Bata-Batuta si Jujoy 19 [Ang Pagdating ng Mommy ni Wannie]

Ang Apo ni Lola Son
Please Subscribe to read the full chapter

“Ay naku, ma’am, kanina pa ho ba kayo?” bati ni Manang Fe sa babaeng nakahintay sa kaniya sa labas ubang mapagbuksan. “Pasensya na ho at di ko kayo narinig”

 

“Okay lang, Manang Fe.” sabay beso nito kay Manang nang mapagbuksan na siya ng gate at makapasok sa loob. “Kamusta ho kayo?” 

 

Dumating na ang mommy ni Wanwan na si Anna Villafuerte-Son, isang pagkaganda at balingkinitan na babae, na may magandang kutis. Bukod doon, napakabait na babae itong napangasawa ni William, ang unico hijo ni Lola Son. Dito halos namana ni Wanwan ang kagandahan at kabutihan niya. Singkara ng bait ang mga magulang nitong si Wanwan, lalo na ang mommy Ana nito na kung ihahantulad daw ay parang Anghel sa ganda at ugali. Laging handang magbigay ng tulong at bukod pa doon ay parati siyang tumutulong at nagbibigay donasyon sa iba’t ibang charities.

 

Matangkad na babae din si Ma’am Anna. Isang katangiang sana daw eh makuha ni Wanwan, dahil ang totoo nya’y, maliit na lalaki ang daddy niya.

Byumahe itong magisa dahil madaming inaasikaso ang kanyang asawa sa negosyo ng kanilang pamilya at susunod na lamang siya sana ngayong linggo upang sunduin ang mag-ina.

 

“Ito ayos naman. Buti kamo at sumakto ho kayo sa tanghalian. Tamang tama at peyborit ninyo itong ulam na niluluto ko.” wika ni Manang Fe.

“Nakuuu~ timing naman pala ang dating ko." laking tuwa niya peyborit niya kasi ang sinigang ni Manang, "si mama Son ho pala nasaan?” tanong ng mommy Anna.

 

“Naku, eh mamimili daw hong damit ni Wanwan pang simba. Maya maya pa daw ho ang balik noon.”

“Bakit daw po? May mga iniwan naman po akong damit ni Wannie” tanong nito.

“Ay naku, Ms. Anna, hayaan niyo na at aliw na aliw lang ho kami talaga sa anak ninyo. Ang saya tuloy ng bahay ni Lola Son gawa nung batang yun. Buti na lang at tinuruan nyong magtagalog para sa akin at naku aba’y mahihirapan akong makipagusap kung panay ingles”

 

Natawa naman ang mommy ni Wanwan at malambing na sinandal ang ulo sa balikat ni Manang saka niyakap sa bewang. “Asan na nga ba yung baby ko na yun? Wannie~ Baby? Mommy is here! Asan ka?” sabay hanap nito sa mga silid sa babang palapag ng bahay matapos ilapag ang bitbit niyang pasalubong sa may kusina

 

“Ay nasa labas ho, nakikipaglaro kela Jujoy!” sagot ni Manang Fe bago dumerecho ng kusina para balikan ang nilulutong sinigang pang tanghalian.

 

Nang marinig ni Manang Fe ang papalayong tunog ng mga yapak sa sahig at agad siyang sumilip sa may sala at nadatnan si Ma'am Anna na binubuksan ang screendoor.

 

“Alis ho kayo?” tanong ni Manang.

“Oho” sagot ni Ma'am Anna, “puntahan ko ho si Wannie at gusto ko din ho makilala si Jujoy.” sabay ngiti “nung kausap ko

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
redsummer0801
Isang chapter upload na muna. 🤧

Comments

You must be logged in to comment
_wendyshon_ #1
Chapter 47: Napakasakit naman neto💔💔💔
Jhmrydll_
#2
Chapter 47: :((
Jhmrydll_
#3
Chapter 25: Galing niyo po magediiitttt
Jhmrydll_
#4
Chapter 10: luh angst ba 2? hahaha 'wag pi
Jhmrydll_
#5
Chapter 9: deulgi uhugin
Jhmrydll_
#6
ang cuteee
gomdolie
#7
Chapter 10: halaaaaa bat may angst agad? huhuhu
gomdolie
#8
Chapter 3: omg ang cute naghahanap talaga aq ng wenjoy au tas nakita ko to waahhhh ang cute ni jujoy at wanwan😭
iana013
#9
Chapter 47: sa sobrang sakit ng sugat ni jujoy pati ako naiyak.. galing ni author sumulat dama ko ung hapdi 😭😭
honeyblood17
#10
Chapter 47: Grabe naman, lods! Ang galing nacapture mo yung musmos na "heartbreak". Yung bang yung atake ng angst ay less about dun nangyari but more on dun sa hirap nung mga sagot sa mga inosente nilang tanong na basically, bakit mahirap ang mundo? 🥺😭

Awawak aman Jujoy 😢😢