarto niya.

 

 

 

 

A/N: Thoughts anyone?

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
chaelisa_chaelisa
Twitter: @chaelisachaeli2

Comments

You must be logged in to comment
shadowhunter1640 #1
Chapter 63: Author, one question. WHERE ARE YOU NOW?

You still need to continue this story. Hope you'll come back.
winrina__09 #2
❤️❤️❤️
avocado_toast #3
Chapter 63: Iba pa rin talaga sa feeling kahit na ilang beses ko na 'tong nabasa. Nakakatuwa pa rin balikan yung buhay ng magbabarkada.
avocado_toast #4
Chapter 63: Iba pa rin talaga sa feeling kahit na ilang beses ko na 'tong nabasa. Nakakatuwa pa rin balikan yung buhay ng magbabarkada.
son_seung_wanni
#5
Chapter 63: ugh wish you were gay 😩
juhyuneeeee
93 streak #6
Chapter 62: thank you sa update authornim mej sumaya ako kahit papano knowing na ok na jensoo here 😭
mellifluouswan
1701 streak #7
Chapter 61: parang ang daming nangyari sa last updates pero ang sakit sakit sa jensoo huhuhuhu jennie uwi ka na kay jisoo fles
markaxel
#8
Chapter 61: Jensoo 😭😭😭
juhyuneeeee
93 streak #9
Chapter 61: hala jensoo why?! 😭😭😭
speac_sci
#10
Chapter 60: nginang yan🤦 okay na eh, masaya na lahat. anyare sa jensoo? may proposal ng magaganap eh. ny*ta naman😡