Bata-Batuta si Jujoy 22 [de Lata]

Ang Apo ni Lola Son
Please Subscribe to read the full chapter

 

“Masama pa rin ang loob.” pabulong na batid ni Mommy Anna kay Manang Fe na nakaantabay sa labas ng kwarto ni Wannie.

“Ayaw pa ho umuwi ano?” 

“Oho.” hingang malalim ni Mommy Anna. “nandito daw kela Lola Son, sila Jujoy at Deulgi. Nandito daw friends nya.”

 

 

“Hindi na ho ba pwedeng magtagal pa kayo ng isa pa hong linggo?” suhestyon ni Manang Fe.

 

 

 

Aakmang sasagot sana si Mommy Anna kaso may biglang ingay mula sa labasan ng bahay, may nangangatok.

 

 



 

“Berting! Kaw pala iyan” dali daling pinagbuksan ni Manang Fe si Mang Berting ng gate “Naparito ka~ ano sadya mo?”

 

“Gandang hapon Manang Fe.” bati niya rito, “Ma’am Anna” sabay tango niya ng makita si Mommy Anna sa may pintuan. “Si Jujoy ho kasi, gusto ho sanang puntahan si Wanwan eh ayaw ho naming payagan kasi sabi ni misis, sabi niyo ho kanina ey masama daw ho pakiramdam ni Wanwan, eh kung papayagan namin ang chikiting baka mabinat si Wanwan nitong si Jujoy” sabay tingala ni Mang Berting sa gawing kwarto ni Jujoy, kung saan itong batang Jujoy at ang ina ay nakaabang at nakatanaw sa ama niyang usap usap si Manang Fe.

 

“Kaya ho kung maaari ho sana..” dagdag ni Mang Berting, “may nais ho sana akong gawin” pag hingi niya ng pahintulot.




 



 

Tok tok tok.

Katok ni Mang Berting sa may pintuan ng kwarto ni Wanwan.

 

“Wanwan~” pagtawag mula sa labas ng kwarto, “si Tatay Berting ito, tatay ni Jujoy.. Okay lang ba kung papasok ako sa kwarto mo?” pag paalam nito.

 

Ngunit ni isang imik wala silang narinig.

 

“Pasok lang kayo Mang Berting.” sabi ni Mommy Anna at inudyok na itong pumasok, “pasensya na ho kayo.. Ganyan lang ho talaga pag di okay pakiramdam ni Wannie..” 



 

At dahil pinahintulutan siya nito, pumasok na si Mang Berting.

 

 

Malaki ang kwarto ni Wannie, sing laki ng kwarto ng Jujoy niya, maamong kulay ng asul ang pintura ng dingding at may mga nakapaskil na mga papel na puno ng samu’t saring mga guhit. Marami ding mga libro at laruan ang nakahilera ng ayos sa mga naglalakihang mga estante. Samantalang ang kwarto ng chikiting niya pinagdidikitan nilang dalawa ng kung ano anong sticker na nabibili nila sa palengke at kung hindi naman ay mga kung anong obrang gawa ni JUjoy na derechong nilikha sa dingding gamit ang krayola. 

 

Sumakatuwid, magulo, nakakasakit sa mata ng kanyang asawang si Marites, kaya parehas silang mag ama ang nakatamo ng mga palo mula sa butihin niyang asawa.

 

Ib

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
redsummer0801
Isang chapter upload na muna. 🤧

Comments

You must be logged in to comment
_wendyshon_ #1
Chapter 47: Napakasakit naman neto💔💔💔
Jhmrydll_
#2
Chapter 47: :((
Jhmrydll_
#3
Chapter 25: Galing niyo po magediiitttt
Jhmrydll_
#4
Chapter 10: luh angst ba 2? hahaha 'wag pi
Jhmrydll_
#5
Chapter 9: deulgi uhugin
Jhmrydll_
#6
ang cuteee
gomdolie
#7
Chapter 10: halaaaaa bat may angst agad? huhuhu
gomdolie
#8
Chapter 3: omg ang cute naghahanap talaga aq ng wenjoy au tas nakita ko to waahhhh ang cute ni jujoy at wanwan😭
iana013
#9
Chapter 47: sa sobrang sakit ng sugat ni jujoy pati ako naiyak.. galing ni author sumulat dama ko ung hapdi 😭😭
honeyblood17
#10
Chapter 47: Grabe naman, lods! Ang galing nacapture mo yung musmos na "heartbreak". Yung bang yung atake ng angst ay less about dun nangyari but more on dun sa hirap nung mga sagot sa mga inosente nilang tanong na basically, bakit mahirap ang mundo? 🥺😭

Awawak aman Jujoy 😢😢