Bata-Batuta si Jujoy 01
Ang Apo ni Lola SonTahimik ang paligid at maaliwalas ang panahon.
Nag gagayak si Mrs. Park ng himagas na ibibigay nito sa mga kapitbahay na mabuti ang loob.
"Jujoy!" sigaw nito.
"Opo!!" sagot naman ng anak niya.
Agad namang sumunod ang batang palayaw ay 'Ju-joy' at iniwanan ang kanyang pinagkakaabalahan. Dali dali siyang bumaba patungo sa kusina kung saan naandoon ang kanyang ina.
"Jujoy, anak, dalhin mo nga itong leche flan kay Lola Son", utos sa kanya.
"Kay Lola Son mo iyan ha?? Pistilan kang bata ka pag nakikain ka pa pag inalok. Meron tayong leche flan dito!" panenermon nito kay Jujoy.
Napakalmot sa ulo si Jujoy dahil yun na nga ang plano niya sana.
Mabait si Lola Son wari niya, wala siyang magagawa pag gusto ng matandang tikman ang himagas kasama siya.
'Sumunod sa matatanda' yan ang alala nya...
'Makikinig ako kay nanay.. pero mas matanda si Lola Son kaysa kay nanay, kaya si Lola ang masusunod'
Mag katabing bahay lamang ang bahay ng pamilya ni Jujoy at ang bahay ng matanda.
Pwedeng pwede ngang tumalon na lang ng bakod si Jujoy para di na siya ma-hassle ngunit bilin ng nanay niya'y huwag itong gawin dahil pusa lang ang nagawa nito.
Kaya nama'y kinuha niya na ang ang supot ng lecheplan at kumaripas sa pintuan.
Sinuot ang berdeng tsinelas at nagtungo sa gate ng bahay.
"Jujoy?" sabi nung isang batang babae nakatigil sa labas ng bahay ni Jujoy.
"Renren!" tuwang bati nito sa matalik na kaibigan, habang yapos ang supot ng lecheflan.
R: "Saan ang punta mo, Jujoy?"
J: "Kela Lola Son"
R: "Ano gagawin mo doon? Lalaro kayo? Bat di mo ko niyaya?"
J: "Di Renren! Inutusan ako ni nanay mag deliber ng lechemplan"
R: "Bakit kami walang lechemflan?"
J: "Meron yan! Di pwedeng wala! Magtatampo si Jujoy kay nanay pag walang Lechemplan si Renren!"
Ngumiti ang matalik na kaibigan nitong si Ju-joy
R: "Antayin kita ha!"
J: "Shige!"
Agad namaalam si Jujoy at iniwan ang kaibigan sa bahay nila.
At dahil katabing bahay lang naman ang bahay ni Lola Son ay ilang hakbang lamang ay nasa tapat na ng gate nito ang batang si Jujoy.
"Tao po! Mewalco pow!" natatawang panloloko nitong si Jujoy, "Mewalco, mewalco"
Rinig ang malakas na tawanan mula sa malaking bahay..wala pang ilang minuto ay agad siyang sinalubong ng isang matandang babae
Comments