Bata-Batuta si Jujoy 12

Ang Apo ni Lola Son
Please Subscribe to read the full chapter

"Tulo uhog mo!!" bati sa kanya ni Byubol sabay mapanlarong palo nito sa ulo ni Deulgi.
"Yak yak yak!!!" asar niya at saka nilapitan na sila Yewi, Hwacha at Wheewing nagtatalo sa di kalayuan

 

**singhot**

Sabay pahid sa buong braso habang abalang gumuguhit ang batang Deulgi sa tabing kalsada ng bahay nila Jujoy, gamit ang uling.
Sanay na siya sa pangaasar sa kanya ni Byubol, di na bago yon sa kanya, at mas lalong sanay na sya sa uhog niya tuwing umaga. 

 

"Hello" matamis na bati ni Wanwan kay Deulgi. Inihatid palabas ni Manang Fe ang batang si Wanwan upang makipaglaro kela Jujoy.
At dahil wala pa si Jujoy at nakita ni Wanwan si Deulgi, siya na muna ang pinuntahan nito. 

 

Tumingala si Deulgi.
Nginitian si Wanwan.
Suminghot.
At ipinahid na naman mula likod ng kanyang palad papunta sa kaniyang braso. 

 

Umagang umaga palang, dugyot na talaga siyang tingnan.
Bakit ba naman sa lahat ng pwedeng ipangguhit sa kalsada, uling pa ang napagdiskitahan niya. 

 

Lumapit lalo si Wanwan sa kinauupuan nitong si Deulgi.
Itinaas niya ang laylayan ng kanyang tshirt, at agad pinunasan ang bahid ng uling sa parte ng ilong at pisngi nitong si Deulgi. 
Habang si Deulgi, patuloy lang si dinadrawing.

 

 

"Nu nigagawa mo??" tanong ni Renren na nakapamaywang at halos kararating lang. 
Agad tumayo si Deulgi at tinigilan ang ginagawa upang batiin si Renren. 

 

"Hi Renwen!!!" ngiti nito sabay pahid ng kamay sa laylayan ng shorts niya, "nagddowing ako! Gusto mo makita?" 
"Hindi ikaw nitatanong ko" pag susungit nitong isa, "siya!" sabay turo kay Wanwan. 

 

Napatitig na lamang si Wanwan sa laylayan ng tshirt niya at di magawang tingnan sa mata si Renren. Miski sagot di siya makaimik. 
Nawala lang ang tensyon mula sa dalawa nang bigla siyang dumugin nang nanakbong Jujoy na kakalabas lang ng bahay.

 

"Wanwan!!" sabay kuha niya sa parehas na ka

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
redsummer0801
Isang chapter upload na muna. 🤧

Comments

You must be logged in to comment
_wendyshon_ #1
Chapter 47: Napakasakit naman neto💔💔💔
Jhmrydll_
#2
Chapter 47: :((
Jhmrydll_
#3
Chapter 25: Galing niyo po magediiitttt
Jhmrydll_
#4
Chapter 10: luh angst ba 2? hahaha 'wag pi
Jhmrydll_
#5
Chapter 9: deulgi uhugin
Jhmrydll_
#6
ang cuteee
gomdolie
#7
Chapter 10: halaaaaa bat may angst agad? huhuhu
gomdolie
#8
Chapter 3: omg ang cute naghahanap talaga aq ng wenjoy au tas nakita ko to waahhhh ang cute ni jujoy at wanwan😭
iana013
#9
Chapter 47: sa sobrang sakit ng sugat ni jujoy pati ako naiyak.. galing ni author sumulat dama ko ung hapdi 😭😭
honeyblood17
#10
Chapter 47: Grabe naman, lods! Ang galing nacapture mo yung musmos na "heartbreak". Yung bang yung atake ng angst ay less about dun nangyari but more on dun sa hirap nung mga sagot sa mga inosente nilang tanong na basically, bakit mahirap ang mundo? 🥺😭

Awawak aman Jujoy 😢😢