Chapter 23

Arranged Marriage

ARRANGED MARRIAGE

Chapter 23

YEONWOO'S POV

Ngayon lang ako hindi nainip sa traffic, nagpapasalamat pa at mabagal ang takbo ng mga sasakyan. Pagdating ko sa bahay ay pasado alas otso na, alam ko tapos ng hapunan.

"Naghapunan ka na, Yeonwoo?" tanong ni Yaya Caring.

"Busog pa po ako Ya."

"Sabi ko nga, mahirap talaga pag aligaga. Kinakabag." sagot ni Yaya at napatingin ako sa kanya.

"Anong sabi niyo Ya?" tanong ko.

"Wala, sige na pahinga ka na at iinit ko ang ulam baka maya maya magutom ka na." sagot niya.

"Si Nancy po?" tanong ko

"Nasa kwarto ng mga bata, pinapatulog na niya ang kambal." sagot ni Yaya at tiningnan ko lang ang hagdan pataas. Nagaalangan akong umakyat. Matagal akong ganon ng mapansin ko si Yaya na nasa tabi ko na pala at nakatingin na rin sa hagdan saka nalipat ang tingin sa akin.

"Kung nagaalangan kang umakyat sa kwarto niyo, anak dumeretso ka ng attic. Pero sigurado hindi ka rin makakatulog doon."

"Ya, dko alam na tsismosa kayo..." komento ko at biglang sumakit ang tagiliran ko. "Aray, Ya. Masakit!" halos pasigaw kong sabi sa pagkurot niya.

"Ikaw bata ka, huwag mo akong sasabihan na tsismosa at hindi ka lang diyan makakatikim..." banta niya.

"Eh kanina pa po kayo, hindi ko nga alam kung tama ang mga naririnig ko sa inyo." patol ko na sa matanda.

"Ikaw bata ka, huwag mong sabihin na kaya mo na ako ngayon ha. Mamya isumbong kita sa Lola mo. Sumalangit nawa ang kaluluwa niya." sabay krus ni Yaya.

"Bakit nga kasi ganyan kayo magsalita ngayon?" depensa kong tanong.

"Bakit? Dapat ako ang magtatanong kung bakit aligaga ka? May kasalanan ka nanamang nagawa ano?"

"Nanaman? Ya? Para namang lagi akong may ginagawang kasalanan..." tanggol ko sa sarili.

"O ayan may ginawa ka ngang kasalanan.."

"Wala po, Ya."

"Kung wala bakit ganyan ka at si Nancy matamlay mula pa nong dumating galing sa Lolo mo."

"Anong ganyan po ako...matamlay lang si Nancy may kasalanan na po ako?"

"Bakit ganyan kang sumagot?"

"Kasi ang kulit niyo po eh at nagpaparinig pa kayo." maktol ko na.

"Sumasagot ka na sa akin ngayon?Porke't malaki ka na at ikaw ng nagpapasahod sa akin?"

"Wala akong sinsabing ganyan, Ya."

"Asus, binabaling mo lang sa akin yang kaba mo..."

"Ako po, kinakabahan? Sinong nagsabi?"

"Ako..." pameywang pa ni Yaya

"Bakit niyo naman nasabi?"

"Hay naku Yeonwoo, wala ka pang salwal at nag uumpisa ka pa lang maglakad alam ko na kung kinakabahan ka kahit itago mo..." balik ng Yaya ko. Pinanlakihan ko siya ng mata.

"Ngayon ko lang ulit nakita ang matang panda na yan." sabi sabay tawa niya.

"Ya, bakit anong trip niyo? Daig niyo pa ang may tama." sabi ko na sa kanya, kasi ngayon lang ulit naging madaldal si Yaya.

"Ikaw ang may tama sa asawa mo kung sakali..." balik niya sa akin. "Bakit ayaw mo pang umakyat? Gusto mo tawagin ko si Nancy..." sabi nito at akmang aakyat na ng hagdan pero mabilis ko siyang pinigilan.

"Ya, ano ba? Problema namin tong mag asawa."

"Oh di lumabas nga ang totoo, may problema kayo."

"Ya, sa mag asawa hindi nawawala ang problema."

"Alam ko pero ang problema kung maiiwasan hindi mangyayari..." balik niya sa akin.

"May alam po ba kayo?"

"Anong alam?" patay malisya niyang sabi.

"Wala po. Sige na matulog na po kayo." sabi ko sabay lakad na paakyat. May sinabi pa si Yaya pero dko na naintindihan. Para ko na siyang pangalawang ina at natatandaan ko pa na ibinilin ako ng lola sa kanya. Naging tapat siya sa aming pamilya lalo na kay Lola kaya hindi na siya nagkaron ng sariling pamilya.

Dahan dahan akong umakyat at pumunta muna sa kwarto ng mga bata. Nakita ko si Nancy na nakahiga sa tabi ni Dane na tulog na at si Jackson sa kabilang kama. Marahan akong naglakad at hinalikan muna si Jackson bago lumipat sa kabila at hinalikan ko si Dane, ibinaling ko ang tingin ko kay Nancy at nangiti ako. Hindi ako nagsasawang pag masdan siyang natutulog, lalapit na ako para halikan siya ng nagmulat siya ng mata. Nagulat ako at napatigil pero saglit lang at muling nilapit ang mukha ko sa kanya pero mabilis ang kamay niyang nagtaas at pumigil sa akin.

"Bakit?" tanong ko na walang lumabas na boses sa bibig ko, ingat na huwag makagawa ng ingay.Hindi siya sumagot. Strike 1 Yeonwoo, sabi ko sa isip ko. Hindi na ako nagpumilit at dahan dahang tumayo at si Nancy ay muling nagpikit ng mga mata. Paglabas ko ng kwarto ng mga bata ay nagulat pa ako sa taong nakatayo ilang dipa lang ang layo sa akin. Si Yaya. Mabilis akong tahimik na naglakad papalapit sa kanya saka ko siya hinila pababa ng hagdan.

"Ya, kanina pa ako natutuliro sa inyo ah. Bakit masyado kayong nosy?" sabi ko pagbaba namin

"Ano yon?" takang tanong niya.

"Ya. huwag niyo akong binibiro ng ganyan ha. Seryoso ako."

"Ewan ko sa'yo bata ka. Andon ako kasi hinhintay kitang lumabas ng kwarto para sabihing mainit ng pagkain mo. Kumain ka na."

"Busog po ako."

"Halika na at sasabayan kita."

"Busog nga po ako..." ulit ko na para ng naiinis.

"Ganon? Sige kung ayaw mo eh di huwag. Magkukwento pa sana ako..." sabi niya sabay deretso sa kusina.

"Anong sabi niyo Ya?" habol ko sa kanya.

"Wala..." sagot niya habang kinukuha ang pagkain na nasa lamesa.

"Saglit, saglit, Ya." pigil ko sa kanya.

"O bakit?"

"Anong ikukwento niyo?" tanong ko.

"Wala..." sabay lakad hawak ang isang plato ng ulam at kanin.

"Akin na po yan, sige kakain na ako." pigil ko at hawak sa kanya sabay upo na sa lamesa. Naglagay ng kanin at naghahanda ng kumain. "Anong ikukuwento niyo?" tanong ko.

"Kumain ka muna." utos niya. Wala na akong magawa kaya kaya sinumulan ko ng sumubo. May pupuntahan ka?" tanong niya makalipas lang ang ilang segundo.

"W-wala, bakit?" tanong ko pabalik.

"Bakit ka nagmamadaling kumain?" pansin ni Yaya sa sunod sunod kong subo. Kaya huminto ako at saka umayos ng upo at ninamnam ng maayos ang pagkain. "Alam ko mahirap kumain pag maraming iniisip pero hindi pa rin tama ang magpalipas ng pagkain. Para na kitang Anak Yeonwoo, ikaw, ang Lolo at Lola mo na ang pamilya ko. Nong bago mawala ang Lola mo pinagbilin ka niya sa akin, masakit parasa sa Mommy mo na wala siya sa tabi mo upang gumabay sa'yo dahil sa sobrang pagmamahal niya sa Daddy mo. Sabi ng Lola mo matitigas daw ang ulo ng mga Lee, mula sa Tatay ng Lolo mo, sa Lolo mo, sa Daddy mo at ikaw."

"Kasama ba talaga ako, Ya?" protesta ko.

"Bakit hindi ba?" balik niya. Hindi na ako nakaimik.

"Nong nalaman ko na ikakasal ka kay Nancy ay kinausap ko ang Lolo mo. Sinabi ko na bakit pati personal na buhay mo ay kailangan din niyang pakialaman pero hindi siya nakinig." buntong hininga niya. "Pero nong makita ko kayong dumating ni Nancy sa bahay na'to matapos ang kasal niyo, naisip ko may dahilan ang pagmamatigas ng ulo ng Lolo mo." ngiti niyang sabi na lumingom sa akin.

"Anong ibig niyong sabihin Ya?" curious kong tanong.

"Basta ang alam ko may kakaibang ningning ang mga mata niyo kahit hindi kayo nag uusap ni Nancy."

"Ano ngang ibig niyong sabihin, Ya?" ulit ko pero umiling lang siya.

"Tapos ka ng kumain?" pansin niya sa malinis ko ng plato.

"Yup, told you. I'm still full." rason ko na lang.

"Siya, siya ikaw bahala. Ililigpit ko na." sabi niya sabay tayo.

"Don't tell me, yon lang sasabihin niyo Ya?"

"Bakit?"

"You said you will tell me something?"

"Oo nga. Dba nagsalita na ako?" sabi habang nagliligpit.

"Is that it? Yon na yon?" taas ko ng dalawang kamay ko na parang dismayado ako.

"Bakit meron pa ba?"

"Urggg...Yaya." mataas na boses ko ng reklamo.

"O tingnan mo hanggang ngayon nauuto pa rin kita. Hindi ba nong bata ka pa napapasunod kita sa gusto ko dahil lagi kang curious?" sabi niyang natatawa na. "Gusto mo ng kape?" alok niya.

"No, thanks." walang gana kong sagot at tumayo na.

"Di ba pag may kape may balitaan?" habol niya.

"I'm not interested..." sabi ko na at naglakad na ako palayo sa kanya.

"Talaga? Tungkol sa asawa mo? Hindi ka interesado?" bigla akong nahinto sa pag hakbang at humarap sa kanya.

"Yaya, sobra na po kayo ha?" kastigo ko na sa kanya.

"Bakit, tatanggalan mo na ako ng sebisyo dito?" hamon niya sa akin.

"Alam niyong hindi ko magagawa yan?" biglang sagot ko. "Ya, naman eh. Mas matigas ang ulo niyo, kanina pa ako nagaalala dito tapos pinagtitripan niyo pa ako." parang bata ko ng sabi.

"Umupo ka at magkape." utos na niya at wala na akong magawa kundi sumunod. Ilang segundo pa at naamoy ko na ang kape.

"Gaano mo kamahal si Nancy?" tanong niya pag lapag ng tasa ng kape sa harap ko.

"Alam niyo kung gaano ko kamahal si Nancy, Ya." walang kurap kong sabi.

"Alam ko..." sagot niya.

"Bakit niyo ako tinatanong ng ganyan?"

"Hindi pa ba siya sapat?"

"Ya, please get to the point, will you?" seryoso ko ng pakiusap kay Yaya.

"Bakit may kabit ka kung mahal mo ang asawa mo?" bwelta niya.

"What?! Anong sinasabi niyo, Ya? Ako? Anong kabit?" Just then she fished out something from her pocket placed in on top of the table and slowly pushed it towards me. Now I saw the picture that I refused to see earlier during the meeting. Dada's right anyone who sees us will think that there is something between us and my face was visibly happy. I was, I am very happy for Lisa's future life with Jennie. Dam.n. Nice shot.

"Bakit hindi ka makapag salita?"

"Who gave you this?" seryoso ko ng tanong at kita na sa mukha ni Yaya ang pag aalala. Alam niyang hindi na ako nagbibiro.

"Sabi ng guard may nagdala daw na naka motor at naka pangalan sa asawa mo pero hindi ko agad binigay. Nagduda ako dahil walang ibang nakasulat kung kanino nanggaling, tinawagan ko ang Lolo mo at sinabi ko ang tungkol diyan. Sabi niya kalokohan at paninira lang daw yan at huwag ko ng ibigay kay Nancy "Sabihin mo, Yeonwoo, paninira lang ba yan?" parang inang tanong ni Yaya.

"Kayo na rin ang nagsabi Ya, kilala niyo na ako mula pa ng bata ako. Sa tingin niyo kaya kong gawin ito?" balik ko kay Yaya at dahan dahan siyang tumayo at lumapit sa akin.

"Alam ko hindi mo yan magagawa Yeonwoo." saka masuyo niya akong niyakap, yumuko at hinagkan ang ulo ko. "Malalampasan mo rin yan, anak. Sanay ka na sa hamon ng buhay." bulong niya.

"I know, Ya. Thank you." sabi ko na nakayakap na rin sa kanya. Ilang saglit lang bumitaw na kami sa isa't isa. "So Nancy didn't see this yet?"

"Hindi pa..."

"Pero bakit parang ang tahimik niya...She just ignored me." pabulong kong sabi. "May nangyari po ba kanina, Ya?"

"Wala naman akong napansin. Bukod sa mga tawag sa telepono niya." sagot ni Yaya.

"Sinong kausap niya?" tanong ko pero nag kibit balikat lang si Yaya.

-

It's already 11 past in the evening pero hindi pa rin pumapasok si Nancy sa kwarto namin. I'm worried and at the same time confused. When I got back to the twins' room after I had a shower Nancy was still there lying with Dane. Hindi ako mapakali at bumalik sa kwarto ng mga bata, slowly I walked towards Nancy and Dane

"Hon..." I softly called my wife while holding her cheek. Nancy opened her eyes but said nothing. "Let's go to our room..." bulong ko but she just shook her head. Nagulat ako. "Why?" tanong ko.

"I'm sleeping here..." bulong niyang sagot.

"Why?" tanong ko ulit.

"I want to..." walang emosyon niyang sagot. I took a deep breath. Ok palalampasin ko ito ngayon sagot ko sa utak ko. Hahalik na lang ako ng goodnight kiss pero naramdaman ata ni Nancy dahil palad nanaman niya ang sumalubong sa mukha ko. Strike 2 Yeonwoo. Bilang ng utak ko. I straightened up and remained calm. Malalaman ko rin kung bakit ganito ang ikinikilos ng asawa ko. Mabigat ang paa kong lumabas ng kwarto. I entered our room but could not pull my feet to walk towards our bed. I was about to go to the bathroom when I heard my phone. It's already late, who might this be?

Lisa: Hi Yeonwoo. How are you and Nancy?

Nagtaka ako. I dialled her number instead.

"Hello Lisa?"

"Sorry, I know it's late..."

"It's ok. Why'd you ask? Nancy's in the kids' room."

"I see."

"How are you and Jennie?" balik kong tanong.

"She's cold..."

"And?..."

"She's avoiding me. When I arrived she's about to leave pero nakiusap ako. I won't bother her, I just want her to stay here."

"So is she still there?"

"Yeah, in our room..."

"And you?"

"Dito sa sala, sa couch..."

"Don't you have another room?" tanong ko.

"Yeah..."

"Bakit diyan ka natutulog?"

"I can't sleep in the other room. Baka lumabas siya ng hindi ko namamalayan..." Parang bata niyang sabi.

"Ok I understand." hindi ko masabing si Nancy din hindi ko katabing matulog ngayon. "Hayaan mo muna siyang magpalamig."

"I know...I'm...I'm just scared Yeonwoo. Never been scared like this." bulong niya at alam kong naiiyak na siya. Ako din Lisa kung alam mo lang ang takot ko.

"It will be alright soon, Lisa. Give her time."

"I'm already missing her." Sabi niya. Ako din sagot ko pero sa sarili lang.

"I feel you." sagot ko na lang.

"Can't even touch her..." Me too dugtong ng isip ko.

"It's ok Lisa. Just give her time. As long as she's with you then that would be fine. She didn't ask you anything?"

"Nope. She's silent ever since I came home. When I asked if we can talk, she said she's not in the mood to talk."

"Just give her time, ok?" I said. Ilang minuto pa at nagpaalam na rin siya.

Pagbaba ko ng phone parang lalong sumakit ang ulo ko. I can't sleep in our bed without Nancy. I decided to go to our kids' room and went straight to Jackson's bed. Tinabihan ko na siya pumwesto ako sa tabi ni Jackson na nakikita ko ang aking mag ina.

"Miss you, Nancy. I Love you. Goodnight." bulong ko, marinig man niya o hindi I want to utter the words that I always say every night before we go to bed. Hindi agad ako makatulog, matagal kong tinitigan ang asawa ko hanggang sa hindi ko na napansin na nakatulog na ako.

-

Nagising akong wala sa tabi ko si Jackson at paglingon ko ay wala din sa kabilang kama ang aking mag ina.

"Nancy! Jackson! Dane!" tawag ko sa mag iina ko. Bigla akong bangon at takbo sa kwarto namin. Naisip ko agad ang walk in closet at napatakbo ako. I felt relieved when I saw Nancy's clothes still intact. Paranoid ka na Yeonwoo, sermon ng utak ko. "Nancy." tawag kong muli. Pagbaba ko ay nakita ko si Yaya Caring.

"Ya, asan po ang mag iina ko?" agad kong tanong.

"Nasa park, nag desisyon si Nancy na mag jogging at lumabas sila ng maaga."

"Bakit hindi nila ako ginising?" reklamo ko.

"Hindi mo nga daw namalayan silang bumangon kaya hindi ka na nila ginising. Kasama naman si Julio at Jenny. Huwag ka ng mag alala, baka pabalik na rin sila." sagot ni Yaya.

"Anong oras na ba?" tanong kong nawawala sa sarili.

"Ala nuebe na." sagot ni Yaya. "Hindi ka ba nakatulog?"

"Hindi po." sagot kong nanlalambot at hikab. Umiling lang sa Yaya.

"Umupo ka na at mag almusal." sabi niya. Wala ako sa sarili na sumunod at umupo lang. Hinawakan ko ang baso na nasa harap ko at ininom para ibuga lang.

"What the..." gulat kong sabi. "Gatas?" sambit ko sa hawak hawak kong baso.

"Oo, bakit?"

"Ya! alam mo namang kape iniimom ko sa umaga."

"Mainam yan para makatulog ka ng maayos."

"Ang aga aga Ya patutulugin mo ako?"

"Eh kasi nga wala kang tulog..." rason niya.

"I want coffee,please Ya." pakiusap ko.

"O siya kape kung kape." at dumeretso na sa coffeemaker.Ilang saglit pa at bumalik na sa akin dala ang tasa ng black coffee."Ang hilig niyong magkape ng lolo mo, hindi naman lumalambot ang ulo niyo." sabi niya saka tumalikod.

"Ya, menopause na ba kayo?" tanong ko pabalik sa kanya pero pinandilatan niya lang ako ng tingin.

-

"Why didn't you wake me up?" tanong ko kay Nancy when she's about to enter the bathroom to take a shower.

"You're still sleeping." sagot niyang hindi tumitingin sa akin.

"Ginigising mo naman ako dati ah." I complained.

"You're in deep sleep." walang emosyon niyang sagot at naglakad na papasok ng bathroom.

"Aren't you going to wait for me?" tanong ko dahil sabay kami lagi mag shower.

"I want to shower alone..." agad niyang sagot. Strike 3 Yeo woo. Sabi ko sa sarili. Thats it, time to let out.

"Is there anything you're not telling me, Nancy?" tanong ko na bago pa niya maisara ang pinto.

"Why? Yeonwoo? Weren't you supposed to tell me something yesterday? Ilang beses akong nagtanong, hindi ba?" She shot be back, hindi ako nakapag salita. "They always say that the wife is the last one to know when..."

"---I'm not having an affair Nancy." putol ko na sa sasabihin pa niya."I can never do that to you."

"Then why can't you answer me yesterday?" tanong niya.

"I'm...I got scared..."

"Why?"

"I don't know, hon. Natakot lang ako bigla. I'm sorry...."

"You should be. I'm your wife, for goodness sake, Yeonwoo. I should be the first to know everything that involves you, us and this family. Don't hide anything from me because that and your stupid ego will break this family." sabi niya sabay sara ng pinto. Hindi na ako nakasagot. I'm just too scared Nancy, too scared na baka pag nalaman mo bumalik ang insecurity mo, na bumalik ang sakit mo. Dam.n it.

Hinintay ko siyang matapos magshower at ng paglabas ng bathroom ay napatayo agad ako sa kama namin.

"Can we talk?"

"Not now..."

"When?"

"I don't know..."

"Nancy..."

"You can leave now, Yeonwoo. We'll be staying with Dada for the meantime."

"What? You're already decided without consulting me?"

"Yes." she plainly said.

"Kasasabi mo lang kanina na we should tell each other everything that involves this family."

"And what did you just do yesterday?"

"Are you getting even?"

"I'm just being fair..." sagot niya at pumunta na sa walk in closet. This is not fair sabi ko sa isip ko.Pero kasalanan ko pa rin. I stayed calm.

"The kids will ask for me." paalala ko habang nasa loob siya at nagbibihis.

"I told them you're going somewhere..." Nagulat ako at gusto ko siyang sagutin pero ayoko ng makipagtalo.

"Kailan ang alis niyo?" wala sa loob ko ng tanong ng nakalabas na siya at nakabihis na.

"We'll be there before dinner." sagot niya lang at tuluyan ng lumabas ng kwarto. Gusto kong magmura at magwala pero mas nagaalala ako dahil kalma si Nancy. Natatakot ako sa pwedeng mangyari sa kanya kaya pumayag na ako.

I dialled Mama Myeongju's number.

"Hello Yeonwoo?"

"Hello Mama, Nagkausap na po ba kayo ni Nancy?"

"Yes anak, she and the kids will be staying here for a while..."

"I'm sorry Mama..."

"It's ok Yeonwoo. Richard told me everything.Don't worry sweetheart, we believe you..."

"Thank you, Mama. I'm worried about Nancy baka po iba na naman ang maisip niya. You know..."

"She'll be alright, Yeonwoo. I will call you immediately if I find unusual in her behaviour."

"Thanks Mama."

-

"Hello, Yeonwoo? Are you alright?" sagot ni Lisa sa tawag ko nang hindi pa ako sumasagot. It's past 12 midnight and I'm still awake sitting infront of my laptop, alone in my kids' room. I already missed my family. Nakausap ko kanina ang mga anak ko at naramdaman ko lalo ang pagka miss sa kanila.

"Hi Mowmi! Why you're in our room? Mama sed you go samwhere" bungad ni Dane ng sumagot ako sa video call nila at si Jackson ay kumakaway na rin.

"I just left something sweetie and I got back and stayed a while in your room. Miss ko na kayo agad ni Jackson eh."

"Mish you too Mohmi!" balik ni Jackson. "Come bak quickly sho you can get here, Owkay!?" utos niya at natawa ako.

"Yes, Sir!" sabay saludo ko. "While I'm away you watch over your Mama and sister, understood?"

"Yes Mam!" sabay saludo din niya.

"Don't wowri mowmi, Jack'z really watching Mama especially when seis toking widt her goodie frend." pabulong na sabi ni Dane, nagtaka ako.

"And who is that good friend might be?" tanong ko na kunwari pabulong din.

"tha mushcle man Mohmi..." Singit ni Jackson habang nagtaas ng dalwang kamay na parang nagpapakita ng muscle. The same guy na nakakasabay ni Nancy sa jogging.

"Is he really a good guy?" tanong ko sa kanila pero nagkatinginan lang sila at sabay na nagkibit balikat.

"Thatz what Mama sed." si Dane

"Hello, Yeonwoo?" gising ni Lisa sa pag iisip ko.

"Sorry Lisa...." patlang. "I just want to ask sana kung kamusta na kayo ni Jennie?" tanong ko at buntong hininga lang narinig ko.

"I'm still here at the couch. She's still in her room. second day of torture..." sagot niya.

"I can't stand a day without my family...without Nancy." bulong ko.

"What do you mean, Yeonwoo?"

"I can't stand her ignoring me..." sabi ko na hindi ko alam na may kausap ako.

"What ikaw din hindi pinapansin ni Nancy?" Tanong niya pero hindi ko siya sinagot.

"I can't stand a day that she's beside me and I can't kiss her or even touch her...."

"Pati ikaw?..."

"Don't know what to do anymore."

"Give her time, sabi mo nga diba?Hayaan mo muna siya...as long as she's with you..."

"She's not here..."

"Ha?! Where is she?" pero hindi ko na siya sinagot.

"Will you help me?" tanong ko sunod.

"Saan?" hindi agad ako sumagot. "Yeonwoo..."

"Kidnapin natin si Nancy at Jennie..."

"Ano?!"

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
YeonYun #1
Plss continue write some nanwoo stories 🥺
iana013
#2
Fam write other stories please
Keiill
#3
Chapter 36: I really really love this story :) I want to re read this again.. If you want to make an another story about nanwoo author, I will there and read it. Thanks for this :)
usrcvi #4
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️
usrcvi #5
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️
usrcvi #6
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️
usrcvi #7
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️
usrcvi #8
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️
usrcvi #9
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️
usrcvi #10
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️