Bata-Batuta si Jujoy 05

Ang Apo ni Lola Son
Please Subscribe to read the full chapter

"Ikaw talaga Jujoy, pasaway ka." ngingiting sabi ni Lola Son habang ginagamot ang mga sugat na natamo ni Jujoy.


"Pano ka nakatawid dito, Jujoy?" tanong ni Manang Fe na aliw na aliw kay Jujoy.
"Naging pusa si Jujoy, Manang!" sagot ni Jujoy.

 

"Meow meow meow" cute na pag sabi ni Wanwan.
Sabay tawa ng dalawang bata.

 

Matapos lagyan ni Lola Son ang sugat ni Jujoy ng Betadine at Band-aid ay tumayo ito at iniligpit ang ginamit sa lagayan nito.

 

Hinalikan ni Lola Son sa pisngi si Jujoy at hinaplos ang sugat na may band-aid.
"Ayan.. at gagaling ka na." sabi ni Lola Son na may maamong ngiti sa mga labi.

 

"Felidad, makikitabi nga muna nito sa kwarto at ipagbabalot ko lang si Jujoy ng cookies ulit para may makain mamaya" pakiusap ni Lola Son kay Manang Fe na agad namang sinunod nito.

"Talaga po?" masayang tanong nitong Jujoy, "may cookies ulit si Jujoy?"

"Yes, Jujoy.. pero wag mo na gagawin ulit yun ha? at secret lang natin yung cookies. Pagagalitan tayo ng nanay mo" ngiti ni lola.

 

Napatameme lamang ang batang Jujoy. 
 

Di na hinintay ni Lola Son ang sagot nitong Jujoy, dahil sa palagay nito ay naiintindihan ng bata ang bilin niya. Kaya nama'y agad na nagtungo si Lola pa kusina.

 

Masayang nakatingin lamang si Wannie kay Jujoy nung napalingon ito sa kaniya.


Nakaupo sila parehas sa sofa at nakalambitin at nagsi-sway ang maliliit nilang binti 

 

Umisod papalapit si Wannie kay Jujoy na may saya pa rin sa mga titig nito.
 

"Yayay pa din ba?" tanong ni Wannie kay Jujoy.
"Medyo yayay" sabi ni Jujoy, "pero nikiss na ako ni Lola Son kaya gagaling na si Jujoy!"

 

Namangha ang batang Wannie sa nalaman niya...

 


Na may hiwaga palang dala ang mga halik
At nakakapagpagaling ito ng sakit. 

 

Kaya nama'y nilapit ni Wannie ang kanyang mga labi at hinalikan sa pisngi si Jujoy sabay ngiti nito sa kanya.
 

Halata ang pagkagulat ni Jujoy sa surpresang bigay ni Wanwan sa kaniya.
 

"Bakit mo ko nikiss, Wanwan?" nahihiyang bulong ni Jujoy.
"Kasi..para galing ka kagad " nahihiyang ngiti ni Wannie.

 

Napatango si Jujoy bilang pagsang-ayon.
Tama nga naman si Wannie.
Agad siyang gagaling dahil sa halik niya.

 

Kaya nga din siya binigyan ni Lola Son, hindi ba? 

 

"Isa pa!" hingi ni Jujoy, "para sa hands ko.. kasi yung kan

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
redsummer0801
Isang chapter upload na muna. 🤧

Comments

You must be logged in to comment
_wendyshon_ #1
Chapter 47: Napakasakit naman neto💔💔💔
Jhmrydll_
#2
Chapter 47: :((
Jhmrydll_
#3
Chapter 25: Galing niyo po magediiitttt
Jhmrydll_
#4
Chapter 10: luh angst ba 2? hahaha 'wag pi
Jhmrydll_
#5
Chapter 9: deulgi uhugin
Jhmrydll_
#6
ang cuteee
gomdolie
#7
Chapter 10: halaaaaa bat may angst agad? huhuhu
gomdolie
#8
Chapter 3: omg ang cute naghahanap talaga aq ng wenjoy au tas nakita ko to waahhhh ang cute ni jujoy at wanwan😭
iana013
#9
Chapter 47: sa sobrang sakit ng sugat ni jujoy pati ako naiyak.. galing ni author sumulat dama ko ung hapdi 😭😭
honeyblood17
#10
Chapter 47: Grabe naman, lods! Ang galing nacapture mo yung musmos na "heartbreak". Yung bang yung atake ng angst ay less about dun nangyari but more on dun sa hirap nung mga sagot sa mga inosente nilang tanong na basically, bakit mahirap ang mundo? 🥺😭

Awawak aman Jujoy 😢😢