Bata-Batuta si Jujoy 20 [Ang Pagdating ng Mommy ni Wannie]

Ang Apo ni Lola Son
Please Subscribe to read the full chapter

“Tao po?” katok ni Mommy Anna sa gate nila Aling Marites.

“Sino ho iyan?” sigaw ni Aling Marites habang bantay bantay ang nilulutong tanghalian, pininyahang manok. “Saglit lang ho ha?” pahabol nito.


 

Nang maitabi na ni Aling Marites ang ulam nila ni Jujoy ay dali dali itong nagtungo sa labas upang puntahan ang nangangatok sa kanilang gate. Wala kasi si Mang Berting, at may aasikasuhin daw.

 

Kumunot ang noo ni Aling Marites nang makita ang babaeng nakatayo sa labas ng gate nila. Di niya kasi inaasahan na isang pagkaganda ba namang babae ang nakaabang sa may gate nila. Napagkamalan pa nga niyang poreyner. Kala niya’y ang nangangatok ay yung mga nanghihingi ng kaunting tulong o di kaya’y namimili ng lumang coins o di nama’y nagaalok ng walis tambo o step-in na gawang Marikina.

 

“HEWOOO TITA MAWITES!” bibong bati ni Deulgi habang nakasuksok ang mukha sa pagitan ng bakal sa gate. Nabaling naman ang atensyon ni Aling Marites dito kay Deulgi at napansin din na kasama pala si Wanwan na nakayakap sa may binti nung babaeng nananaopo kanina.

 

“Hello po” bating muli ng mommy ni Wanwan. “Kayo ho ba ang nanay ni Jujoy?” at saka siya nilapitan ni Aling Marites.

 

“Ay oho. Ako ho iyon, Marites hu” sagot nito. 

“Anna po ang name ko at mommy po ako ni Wanwan.” pagpapakilala niya sabay abot ng kamay nito kay Aling Marites.

 

“Naku, madam pasensya na, malansa ho ang kamay ko sa paglinis ng mga pinamiling isda kanina.” 

“Okay lang po” sagot ng mommy ni Wanwan, “nandito po kami kasi may gusto daw sabihin itong dalawa kay Jujoy.”

 

“Ay siya, sige, likayo’t pumasok sa loob.” paanyaya ni Aling Marites. "pasensya na ho kayo ha? at di kagandahan ang bahay namin."

"Naku, wala po yun." sagot naman ni mommy ni Wannie, "pasensya na din ho sa abala"

 

Pagkapasok na pagkapasok ay hinila na ni Deulgi si Wanwan paakyat ng kwarto ni Jujoy, “Tita Mawites, puntahan na po namin jujoy po”.

"DEULGI! WAG MANANAKBO SA HAGDAN AT MABANGASAN!" sigaw ni Aling Marites sabay, yakag nito kay Ma'am Anna na maupo.



 

“JUJOY!” bulaga ni Deulgi ng buksan ang pinto. Nadatnan nito si Jujoy na nakatalukbong ang ulo ng unan.

Nang manakbo itong si Deulgi upang hilahin si Jujoy sa pa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
redsummer0801
Isang chapter upload na muna. 🤧

Comments

You must be logged in to comment
_wendyshon_ #1
Chapter 47: Napakasakit naman neto💔💔💔
Jhmrydll_
#2
Chapter 47: :((
Jhmrydll_
#3
Chapter 25: Galing niyo po magediiitttt
Jhmrydll_
#4
Chapter 10: luh angst ba 2? hahaha 'wag pi
Jhmrydll_
#5
Chapter 9: deulgi uhugin
Jhmrydll_
#6
ang cuteee
gomdolie
#7
Chapter 10: halaaaaa bat may angst agad? huhuhu
gomdolie
#8
Chapter 3: omg ang cute naghahanap talaga aq ng wenjoy au tas nakita ko to waahhhh ang cute ni jujoy at wanwan😭
iana013
#9
Chapter 47: sa sobrang sakit ng sugat ni jujoy pati ako naiyak.. galing ni author sumulat dama ko ung hapdi 😭😭
honeyblood17
#10
Chapter 47: Grabe naman, lods! Ang galing nacapture mo yung musmos na "heartbreak". Yung bang yung atake ng angst ay less about dun nangyari but more on dun sa hirap nung mga sagot sa mga inosente nilang tanong na basically, bakit mahirap ang mundo? 🥺😭

Awawak aman Jujoy 😢😢