Bata-Batuta si Jujoy 24 [Ama Namin]

Ang Apo ni Lola Son
Please Subscribe to read the full chapter

“Jusko po naman aba’y syempre napkacute ng batang ito” panggigigil ni Manang Fe, “kanino ka bang apo?” bati nito habang inaayusan ng damit si Wanwan.

 

“Kay Lola Son po..?” may tono ng pagtataka ang sagot ni Wanwan. Bakit kamo siya tinatanong ng ganito?

 

Natawa naman si Manang Fe at sumagot itong si Wanwan. Tiga ciudad nga naman ang bata at hindi familiar sa mga ‘bati’.

 

Naalala niya tuloy nung isang araw na halos mangiyakngiyak si Wanwan dahil nilawayan siya ng nanay ni Wheein sa may siko, baka daw kasi mabalis nito si Wanwan dahil kanina pa daw niya nababati yung mapisngi niyang mukha.

 

Nahirapan pa nga silang iexplain kay Wanwan kung bakit ito ginagawa ng mga matatanda.




 

“Ganon ba?” biro ni Manang Fe at natawa sa sarili. Matapos nyang mabihisan ang Wanwan at maayusan ng buhok ay agad niya itong niyakag na palabas.

 

 

 

“Oh bakit malungkot ang Wannie?” tanong ni Lola Son nang makita na silang pababa ni Manang Fe at magkahawak kamay.

“Loh-la…” mahina ang boses ni Wanwan. “Uuwi na ba si Wanwan kaya ako nagwear ng dress?” tanong ng bata habang may namumuong luha sa mga mata.



 

Agad na lumapit si Lola Son at kinarga si Wanwan. Yakap yakap niya ito hanggang sa maupo sila sa tumba-tumba at iniupo sa kanyang kandungan.

 

 

 

Kamangha mangha naman ang apo ni Lola Son dahil kahit anong bigat ng dinadala ay pinipilit pa rin nitong manatiling kalmado, kahit na patulo na ang luha sa gilid ng mga mata.

 

“Kakausapin ni Lola si Mommy mo, okay ba yon?” pangako ni Lola Son sa apo, “magrerequest si lola na dito muna kayo ng isa pang linggo okay ba iyon?”

“Okay po” sabay tahan ni Wanwan at yakap sa kanyang Lola Son.

 

Hinaplos ni Lola Son ang likod ni Wanwan sabay tanim ng mga halik sa bunbunan nito. “Sabihan mo ang lola pag ready na si Wannie umalis at magsimba ha?”


 

 

 



Unang misa tuwing Linggo, mga alas siete ng umaga, ito, ang kadalasang oras ng simba nila Lola Son, ngunit dahil di na sila aabot sa first mass ay minabuti nalang nilang magsimba sa pangalawang misa kung saan kalimitan ay oras ng simba ng mga kaibigan ni Wanwan.

 

“Wanwan” kulbit sa balikat ni Deulgi sabay kaway nito malapit sa mukha ng bata ng lingunin siya ni Wanwan. “Andito ka pala!” dagdag niya.

 

“Deulgi~ Hello!” masayang bati ni Wanwan sa kaibigan at kaway din sa kanya. “Sinong kasama mo? San seat nyo?” curious na tanong ni Wanwan. Tuwang tuwa nga naman kasi siya dahil may nakita siyang kakilala dito sa simbahan. Sa paunang misa kasi unti lang ang tao at wala siyang namumukhaan sa mga parokyano.

 

“Kasama ko si mama, papa, ate Una” pagbilang nya gamit ang daliri, “tapos nasa harapan namin si titser Babes, Renren, at si Tala. Wala pa sila Wheewi, Hwacha at Byulbol eh, pero parating na yung mga yon”

 

Sa lahat ng pangalang nabanggit, di nabanggit ang ngalan ni Jujoy, kaya napatanong sa sarili si Wanwan kung ang kaibigan ba niyang si Jujoy ay nagsisimba.

 

“Ay, si Jujoy pa pala! Andun si Jujoy sa may bandang harap” sabay turo ni Deulgi sa kaliwang bahagi ng simbahan, “kasama niya si Tita Tes tsaka tatay Berts.” 

 

Sa liit ni Wanwan ay pilit siyang tumingkayad upang matanaw ang pwestong tinuturo ni Deulgi sa kanya ngunit dahil nga’y maliit lamang ang bata’y di niya makita ang batang Jujoy

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
redsummer0801
Isang chapter upload na muna. 🤧

Comments

You must be logged in to comment
_wendyshon_ #1
Chapter 47: Napakasakit naman neto💔💔💔
Jhmrydll_
#2
Chapter 47: :((
Jhmrydll_
#3
Chapter 25: Galing niyo po magediiitttt
Jhmrydll_
#4
Chapter 10: luh angst ba 2? hahaha 'wag pi
Jhmrydll_
#5
Chapter 9: deulgi uhugin
Jhmrydll_
#6
ang cuteee
gomdolie
#7
Chapter 10: halaaaaa bat may angst agad? huhuhu
gomdolie
#8
Chapter 3: omg ang cute naghahanap talaga aq ng wenjoy au tas nakita ko to waahhhh ang cute ni jujoy at wanwan😭
iana013
#9
Chapter 47: sa sobrang sakit ng sugat ni jujoy pati ako naiyak.. galing ni author sumulat dama ko ung hapdi 😭😭
honeyblood17
#10
Chapter 47: Grabe naman, lods! Ang galing nacapture mo yung musmos na "heartbreak". Yung bang yung atake ng angst ay less about dun nangyari but more on dun sa hirap nung mga sagot sa mga inosente nilang tanong na basically, bakit mahirap ang mundo? 🥺😭

Awawak aman Jujoy 😢😢