Chapter 6

Arranged Marriage

ARRANGED MARRIAGE 

Chapter 6

YEONWOO'S POV

"Are you alright Yeonwoo? Wanna go home?" tanong ni Nancy sa akin nang mapansin niya ang pananahimik ko. Sila ni Daisy ang may usapan ngayon at ilang models lamang, they're cool sabi nga ni Daisy. Kanina nang ipakilala ako ni Nancy sa kanila ay pakiramdam ko para akong totoong asawa na pinapakilala niya. They're nice except for one guy that I already saw in our house. Vernon. But he was with other guy now at the bar counter. And another model na hindi ko na natandaan ang pangalan. Natawagan ko na rin si Mang Julio kanina na hindi na ako makakabalik ng office. Hyebin's calling but I just ignored her, for sure mang aasar lang yon.

"Hindi ba sanay sa ganitong lugar ang mga businesswoman na katulad mo, Yeonwoo?" si Daisy

"No. I mean we go places like this naman." paliwanag ko.

"So what's bothering you?" pansin ni Nancy with her tipsy eyes. Cute pala siya pag nakakainom na.

"Nothing Nancy." sabay lapit ko sa kanya at bulong. "Just overwhelmed."

"Why?" bulong niya pabalik.

"For this moment. For inviting me over and meet your friends." bulong ko na halos mahalikan ko na siya. Malakas ang background music at nahihiya akong marinig ni Daisy at ibang kasama namin ang sinasabi ko. Mahinang tawa ang pinakawalan niya saka bumaling sa tenga ko at pabulong na sumagot.

"No biggies. Group date ito. We haven't had a date alone." bulong niya. Hindi ko alam pero parang lumukso ang puso ko at hindi ko napigilang titigan siya. Her eyes glowing and her smile is enough to melt me.

"You're already married pero kung titingnan para pa lang kayong nagliligawan. And for your information it's impolite to whisper while there is someone with you and that is. Me. Me." pukaw ni Daisy sa titigan namin ni Nancy. Natawa na lang kami pareho sa hitsura ni Daisy na parang naghihintay ng pansin mula sa amin.

"And us." tawag singit naman ng mga kaibigan nila.

"Would you like to dance?" aya ni Nancy sa akin.
"Ha?"

"Let's dance ." aya niya ulit

"But I don't dance." tanggi ko.

"I'll teach you." sagot niya sabay hila sa akin.

"I don't think we can dance here." paalala ko.

"Of course we can, may banda and the music is inviting kaya it's ok. They won't mind as long as hindi tayo nagwawala." nakangiti niyang paalala kaya wala na akong nagawa. Kanina pa siya makulit dahil na rin siguro sa nainom niya.

"See you later Bestie." paalam niya sa kaibigan at kumaway sa mga kasama namin.

"Sure Bestie, hanap din ako dito ng kadate ko." sagot ni Daisy as Nancy took my hand and led me to the dance floor. The music is upbeat and I am just standing in front of Nancy watching her dance to the beat of the music. "Hey, just swing your hips and sway your hands." mataas na boses niyang sabi. So I just did what she said. "That's it, makukuha mo din ang timing." natatawa niyang sabi. After a few more songs suddenly the music tuned in to a mellow one. I find it awkward to just stand there.

"Let's get back to our seat baka pagod ka na." yaya ko kay Nancy. Hindi siya umimik. "Nancy, do you want to take a rest?" tanong ko and held her hand but she didn't move, then she pulled me closer instead and wrapped her arms around my shoulders. "N-Nancy..."nagulat ako sa ginawa niya, epekto ba ito ng alak?

"Yes, I wanted to take a little rest. Can I rest on your shoulders for a while?" mahina niyang bulong pero napakaliwanag sa pandinig ko kahit malakas ang musika.

"Nancy, are you alright?" kamusta ko sa kanya, hindi ako makagalaw habang nakayakap siya sa akin. Ramdam ko ang hininga niya sa aking leeg, hindi ko alam kong anong dapat kong gawin hanggang maramdaman ko ang pagsiksik ng ulo niya sa aking leeg, she's resting her head on my shoulder.

"Need a little rest..."

"We can take a seat if you want."

"No, I'm ok with this. Can we stay like this? If you don't mind?" bulong niya muli.

"No, I don't mind." sagot ko and I felt her nod while she slowly make small steps. We're slowly dancing to the soft music.

"It's my first time to dance this close with a girl."

"And?"

"I never felt this comfortable."

"Maybe because you see me as a girl?"

"I don't know. You're too mysterious Yeonwoo. Since the first night that we met." sabi niya at nabigla ako.

"Before our wedding?" paninigurado ko.

"No, I don't know if you still remember me. In your company gathering..." I heard her chuckle "At first I was hesitant to go but Dada has his convincing power over me and so I did go." patuloy niya habang dahan dahan kaming sumasayaw at hindi siya bumibitaw sa pagkakayakap sa akin.

"I remember." simple kong sagot dko makakalimutan ang gabing yon Nancy dugtong ko sa isip lang.

"Oh wow! Really!?" bigla niyang sabi sabay harap sa akin. "Do you still remember that night too?" gulat niyang tanong at paninigurado at tumango lang ako. Mapungay na ang mga mata niya. "Yeah, I was so envy at you then, because of how you carry youself. How confident you are dealing with those people around you during that time. I almost wanted to regret why I refused Dada's offer to work in your company. You see, modelling will not last long unlike you and your business..." kwento niyang medyo mabagal na ang pagbigkas nang bawat salita ngunit nanatiling nakatitig sa akin.

" Then why did you choose modeling kung alam mo pa lang panandalian lang ito?" tanong ko, hindi ko magawang umiwas dahil nakakulong pa rin ako sa kanyang mga bisig kaya wala na akong nagawa kundi ang hawakan siya sa magkabilang beywang.

"Because this is what I want. What I love doing." simple niyang sagot. Naramdaman ko na lang na unti unti na niyang nilalapit ang mukha niya sa akin. "This is what I want. This...is...what...I... love..." bulong niya paglapat ng mga noo namin.

"N-nancy...." nasabi ko lang. The music stopped but then another soft one played in the background. Nakikiayon ang musika. Then I slowly felt her cheeks against mine and then slowly moving down her head back to my shoulder. I think tumama na ang mga nainom niya kanina pa. Hindi ko maintindihan kung anong ibig niyang sabihin pero nakakatuwang isipin na hindi rin pala niya nakakalimutan ang first meeting namin. Naiinggit siya sa akin? Kaya ba hindi niya malimutan ang araw na yon? Hay, mas lalo atang lumabo ang sitwasyon. Bulong ko sa isip ko.

Then I felt her embracing me tight kaya napayakap din ako sa kanya.

"Nancy?" tawag ko muli sa kanya.

"I feel comfortable with you Yeonwoo." bulong niya na parang inaantok na.

"I think we need to go home now. You had enough for tonight." yaya ko na sa kanya. Hindi siya sumagot pero nang gumalaw ako para humakbang pabalik sa table namin ay naglakad din siya pero nanatiling nakayakap sa akin.

Napansin kung tumayo na si Daisy at sinalubong kami.

"She had too much..." bungad ni Daisy pagbalik namin ni Nancy

"I think so..." sang ayon ko.

"It's been a long time since she had too much to drink..." si Daisy 

"Hindi ba siya laging ganito?" tanong kong nagtataka.

"Nope. She may be liberated and open but she's always careful and guarded." nakangiti niyang sabi. "She's comfortable with you."

"Maybe because I'm a girl."

"Not really. Pag kaming dalawa lang nagwawala yan because she knows I'm there."

"No doubt you're her bestfriend. You'll take care of her..."

"...and you're her wife and she knows you'll be there for her." dugtong niya sa sinabi ko. Hindi ako nakapagsalita. "She drowns herself when she's so happy and when she's so sad. I guess she's just so happy tonight."

"How'd you know?"

"I know...sabi mo nga bestfriend niya ako." ngiti niyang sabi. Wala na akong maisip na isagot.

"I'm gonna take her home. She's getting heavy." pabiro kong sabi na lang.

"Ok, uwi na rin ako. Sabay na tayong lumabas. Paalam lang ako saglit sa kanila." sabi niya habang palakad na bumalik sa table namin. Kumaway na lang ako sa kanila at hinintay na bumalik si Daisy
-
"Bestie huwag kang pabebe ha. You're heavy." rinig kong reklamo ni Daisy habang alalay namin si Nancy palabas ng restobar.

"I'm nnnnot heavy, Bestie. Yo—know—-that." sagot ni Nancy. She's really had too much.

"Oo na, yong alak na ang mabigat." patol naman ni Daisy and we heard Nancy giggle.

"My bestie and my wifey...yeah. so happy we're to—gether." masayang wika ni Nancy at nagkatinginan kami ni Daisy. Maingat naming pinaupo si Nancy sa passenger's seat sa kotse niya. Saka kami nag paalaman ni Daisy

Pagpasok ko sa kotse ay nagsalita ulit si Nancy. "It's hot in here." sabi niya kaya in-on ko na agad ang aircon ng sasakyan. I lean over to fasten her seatbelt."Yeonwoo..." she whispered in my ear.

"Yes?" sagot ko na napatingin sa kanya magkalapit ng aming mga mukha.

"I know you're Yeonwoo." nakangiti niyang sabi ngunit nakapikit.

"You can sleep if you want." bulong ko bago ako umayos para magdrive. She said nothing but flashed that smile she has been wearing the whole night. Maybe she really is happy sabi ko sa sarili ko.

The whole trip was silent except for moments when she wakes up just to call my name. It's more like a whisper, akala ko nanaginip lang siya but when I answered her call she stopped and fell asleep again.
It's as if assuring her that I'm just right here.
-
NANCY'S POV

I woke up with a heavy head but more than that I feel cold. Then I remember what happened last night.

"What the fu..." gulat kong sabi sa sarili ko at biglang bangon ko at lingon sa tabi ko. I saw Yeonwoo still in bed sleeping. What have you done last night Nancy?tanong ko sa sarili ko. What the...I'm cold because I'm just wearing my undies, kahit balot ako ng kumot ay nilalamig pa rin ako. I pulled myself to seat but still covering myself with the comforter and careful enough not to wake up Yeonwoo. Then I saw my clothes scattered around the room. What the...anong ginawa mo Nancy?ulit ko sa sarili ko. I need something to wear baka magising si Yeonwoo sabi ko sa sarili. Dahan dahan kong hinihila ang kumot so I can cover myself as I get up from our bed.

"No need to pull the sheet." rinig kong mahinang sabi ni Yeonwoo pero nakatalikod pa rin siya sa akin."There's a robe beside you, on top of the side table. Sorry, I wasn't able to pick up your clothes last night..." paliwanag niya pero hindi malinaw sa pandinig ko dahil sa hiya ko sa ginawa ko kagabi.

"I did what?" ulit kong pabulong.

"Can I turn around now?" tanong niya pabalik. Saka ko lang naisip na nakabalot pa ako ng kumot kaya hinablot ko yong robe.

"Wait..." pagkunwa ay nagmamadali kong isinuot. "Ok you can turn around now." Saka siya bumaling sa side ko positioned herself to seat in bed under the sheet wearing her sweet smile.

"Naiinitan ka kagabi, so you took off your clothes. I'm trying to dress you up with your sleep wear but you just took them off and threw them all over our room." kwento niya na nangingiti.

"Oh noooo!"

"Oh Yesss!" patol na niya.

"You're kidding me.."

"No, I'm not." she said now silently laughing ang crossing her arms and shaking her head.

"I don't do that when I'm drunk." depensa ko.

"You just did and FYI you're not just drunk, Nancy. You're totally wasted." she corrected. I didn't say a word. Am I really that wasted? bulong ko sa isip ko. Pero hindi ata sa isip lang dahil sumagot siya.

"Yes." she plainly said at saka dahan dahang tumayo at lumapit sa akin. "Can we make a deal?" sabay bulong niya when she's inches away from me. I didn't answer and that's when she moved closer. closer enough that I can feel my body tense with her closeness.

"Nancy?" she called and woke up my senses.

"Y-yes? What deal?"

"You won't drink that much and get wasted so bad unless you're with me."

"O-ok..."

"And you have to pick up all your clothes that you scattered all over our room every time you get drunk."

"Ok..." sagot ko but she's not moving away.

"Anything else?" I asked and she leaned closer to me that our noses are almost touching.

"You'll never sleep again unless I'm too..." she whispered her eyes meeting mine.

"W-what? H-how? But? Why..." nauutal ko ng sagot. Then I heard her giggle.

"Just kidding..."and held my face. "You're turning red, Nancy." she said sweetly. "Mauna na ako sa bathroom kasi may pasok pa ako." she said "Just don't stripped tease me again. I might loose my self control." she said before walking to the bathroom. I was left speechless and couldn't believed what I just heard.

YEONWOO'S POV

"Jusme" bulong ko sa sarili ko pagpasok ko ng banyo. Napasandal ako sa pinto dahil parang hindi ko na macontrol ang tuhod ko na nanlalambot. Buti hindi niya napansin ang bilis ng tibok ng puso ko sabi ko sa isip ko habang dinadama ko ang dibdib ko. Kagabi pa ako hindi mapakali sa kanya, hirap ko na nga siyang bihisan naghuhubad pa siya. Hindi ba niya alam ang paghihirap ko kagabi na iwasan siya at bihisan ng nakapikit? Makaligo na nga kagabi pa ako naiinitan, akala niya siya lang naiinitan. Para akong sira na kausap ko ang sarili ko habang nakababad sa shower, parang kulang pa ang lamig para magising ang isip ko at mawala sa isip ko ang mga imahe na nakita ko kagabi. Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa bathroom pero alam kung matagal dahil narinig ko ang mahinang katok at tawag ni Nancy

"Yeonwoo? Are you alright?" tawag niya.

"Ah—yes Nancy.Be out in a bit." sagot ko na lang at dali dali na akong nag ayos at lumabas.

Pagbukas ko ng pinto ay bumungad si Nancy na nkarobe pa rin. Jusme talaga, hindi pa ba siya tapos mang akit?

"Sorry...medyo natagalan ka kasi kaya kinatok na kita." nasabi niya ng napansin niyang mukha akong natulala.

"It's ok, Nancy. Ahm...b-bihis muna ako." paalam ko na sa kanya.

"Ok, hindi pa ako nakabihis dahil I picked up my clothes at tinitiklop ko pa." sagot niya. Just then napansin ko nasa kama na nga ang mga damit niya at natiklop na yong iba. I was about to go to our walk-in closet when we heard a gentle knock at the door.

"Yeonwoo?" tawag ni Yaya Caring.

"Ya, pasok po." wala sa loob kong sagot at pagbukas niya ng pinto ay kita ang gulat sa mga mata niya ng makita ako at si Nancy. Nagkatinginan kami ni Nancy at sabay bumaba ang tingin sa mga suot naming robe saka bumalik ang tingin namin kay Yaya na nabaling ang tingin niya sa kama at sinundan namin ng tingin ang nakita niya. Mga damit ni Nancy na may naiwan pang hindi natiklop.

"Ah Ya—"

"Paumanhin Anak, ang Lolo mo kasi makulit. Pinatatawag na kayo para mag almusal. Siya na sana ang papanhik pero sabi ko ako na lang." sabi ni Yaya na nangingiti at akto ng isasara muli ang pinto "Sabihin ko na lang sa Lo—"

"It's ok Ya...sunod na po kami. 10 minutes." habol ko kay Yaya.

"O sige." sabi niya saka isinara ang pinto pero agad ding nagbukas "Siyanga pala, mga anak. Magmula ngayon matuto na kayong mag lock ng pinto ha. Alam mo naman ang Lolo mo Yeonwoo."

"Ya, wala naman—-" sagot ko sana pero inunaham na niya ako.

"Baka sakali lang..." ngiti niyang sabi bago tuluyang nagsara ang pinto.Naiwan kaming tulala ni  Nancy

"What do you think she's thinking?" baling niya sa akin.

"Why? What will you think when you're in here place?" balik ko sa kanya. Nailing siyang natatawa.

"Nothing..." she plainly said but smiling.

"Really?" paninigurado ko.

"Why Ms. Lee what were you thinking when you saw me last night almost ?" bawi niya sa akin at nagulat ako.

"W-wala..." I said pretending then I heard her soft laugh.

"Anong wala? wala kang naiisip o wala kang nakita?" dagdag pa niya na naka cross arms na. she looks even more y when she does that.

"Pareho kasi nakapikit ako habang binibihisan ka" depensa ko.

"I don't believe you Ms. Lee. If I strip here right now pipikit ka ba?" she challenged me. Bigla akong kinabahan. Naughty girl bulong ko sa isip ko. Patulan ko nga kalokohan nito.

"Let's see kung pipikit ako. Take off your robe first." hamon ko sa kanya, hindi agad siya nakapag salita but she has that naughty look that turn into smirk while slowly loosening the tie of her robe. Nagpanic na ako. "We should be going...L-lolo's waiting." sabi ko na habang nagmamdali akong pumasok sa walk in closet namin. Sus! gagawin niya nga! sigaw ng isip ko pagpasok ko para magbihis. Naramadaman ko na siyang pumasok ng banyo napailing na lang ako. Brat talaga sabi kong nangingiti.

NANCY'S POV

Muntik na akong napasubo don ah, good thing she didn't give in. Silly you Nancy sermon ko sa sarili ko. What if Yeonwoo gave in? what will happen next? Hay naku. I brushed my teeth and washed my face and after looking at the mirror for seconds I decided to go out but before I finally stepped out I looked at myself in the mirror again and said.

"Don't give in, Nancy. It's not so you!" bulong ngunit mariin kong bilin sa sarili ko. Paglabas ko ay nakita ko na si Yeonwoo na nakasandal sa office table niya at nakangiti sa akin. Ngumiti lang ako at deretso sa katapat na pinto sa aming walk in closet. Oo nga dko pa natanong sa kanya bakit pati sa kwarto namin may office table siya. Mabilis akong nagbihis at lumabas na.

"Waiting for me?" tanong ko paglabas.

"Of course..."sagot niya.

"And why?"

"And why not?" balik niya. Hindi na ako nakasagot. Pinagbuksan niya ako ng pinto at pinauna ako.

"Thanks." tipid kong sabi.

"No worries." sagot niya at tahimik na kaming naglakad pababa. Kahit sabay kaming maglakad ay walang imik, parang alangan kaming mag salita o hindi alam ang sasabihin.

"Hay sa wakas, andiyan na sila!" rinig naming malakas na sabi ni Lolo Pablo. Lumapit kami at humalik kay Lolo.

"Good morning po Lo." halos sabay naming bati. Pagkatapos ay tahimik kaming naupo ni Yeonwoo pero bakas ang ngiti sa isa't isa. Pagkatapos ng mahinang dasal bago kumain ay nagsimula na kaming kumain.

"Yeonwoo, Apo." tawag ni Lolo at nag angat naman ng tingin ang Yeonwoo at ganon din ako. "Sa tingin ko kailangan na uli natin pagawa ang bahay. Yan ay kung ayaw mong lumipat ng bagong tirahan na mas malaki."

"Bakit naman po Lo. Bakit kailangan natin ng bahay na mas malaki?" takang tanong ni Yeonwoo at ganon din ako na nakikinig lang. Matama niyang tiningnan si Yeonwoo at saka tumingin sa akin then he smiled sweetly.

"Para sa mga darating kong apo." he said.

"Apo, Lo?" takang tanong ni Yeonwoo. "May apo pa po kayo bukod sa akin?"

"Meron. Magkakaron.Sana." putol putol niyang sagot.

"Kanino po?" kulit ni Yeonwoo. Matagal niya kaming tinitigan saka sumagot na parang sabik na sabik.

"Sa inyong dalawa..."

"Ho!/Lo!" sabay naming bigkas ni Yeonwoo

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
YeonYun #1
Plss continue write some nanwoo stories 🥺
iana013
#2
Fam write other stories please
Keiill
#3
Chapter 36: I really really love this story :) I want to re read this again.. If you want to make an another story about nanwoo author, I will there and read it. Thanks for this :)
usrcvi #4
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️
usrcvi #5
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️
usrcvi #6
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️
usrcvi #7
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️
usrcvi #8
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️
usrcvi #9
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️
usrcvi #10
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️