Bata-Batuta si Jujoy 07

Ang Apo ni Lola Son
Please Subscribe to read the full chapter

chag chag chag

 

Rinig ang karipas ni Jujoy pababa ng hagdan mula sa kaniyang kwarto na siyang ikinabahala naman ng kaniya nanay.

 

"JUJOYYY!!! JUSKO BAKA MABANGASAN KA DYAN SA GINAGAWA MONG YAN!!", sigaw ni Aling Marites mula sa kusina.

 

Napasilip at napatayo tuloy ang batang Wanwan na kanina'y tahimik na nakaupo't naghihintay dito kay Jujoy.

 


Nang matapos kasi maligo si Jujoy kanina ay pinaakyat ito ni Aling Marites upang magbihis, kaya naiwan muna ang batang Wanwan na tumunganga sa sala mag-isa.
Nung mga oras na iyon din ay hangang hanga si Wanwan dahil di tulad niya, si Jujoy, kaya nang magbihis magisa. Hanggang ngayon kasi akay akay pa rin siya ng nakakatanda.

 

Plakatak! talon ni Jujoy mula sa huling baytang pasahig sabay taas ng kamay gaya ng isang dyimnasta at feeling proud dahil di sya nabangasan sa ginawa niyang kalokohan.

Napapalakpak naman ng mahina sa sobrang hanga at pagkaaliw itong si Wanwan sa nasaksihan niya.
Di niya kasi magawa to sa bahay nila o sa bahay ng lola Son niya, dahil alam sa sarili ni Wanwan na may pagkalampa siya.

 

Ito na nga si Jujoy.
Laking tuwa ni Wanwan dahil sa wakas tapos na ang paghihintay niyang mag-isa sa may sala.
At nang masulyapan siya ng nakangiti at bagong ligong Jujoy na this time ay mayroon ng saplot, ang ngiti nitong si Wanwan ay mas lalong nakakatuwang pagmasdan.

 

"Hello, Jujoy~", masayang pagbati ni Wanwan na may kasamanag kaway nang makalapit sa kinatatayuan ni Jujoy.

 

Napaka presko.
Napaka presko ng dating ni Jujoy para kay Wanwan.


Amoy na amoy niya nag mabangong baby cologne na medyo amoy prutas.
Amoy prutas.
Mahilig si Wanwan sa prutas na mas lalo pa nitong ikinatuwa.


Maayos at malinis din ang damit ni Jujoy, at nasuklayan na rin ang basa pa rin nitong buhok.

 

Ngunit, halata sa batang Jujoy na nag madali ito sa kanyang pag gayak.
Dahil ang Jujoy na ang ngiti ay abot hanggang tenga ay tila ba parang mumu ang mukha.

 

Nagtaka tuloy si Aling Marites dahil matapos marinig ang karipas ni Jujoy sa hagdan ay nasundan ito ng isang mahabang katahimikan, kaya nama'y nilingon na niya ang dalawang bata sa may sala.

 

Saya.
Halata sa dalawang bata ang saya na makita ang isa't isa, sa unang pagkakataon para kay Aling Marites.
Unti unting pumorma ang mga ngiti sa labi ni Aling Marites dahil sa interaksyon ng dalawang bata at minabuti na munang pagmasdang ang mga ito.

 

Natuon ang kaniyang pansin sa apo ni Lola Son.
Maliit si Wanwan kumpara sa kinayang Jujoy.
Maputing bata at maikli ang buhok.
At dahil nakingiti ang batang Wanwan napansin din nito ang mapintog nitong pisngi at ang cute nitong dimples
Mukhang kagigiliwan ni Jujoy ang presensya ni Wanwan wari ni Aling Marites.

Para tuloy gustong sundan ni Aling Marites itong si Jujoy.
Mamayang gabi siguro'y maguusap sila ni Berting.

 

Maya maya lamang ay napansin ni Aling Marites ang dahan dahang pagturo ng apo ni Lola Son sa pisngi ng kaniyang anak at tsaka niya lang napansin kung bakit lumitaw kanina ang dimples ni Wanwan sa mapintog nitong pisngi.

Dahil bukod sa saya na makasama buong araw si Jujoy, tuwang tuwa si Wanwan sa maespasol na mukha nitong si Jujoy

 

"Ju---" pagbanggit sana ni Aling Marites upang tawagin ang atensyon ng anak ngunit naudlot ito ng malambing na pagbanggit ni Wanwan

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
redsummer0801
Isang chapter upload na muna. 🤧

Comments

You must be logged in to comment
_wendyshon_ #1
Chapter 47: Napakasakit naman neto💔💔💔
Jhmrydll_
#2
Chapter 47: :((
Jhmrydll_
#3
Chapter 25: Galing niyo po magediiitttt
Jhmrydll_
#4
Chapter 10: luh angst ba 2? hahaha 'wag pi
Jhmrydll_
#5
Chapter 9: deulgi uhugin
Jhmrydll_
#6
ang cuteee
gomdolie
#7
Chapter 10: halaaaaa bat may angst agad? huhuhu
gomdolie
#8
Chapter 3: omg ang cute naghahanap talaga aq ng wenjoy au tas nakita ko to waahhhh ang cute ni jujoy at wanwan😭
iana013
#9
Chapter 47: sa sobrang sakit ng sugat ni jujoy pati ako naiyak.. galing ni author sumulat dama ko ung hapdi 😭😭
honeyblood17
#10
Chapter 47: Grabe naman, lods! Ang galing nacapture mo yung musmos na "heartbreak". Yung bang yung atake ng angst ay less about dun nangyari but more on dun sa hirap nung mga sagot sa mga inosente nilang tanong na basically, bakit mahirap ang mundo? 🥺😭

Awawak aman Jujoy 😢😢