Bata-Batuta si Jujoy 06

Ang Apo ni Lola Son
Please Subscribe to read the full chapter

Umaga. Tahimik at nakingiting nagaalmusal si Jujoy habang pinagmamasdan ang nanay niyang abala sa kusina. Ang tatay naman nito ay nakaalis na at malamang ay nasa trabaho na.

Sabik na sabik ang batang Jujoy na lumabas at puntahan ang Wanwan niya dahil sabi nito kagabi ay maglalaro sila kinabukasan, kaya naman nagpaalam itong si Jujoy matapos niyang ubusin ang tatlong toasted pandesal na pinalamanan ng nanay niya ng mantikilya at binudburan ng kaunting asukal.

 

"Nanay, lalabas po si Jujoy", sabi ni Jujoy sabay pagpag ng kamay at baba sa silya.
"At saan ang punta?" tanong ng nanay nito habang naggigisa ng bawang at sibuyas.
"Kela Wanwan po" sagot ni Jujoy.

Napalingon ang nanay nito saglit kay Jujoy na may halong pagtataka. Bakit ba pupunta ang Jujoy sa kabila eh hindi pa naman siya kilala ni Wanwan.

Ah. Siguro baka makikipagkilala lamang ang anak niyang si Jujoy at yayain makipaglaro pa sa mga kaibagan nito.

"Alis na Jujoy po!"
"Teka teka!" habol ni Aling Marites kay Jujoy, "ikaw ba ay naligo na?"
"Di pa po" sagot ng bata.
"Aba nakakahiya naman yon." sabi ng nanay


"Pero nanay, pagpapawisan din Jujoy." pagrarason nitong si Jujoy
"Ano? Mamaya eh, ikaw eh, ikiss diyan aba eh baka amoy asim ka" pananakot nitong nanay ni Jujoy sa kanya.

 

Nanlaki ang mga mata ni Jujoy. 
Wala lang naman sa kanya kung amoy asim siya gaya ng pananakot ng nanay niya kung di ito maliligo pero ayaw naman niyang maging dahilan ito na hindi siya ikiss ni Wanwan kung siya may masusugatan.

 

"Sige ka. Di ka liligo? Di ka talaga makikiss ni Lola Son mo niyan" dagdag ng nanay nito.

 

Si Lola Son nga pala ang laging nakahalik dito kay Jujoy.
Agad naalala ng bata.
Bakit ba iniisip niyang ikikiss siya ni Wanwan.
Maingat naman ang Jujoy.
Malabo nang masagutan siyang ulit.
Nasaktuhan lang talaga siya kagabi.


Natatawa na lang tuloy ang batang Jujoy.

 

"Hehe. Otey po. Ligo po tayo, nanay!" tuwang tuwang sabi ni Jujoy
"O siya sige, kuha mo na muna tuwalya mo sa kuwarto sa itaas at sunod ka na lang sa banyo"

 

Napatango ang bata at agad namang sinunod ang utos ng kaniyang nanay.
 

 

 

Habang pinaliliguan, masayang nakanta ang mag ina ng nursery rhymes nang mapansin nitong si Aling Marites ang sugat ni Jujoy sa binti at palad.
 

"Jujoy? Ano na naman ito?" tanong ng nanay ni Jujoy.
 

Kabado ang batang Jujoy..
Ayaw niyang ipaalam ang mga nangyari kagabi.

 

"Sugat po nanay" simangot nito.
"Alam kong sugat ito, Jujoy, pero anong nangyari at may sugat ka?" 

"May sugat po Jujoy kasi nasugatan siya" naluluhang sabi ni Jujoy.

 

"Ikaw bata ka..." pisil ng nanay nito sa pisngi
"AAH! AHH!!!" pagaray ni Jujoy


"Ikaw jujoy mag ingat ka naman sa paglaro..ha??" pagpapaalala ng nanay ni Jujoy, "mamaya eh mapano ka pa diyan sige"

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
redsummer0801
Isang chapter upload na muna. 🤧

Comments

You must be logged in to comment
_wendyshon_ #1
Chapter 47: Napakasakit naman neto💔💔💔
Jhmrydll_
#2
Chapter 47: :((
Jhmrydll_
#3
Chapter 25: Galing niyo po magediiitttt
Jhmrydll_
#4
Chapter 10: luh angst ba 2? hahaha 'wag pi
Jhmrydll_
#5
Chapter 9: deulgi uhugin
Jhmrydll_
#6
ang cuteee
gomdolie
#7
Chapter 10: halaaaaa bat may angst agad? huhuhu
gomdolie
#8
Chapter 3: omg ang cute naghahanap talaga aq ng wenjoy au tas nakita ko to waahhhh ang cute ni jujoy at wanwan😭
iana013
#9
Chapter 47: sa sobrang sakit ng sugat ni jujoy pati ako naiyak.. galing ni author sumulat dama ko ung hapdi 😭😭
honeyblood17
#10
Chapter 47: Grabe naman, lods! Ang galing nacapture mo yung musmos na "heartbreak". Yung bang yung atake ng angst ay less about dun nangyari but more on dun sa hirap nung mga sagot sa mga inosente nilang tanong na basically, bakit mahirap ang mundo? 🥺😭

Awawak aman Jujoy 😢😢