BiniBini si Jujoy 11

Ang Apo ni Lola Son
Please Subscribe to read the full chapter

"Oo!" sigaw-sagot ni Yeri kay Joy na paakyat ng kwarto kung nasaan si Yeri para kulitin ito na bumaba at mag-almusal. Kanina pa kasi niya ito niyayakag.

 

“Ano ba yang pinagkakaabalahan mo at di ka pa nababa? Nakahain na yung almusal natin. Gusto mo bang maratratan ni Nanay??" biro ni Joy pagpasok ng kwarto. Agad na napaltan ang mga ngiti ni Joy ng makita si Yeri na may hawak hawak na envelope kung saan nakasulat ang ngalang “Jujoy” rito.

 

“Yeri…” unti unting lumapit si Joy sa may dulo ng kaniyang kama kung san nakapwesto itong si Yeri at naupo sa tabi nito, "kanino galing yan...?" 

 

Napahinga ng malalim itong si Yeri. Mamaya pa sana balak ibigay ni Yeri ang sulat na kanyang hawak kaso nama’y baka maudlot pa ito sa kakaisip niya kung paano nya ba ito iaabot sa kaibigan. Siguro nga ay walang tamang pagkakataon, pag andyan na. Ayan na.

 

“Bukod sa pasalubong ko sayong piaya at dried mangoes…” ngiti nito na matamlay, nagbibiro, “may liham akong bitbit na para sana sayo"

 

Tinitigan lamang ni Joy ang envelope na inabot sa kaniya. Para pa ngang nangangamba itong si Joy dahil may kung anong lakas ng kabog ng dibdib ang gumugulo sa kanya, may anong kaba siyang nadarama.

 

“Congrats ha, isa ka sa mga napiling housemates ni Big Brader” biro ni Yeri, “wag kang haharot on air, malalagot ka kay Tita Tes.”

 

Natawa naman si Joy sa hirit ni Yeri at inulanan si Yeri ng hampas sa may balikat. 

 

“Ano kayang m

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
redsummer0801
Isang chapter upload na muna. 🤧

Comments

You must be logged in to comment
_wendyshon_ #1
Chapter 47: Napakasakit naman neto💔💔💔
Jhmrydll_
#2
Chapter 47: :((
Jhmrydll_
#3
Chapter 25: Galing niyo po magediiitttt
Jhmrydll_
#4
Chapter 10: luh angst ba 2? hahaha 'wag pi
Jhmrydll_
#5
Chapter 9: deulgi uhugin
Jhmrydll_
#6
ang cuteee
gomdolie
#7
Chapter 10: halaaaaa bat may angst agad? huhuhu
gomdolie
#8
Chapter 3: omg ang cute naghahanap talaga aq ng wenjoy au tas nakita ko to waahhhh ang cute ni jujoy at wanwan😭
iana013
#9
Chapter 47: sa sobrang sakit ng sugat ni jujoy pati ako naiyak.. galing ni author sumulat dama ko ung hapdi 😭😭
honeyblood17
#10
Chapter 47: Grabe naman, lods! Ang galing nacapture mo yung musmos na "heartbreak". Yung bang yung atake ng angst ay less about dun nangyari but more on dun sa hirap nung mga sagot sa mga inosente nilang tanong na basically, bakit mahirap ang mundo? 🥺😭

Awawak aman Jujoy 😢😢