BiniBini si Jujoy 16 [Litrato]
Ang Apo ni Lola Son'Pero di ko masabi anak, nung kabataan ko kasi kamukha ko si Piolo Pascual ngayon hindi na masyado.'
Natawa si Joy sa sarili ng maalala ang sagot sa kanya ng tatay niya kanina.
“Labo talagang kausap ni Tatay kahit kailan” sabay iling niya at tawa sa loob loob niya.
Iniisip pa rin ni Joy kung ano kaya itsura ni Wanwan ngayon.
May malaki bang pagbabago or nag glow up din ito kagaya niya? (Lumaki din kaya siya?)
Makikilala niya ba agad si Wanwan pag nagkita sila?
Naccurious si Joy..
Kaya naman nagtititingin siya ng mga litratong pinadala sa kanya ni Wanwan noong nagpapalitan pa sila ng sulat at mga litratong meron siya na kasama niya ang kababata.
Sa pagtingin tingin niya’y nawala na yung pakay niya na likhain sa isip niya ang maaaring itsura ng kababata base sa mga litratong meron sya.
Sa halip ay para ba syang nagbalik sa nakaraan, at binuhay muli ang mga nakatagong ala-ala.
Masasayang ala-ala kagaya ng nasa litratong hawak niya ngayon, kung saa’y magkahawak sila ng kamay ni Wanwan habang nakaen ng sorbetes sa labas ng simbahan.
Di gaanong katingkad ang kulay ng litrato kumpara sa mga print ngayon pero para sa kanya walang kasing tingkad ang alaala na iyon nung bata pa siya.
Isang candid shot nilang dalawa.
Masayang magkahawak ang kamay at nagkkwentuhan.
Hab
Comments