Bata-Batuta si Jujoy 10

Ang Apo ni Lola Son
Please Subscribe to read the full chapter

"Jujoy?~" tawag mula sa labas

 

 


"Jujooooyy~~~?" tawag ulit nito ng wala siyang matanggap na sagot mula sa loob ng bahay nila Jujoy, "may tao po ba kela jujooooy~??"
"Mewon yan", sabi ni Renren, "narinig ko tawa ni Jujoy kanina eh"

 

 


Eh bakit ganoon at wala pa ring pumapansin sa batang maliit na tumatawag kay Jujoy?
Kaya ayon at bumwelo na ito't sumabit na sa may gate nila Jujoy at idinikit ang mukha sa pagitan ng bakal ng gate sabay sigaw muli upang siya ay marinig.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

"JUJOOOOY~~~~!!!! TITA MARITEEEEEEETTT~ ILABAS NIYO PO SI JUJOY MATATALO KAMI SA PATINTERO NG MGA TIGA KANTOOOOOOOO!" bigay todo nitong bata
"OO NGA PO! SI JUJOY TIGA PANALO SAMIN!" gatong nitong si Byubol

 

 

 

 

 

 

"Sino baga kayo" at nilabasan sila ni Aling Marites, "abay kayo pala iyan Yeri! Bumaba ka nga diyan sa gate at baka mapabitaw ka dyan sa pagkakahawak mo at mahulog ka diyan!"

 


Agad naman sinunod ng batang si Yeri ang bilin ni Aling Marites, "Si Jujoy ho?", tanong nito.
"Nasa itaas at bakit?"
"Bawal po ba siya lumabas??"
"Aba'y pwede naman. Saglit lang at tatawagin ko"

 

Pumasok muli sa loob ng bahay si Aling Marites at tinungo ang hagdanan. Di na ito umakyat bagkus ay tinawag nalang si Jujoy mula sa unang palapag.
"Jujoy tawag ka ng mga kaibigan mo! Maglalaro daw kayo"

 

 

 

Napalingon ang dalawang bata sa tawag ni Aling Marites at dahan dahang napatayo itong si Jujoy mula sa pagkakaluhod.
"Hala may laro pala kami" sabay alay ng maliit nitong palad kay Wanwan.
Kahit nagtataka itong isa inabot pa rin niya ang kamay na alay nitong si Jujoy at tumayo.

 

 

 

"Di ba bibigay mo sakin yan?" sabi ni Jujoy na may malaking ngiting nakaplaster sa mukha at nakaturo sa papel na hawak ni Wanwan.

 

Nagbago isip ni Wanwan kanina at gusto na sanang iuwi itong gawa niya pero sa hindi maipaliwanag na kadahilanan di niya namalayang naiabot niya na ito kay Jujoy
Di niya talaga mahindian ito pag nakangiti na sakanya ng ganun si Jujoy.

 

"U-um....." at ma-ingat itong kinuha ni Jujoy at nilagyan ng glue sabay idinikit sa aparador.
"Titingnan to lagi ni Jujoy pagkagising at bago matulog!" sabay bungisngis nito habang si Wanwan nama'y tila ba nahihiya sa tuwa dahil idinisplay ito ni Jujoy.

 

 

 

"Lika na" sabay lapit nitong muli kay Wanwan at hinawakan ang kamay.
"San tayo pupunta?" tanong niya kay Jujoy
"Kay Yewim at kela Renwen, papakilala kita!" sabay ngiti nito na may mga kinang sa mga mata.

 

 

 

 

 

 

 

 

Ernnngggg. Bukas ng gate ng bahay nila Jujoy.


"JUJOY! Talo na tayo pag di ka sumali sa patintero!" kunot noo at reklamo agad nitong si Yeri sabay... "sino yan?" at turo sa batang nasa likuran ni Jujoy.
"Si Wanwan." tuwang tuwang pakilala nitong si Jujoy, "Apo ni Lola Son"


"Marunong ka mag patintero?" singit na tanong ni Byubol sa kaniya at inilingan lang ito ni Wanwan.
"Bakit di ka marunong?" medyo mataray na tanong nitong si Renren at napahawak na lang ng mahigpit si Wanwan sa kamay ni Jujoy, "Um... Wala akong kalaro sa amin eh..."

 

Nagsalubong ang kilay ni Jujoy dahil sa biglang pagtataray nitong si Renwen, na alam naman niyang hindi nito intensyon, at agad namang napasimangot nang lingonin niya si Wanwan na nakatungo at iniiwasan ang mapanuring mata ng mga kaibigan nitong si Jujoy.



Ibig sabihin pala lagi lang malungkot itong si Wanwan kasi wala siyang nakakalaro di katulad niya. 
Ang saya pa naman daw ng may kalaro isip isip ni Jujoy
Nagalala tuloy itong si Jujoy kaya nama'y mahinang pinisil nito ang mga kamay ni Wanwan at binigyan niya ito ng 'okay lang yan' na ngiti.
Dahil simula ngayon lagi na silang maglalaro.

 

 

"Ano na Jujoyyyy~" yaya ni Wheewi.
"Umm.. Una na kayo. Paalam lang ulit ako ke nanay" na agad namang ini-Oohan ng mga bata at isa isang nagsi-alisan.
"OY SUNOD KA HA~" bilin ni Yewim na agat tinangohan ni Jujoy na tila ba parang nagmamadali.

 

 

"Wanwan dito ka lang muna ha wag kang sasama kung kanino ha?? Diyan ka lang paalam lang ako kay nanay" bilin nito kay Wanwan, "wag kang aalis pag di mo ko asama haaaa"
"Okay..." mahinang pagsang ayon nito.
 

Isasarado niya na sana muna ang gate ng mapansin na may batang nagpaiwan pa.
"Deulgi? Nu ginagawa mo pa dito?" pagtataka ni Jujoy kala niya kasi umalis na din ito, "sunod nga ako sa inyo antay nyo na lang kami" at sabay karipas pabalik ng bahay upang magpaalam sa kaniyang nanay na isasama itong si Wanwan sa may kanto upang maglaro.

 

 

Pero nanatili pa din sa pwesto itong si Deulgi.

 

"H

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
redsummer0801
Isang chapter upload na muna. 🤧

Comments

You must be logged in to comment
_wendyshon_ #1
Chapter 47: Napakasakit naman neto💔💔💔
Jhmrydll_
#2
Chapter 47: :((
Jhmrydll_
#3
Chapter 25: Galing niyo po magediiitttt
Jhmrydll_
#4
Chapter 10: luh angst ba 2? hahaha 'wag pi
Jhmrydll_
#5
Chapter 9: deulgi uhugin
Jhmrydll_
#6
ang cuteee
gomdolie
#7
Chapter 10: halaaaaa bat may angst agad? huhuhu
gomdolie
#8
Chapter 3: omg ang cute naghahanap talaga aq ng wenjoy au tas nakita ko to waahhhh ang cute ni jujoy at wanwan😭
iana013
#9
Chapter 47: sa sobrang sakit ng sugat ni jujoy pati ako naiyak.. galing ni author sumulat dama ko ung hapdi 😭😭
honeyblood17
#10
Chapter 47: Grabe naman, lods! Ang galing nacapture mo yung musmos na "heartbreak". Yung bang yung atake ng angst ay less about dun nangyari but more on dun sa hirap nung mga sagot sa mga inosente nilang tanong na basically, bakit mahirap ang mundo? 🥺😭

Awawak aman Jujoy 😢😢