Bata-Batuta si Jujoy 25 [Bisiklita]

Ang Apo ni Lola Son
Please Subscribe to read the full chapter

 

Nakakamangha nga naman ang kakayanan ng isang litrato na ibalik ka sa isang ala-ala..



 

Klatangk klatangk
Klatangk klatangk

 

 

Ingay na likha na paulit ulit ng latang nakaestasyon sa may bintana ni Wanwan.

Ingay na gawa ng nasa kabilang linya, umaasang bigyang pansin siya ng kababata.

 


 

“Wanwan?? Bakit ka naiyak?” tanong ni Jujoy mula sa kabilang linya ng makita niyang nilapat na ni Wanwan ang lata sa kanyang taenga.

 

Nag-alala kasi itong si Jujoy ng makita si Wanwan na naka damit pa din na pinangsimba kanina at nahagulgol na. Sa pagkakatannda ng batang Jujoy, masaya pa naman sila nung magkasama kanina hanggang sa maihatid na nila sila Wanwan sa kanilang bahay. Malapad pa ngga ang ngiti ni Wanwan sa kanya nung magpaalam ito kay Jujoy, may pahabol pa nga na Panood daw magbike si Jujoy.

 

Kaya naman naguguluhan si Jujoy, ano ang sanhi ng pagiyak ng Wanwan niya?


 

“J-ju-joy..” hikbing maiigi ni Wanwan.. “Di na tayo tuloy mamaya..aalis na kami ni mommy…” sabay u-hu niya.

“H-ha???” di maproseso ni Jujoy ang mga pinagsasabi ni Wanwan.

 

Aalis?
Anong aalis?

San pupunta?
Lalayo si Wanwan?


 

“D-di ba d-dyan ka nakatira kela L-lola?” 

“Jujoy, hindi…” pagpapaliwanag ni Wanwan, “vacation lang si Wanwan kina Lola…” dagdag niya, “uuwi na kami ni Mommy sa house namin.. Aalis na ako…”

 

“Huh?? S-sama si Jujoy… T-teka ss-aama si Jujoy, magiimpake si Jujoy, magddala akong damit.. Ssama si Jujoy” agad na binaba ni Jujoy ang lata at di na narinig ang pahabol ni Wanwan sa linya. Dali daling kinuha ni Jujoy iyong bagong biling bag sa kanya ng nanay nya pang iskul





 

At saka kinalkal yung cabinet nya at nagkuku-kuha ng mga damit na bibitbitin.

Naiiyak na din ang batang Jujoy sa pagmamadali. 

 

Ayaw niyang maiwan siya.

Ayaw niyang aalis ang Wanwan niya.

Ayaw niyang iwanan siya ni Wanwan. 

 

Pinagsasasaksak ni Jujoy ang mga damit at pati ang alkansya nyang puno ng mga napamaskuhan, perang abot ng tatay niya, at mga sukling hiningi niya na sa nanay biling serbisyong lingkod niya sa tuwing inuutusan siyang mamili sa tindahan ni Titser Baeby.


 

 

 

Dinig sa mula sa kwarto ni Jujoy ang mga yabag ng mga paa sa labas at boses ng mga tao mula sa bahay ni lola Son, pati na din ang huni ng pagistart ng sasakyan.

 

 

Lalong nataranta ang Jujoy at nanakbo na siya palabas ng kanyang kwarto habang nahagulgol. 

“WANWAN!” sigaw nito habang naiyak at pababa ng hagdan. “WANWAN~!”

 

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
redsummer0801
Isang chapter upload na muna. 🤧

Comments

You must be logged in to comment
_wendyshon_ #1
Chapter 47: Napakasakit naman neto💔💔💔
Jhmrydll_
#2
Chapter 47: :((
Jhmrydll_
#3
Chapter 25: Galing niyo po magediiitttt
Jhmrydll_
#4
Chapter 10: luh angst ba 2? hahaha 'wag pi
Jhmrydll_
#5
Chapter 9: deulgi uhugin
Jhmrydll_
#6
ang cuteee
gomdolie
#7
Chapter 10: halaaaaa bat may angst agad? huhuhu
gomdolie
#8
Chapter 3: omg ang cute naghahanap talaga aq ng wenjoy au tas nakita ko to waahhhh ang cute ni jujoy at wanwan😭
iana013
#9
Chapter 47: sa sobrang sakit ng sugat ni jujoy pati ako naiyak.. galing ni author sumulat dama ko ung hapdi 😭😭
honeyblood17
#10
Chapter 47: Grabe naman, lods! Ang galing nacapture mo yung musmos na "heartbreak". Yung bang yung atake ng angst ay less about dun nangyari but more on dun sa hirap nung mga sagot sa mga inosente nilang tanong na basically, bakit mahirap ang mundo? 🥺😭

Awawak aman Jujoy 😢😢