[BiniBini si Jujoy - Special Cut 01]
Ang Apo ni Lola Son
“Bakit ka naman nakasimangot?” biro ni Irene, “centavos for your thoughts?”
“Anong centavos for your thoughts?.”
“Wala~ ano ba bibilhin mo?”
“Isang hapee yung toothpaste ha?”
Sa tuwing nauutusang bumili si Seulgi ng Hapee toothpaste para sa pamilya niya, ay lagi niya na itong ikinukumpleto, laging tiyak, upang di na kung ano ano pa ang ibigay sa kanya ni Irene. Isang beses lang naman nangyari yun, bata pa nga sila noon, pero parang di na nakamove on si Seulgi mula rito.
Inirapan tuloy ni Irene si Seulgi pero natawa din naman siya agad. Di lang naman si Seulgi ang nakalimot ng munting ala-alang iyon.
Kinuhanan agad ni Irene si Seulgi ng isang sachet ng Hapee toothpaste mula sa estanteng pinagkalalgyan nito simula noong bata pa siya.
May mga bagay nga naman talagang nanatili sa lugar niya kahit ilang taon na ang nagdaan, lumipas.
“Isang Hapee toothpaste” pagdiin ni Irene
“Bakit may kasamang Happy peanuts?” tanong ni Seulgi at napangiti naman si Irene nang mapansin ito nung oso bago pa ito umalis ng tindahan. “Para sayo yan. Layo ng isip mo eh. Pag gusto mo ng makakausap, you know where to find me, sa tindahan ni Aling Baeby~” pavolumatic na wika ni Irene, fading.
“Marunong ka pala magpacute no?” ngiti ni Seulgi sabay pisil pisil niya sa happy peanuts, “kala ko puro sungit eh. Hehhe. Salamat ha?”
<
Comments