Bata-Batuta si Jujoy 14

Ang Apo ni Lola Son
Please Subscribe to read the full chapter

 

"Talaga?” di makapaniwala si Aling Marites, “di na kayo nagkita simula noong nawalay kayo?” tanong nito kay Manang Fe.

 

Dinala ni Aling Marites kela Manang Fe yung order nito sa kanila na leche flan. Kasama niya si Jujoy upang iwanan na muna sa bahay ni Lola Son at gusto daw nitong makipaglaro kay Wanwan. Ang kaso napagkwentuhan nung dalawang magkapitbahay ang buhay pag-ibig ng isa’t isa kaya napasarap na sa pagkakaupo ang nanay ni Jujoy at Manang Fe sa kusina ng bahay nila Lola Son.

 

Nakwento kasi ni Manang Fe, na bago siyang kuning kasambahay ni Lola Son, ay may matipuno siyang kasintahan noon. Ngunit sa di mawaring kadahilanan naputol ang ugnayan nila sa isa’t isa nang lumawas siya dito sa Baryo.

 

“Ikaw talaga Marites!” halakhak ni Manang Fe, “chumichismis ka na naman sa lovelife ko! Wala na iyon. Matanda na ako"
“Bata ka pa naman manang!” biro sa kanya, “pwede pa iyan”

“Jusko! Di ko na para isipin yan” mapagbirong palo ni Manang sa ina ni Jujoy, “tsaka, Marites, tanggap ko na. Tanggap ko na na wala akong lalaking makikita na hihigit pa sa kanya. Tanggap ko na magiging mag-isa na lang ako sa buhay. Mag-aalaga na lang ako ng aso, pusa at dagang costa. Kasyomo wala, kaya ang lola Son at ang Wanwan na lang ang aking aalagaan.”

 

Nangiti na lamang si Manang Fe matapos bitawan ang mga katagang iyon at saka ibinaling ang mata sa dalawang bata na nasisip ng nata de coco sa may salas at nagtatawanan.


 

 

“Anong flavor nung iyo?” tanong ni Wanwan kay Jujoy.
“Yewow.” tuwa nung bata, “ikaw? Gweeen?”
“Oo hihi”

 

“San niyo to nibili?” pahabol na tanong ni Wanwan.
“Binili ni nanay kela Tita Bawbs” masigagsig na sumagot agad si Jujoy.
“San yon?” 

“Sa bahay nila Renren! May tindahan sila” sagot ni Jujoy. “Bakit? Nagustuhan mo?” at nangislap ang mga mata ni Jujoy. Sabik malaman kung nagustuhan ba ni Wanwan yung dala niya para sa kanya.

“U-um!” tango niya ng mabilis.
“Bilhan kita sa sunod? Usto mo? Kaen uli tayo neto?”

“Sige!” tuwang tuwa si Wanwan. Ngayon lang siya nakatikim ng ganito. Wala kasi sa ciudad na binebenta na ganito. Wala ding ideya ang batang si Wanwan kung meron bang binenbentang ganto sa grocery stores na pinupuntahan nila ng kaniyang mommy. Maliban doon, ikinatuwa din niya ang paraan ng pagbukas nito. Ngayon niya lang natutunan kay Jujoy na pwedeng magbukas ng ganito nang hindi na hihingi ng tulong sa matatanda upang buksan ito gamit ang gunting. Ngipin ngipin lang daw ang kailangan, payo sa ka

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
redsummer0801
Isang chapter upload na muna. 🤧

Comments

You must be logged in to comment
_wendyshon_ #1
Chapter 47: Napakasakit naman neto💔💔💔
Jhmrydll_
#2
Chapter 47: :((
Jhmrydll_
#3
Chapter 25: Galing niyo po magediiitttt
Jhmrydll_
#4
Chapter 10: luh angst ba 2? hahaha 'wag pi
Jhmrydll_
#5
Chapter 9: deulgi uhugin
Jhmrydll_
#6
ang cuteee
gomdolie
#7
Chapter 10: halaaaaa bat may angst agad? huhuhu
gomdolie
#8
Chapter 3: omg ang cute naghahanap talaga aq ng wenjoy au tas nakita ko to waahhhh ang cute ni jujoy at wanwan😭
iana013
#9
Chapter 47: sa sobrang sakit ng sugat ni jujoy pati ako naiyak.. galing ni author sumulat dama ko ung hapdi 😭😭
honeyblood17
#10
Chapter 47: Grabe naman, lods! Ang galing nacapture mo yung musmos na "heartbreak". Yung bang yung atake ng angst ay less about dun nangyari but more on dun sa hirap nung mga sagot sa mga inosente nilang tanong na basically, bakit mahirap ang mundo? 🥺😭

Awawak aman Jujoy 😢😢