Antukin

Pag May Alak, May Balak

“Hoy! Matulog ka na. May shift  pa mamayang gabi. Wag kang makarekla-reklamong inaantok ka. Nauubos oras mo kakabasa jan sa mga fanfic na yan. Ang lakas mo pa tumawa akala mo siya lang andito. Bwiset!" sigaw ng aking mabuting kaibigan na si Seulgi na nagising sa kabilang kwarto dahil sa tawa ko.

Alas kwatro na kasi at gising pa din ako to think na may shift pa kami mamayang 8PM. Pareho kaming nagtatrabaho sa isang BPO sa may Makati kaya night shift ang oras ng pasok. Tuwang tuwa kasi ako sa nakita kong fanfic tungkol sa mga gusto kong kpop group. Patapos na din naman ako sa chapter na binabasa ko kaya tinigil ko na ang pagbabasa. Sin-et ang alarm, chinarge ang phone at lumabas saglit para magyosi. Ritwal ko ng manigarilyo pampatulog. Ewan ko din kung bakit pero dun na ako nasanay. Pagkaubos ng dalawang stick ng Marlboro Lights, uminom ako ng warm water, nagsipilyo at nahiga nadin ako. Pareho naman kami ng shift ni Seulgi so kahit di ako magising sa sarili kong alarm, alam kong gigisingin niya din ako. Lab ako nun eh and kotse ko din naman gagamitin namin pagpasok so keri na.

Ang ganda na nung panaginip ko eh, nagpunta daw ako ng Canada para sa birthday ko tapos naswertehan kong makita yung leader ng Red Velvet. Nakita ko siyang paikot-ikot, parang nawawala. Eh alam ko din talaga na hindi siya magaling sa directions (nasubaybayan ko yung Level Up Project nila sa Thailand) kahit may mapa ng hawak di pa din niya nagets kung saan siya dapat pupunta and alam ko din hindi siya magaling mag.English kaya tinulungan ko na. Sakto lang din naman yung kaalaman ko mag.korean dahil nga nahilig ako sa kpop kaya I invested time para aralin yung language. And nakatulong naman siya dahil my gaaaad Bae Joohyun yun eh talagang lalapitan ko siya, minsan lang ito mangyari. Nagpakilala ako and stuff tapos sinamahan ko siya sa kung saan siya dapat pupunta. She thanked me and all tapos akmang hahalik sya sa pisngi ko pero pucha nitong si Seulgi, binato ako ng unan sa mukha at yun ung humalik sa akin at nanggising. Bwiset talaga!

Nagayos na ako ng sarili. Kahit dalawang oras lang yung tulog ko maganda naman panaginip ko. Malapit lang naman kami nakatira sa office, mga twenty to thirty minutes depende sa traffic pero dahil ayaw namin parehong nagcocommute, naisip ko ng magloan ng sasakyan. Second hand lang pero saks na. At least hindi na namin kailangan makipagsiksikan sa bus or sa jeep. Takot lang din namin ma.hold.up since panggabi nga pasok namin. Nakarating kami sa office na may unting oras pa para pumetiks. So pagka.set up ng tools, baba muna sa smoking area kung saan andun din yung iba naming team mates na sina Lisa, Jisoo, Chaeyoung and Jeongyeon.

"Sup mga tol?" Bati ko sa kanila at nagtunguan naman sila. Biyernes ngayon at saktong payday so malamang sa malamang may inuman pagkatapos ng shift. Hindi na kailangan itanong yun sa kanila dahil 'matik na. Tamang kwento kwento tungkol sa mga araw nila tapos umakyat na ulit kami. Buti na lang hindi kyuwing. Ramdam na ramdam ko na kasi talaga yung antok. Minessage ko yung tropa ko sa work force at tinanong kung ilang minutes yung avail, sabi twenty minutes daw dahil holiday sa isteyts. So sakto naman since katatapos ko lang sa call, nasa dulo pa ako ng queue. Sinabihan ko si Lisa na gisingin ako pag may padaan na tl at um.oo naman siya kasi ganun din naman gngwa niya. Inayos ko yung pwesto ko at pinikit ko na yung mga mata ko. Nagising ako bigla ng naramdaman kong may tao sa likod ko. Anak ng tokwa yung tl ko pala! Tumingin ako sa tabi ko at nakita kong nasa call si Lisa kaya pala di ako nagising. Kainis.

"This is not the place nor the time for you to sleep Wendy. Not because there's avail, doesn't mean you can sleep. We'll have coaching later." sabi ng aking masungit na tl at tumango na lang ako. Pagka.alis niya minessage agad ako ng tropa sa group chat at tamang nangasar.

Seulgi: Tulog pa more. :)
Jisoo: Sira ka talaga Wendy. Kanina ka pa ginigising ni Boss Irene.
Lisa: Sorry mehn. Long call eh. Di ko napansin.
Me: Kung siya naman manggigising sa akin palagi pwede na.
Seulgi: Siraulo!

Dumating ang lunch time at sabay sabay kaming nag.sitayuan sa station namin. Nagfinger kami sa biometrics tapos antay ng elevator. Pang.sampuan lang yung pwedeng maisakay ng lift (ay sosyal) at sakto naman kaming nagaantay sa kaisa.isang pwedeng magamit na elevator. Dahil mas unti ang tao sa gabi kaya tipid mode sa elevator na gagamitin. Pagdating ay nagsipasukan na sa loob pero nung papasok na ako biglang tumunog yung warning na overloading na daw. Tinawanan lang ako ng mga gago. May iba pa pala kasing nakasakay galing sa ibang floor di ko lang napansin kasi nakatuon na yung atensyon ko sa binabasa kong fanfic. Di pa naman ako sobrang gutom kaya sabi ko sunod na lang ako sa napagusapang kakainan.

Habang nagaantay may mga lumabas pang ibang agents galing sa loob ng production floor pero hindi ko din pinansin. Nang dumating na yung elevator ulit, pumasok na kami at pinindot ung ground floor. Nasa 20th floor kami at medyo mabagal yung galaw ng elevator. Mejo siksikan kaya magkakadikit yung mga balikat namin. Nakaamoy ako ng isang napakabangong halimuyak, parang yung sa commercial ni Pia ng Downy at sinundan ko yung pinanggagalingan nung amoy at nagulat ako na sa katabi ko lang pala.

Luh si Boss Irene pala katabi ko. Paking teyp ang bango! Hindi na ako makapag concentrate sa binabasa ko at natameme ako. Tamang scroll na lang sa social media ginawa ko. Tatanong ko sana kung ano pabango niya pero syempre nahihiya ako. May ilang lumabas na sa 10th floor dahil may pantry din kami dun at kami na lang dalawa ang naiwan sa loob. Pagsara ulit ng pinto ay may bigla namang may malakas na tunog at bigla na lang nagdive yung elevator na sinasakyan namin pababa. Napahawak kami paraeho sa railing. Hindi naman ganung kabilis para ikamatay namin, tamang sudden drop lang. Kinabahan ako pero usual na yun na nangyayare dahil mejo luma na yung building. Siguro mga ilang beses na din kaming napunta sa ganung sitwasyon pero kadalasan kasama ko ang tropa kaya tamang laughtrip lang kami hanggang maayos ng maintenance. Pero sa pagkakataong ito, eh kaming dalawa lang ni tl ko yung nasa loob. Siyempre para sa akin ayos yun kasi matagal ko ng crush yung masungit naming tl pero bakas ang takot sa mukha nito nung tinignan ko siya.

Agad naman akong pumindit sa emergency button at hindi ko alam kung ikatutuwa ko bang walang sumasagot. I can see her panicking kahit di siya nagsasalita kaya naman para slight na mawala yung kaba niya kinausap ko na.

"Boss, kalma lang tayo ha. Normal na po ito. Luma na din kasi yung building" sabi ko pero parang walang epek sa kanya kasi ang bilis na ng paghinga niya. Eh di dun na ako mejo nagpanic. Hala aatakihin pa ata siya. Nagtry ulit akong pindutin ung emergency button pero wala pa din sumasagot. Chineck ko kung may signal ung phone ko and of course wala. Galing.

Lumipas ang sampung minuto wala pa din sumasagot kaya naman naisip kong paupuin na lang muna siya habang i.attempt kong buksan ung pinto. I know I'm small pero may muscles naman ako noh. Hinubad ko yung hoodie na suot ko at nilatag sa floor, nakakahiya din namang paupuin sa maduming floor si tl. Ilang beses na akong nagpipipindot pero wala pa ding nangyayare. Nauubos na oras ng lunch ko dito pero saks na kasama naman si boss. At least pag na.late maglog in ulit may witness ako.

Magi.isang oras na kaming nasa loob, buti na lang gumagana pa din yung aircon at ilaw para hindi naman super freaky. Langya wag naman sanang kaming ma.final destination dito.

"Boss Irene, okay pa po ba kayo? Rinig na rinig ko po kasi yung tibok ng dibdib niyo eh" Sana ako yung dahilan - char.

"I'm really trying my best to be calm right now. I am thankful na kasama kita cause I would totally freak out kung ako lang magisa" Ayos! Baka maging knight in shining armor pa niya ako nito.

"Ngayon niyo lang po ba na.experience ma.stuck sa elevator boss?" Tanong ko. Mejo nagiging awkward na kasi yung katahimikan.

"Ugh. Yes. And I'm so going to complain about this sa management. Para saan pang may emergency button when no one's answering. Like you said, this is an old building so they should really check up on all the facilities"

Ang taray talaga pero ang ganda ganda niya padin. Lika nga dito, hug na lang kita.

Lumipas na naman ang tatlompung minuto at wala pading sumasagot kaya nagpasiyahan na lang namin magkwentuhan para magpalipas ng oras. Wala din naman kaming magagawa.

Hindi ko din ineexpect na mago.open up siya sa akin agad agad pero sa tinagal namin sa loob ng elevator ay napagkwentuhan na namin yung mga hilig namin sa buhay, college life and about sa families namin. Instant close kami eh. Humingi ako ng pasensya sa paghuli niya sa akin na natutulog and inamin ko naman kung bakit ako antok na antok (kanina) and nalaman kong mahilig din siya makinig ng kpop. Kaya naman nagpalitan na kami ng mga opinyon namin. Nalaman ko kung sino bias niya sa Red Velvet, Blackpink at Twice at nalaman din niya yung akin. Natawa na lang kami ng marealize naming patapos na yung shift at andun pa din kami sa loob. Natahimik siya bigla at wala na din akong masabi kaya tinignan ko ulit yung phone ko at nagbakasakaling makakuha ng signal pero wala talaga. Maya maya naman ay bumagsak na yung ulo niya sa balikat ko. Nakatulog na pala siya. Eh tapos saktong nagslide pa kaya lalo siyang nahulog sa mga kamay ko. Hinayaan ko na lang at inayos na lang ang pwesto niya. Pero sa loob loob ko nagtatatalon na ako sa tuwa.

Biglang tumunog yung speaker at may nagsalita asking kung okay lang kami sumagot naman ako. Medyo inis sa istorbo kasi may natutulog. Ang sabi ni kuya sa kabilang line ay papunta na yung magaayos. Hindi ko alam saan manggagaling yung magaayos pero kinse minutos na wala pa din dumadating.  Hindi ko alam kung saan ko ibabaling yung tingin ko. Kung sa mukha ba niyang kay ganda kahit tulog o sa kisame ay wag pala sa kisama dahil may butas butas (tyrophobic ako eh). Eew. So sa pintuan na lang pero paminsan minsan ay pasimple ko siyang pinagmamasdan. May nunal ka pala sa mukha boss. Hehe. Pero yung totoo bakit ang kinis kinis ng mukha mo? Apaka.perfect naman.

May narinig akong tunog na naman pero galing na sa pinto. Tinanong ni kuya kung malapit ba kami sa pinto kasi kako lumayo daw kami ng unti. Sabi ko naman malayo kami. So ayun na nga dahan dahan ng bumukas ang pinto ng elevator at nasa kabilang side ang ilang maintenance at ang buong team namin. Tinapik ko ng very light si boss at nagising naman siya at may unting gulat na maraming tao ang nakatingin sa amin. Umabot pala kami sa basement kaya naman pala walang signal. Kita ko yung mga kaibigan kong mga nakangiting nakakagago. Tinulungan kong tumayo si tl, pinagpag ang hoodie na inupuan niya at nagsimula na nga siyang manermon sa mga kawawang kuya. Mga ilang beses humingi ng sorry yung taga facilities at nangakong makakarating sa management ang nangyare. Nakalabas na kami sa wakas at lumipat na sa maayos na elevator pabalik sa floor namin since andun pa mga gamit namin. G pa din sa planong inuman kaya sabi ng tropa antayin na lang daw ako sa yosihan. Nang makabalik kami sa 20th floor dumiretso na kami sa mga station namin. Sinave ko na lang yung mga notes for the day ko bago ko shinutdown ang PC. Serious mode na naman si tl pero naisip ko ulit kamustahin siya pagkatapos ng nangyare.

Kinatok ko muna yung pader ng station niya na siya namang kinagulat niya ng light. Magugulatin pala talaga siya.

"Boss, okay ka na po ba? G na g ka kasi kanina. I'm sure takot na takot na sila ngayon sayo. Baka pagawan ka pa ng special elevator niyan" Biro ko pero hindi siya natuwa. K. Bye.

"I won't take it against your productivity today since we both didn't want that to happen." Tumungo na lang ulit ako at paalis na dapat pero nagsalita ulit siya.  "Thank you for being there with me Wendy. For some reason I enjoyed talking to you and it lessened the panic attack that I was about to have. I really would not have survived what happened cause I'm actually claustrophobic" Luh talaga ba? Kaya naman pala grabe yung tibok ng dibdib kanina.

"Walang anuman boss. Nagenjoy din naman ako kanina. Madaldal ka din pala. Hehe. Pero feeling ko di mo trip makipagusap palagi sa iba and gets ko naman yun. Don't worry boss. Wala akong ipagsasabi nung mga nakwento mo kanina. It's going to be our own secret." Sagot ko habang nagtaas baba ang kilay ko.

Napangiti ka naman. Nasilaw ako shet.

"Sige na I'm sure you have plans with your friends. Enjoy your weekend Wendy. Ingat ka...yo" Welp. Kinilig ako ng slight dun ah. Muntik ka na boss.

"Gusto mo ba sumama boss? Tamang inuman lang tsaka videoke trip namin eh"

Hindi ko alam kung medyo off ba yung pagaya ko o nagiisip ka ngang sumama.

Nagkibit balikat siya at nagpipipindot sa mouse. Kiniclose niya pala yung mag tools mo.

"I'll just shut down my pc. Nawala na din ako sa mood magtapos ng reports. I'll just go in tomorrow"

"Ayos! Antayin na kita boss para may kasabay ka ulit sa elevator. Sabihan ko na din sila Seulgi."

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
chaelisa_chaelisa
Twitter: @chaelisachaeli2

Comments

You must be logged in to comment
shadowhunter1640 #1
Chapter 63: Author, one question. WHERE ARE YOU NOW?

You still need to continue this story. Hope you'll come back.
winrina__09 #2
❤️❤️❤️
avocado_toast #3
Chapter 63: Iba pa rin talaga sa feeling kahit na ilang beses ko na 'tong nabasa. Nakakatuwa pa rin balikan yung buhay ng magbabarkada.
avocado_toast #4
Chapter 63: Iba pa rin talaga sa feeling kahit na ilang beses ko na 'tong nabasa. Nakakatuwa pa rin balikan yung buhay ng magbabarkada.
son_seung_wanni
#5
Chapter 63: ugh wish you were gay 😩
juhyuneeeee
88 streak #6
Chapter 62: thank you sa update authornim mej sumaya ako kahit papano knowing na ok na jensoo here 😭
mellifluouswan
1691 streak #7
Chapter 61: parang ang daming nangyari sa last updates pero ang sakit sakit sa jensoo huhuhuhu jennie uwi ka na kay jisoo fles
markaxel
#8
Chapter 61: Jensoo 😭😭😭
juhyuneeeee
88 streak #9
Chapter 61: hala jensoo why?! 😭😭😭
speac_sci
#10
Chapter 60: nginang yan🤦 okay na eh, masaya na lahat. anyare sa jensoo? may proposal ng magaganap eh. ny*ta naman😡