Rice Up

Pag May Alak, May Balak

Saktong 1st anniversary ng account nila kaya naman ay pinagsabay na nila ng celebration ang team outing nila. Napagdesisyunan ng sa Quezon nga ang kanilang pupuntahan at nakausap ni Sana ang kanyang kaibigan kung pwedeng magamit ang bahay nila doon. Kanya kanya ng toka sa bibilhing grocery.

Alak: Wendy, Seulgi, Lisa, Jisoo, Chaeyoung at Jeongyeon
Food: Irene, Jennie, Rosè, Mina, Ryujin at Chaeryoung
Chips: Nayeon, Yuna, Tzuyu, Yeji at Momo
Other supplies: Sana, Dahyun, Lia at Joy


May apat na sasakyan at pareho lang sa naunang biyahe ang magkakasama. Nauuna sina Jeongyeon kasunod sina Jisoo tapos sina Yeji at panghuli sina Wendy. Dalawang oras ulit sa byahe ay nagstop over muna sila. Kanya.kanyang puntahan sa naisipang bilhan ng makakaen at nagkita kita ulit after twenty minutes. Balik sa byahe. Pagkarating sa Atimonan, Quezon ay bumili ng ticket para sa pagsakay ng roro. May fifteen minutes pa bago lumarga kaya ang tropa ay bumaba muna para magyosi. Bawal kasi sa mismong roro. Medyo malakas ang alon ng tubig sa tabingdagat kung nasaan ang daungan pero sabi naman ay safe ang pagbyahe.

"Nakakaexcite. First time kong sumakay sa ganito" wika ni Jeongyeon habang nakikipaglaban sa hangin para lang masindihan ang yosi.

"Same. Ano kaya mga pwedeng gawin dun?" tanong naman ni Jisoo.

Since lahat sila except si Sana ay first timers sa lugar, kung ano ano mga naisip nilang activities. Tumunog ang horn na senyales na aalis na ang roro kaya sumakay na sila. Tamang tanaw lang sa tubig at picture picture kahit maalog ang sinasakyan.

Pagkatapos ng 45 minutes ay nakatawid na sila ng dagat at papalapit na sa pantalan ng Alabat, Quezon. Nagsimula na silang bumaba papunta sa mga sasakyan at ng ready na lahat ay lumarga na ulit papunta sa bahay na pagststayan. Wala pang sampung minuto ay nakarating na sila at nagsibabaan na din. Sinalubong sila ng isang matandang babae.

"Tita! Namiss ko kayo!" bati ni Sana sa babae. "Thank you po ulit sa pag.accomodate sa amin ha."

"Okay lang yun Sana. Pag may kailangan kayo i.text mo na lang ako ha. O kaya naman eh kumatok ka lang sa katabing bahay." Binuksan na ang bahay at nagsiakyatan na sila. Medyo may kalumaan ang bahay at gawa ito sa kahoy. Inikot sila sa bahay para maituro kung saan ang alin. May tatlong malalaking kwarto na kasya ang tatlong double deck at may dalawang maliit na kwarto na may single beds. Dahil may immunity card si Wendy, dun sila ni Irene sa isang maliit na kwarto. Nagbunutan naman ang team para sa room assignments. Ang ending, sina Rosè at Lisa ang nakakuha nung isa pang maliit na kwarto. Sa unang malaking room naman sina Jennie, Jisoo, Lia, Yuna, Seulgi at Joy. Sa pangalawang room sina Sana, Tzuyu, Ryujin, Chaeryoung, Mina at Chaeyoung at sa pangatlong malaking kwarto naman sina Yeji, Momo, Dahyun, Jeongyeon at Nayeon.

Pagabi na din silang nakarating kaya naman ay pagkatapos naman makapagayos ng mga gamit ay nagpasya na kung ano ang kakainin na hapunan.

"May ihaw ihaw dun sa kanto. Bet niyo ba yun na lang?" Suggestion ni Sana sa lahat at umagree naman sila. Bumaba sina Sana, Momo, Wendy, Seulgi, Lisa at Jisoo habang nagsaing naman si Mina at Irene. Buti na lang may dalawang rice cooker dahil kailangan ng pangmaramihan na kanin. Yung ibang wala namang gagawin ay kanya.kanya ng tambay.

Naubos nila ang panindang ihaw sa kanto at tuwang tuwa si ateng nagtitinda. May isaw ng manok, isaw ng baboy, hotdog, tenga, bulaklak, liempo, barbecue at betamax. Hindi sila kasya sa dining room kaya naman sa sala nila naisip kumaen. Kanya.kanyang pwesto habang kumakaen ng nagkakamay. Matapos ang isang oras ay puro stick na lang ang naiwan sa mga plato. Nagpababa muna ng mga kinaen bago simulan ang inuman. Ang tropa ay lumabas ng veranda para magyosi.

"Wow daming stars" wika ni Chaeyoung habang humihithit sa yosi.

Napatingin naman sa kalangitan ang tropa. Tahimik na pinagmamasdan ang pagkinang ng mga bituin. May nagflash galing sa likod. Kinuhaan pala sila ng litrato.

"Lakas niyong maka.cover ng album yung posing niyo jan" sabi naman ni Jennie na may hawak ng camera. Nakalinya kasi silang walo na nakachin up lahat. At saktong galing sa gilid kinuhaan ni Jennie para kita ang view ng mga stars.

Nagtawan ang tropa ng tignan ang nakuhang litrato.

Nang matapos magyosi pumasok na ulit sa loob at pumwesto na sa sahig para sa inuman. Spacious naman ang sala kaya kasyang kasya sila. Saktong inom lang ang gagawin para masulit ang beach bukas. May kanya.kanyang baso na may laman ng alak of their choice.

"Game maibang laro naman tayo o. Ano ba ibang inuman games alam niyo?" tanong ni Wendy.

Nagtaas ng kamay si Chaeryoung. "Never Have I Ever?"

"Ay bet ko yan" Sagot naman ni Nayeon.

Nakakunot ang noo ni Yuna. Halatang hindi masyadong nagiinom kaya Coke lang ang laman ng baso.

"Magsasabi ang isa ng hindi pa nila nagagawa or naeexperience tapos pag nagawa mo or naexperience mo sshot ka" Pageexplain naman ni Chaeyoung.

Tumango naman si Yuna. Nagsimula kay Irene.

"Never have I ever been caught sleeping at work" wika nito sabay kindat kay Wendy na nag.pout. Uminom si Wendy, Momo, Lisa at Tzuyu.

Sumunod na nagsalita si Ryujin. "Never have I ever had with someone who's not my partner"

Naghiyawan ang lahat ngaantay kung sino mga sshot. Uminom na naman si Wendy...at si Irene.

"Luh. Sabi na may nangyari nung di umuwi si Wendy eh" biglang sabi ni Jisoo na nabatukan ni Lisa at Seulgi. Namula naman ang dalawang uminom.

"Never have I ever been in a relationship" sabi naman ni Yuna at napainom ang lahat.

Sumunod na nagsalita si Tzuyu. "Never have I ever been called short"

Sabay sabay na nagbato ng chichirya papunta kay Tzuyu ang mga maliit sa grupo: Wendy, Irene, Jennie, Jisoo, Chaeyoung at Dahyun pero nagshot na lang din.

"Never have I ever done drugs" sabi naman ni Yeji. Nagtinginan ang tropa at sabay sabay shum.ot na sinundan naman ni Irene at Ryujin.

"Ay interesting yun ah. Kwento mo naman boss" wika ni Jeongyeon. Tinitignan lang din siya ni Wendy kaya naghikbit balikat na lang siya bago sumagot.

"I did have my party girl side back in college. Went with the wrong crowd and tried smoking weed and snorting . Never got addicted. Thank god!" sagot ni Irene.

Nagtuloy ang laro hanggang maubos ang mga alak sa mga baso. Dahil hindi naman talaga balak magbasagan eh nagpack up na sila.

Sa loob ng kwarto nila Wendy at Irene, kahit dalawa ang kama ay piniling magtabi sa iisang bed. Parehong nakatagilid para magkasya. Staring contest na naman sila.

"Nie?" tanong ni Wendy na bumasag ng katahimikan sa kwarto.

"Po?" Sagot naman ni Irene.

"Ano palang nangyari nung nagusap kayo ng kapatid mo?"

*******************************************************************
Nagpaalam si Irene kung pwedeng papuntahin ang kapatid niya sa bahay at pumayag naman siya. Bahay nadin naman niya yun. Bandang hapon ay may kumatok na nga sa pinto at pinagbuksan naman ito ni Wendy. Umalis din si Seulgi para makipagkita kay Joy. Pinapasok sa loob at pinaupo sa sala. Inofferan ng maiinom habang inaantay si Irene matapos magbihis. Awkward sila pareho kaya naman ay hindi na muna kinausap ni Wendy si Yeri. Paglabas ng kwarto ay umakyat na lang sa rooftop si Wendy para bigyan ng privacy ang dalawa.

"Why are you really here Yeri?" bungad na tanong ni Irene.

Biglang naiyak ang kapatid. "Ate, I'm sorry"

"Huh? Why?" Medyo ilag pa din si Irene.

"For the longest time, I despised you for being perfect in our parents' eyes so the moment I learned about you getting into relationships, I thought of destroying your happiness. But karma hit me real this time ate. Mom and dad found out about it. And they weren't happy at all. Told me to join your carriage to hell. They closed all my cards and even had my landlord give me my last month warning. I don't know what to do ate"

Naawa naman din si Irene sa kapatid kahit na hindi maganda ang kanilang samahan.

"Is this Saeron?" tanong ni Irene at tumango naman si Yeri. Napangiti ang ate. "I knew you two would fall in love. We might not have the best sister relationship but Saeron does reach out to me about you"

Napakunot naman ang noo ni Yeri. "What? When?"

"Since you moved out of the house? She asked for my help to look for apartments where you could stay so I gave her some options. She sometimes text me on what she can do whenever you two fight. If I was straight I would be curious as to why she would go to that length of reaching out to her best friend's sister and ask about plans on how to make it up to you. Did you think she came up with the idea of that trip you made to Paris on your birthday two months ago? Ever since you were young you've been wanting to visit that place so I told her that you both should go. And if I am not mistaken, dun naging kayo?"

Hindi makapaniwala si Yeri sa mga narinig niya. All along she thought her sister hated her the way she hated Irene dahil walang araw na hindi sila nagbangayan pero she was wrong.

"Ate I'm really really sorry for everything."

Hinawakan ang kamay ng kapaid. "I love you and I care for you Yeri. I may not show it all the time pero I support you on whatever makes you happy.  And to hell with our parents and their old ways. They don't get to decide what's wrong or right from us anymore."

Nagyakapan ang magkapatid at nangakong mas magiging open silang dalawa sa communication nila.

 

*******************************************************************
"So ayun, I actually asked her if she wanted to join us on this trip. Sabi niya next time na lang daw kasi maglilipat pa sila ng bahay ni Saeron."

"Mabuti naman okay na kayo ng kapatid mo. Saya din sana kung kasama natin siya"

"Magaling din mangtrip yun kaya for sure makakasundo niya ang team. Lakas din uminom pati"

Pagkatapos magusap ay natulog na silang dalawa.

Kinaumagahan nagising ang lahat sa lakas ng tilaok ng mga manok. Pasikat pa lang ang araw at dahil ilang oras lang ang mga tulog galing sa inuman eh halos nakapikit pang lumabas ng mga kwarto ang iba.

Nagpapainit na ng tubig si Irene para sa mga magkakape at nakaayos na din ang mga baso. Si Wendy naman ay nagluluto ng baksilog. Unang umupo sa lamesa si Joy na hila.hila naman si Seulgi parang nagssleepwalk. Kumuha ng dalawang paketeng Kopiko Blanca at nilagay sa separate na baso. Pagkulo ng tubig ay nilagay sa mga kape at hinalo. Umupo na din ang iba at huling lumabas ng kwarto sina Lisa at Rosè na pagod na pagod ang itsura.

May ilang marka sa leeg si Rosè at nakakamanghang isipin na tahimik naman ang paligid nila nung matulog. Amazing.

Nang matapos makapagalmusal ng lahat eh inantay ng grupo sina Sana, Jeongyeon, Yeji, Jisoo at Wendy na kinausap ang may ari ng bahay for suggestions kung saan magandang pumuntang beach. Nailagay na din sa mga sasakyan ang kakainin, iinumin at gagamitin sa beach. Paglabas nila ng kabilang bahay ay nagusap usap ulit sila sa direksyon na susundin. Matagal na ding hindi nakakapunta si Sana sa lugar kaya hindi na niya gamay kaya ni.recall muna nila. Nung may napagkasunduan na eh nagsisakayan na lahat sa mga kotse at nagsimula na silang bumiyahe papunta sa isang semi public beach. Halos tatlompung minuto din silang nagdrive pero ayos naman ang scenery nila.

Nakarating nadin sila,  muntik pang hindi makita ang signage dahil natatakpan ng sanga pero buti na lang ay nakita agad ni Sana. Pagpasok sa loob ay kita na agad ang dagat. Kahit semi public ang beach, dahil hindi naman peak season ay sila lang ang andoon. Ibinaba ang mga kagamitan at inayos sa table sa may sementadong bungalow. Natokang magihaw si Wendy at Jennie kaya naman ay inilabas na agad nila ang uling para magpabaga.

Lumusong na kaagad sa tubig ang iba habang low tide pa at nasa gitna na yung iba ay nasa bewang pa din ang tubig kaya tuwang tuwa naman yung mga hindi magaling lumangoy. Naiwan sina Wendy, Irene, Chaeryoung, Ryujin at Jennie para magayos ng pagkaen.

Unang sinalang ang liempo na minarinate nila pagdating pa lang kagabi para sipsip na sipsip ang lasa. Pagkatapos maihaw ay hihiwain naman ni Irene para mas marami. Sinunod ang inihaw na bangus na ginawan naman ng sawsawan ni Chaeryoung. Naghihiwa naman ng sibuyas, kamatis at mangga si Ryujin para sa ensalada.

"Parang may nakakalimutan tayo" Tanong ni Irene.

Napaisip naman ang iba. Tinignan ang lahat ng nakahaen sa lamesa. Sabay sabay din naisip ang kulang.

" yung kanin!" sigaw nilang lima.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
chaelisa_chaelisa
Twitter: @chaelisachaeli2

Comments

You must be logged in to comment
shadowhunter1640 #1
Chapter 63: Author, one question. WHERE ARE YOU NOW?

You still need to continue this story. Hope you'll come back.
winrina__09 #2
❤️❤️❤️
avocado_toast #3
Chapter 63: Iba pa rin talaga sa feeling kahit na ilang beses ko na 'tong nabasa. Nakakatuwa pa rin balikan yung buhay ng magbabarkada.
avocado_toast #4
Chapter 63: Iba pa rin talaga sa feeling kahit na ilang beses ko na 'tong nabasa. Nakakatuwa pa rin balikan yung buhay ng magbabarkada.
son_seung_wanni
#5
Chapter 63: ugh wish you were gay 😩
juhyuneeeee
90 streak #6
Chapter 62: thank you sa update authornim mej sumaya ako kahit papano knowing na ok na jensoo here 😭
mellifluouswan
1695 streak #7
Chapter 61: parang ang daming nangyari sa last updates pero ang sakit sakit sa jensoo huhuhuhu jennie uwi ka na kay jisoo fles
markaxel
#8
Chapter 61: Jensoo 😭😭😭
juhyuneeeee
90 streak #9
Chapter 61: hala jensoo why?! 😭😭😭
speac_sci
#10
Chapter 60: nginang yan🤦 okay na eh, masaya na lahat. anyare sa jensoo? may proposal ng magaganap eh. ny*ta naman😡