Dance Monkey

Pag May Alak, May Balak

Agad agad namang naghugas ng kamay si Wendy at tumakbo sa sasakyan para balikan ang naiwang kanin sa bahay. World War 3 ang mangyayare pag walang naihaing kanin sa tropa. Dahil wala masyadong sasakyan eh nagpaka.fast and furious na siya magmaneho. At sakto naman na pagdating niya sa bahay ay naka.abang na si Tita.

"Akala ko hindi niyo na babalikan" wika nito sabay ipinasok sa likod ng sasakyan ni Wendy.

"Haha. Di po pwede yun. Thank you po ulit tita" bati nito at mabilisan din bumalik sa beach. Nang makadating ulit siya ay buti na lang at nageenjoy pa sa tubig ang tropa.

"Did you seriously drove back and forth like a mad man?" Medyo iritang tanong ni Irene na inorasan pala siya since nagkumaripas umalis. Yung byaheng 30 minutes nila kanina papunta eh same time lang nung back and forth niya. Nagkamot na lang ng ulo si Wendy. Mas okay na yung suyuin niya si Irene kesa magkagera dahil sa kanin.

Natapos na ang mga inihaw at naka.ayos na lahat. Sakto naman na nagsi.ahon ang mga kaibigan. Pinagpasa pasa ang mga paper plates, spoon and fork at paper cups. Ikinabit ni Chaeyoung ang phone sa speakers at nagpatugtog.

[https://youtu.be/AUSg2LO66OM]

Tamang sound trip habang kumakaen ng tanghalian.

Pagkatapos kumaen ay nagbukas ng mga ice cold beer at pasa pasa ulit sa iba. Wala man water activities tulad nung naunang outing pero mas chill ang ambiance dahil solo nila ang lugar. Pagkatapos magpababa ng kinaen ay sumulong ulit sa tubig at tamang tambay lang si Wendy at Irene sa ilalim ng puno ng niyog.

"It's been a year now since nakilala kita nie. You greeted the five of us without even smiling. Serious mode masyado. Pero lakas nung effect sa akin. It started as a simple office crush. Tamang inspiration para pumasok araw araw. Hanggang sa inaabangan ko na talaga yung bawat coaching sessions. Nagpapabida ako para lang mapansin mo. At sa tuwing sinasabi mo ang pangalan ko with your stern voice, weird pero kinikilig ako."

Natawa si Irene. "Anong meron? Bakit biglang may ganyan?"

"Wala masaya lang talaga ako kasi kasama kita. Na you gave me the chance. Na you feel the same. Kahit three months pa lang tayo feeling ko ang dami dami ng nangyari sa atin"

Nagets naman ni Irene yung ibig sabihin ni Wendy pero binigyan niya lang ng iba pang meaning. "Marami na nga" sabi nito sabay taas baba ng kilay.

"Ay luh ang green mo dun ah" Si Irene ang nangasar pero siya ang napikon. Nahampas tuloy niya si Wendy.

"Kunwari ka pa gusto mo naman yun. Hmmp" sagot ni Irene at tumalikod bigla kay Wendy. Niyakap niya na lang galing sa likod at sumimpleng halik sa pisngi.

Napadaan si Ryujin.

"Ang sweet niyo jan boss. Kaya nilalapitan kayo ng langgam eh"

Sasagot na sana si Wendy ng may kumagat sa pwet niya.

"Aray pota!" At tsaka lang nila napansin ang mga hantik na naglalakad sa gilid nila.

Napatayo bigla ang dalawa at kamot na kamot si Wendy sa kanyang likuran. Hindi naman napigilan ni Irene at Ryujin na tumawa.

Nung medyo padilim na ay nagtipon ng mga kahoy sina Jeongyeon at Yeji para sa gagawing bonfire. Pinabaga at pinalaki ang apoy. Pumaikot na sa bonfire ang lahat. Nagbukas ng bote ng tequila at nagsimulang magpaikot ng shot. Tanggero si Seulgi.

Naisipang maglaro ng habulan panyo. Unang taya sina Jennie. Naglakad ng mabagal paikot sa grupo habang kumakanta ng Circles ni Post Malone.

Seasons change and our love went cold
Feed the flame 'cause we can't let go
Run away, but we're running in circles
Run away, run away
I dare you to do something
I'm waiting on you again
So I don't take the blame
Run away, but we're running in circles
Run away, run away, run away

Pasimpleng binaba ang panyo sa likod ni Sana at naghabulan hanggang nakaupo si Jennie sa pwesto ni Sana. Naglakad paikot at binaba sa likod ni Dahyun. Dahil maikli ang legs naunahan makaupo ni Sana. Sunod namang naghabulan si Dahyun at Chaeyoung. Mas mabilis nakatakbo si Chaeyoung. Taya na naman si Dahyun. Hinulog ang panyo sa likod ni Wendy, naghabulan, naunahan umupo ni Dahyun. Dahan dahan naglakad si Wendy paikot. Kunwaring bumaba sa likod ni Lisa eh saktong may nakakalat na papel sa likod nung isa kaya inakalang yun yung panyo. Naghabulan hanggang makaupo si Wendy. Dahil nagkamali ng akala ay double shot siya. Nagpatuloy ang habulan hanggang mapagod ang lahat kakatayo, takbo at upo. Sabayan mo pa na umiikot ang shot.

Lumalim ang gabi at naisipan na magpackup na.

Hindi naman talaga planong magovernight pero just in case ay nagrent sila ng mga tent. Kanina pa nakatambak yung mga tent pero no one bothered na itayo kaya ngayong nakainom na lahat eh gulung.gulo sila kung paano aayusin.

"Teka girl scout ako dati. Ako na magtuturo sa inyo" Confident na nagpresinta si Nayeon kaya hinayaan na lang nila. Thirty minutes na ang nakakalipas ay wala pa ding nangyare. Ang ending nilatag na lang nila sa sand yung mga tent at dun na nahiga. Hindi pa masyadong inaantok ang tropa kaya naman ay tinuloy na lang ang inuman.

Nakakumpol sa isang side ng bonfire sina Wendy, Seulgi, Lisa, Jisoo, Chaeyoung, Jeongyeon, Ryujin at Yeji. Nagbukas ng bagong bote ng tequila at nilabas ang gitara. Tanggero si Seulgi. Tagatugtog si Wendy.

"Tol gawa tayo ng cover ng kanta" Suggestion ni Chaeyoung.

"G ako jan. Ano ba magandang kanta?" Sagot naman ni Wendy habang naglalaro ng chords.

Nagisip ang tropa.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Kru kru kru.

 

"Tangina wala akong maisip. Tumugtog ka na nga lang" inis na sabi naman ni Jeongyeon. Tawanan na lang ang iba.

Naubos na nila ang alak at nakatulog na kung saan nakapwesto ang tropa. Wala naman ding nakapansin na may dalawang tumakas at pumasok sa isang kotse.

******************************

"Are you sure about this?" tanong nung isa pagpasok nila ng kotse.

" Yes." sagot agad nung isa sabay nilapit ang mukha sa kasama.

Nagtitigan ng ilang segundo.

At nilamon na pareho ng libog.

******************************

Nagising na naman ang lahat sa tilaok ng mga manok. Nasilaw ang lahat sa liwanag dahil nga naman eh sa labas sila nakatulog lahat. Isa isang bumangon at nagpunas ng mata. Nagpapakiramdaman kung sino una tatayo pero nauna na din si Irene. Nagunat at ginising ang mga nakatulog sa tabi ng bonfire.

Unang tinapik si Wendy. Antok na inangat ang ulo, ngumiti at sabay ding bumagsak ulit ang kalahati ng mukha sa buhangin. Natawa si Irene at pinicturan.

Kanya.kanyang gising sa girlfriend. Maya maya pa ay hinihila na nila Rosè, Joy at Jennie sina Lisa, Seulgi at Jisoo. Habang si Chaeyoung at Jeongyeon naman ay nagising sa sampal nila Mina at Nayeon.

“Anjan na ang mga hapon!” sigaw ni Jeongyeon na nabigla sa sampal.

Maagang laughtrip ang tropa.

May lutuan naman sa gilid kaya naman nagsimula ng magluto ng agahan. Halos wala pa sa wisyo ang iba kaya nakatulog ulit ng makaupo ng maayos sa bungalow. Sabay sabay nabatukan ng kanya.kanyang jowa. Nang matapos magluto ay pasa pasa ulit ng plato, kutsara't tinidor at baso.

Nagsimula ng kumaen at inenjoy ang tanawin at masarap na simoy ng hangin.

******************************

Tanghali na ng makabalik sila sa bahay na tinutuluyan at pila.pila ang pagligo. Alas dos ang huling byahe ng roro kaya naman ay madaliang ligo ang ginawa nila. Pagpatak ng ala una imedya ay nakapila na ang mga sasakyan na ipapasok sa roro. At saktong alas dos nga ay nagsimula ng bumiyahe patawid ulit ng dagat. Pagdating sa kabilang side ay dire.diretso na bumiyahe pauwi sa kani.kanilang mga bahay.

******************************

 

Time Jump

 

******************************

Malapit na ang Year End Party ng kumpanya at abala na ang bawat account para sa competition. May limang teams na maglalaban at ang theme ay Kpop. Sa tatlong taon ni Irene sa kumpanya ay alam niyang pagdating sa ganyan ay palaban ang lahat. May cash prize kasi at siyempre bragging rights yun. Account nila ang pinakabago sa company kaya naman ay bilang competive din siya ay kinausap ang team tungkol dito.

"Team, as you all know, we have the year end party around the corner. And the theme will be kpop. Anything goes pagdating sa ganyan. Pwedeng puro sayaw or puro kanta pwede din sabay. Tayo ang pinakabata sa company pero magpapatalo ba tayo sa kanila?"

Sabay sabay na nagsabi ng 'Hell no' ang lahat.

"So any suggestions?"

Nagtaas ng kamay si Seulgi. "Boss, pwede tayong mag.mix ng mga title tracks ng Top Girl Groups ngayon tapos gagawan ng cover dance"

Tumango ang iba.

"Pwede din parang sa Pitch Perfect na mash-up din" Suggestion naman ni Chaeyoung.

"Or we can actually select a few songs then change the tempo, record it then to maximize everyone's talent, like some will be singing and some will be dancing" Sabi naman ni Rosè.

Nagbotohan na ang team at napili nilang gawin ay yung suggestion ni Seulgi kaya naman ay naghatian na sa mga groups. Nang nakapag.set na kung sino sasayaw for Blackpink, Red Velvet, Twice at Itzy ay pinagisipan naman kung anong mga kanta ang sasayawin. Napili na ang How You Like That, Psycho, More & More at Not Shy. Si Wendy at Chaeyoung na bahala sa pagmimix ng music kaya nagusap.usap na din kung saan at kelan magppraktis.

******************************

Kasalukuyang nasa rooftop ang grupong magsasayaw ng Psycho. Kulang sila ng isang member kaya inadjust na lang ang blockings. Nakakailang ulit na din sila ng run kaya nagpahinga muna saglit.

Nagsindi ng yosi sina Wendy at Seulgi habang kumuha naman ng drinks sa baba sina Irene at Joy.

"Kailangan natin maperfect ito mehn. Ngayon na lang ulit tayo nakapagsayaw ng ganito. Huli pa ata nung wedding anniversary ng parents mo and that was two years ago! Napaballroom tayo bigla eh. Walang praktis praktis. Napasabak ampotek"

"O pucha yan. Hiyang hiya ako sa mga bisita. Pero okay na din napasaya naman natin sila eh"

"Gags naging clown tayo nun eh pero nakakamiss magsayaw talaga. Buti na lang may paandar na ganito sa company"

Tumango na lang si Wendy. Pagkaubos ng yosi at pagbalik nung dalawang bumaba ay nagtuloy lang sila sa praktis. 

******************************

Sa condo naman ni Jennie sa may Ortigas ay kasalukuyang niyang minamasahe ang kanyang bukung-bukong.

"Ang sakit na talaga ng tuhod ko di pa din natin naayos yung last part." Reklamo ni Jisoo.

"Kaya natin ito! Blackpink is the Revolution di ba?" masayang wika naman ni Rosè na kumakaen ng chichirya.

"Tangina ilalabas ko talaga yang Boss na yan pag hindi pa natin naayos ito hanggang mamaya.

Chill na chill lang sa gilid si Lisa.

******************************

Sa isang dance studio naman sa may Boni...

"Teka teka ang sakit na ng leeg ko kakahairflip. Nak ng pucha" sabi ni Jeongyeon habang minamasahe ang leeg.

"Nahiya naman ako sa inyo. Effort na effort ako bumaba para lang pumantay sa inyo. Pwede na akong knee bender" reklamo ni Tzuyu.

"Guys hindi tayo sabay sabay magclap dun sa umpisa. Crucial yun" sabi ni Momo na pinapanuod ang video.

"Pwedeng pagod na kasi? Kaloka ito" sambit ni Nayeon na nakahilata na sa sahig.

******************************

Somewhere in Pasay...

"Hala nakalimutan ko yung after nito." Ginawa ang step. "Yeji paano nga ulit?"

Lumapit naman si Yeji kay Lia at itinuro ang step. May pahabol pang hagod ng kamay at nakita ito ni Ryujin.

"Break muna. Yosi lang ako" Sabay labas ng bahay nila Chaeryong.

******************************

One week before the party, after shift ay dumiretso lahat sa Queen's Dance Studio sa may Boni. Di pa nabubuksan ang studio kaya kumaen muna sila sa may Tapsibugan sa baba.

Pagkalipas ng isang oras ay dumating ang caretaker at umakyat na sila sa fifth floor kung nasaan ang studio.

"Wag na tayo mag warm up mamaya. Pagakyat pa lang pwede na" Sabi ni Jennie habang dinadrag ang sarili paakyat.

Nang makumpleto ay nagsimula na silang magstretching. At sunod sunod na ang runs na ginawa. Lumipas ang isang oras ay nagbreak muna kaya nagkumpulan sa maliit na ispasyo sa may likod ang tropang nagyoyosi.

"Pag tayo hindi pa nanalo dito ewan ko na lang ah" Sabi ni Seulgi na proud na proud sa team.

"Saan ka dadalhin ng 50K?" Tanong ni Lisa sa tono ng commercial nung isang brand ng ice cream.

Tawanan na naman ang tropa. Natamaan ni Yeji ang braso ni Ryujin na nabitawan naman ang hawak na yosi.

"Ano ba?!" Iritang sabi ni Ryujin.

"Luh sorry naman" sabi ni Yeji sabay offer ng bagong stick pero tinanggihan at humingi na lang kay Chaeyoung.

Nagkatinginan ang original tropa.

Pagkatapos magyosi break ay bumalik na sa loob at nagtuloy sa practice.

"Ending pose! Walang gagalaw ng 10 seconds!" Sigaw ni Momo. Sumunod naman lahat.

After 10 seconds sabay sabay bumagsak sa sahig ang iba. Hingal na sa pagod. Ang mga main dancers naman ay tinignan ang kuha na video.

"Ay tangina magaudition na tayo. Pwedeng pwede na makapasa sa YG, JYP at SM." Wika ni Lisa.

Pasa pasa na ng cellphone para mapanuod ang video at sobrang satisfied naman ang lahat. Matapos makapagpahinga at makapagpalit ng mga damit ay nagkayayaan na namang uminom kina Wendy.

******************************

Hindi lahat sasama kaya nagsiksikan na lang sa dalawang kotse. Nang makarating kina Wendy ay inayos na lang muna ang sala dahil mainit pa masyado sa rooftop. Nilabas ang bote ng alak at chaser at umupo sa sahig ang mga kainuman. Tanggero si Lisa. Naglagay ng sariling shot at ininom. Naglagay para sa kasunod na si Lia.

"Boss, anong oras ang call time sa venue?" Tanong ni Ryujin.

"2PM. May Tech Rehearsals pa kasi eh kaya dalhin niyo na lahat ng kailangan" sagot naman ni Irene.

"Balita ko boss malakas daw yung team nila TL CL at TL Dara. Combined sila di ba?" tanong naman ni Nayeon.

"Yes. They have less than 10 people sa accounts nila kaya joined forces. Sila din nagchampion last year"

"Narinig ko nga po yung usapan nila minsan sa elevator na magaling talaga yung main dancer nila na si Minzy ba yun?" wika ni Mina.

"Ah oo. Pero we will be turning the tables dahil mas malakas ang mga main dancers natin. Anjan sina Seulgi, Momo, Lisa, Chaeryoung, Ryujin at Yeji. Powerhouse talaga!" Proud na sagot ng kanilang tl.

Umalma naman si Wendy. "Eh ako nie di ba ako magaling sumayaw?"

Tinaasan ng kilay ni Irene si Wendy. "Pwede na maging top 5 dancers ng SM....chain of malls" Biro naman nito. Nagpout si Wendy kaya hinalikan naman bigla ni Irene. Nagulat pareho dahil hindi naman talaga sila PDA.

Pangiti ngiti na lang ang mga kasama. Nagpaikot na ulit ng shot. Nakaubos na sila ng dalawang bote bago nagdecide na umakyat ng rooftop dahil hindi na masyadong mainit. Pahinga din saglit sa alak habang inaayos ang table at chairs.

Tumambay naman sa ledge sina Ryujin at Lia.

"Can you be honest with me Lia?" paunang tanong ni Ryujin.

"Hmm?" Sagot ni Lia.

"Ano ba tayo?"

"I don't know"

"Seriously?"

"What do you want me to say Ryujin?"

Natahimik si Ryujin. Nagcontemplate ng slight.

"Lia I like you. The fact na may nangyare na between us, shouldn't that mean na you feel the same?"

Si Lia naman ang natahimik.

"Don't tell me na dahil nakainom tayo pareho kaya natin hinayaang mangyare yun? Lia I even asked if you were sure about it and you said yes!" Napalakas ng konti ang boses ni Ryujin pero enough pa din na sila lang ang nkakarinig. Pasalamat na lang din na may tumugtugtog na music.

Sasagot na sana si Lia kaso tinawag na ulit sila ni Wendy. Naghiwalay ng upuan ang dalawa at nagtinginan na naman sina Wendy, Seulgi, Jeongyeon at Chaeyoung.

"Uy guys hindi pa natin napapagusapan yung exchange gifts natin. Kahit after Christmas na yung bigayan" wika ni Joy.

"We can draw lots on Monday. Ikaw na bahala sa mga names Joy" Sabi naman ni Irene.

"Anong budget natin?" si Wendy naman ang nagtanong.

"G ako sa 500." sabi ni Seulgi at umagree naman ang lahat ng present. Tsaka na lang nila ibabalita sa iba.

Nagtuloy ang inuman hanggang magpangabot na ang amats, pagod at antok kaya nilabas ulit nila Wendy at Seulgi ang mga mattress at unan at kanya-kanyang pwesto na sa sala ang mga bisita.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
chaelisa_chaelisa
Twitter: @chaelisachaeli2

Comments

You must be logged in to comment
shadowhunter1640 #1
Chapter 63: Author, one question. WHERE ARE YOU NOW?

You still need to continue this story. Hope you'll come back.
winrina__09 #2
❤️❤️❤️
avocado_toast #3
Chapter 63: Iba pa rin talaga sa feeling kahit na ilang beses ko na 'tong nabasa. Nakakatuwa pa rin balikan yung buhay ng magbabarkada.
avocado_toast #4
Chapter 63: Iba pa rin talaga sa feeling kahit na ilang beses ko na 'tong nabasa. Nakakatuwa pa rin balikan yung buhay ng magbabarkada.
son_seung_wanni
#5
Chapter 63: ugh wish you were gay 😩
juhyuneeeee
90 streak #6
Chapter 62: thank you sa update authornim mej sumaya ako kahit papano knowing na ok na jensoo here 😭
mellifluouswan
1695 streak #7
Chapter 61: parang ang daming nangyari sa last updates pero ang sakit sakit sa jensoo huhuhuhu jennie uwi ka na kay jisoo fles
markaxel
#8
Chapter 61: Jensoo 😭😭😭
juhyuneeeee
90 streak #9
Chapter 61: hala jensoo why?! 😭😭😭
speac_sci
#10
Chapter 60: nginang yan🤦 okay na eh, masaya na lahat. anyare sa jensoo? may proposal ng magaganap eh. ny*ta naman😡