Chapter 5

Arranged Marriage

ARRANGED MARRIAGE 

Chapter 5

NANCY'S POV

I'm about to go to the restobar na usapan namin ni Daisy when I noticed something in the driver's seat of my car. Cellphone. Then I realized this must be Yeonwoo's. To be sure I dialed her number and true enough cellphone nga niya dahil nag appear ang number ko, hindi pa pala niya naisave ang number ko sabi ko sa isip ko. Saka ko lang napansin ang maraming missed calls. Ibig sabihin kanina pa itong cellphone niya and it's already past 8pm, baka marami na siyang na missed na important calls. I got out from my car and looked around, I saw Daisy's car approaching me. Inabangan ko siya at huminto ng mapansin ako, she rolled down her window.

"Bakit? Tara na convoy na tayo." aya niya.

"I don't think I can go. I need to bring Yeonwoo's phone to her office."

"What?" gulat niyang tanong. "You have Yeonwoo's phone?"

"She left it in my car earlier. Di ba nga nasabi ko sa'yo na hinatid niya ako." paalala ko kay Daisy. Hindi rin siya makapaniwala ng binalita ko sa kanya dahil alam din niya ang buong kwento ng biglaan kong pagpapakasal.

"Yeah, ok pero Best sigurado hahanapin ka nila." sagot niya.

"I'll try to follow."

"Why not give it to her pag uwi mo?"

"At this hour I'm sure she's still at the office. Not far from here. I'll just give this to her then I'll go straight to the bar." I explained, after seconds of staring at me she just nod in surrender.

"Ok, Best. Text me if you're coming or not, ok?"

"Yes, Best. Safe drive."

"Ikaw din. See you."
-
I'm now parking in front of Yeonwoo's company building. As I got out from my car ay lumapit ang isa sa mga guards.

"Excuse me, Mam." he said. "Bawal po---" napahinto siya at mukhang nakilala ako. "Ms. Mcdonie? ay Lee po pala. Good evening po" bigla niyang dugtong. Yeonwoo and I may had a private wedding but I know everyone was aware of it including the people around us. Lolo Pablo and Dada announced it during emergency meeting they had before our wedding. Yeonwoo has to take a force leave because as far as I know she never takes a leave from office. What a workaholic person she is. Maybe the reason why she's still single, kaya siguro si Lolo Pablo na ang gumawa ng paraan para sa kanya.

"Mam?" tawag ng guard na nagpagising sa akin.

"Ah, yes Manong, good evening. Andiyan pa po ba si Yeonwoo?"

"Ah, eh. Yes Mam. Saglit lang po, iraradyo ko po."

"No, it's ok. Just tell me what floor. Ako na lang pupunta." may ngiti kong sabi.

"Ok sige po, Mam. Samahan ko na lang kayo sa private elevator nila." he gestured me the way and I followed him.

I'm about to enter at the elevator when someone called me and when I turned around I saw Mang Julio approaching with take away foods at hand.

"Oh, Nanct. Gandang gabi. Andito ka pala." bati niya

"Good evening din po Mang Julio. Ah opo kasi naiwan po ni Yeonwoo ang phone niya, alam ko andiyan pa siya kaya ibabalik ko sana."

"Oo nga nabanggit niya kanina. O siya halika ibigay mo na sa kanya." he said.

"Ah, pwedeng pabigay ko na lang po sa inyo?"

"Naku, halika na at ikaw na mismong magbigay." aya niya at saka pumasok sa loob ng elevator. Wala na din akong nagawa kaya sumunod na lang ako.

"Magdidinner pa lang po kayo, Mang Julio?" pansin ko na sa dala niya.

"Oo, binilihan ko na lang sa labas si Yeonwoo dahil hindi ko mapatayo sa upuan niya. Saglit ng saglit, nasarahan na kami sa cafeteria." may halong sumbong.

"Ganyan po ba siya lagi?" tanong ko.

"Madalas." sagot niya lang na nakangiti.

"Kaya gabi na kayo nakakauwi."

"Ayaw niya lang daw mapahiya sa lolo niya sa paraan ng pamamalakad sa kumpanyang pinagkatiwala sa kanya. Kaya maaga siyang pumapasok at late ng lumalabas."

"Hindi naman po ata siya pinipressure ni Lolo Pablo, di ba?"

"Hindi nga, si Yeonwoo lang nag pepressure sa sarili niya." natatawang sagot ni Mang Julio.

"Mukhang madami po yan,ah." biro kong pansin sa dala niya.

"Kung hindi kasi ako nagkakamali andiyan pa si Hyebin at Jooe. Napansin ko lang na umuwi kanina si Taeha." paliwanag niya at napatango na lang ako. "Ikaw Nancy kumain ka na?"

"Opo Mang Julio, tapos na po."

"Pwede mo bang sabayan kumain si Yeonwoo, baka hindi agad kumain yon eh. Lalamig nanaman to." may himig pakiusap ng matanda at napatango lang ako.

"Sige po."

"Salamat."

Ilang saglit pa huminto na ang elevator at bumukas ng pinto. Naglakad na kami patungo sa office ni Yeonwoo. The place was almost silent and the lights around the whole floor are already dim, may ilang parte na lang na may ilaw sa iilang taong andon pa rin ngunit nakatayo na, nagaayos na lang ng mga gamit.

"Tahimik na ngayon at marami ng umuwi dahil wala namang meeting. Yon din kasi ang bilin ni Yeonwoo pero madalas lalo na pag Biyernes puno pa rin ng tao dito kahit pasado alas nuebe na. Lahat sila iwas traffic. Ayaw pang umuwi." ngiting kwento ni Mang Julio ng nagring ang phone ni Yeonwoo

"Cellphone po ni Yeonwoo, kanina pa po ito nagriring." bigla kong nasabi.

"Ganon ba, malapit na tayo. Sinong tumatawag?" tanong niya, I fished out Yeonwoo's cellphone from my purse and saw the caller's name.

"Ms. Joy." nasabi ko lang at biglang huminto sa paglalakad si Mang Julio. "Bakit po?" tanong ko.

"Kanina pa ba siya tumatawag?" tanong niya pabalik at tumango lang ako.

"Gabi na, tawag pa rin ng tawag." iling na sabi ng may edad ng driver. After few more seconds the ring stopped. "Tara na." aya ulit ni Mang Julio.

"Sino po ba siya?" I curiously asked. "Ah sorry po. It's ok, no need to answer po." ngiti kong bawi

"Walang problema, Nancy. Secretary ni Yeonwoo. Nakaleave pero hindi mapakali, tawag ng tawag daig pang jowa." ngiting sagot ni Mang Julio. "Dito ang office ni Yeonwoo." he said before opening another door. Pagbukas niya ay nakita ko si Yeonwoo na subsob pa rin sa trabaho ni hindi lumingon kahit nagsalita na si Mang Julio.

"Yeonwoo heto ng hapunan. Kain muna." bati ni Mang Julio at lumingon ang taong nakatayo sa harap niya. I think she's Hyebin. Kita ang gulat sa mga mata niya at hindi siya nakapagsalita.

"Dito na lang po ako kakain, Mang Julio." sagot ni Yeonwoo na hindi nag aangat ng ulo.

"Do you always eat in your office table?" dko naiwasang tanungin at biglang nabaling ang tingin niya sa akin, bakas ang gulat at pagkabigla sa kanyang narinig.

"N-nancy..." tawag niya.

"Yes?" sagot ko.

"W-what are you doing here? I mean why are you here...Ang ibig kong sabihin I thought you're---"

"I just dropped by to give your cellphone. You left it in my car earlier and sorry kung ngayon ko lang nakita...You might have missed a lot of important calls." putol ko sa kanya.

"It's ok. It's not your fault. And thank you. You could've just give it to me at home, napunta ka tuloy ng di oras dito."

"It's nothing, malapit lang naman eh."

"Paano yong lakad mo?"

"I could catch up with them..."

"Nagdinner ka na?"

"Yup. Kanina pa. You should take your dinner, too. Anong oras na."sabi ko at saka lang niya nasilip ang wristwatch niya.

"Ok. Can you stay for a while?hatid na lang kita sa pupuntahan mo. I'll just take my dinner."

"No need."

"I insist it's the least that I can do sa abalang nagawa ko sa'yo."

"It's not abala. Did I abala you when you drove me to my appointment  earlier?"

"No. Hindi. Never." seryoso niyang sagot.

"So please don't think that coming here and bringing your phone is a burden for me..." I said while walking towards her, putting her cellphone on her desk.

"S-sorry...and thank you."

"Forgiven... and you're welcome." sagot ko lang at matagal muli kaming nagkatitigan.

"Ahem..." rinig namin mula kay Hyebin at napatingin ako sa kanya. "Hi, Ms. Nancy, alam ko maliit ako at payat pero sana pansinin mo rin ako kahit si Yeonwoo lang ang nakikita mo."

"Hyebin!" saway ni Yeonwoo

"I'm sorry Hyebin, didn't mean to ignore you---"

"Haha! Oks lang yon, Ms. Nancy nagbibiro lang ako." tawa niyang sagot.

"Just Nancy." ngiti ko ng balik.

"Baka magalit asawa mo." balik ni Hyebin

"Yeonwoo's friends are my friends too that is kung ok lang sa kanya?" sabay baling ko kay Yeonwoo

"Of course, Nancy. Sana lang hindi ako mapahiya sa'yo lalo na dito kay Hyebin."

"Bakit ako, anong mali sa akin?" reklamo ni Hyebin pero hindi na siya sinagot ni Yeonwoo

"Let's eat." sabi niyang tumayo na. Biglang nagbukas ang pinto at bumungad ang seksing babae na nakita ko din kanina.

"May dinner na ba?!" malakas boses biyang sabi at biglang napatakip ng bibig ng makita ako.

"Hi...Good evening." kaway ko. If I'm not mistaken she's Jooe kasi sabi ni Mang Julio umalis na daw si Taeha

"Hi, Ms. Nancy." kaway pabalik niya. "Sorry maingay lang talaga ako." She apologized.

"It's ok. Just Nancy." Tipid kong sagot.

"Tayo ng kumain bago pa lumamig tong Ramen na pinabili niyo." singit ni Mang Julio habang nasa long table sa may receiving area. Naglapitan na lahat at kanya kanya ng upo. Hindi ko alam kung nananadya lang talaga o sadyang umupo sila sa mga single chairs at naiwang bakante ang couch na kasya naman kaming lahat. Napansin ko ang ngiting iling ni Yeonwoo saka tumingin sa akin.

"Have a seat, please." she gestured and I sat down at the couch. She sat down next to me. "What do you want to eat?" she offered.

"I'm done. Thank you." pagtanggi ko.

"Then just take this salad. I know you're watching your diet. But this one's pure veggies, so you don't have to worry. Para naman saluhan mo kami." ngiti niyang sabi, 

Mas bagay sa kanya nakangiti. "Nancy?" tawag niya at saka ko lang napansin na hindi ko pala inaabot yong inaalok niya.

"Oh, I'm sorry." nasabi ko lang.

"What are you thinking?"tanong niya

"What?" tanong ko rin.

"You're spacing out. Are you thinking about your friends. Don't worry makakahabol ka pa naman." she said.

"No. Not that. Hmm, nothing. Let's eat?" alok ko na lang.

"Ok." sagot niya saka halos sabay kaming napatingin sa mga taong nasa paligid namin na nakatingin sa amin.

"Is there something wrong?" tanong ni Yeonwoo sa kanila.

"Nothing, Yeonwoo." iling na sagot ni Hyrbin at sumunod din sa pag iling si Jooe at Mang Julio. "It's aaaa---l right." may halong tukso niyang dugtong.

"Hyebin..."

"The food is alright, perfect and yummy." putol niya. "parang kayo" habol niya ulit pero sa mas mahinang boses.

"What?" seryosong tingin ni Yeonwoo

"Wala sabi ko let's enjoy the food, di ba Nancy?" baling niya sa akin na nakangiti. Iling na lang ang nagawa ni Yeonwoo nang nagring ang phone niya na nasa desk niya. Parang alam ko na kung sino yon at nagkatinginan kami ni Mang Julio.

"May tawag ka, Boss." pansin ni Jooe

"Later. Kain muna tayo." sagot ni Yeonwoo habang kumakain. Kita ang gulat sa mata ni Hyebin at Jooe at nagtaka naman ako sa reaksiyon nila. Ngayon lang ba ito ginawa ni Yeonwoo?Ang hindi sumagot sa tawag.

"Ahmm, kanina pa yan nagriring Yeonwoo. Baka importante ang tawag mo." ako naman ang nagsalita. Nag angat lang ng tingin si Yeonwoo at saglit na nag isip saka tumayo.

"Alright" sagot niya. "Excuse me, Nancy." paalam niya saka tumayo. Paglapit niya sa desk niya ay saglit lang siyang tumigil, saka naglakad pabalik sa amin ng hindi sinasagot ang tawag.

"Sino?" tanong ni Hyebin

"Hindi na office hours kaya hindi ko na sasagutin." sagot niya lang.

"Si ytary?" tanong ulit ni Hyebin na nabigla ata sa sinabi kaya napatakip ng bibig at pansin ang matalim na tingin na binato ni Yeonwoo sa kanya. "Oops, sorry Boss." peace sign niyang sabi.

"Let's finish our dinner para maihatid ko na si Nancy." matabang na sabi ni Yeonwoo

YEONWOO'S POV

We're on our way to the bar when I heard my phone again. Inis man I tried to stay calm and answered the call.

"Yes, Joy. You're on leave, right? Why bother calling me?" seryoso kong sagot.

"Hello, Yeonwoo. Just got worried 'cause you're not answering your phone."

"I'm alright, I just left my cellphone sa kotse ni Nanct kanina."

"Nancy?Your wife?"

"Yes, Nancy. My wife. May iba pa bang Nancy?" sagot ko at napansin kong napalingon sa akin si Nancy

Nginitian ko lang siya. "Hey, look here Joy, I appreciate you're concern but I'm alright. I'm driving so I can't talk for long,ok?" senyas kong pagtatapos ng usapan.

"You're driving? Hindi mo kasama si Mang Julio? Where are you going?" sunod sunod niyang tanong.

"It's no longer related to your work so I hope you don't mind. Bye now, Joy. Hope you're mom's getting better now.Send my regards. Bye."

"Pe---" hindi ko na pinakinggan pa ang sasabihin ni Joy at inoff ko na ang cellphone.

"ytary" himig birong sabi ni Nancy. I shifted my gaze to her for a second and smiled.

"Si Hyebin lang tumatawag non sa kanya."

"So she really is y then."

"There are a lot of ways of being y, not just physical, Nancy. Joy is physically y, yes." sagot ko.

"And?"

"She's diligent and trustworthy."

"So that makes her y, too."

"Maybe..."sagot ko at natahimik siya.

"Do you find me y, Yeonwoo?" biglang tanong niya at halos nawala ako saglit sa paghawak ko sa manibela, buti na lang hindi niya yon napansin.

"O-of course, Nancy. You won't be a model if you're not."

"What if I'm not a model. Do you still find me y?" baling niya muli sa akin.

"Yes. Nancy you're y in your own way." patotoo kong sambit.

"How can you say that?"

"I can see it."

"You don't know me that much."

"I can feel it."

"We haven't been together that long."

"Maybe. Strange. But true. Why? Can't you feel the same, Nancy?" balik ko sa kanya.

"Feel what?"

"You know. As if we've known each other for so long. Kahit hindi tayo nag uusap." sagot ko pero hindi siya umimik. "I'm sorry, I guess ako lang pala ang feeling close sa'yo." nasabi ko na lang.

"I...I feel the same way too." mahina niyang sabi.

Nilingon ko siya at napatitig ako sa kanya. "Eyes on the road please." puna niya sa ilang segundo kong pagtitig sa kanya, saka ko lang ibinalik ang tingin ko sa daan. Pakiramdam ko napakahaba ng biyahe namin dahil sa katahimikan sa loob ng kotse. Walang nagsasalita, pareho kaming nakikiramdam.

"That's the place." basag niya sa katahimikan habang tinuro ang bar.

"Is this where you usually go?" I said while slowly parking the car in front of a restobar.

"My fave restobar, actually." she said smilingly.

"I see, akala ko you like the bar, as in bar—-"

"We had few bars that we frequent. But if we're really tired, we just want to have small chitchat and laughs before we end the day dito kami pumupunta." she explained and I just nod.

"Don't drink too much, you're still driving." paalala ko sa kanya as I unbuckled my seatbelt.

"You wanna come?" tanong niya bago ko pa tuluyang buksan ng pinto.

"Ha?"

"Babalik ka pa ba ng office?" dagdag tanong niya.

"Ahm..." dko alam ang isasagot ko.

"It's already late and you should unwind sometimes."

"Baka hindi ako bagay sa company mo?" wala sa loob kong sabi.

"Why?" tanong niya. Wala akong maisagot. "Kanino ka bagay?" sunod niyang tanong. "Sa akin dka ba bagay?" dugtong niyang tanong at mas lalong umurong ang dila ko. "I don't judge, neither my friends. But if you're not comfortable. I won't force you, Yronwoo. See you later. And thank you sa paghatid." paalam niya saka binuksan ang pinto ng kotse at palabas na nang nagsalita ako.

"S-sorry Nancy. Nahihiya lang ako." habol ko. She looked back at me and I saw her smile. The same smile she gave me when we first met and introduced.

"Nahihiya?Ikaw?I can't imagine." halos patawa na niyang sabi.

"Hindi ba ako pwedeng mahiya?" patol ko na lang sa ngiti niya.

"Hindi ko lang maintindihan kung bakit ka mahihiya." sabi niya pero nanatili akong tahimik. Matama niya akong tiningnan na parang binabasa niya ako.

"You're married...to a...to me..." tanging nasabi ko.

"And so?" taas kilay niyang tanong. "I don't care anymore Yeonwoo. I've been the subject of so many issues left and right but I just shrugged them off my shoulder. I bet, aabangan lang nila na maghiwalay tayo and they already concluded the reason, either you found your right one or I chose to be with a guy again. So don't mind them, that's their job although sometimes it hurts lalo na pag hindi totoo." may pait niyang sabi "So are you coming or not?"

"Ok..."

"Ok what?"

"Ok, I'll go with you." tipid kong sagot.

"That's great! Let's go!" tuwa niyang sabi habang mabilis na lumabas.When I got out from her car I just stood there hesitant to make a step until I felt her hand holding mine. "Can I drink more than the usual tonight?" she whispered.

"Why?" tanong ko habang dinadama ko ang kamay niya sa palad ko. Ngumiti lang siya sa akin habang dahan dahan na niya akong inayang pumasok sa restobar.

"Because I know you're here with me and you're gonna drive me home." matamis niyang ngiti.

"Isn't that a bodyguard's duty?" taas kilay kong tanong.

"Nope....That's a wifey duty." sabay kindat niya. Wala na akong nasabi dahil papasok na kami sa loob. Ang sarap lang pakinggan. Sana lang totoo, dahil kahit gabi gabi gagawin ko ito Nancy. Para sa'yo.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
YeonYun #1
Plss continue write some nanwoo stories 🥺
iana013
#2
Fam write other stories please
Keiill
#3
Chapter 36: I really really love this story :) I want to re read this again.. If you want to make an another story about nanwoo author, I will there and read it. Thanks for this :)
usrcvi #4
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️
usrcvi #5
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️
usrcvi #6
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️
usrcvi #7
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️
usrcvi #8
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️
usrcvi #9
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️
usrcvi #10
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️