Babaysot si Jujoy 01

Ang Apo ni Lola Son
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

“Hi~” bati ni Jujoy habang nilalandi yung cord nung telepono. Mga ngiti sa mga labi ay pilit na kinukubli, pilit na kinakalma ang pusong natutuwa ng marinig ang boses ng isang espesyal na tao sa kabilang linya.

 

Biyernes. Alas otso na ng gabi sa Pilipinas, pero ang babaysot na si Jujoy, naka school uniform pa. Tuwing Biyernes siyang ganito, matapos ang klase niya sa buong maghapon, ay dederetso siya kela lola Son.

 

Nagbabakasakali, nagaabang, na baka isa to sa mga Biyernes na maaaring tumawag si Wanwan kela lola Son at mabigyan siya ng pagkakataon na makausap niya ang kaibagang si Wanwan, upang makamusta. Saglit lamang ang tawag tuwina. Mga hiram na sandali upang marinig ang boses ng isa’t isa. Labis na kasiyahan na ang dulot nito para kay Jujoy. Para sa kanya sapat na iyon.

 

“Nabasa mo na ba yung sulat ko? Nareceive mo na ba?” tanong ni Wanwan sa kabilang linya, “or di pa nadating?” tanong ni Wanwan na may halong tunog ng pag-aalala at sabik. 

 

“Wala pa kaming natatanggap ni Lola Son eh” sabay baling ng tingin ni Jujoy kay Lola Son na pinagmamasdan siya habang masayang nanggagantsilyo sa kanyang umuugay na upuan. Umiling lang si Lola Son, bilang senyas na wala pa ngang nadating na sulat mula kay Wanwan. “Bakit pala?” masigasig niyang tanong. “Ano ba nakalagay don~~” nagkaroon ng saglit na katahimikan sa magkabilang linya, tila ba pareho silang nag-aalangan, nahihiya.

 

“CHIKLEEET!” mapaglarong pagbasag ni Wanwan ng saglit na katahimikan.

“ANG DAYA DAYA MO TALAGA HMPPPFT. Ano kasi yuuun~ sige ka magtatampo ako. Gusto mo bang magtampo ako? Mahirap akong suyuin malayo ka na.” mapangasar na tawa ang sumunod.

“Jujoyy naman ehhhh~”

“Ano ngaaaa~ sabihin mo na daliii~” bungisngis ni Jujoy, “bawal ko bang marinig mula sayo?” 

 

Isang saglit na katahimikan namang muli ang nangibabaw. Nakaabang ang Jujoy kay Wanwan, baka sakaling sabihin na lamang ni Wanwan sa kanya ang nilalaman ng liham niyang di pa nakakarating sa kanya.

 

“Di naman.. Nahihiya lang ako… ” tugon ni Wanwan na para bang gusto ng kainin ng lupa sa hiya.

“Ano ba yun? At bakit ka nahihiya?” paguudyok ni Jujoy na may halong pabirong tono. 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
redsummer0801
Isang chapter upload na muna. 🤧

Comments

You must be logged in to comment
_wendyshon_ #1
Chapter 47: Napakasakit naman neto💔💔💔
Jhmrydll_
#2
Chapter 47: :((
Jhmrydll_
#3
Chapter 25: Galing niyo po magediiitttt
Jhmrydll_
#4
Chapter 10: luh angst ba 2? hahaha 'wag pi
Jhmrydll_
#5
Chapter 9: deulgi uhugin
Jhmrydll_
#6
ang cuteee
gomdolie
#7
Chapter 10: halaaaaa bat may angst agad? huhuhu
gomdolie
#8
Chapter 3: omg ang cute naghahanap talaga aq ng wenjoy au tas nakita ko to waahhhh ang cute ni jujoy at wanwan😭
iana013
#9
Chapter 47: sa sobrang sakit ng sugat ni jujoy pati ako naiyak.. galing ni author sumulat dama ko ung hapdi 😭😭
honeyblood17
#10
Chapter 47: Grabe naman, lods! Ang galing nacapture mo yung musmos na "heartbreak". Yung bang yung atake ng angst ay less about dun nangyari but more on dun sa hirap nung mga sagot sa mga inosente nilang tanong na basically, bakit mahirap ang mundo? 🥺😭

Awawak aman Jujoy 😢😢