BiniBini si Jujoy 03-D

Ang Apo ni Lola Son
Please Subscribe to read the full chapter

“Saya tumambay talaga dine sa taas nila Yeri” sabi ni Moonbyul na nakatingala sa may kalangitan at pinagmamasdan ang mga bituin.

 

Nang makabalik ang apat na magkakaibigan mula sa airport ay napagdesisyon nilang manatili sa bahay nila Yeri, maliban sa namiss naman din nila ang tropa ay mas nanaig ang gutom nila dahil sa alok ng nanay nito sa kanila na ipagluluto daw sila kamo ng pancit canton, at aabutan ng isang malaking pakete ng dingdong at paiinumin ng softdrinks. Pa midnight snack kumbaga ni Aling Delin bilang pasasalamat na din sa pagsundo nung tatlo sa kanyang unica hija.

 

Kaya naman ngayon naandon sila sa ikatlong palapag ng bahay nila Yeri at nakatambay.

 

“Oh mga putangina!” bungad ni Yeri ng maka akyat, “late night meryenda” at saka nilapag nito ang isang malaking bandehado ng nilutong Pancit canton Kalamansi flavor. Kasunod ni Yeri ay si Irene na siyang may bitbit ng mga plato at tinidor na gagamitin.

Kanya kanyang sandok ng pancit na kakainin at kanya kanya ding lagay ng softdrinks sa kani kanilang baso na ang sumunod na nangyari. Wala eh. Ginutom ng husto ang tatlo sa byahe.

 

“Bakit kasi di muna kayo kumaen bago ninyo ako sinundo ??” tanong ni Yeri habang iniikot ikot yung pancit sa tinidor niyang hawak, “Si nanay naman siya nag sabi na ipagluluto tayo, tas ako pa ang nautusan magluto para sa inyo. Kakauwi ko lang nito ha?”

“Imba din si tita Delz” tawa ni Byul, “kulang yata inistay mo dun para mamiss ka.” 
“Ampon ka ba Yeri?” tanong ni Seulgi out of nowhere at halos mabilaukan si Irene at Moonbyul sa tawa.

 

“Muntik na” biro sa kanya ni Yeri na di naintindihan as usual ni Seulgi. “Asan pala yung iba?”

“Walang mag-aalaga kay Kyungsan kaya di nakasama si Whee, si Hwasa naman bantay sa BBQhan, si Beps kasama daw ni ate Sunny.” sagot ni Irene, “text ko ba? Sunod sila dito?”

“Taray?? Nakaunli ka? Himala!” wika ni Yeri, “grabe, ilang weeks lang akong nawala tas nasali ka na yata ng textclans?”
“Sira.” bungisngis ni Irene at nilabas yung Nokia 1100 na nasa bulsa niya, “phone to na gamit namin pang load sa tindahan. Nabitbit ko kaya pwede natin

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
redsummer0801
Isang chapter upload na muna. 🤧

Comments

You must be logged in to comment
_wendyshon_ #1
Chapter 47: Napakasakit naman neto💔💔💔
Jhmrydll_
#2
Chapter 47: :((
Jhmrydll_
#3
Chapter 25: Galing niyo po magediiitttt
Jhmrydll_
#4
Chapter 10: luh angst ba 2? hahaha 'wag pi
Jhmrydll_
#5
Chapter 9: deulgi uhugin
Jhmrydll_
#6
ang cuteee
gomdolie
#7
Chapter 10: halaaaaa bat may angst agad? huhuhu
gomdolie
#8
Chapter 3: omg ang cute naghahanap talaga aq ng wenjoy au tas nakita ko to waahhhh ang cute ni jujoy at wanwan😭
iana013
#9
Chapter 47: sa sobrang sakit ng sugat ni jujoy pati ako naiyak.. galing ni author sumulat dama ko ung hapdi 😭😭
honeyblood17
#10
Chapter 47: Grabe naman, lods! Ang galing nacapture mo yung musmos na "heartbreak". Yung bang yung atake ng angst ay less about dun nangyari but more on dun sa hirap nung mga sagot sa mga inosente nilang tanong na basically, bakit mahirap ang mundo? 🥺😭

Awawak aman Jujoy 😢😢