BiniBini si Jujoy 07
Ang Apo ni Lola Son
Dumating din ang umaga para sa puso ni Joy na lumuluha. Sa pagtama ng liwanag ng sinag ng araw, ang mga yakap ni Irene, matalik nitong kaibigan, ang nagsilbing init, kalma para sa kanya.
Ang mga yakap na iyon ang nagpatahan sa kaniya kanina sa kalagitnaan ng kanyang kalungkutan. Isang masidhing pithayang kakambal ng hapis at alab ng pagnanasang makitang muli, makausap, mabigyan ng kasagutan ang mga katanungang iniwanan lang na nakabuklat at di binigyan ng wakas.
“Beps” bulong ng matalik nitong kaibigan, “okay ka na?” pag angat ni Irene sa mukha ng kaibigan nakasubsob sa mga bisig niya. “Hilamos ka na muna habang tulong pa tong dalawa”
Tumango si Joy at pinunasan ang alin mang bakas na naiwan mula sa gabing yon. Agad itong bumangon at nagtungo sa baba kung nasaan naroon ang banyo ng kanilang tahanan.
“Rene” bulong ni Yeri matapos makitang lumabas nang tuluyan si Joy mula sa silid na kanilang pinagtulugan. “Sorry” sabi niya sa halip na good morning, habang nakatalikod pa rin kay Irene.
Napangiti lamang si Irene at tumingin sa tabing bintana, habang nilalasap ang malamig na hanging dala ng papalapit na Disyembre. “Wala kang ginawang masama para humingi ng tawad” sabay baling niya sa nakatalikod pa din na Yeri.
Napapikit si Yeri. Ayaw pa ring humarap kay Irene. Tama naman kasi ang kaibigan niya, pero nang makita ang naging dulot nitong bitbit niyang pangangamusta ni Wanwan kay Jujoy, feeling niya siya ang nanakit sa tropa.
Please Subscribe to read the full chapter
Comments