Bata-Batuta si Jujoy 15

Ang Apo ni Lola Son
Please Subscribe to read the full chapter

“Andyan ba si lola Son?” tanong ng mommy ni Wendy sa kabilang linya
“Wala po…” halos pabulong nitong sagot

“Pakausap naman si mommy kay Manang Fe na lang” pakisuyo ng mommy ni Wanwan na agad naman sinunod yaring bata.

 

“Manang Fe~ Manang Fe” marahang nanakbo si Wanwan para tawagin si Manang sa kusina, “kausapin daw po kayo ni mommy” sabay hila nito ng marahan sa daster na suot ni Manang.

“Sige, Wannie, salamat” sagot niya rito at tumayo na mula sa silya, “Marites, balikan kita ha?”

 

“Ay naku, Manang, huwag na at ako’y mamalengke pa. Maiwan ko na muna ho si Jujoy dito ha?” wika ni Aling Marites at hinaplos ang ulo ni Wanwan, “okay lang ba dito muna saiyo si Jujoy ko?”

 

Dahan dahang kumurba ang mga labi ni Wanwan at binigyan niya ng ngiti si Aling Marites saka sumagot ng mahiyaing opo.

 

Kasunod halos ni Manang Fe, sina Aling Marites at Wanwan pabalik sa may salas. Si Manang Fe, patungo sa telepono habang ang dalawa ay papunta kay Jujoy dahil nais sanang pagsabihan ni Aling Marites si Jujoy bago siya tuluyang umalis upang mamalengke. Binilinan niya ang bata na magsasabi kay Manang Fe kung ito ay lalabas para makipaglaro o kung ano man. Iniwanan niya rin ang Jujoy ng limang piso para pambili kamo ng nata de cocong hiling hiling nito sa kanya kanina.


 

 

 

 

“Hello ho” pagbati ni Manang Fe sa mommy ni Wanwan, “napatawag ho kayo Ma’am Anna”

“Hello Manang Fe” masayang bati nito, “nangamusta lang ho at namimiss ko na ang baby namin eh”. Napangiti naman si Manang Fe. Napakaswerte ba naman kamo ng napangasawa ng anak ni Lola Son, at itong hipag ni Lola ay singkara ng bait at aruga sa pamilya.

 

“Gusto ko din po sanang iparating sa inyo na uuwi ho kami ni William, mga first or second week ho ng May”

Tuwang tuwa si Manang Fe sa impormasyong nilathala sa kaniya, kaya naman napatingin siya siya sa direksyon nung dalawang bata upang masulyap si Wanwan na walang tigil na kinukwentuhan ni Jujoy.. 

 

“Ay siya matutuwa ang Wannie niyan” kumento ni Manang Fe sa sobrang tuwa nito sa paguwi ng magasawa sa bahay ng Lola Son, kaya naman napalakas yata ang pagkakasabi niya gawa nang napatingin sa kanya ang dalawang bata. Si Jujoy na nakangiti, at si W

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
redsummer0801
Isang chapter upload na muna. 🤧

Comments

You must be logged in to comment
_wendyshon_ #1
Chapter 47: Napakasakit naman neto💔💔💔
Jhmrydll_
#2
Chapter 47: :((
Jhmrydll_
#3
Chapter 25: Galing niyo po magediiitttt
Jhmrydll_
#4
Chapter 10: luh angst ba 2? hahaha 'wag pi
Jhmrydll_
#5
Chapter 9: deulgi uhugin
Jhmrydll_
#6
ang cuteee
gomdolie
#7
Chapter 10: halaaaaa bat may angst agad? huhuhu
gomdolie
#8
Chapter 3: omg ang cute naghahanap talaga aq ng wenjoy au tas nakita ko to waahhhh ang cute ni jujoy at wanwan😭
iana013
#9
Chapter 47: sa sobrang sakit ng sugat ni jujoy pati ako naiyak.. galing ni author sumulat dama ko ung hapdi 😭😭
honeyblood17
#10
Chapter 47: Grabe naman, lods! Ang galing nacapture mo yung musmos na "heartbreak". Yung bang yung atake ng angst ay less about dun nangyari but more on dun sa hirap nung mga sagot sa mga inosente nilang tanong na basically, bakit mahirap ang mundo? 🥺😭

Awawak aman Jujoy 😢😢