Chapter 4

Arranged Marriage

ARRANGED MARRIAGE 

Chapter 4

YEONWOO'S POV

Paglabas ko ng elevator ay mabilis akong naglakad papuntang cafeteria. I was walking in fast pace and looking around for Nancy. Then I saw her waved at me at the corner of the cafeteria. As I approached her, napansin kong kasama na pala niya si Mang Julio.

"Hi!" masaya niyang bati. She stood up and walked close to me and gave me a kiss. "Mang Julio said this is your place."

"Hi, Nancy. Ah Y-yes. This is where we usually sit." tanging nasabi ko at parang hindi pa ako nakarecover sa ginawa niya. She really did kiss me. Matagal lang akong nakatitig sa kanya.

"Dito na muna kayo, Yeonwoo, Nancy. Kukuha lang ako ng makakain niyo." Si Mang Julio na ang pumutol sa titigan namin ni Nancy

"Ah. Sige Mang Julio. Salamat ho." sagot ko na lang.

"Siyanga pala Nancy, anong gusto mo?" alok ni Mang Julio kay Nancy at nanatili akong nakatingin sa kanya.

"I'll have what Yeonwoo eat for lunch po, Mang Julio. Thank you." simple niyang sabi na nakangiti. Ewan ko pero parang mas lalong lumambot ang puso ko sa narinig ko. Hindi ko na napansin na umalis na si Mang Julio at kung gaano na kami katagal na nakatayo."Can we take our seats now?" tanong ni Nancy at saka pa lang ako naalimpungatan.

"O sure, please. Sorry." Tanging nasabi ko. Napansin ko siyang umurong kaya kumilos akong umupo sa tabi niya.

"Is Dada around?" kamusta niya.

"Ah, he's in a business meeting outside." sagot ko at napatango lang siya.

"Did you run?" tanong niya muli.

"Why?" dko siya sinagot.

"You're sweating." mahina niyang sabi sabay may kinuha sa purse niya at binalikan ang mukha ko na masuyo niyang hinawakan habang pinupunasan ang noo ko at gilid ng mukha ko. Nabigla ako sa ginawa niya pero hindi ko magawang umiwas.

"Ah...mainit sa elevator." pagsisinungaling ko at nakita ko siyang ngumiti.

"Is that so. Akala ko tumakbo ka." biro niya sa mahinang tawa. Hindi ko namalayan natatawa na rin ako. "It seems alam na ni Mang Julio ang everyday dish mo." pag iba niya ng usapan pero patuloy pa rin sa pag punas ng pawis ko.

"O-oo. For two years alam na niya ang mga pagkain ko sa araw araw. Minsan lumalabas kami pag napapansin niyang hindi ko na nauubos ang pagkain ko." sagot ko na parang nakukuryente sa kamay niyang humahawak sa mukha ko.

"Ang sweet naman." rinig naming boses sa di kalayuan. Just then napansin namin ang tatlong istorbo sa moment namin ni Nancy. Si Jooe na nagsalita, kasunod si Hyebin at Taeha. Doon ko lang napansin ang mga simpleng tingin sa amin ng mga tao sa paligid. May nakangiti at yong iba sa sobrang hiya ata ay binaling sa iba ang tingin. "Yeonwoo, alam ba ng asawa mo na may ka lunchdate ka ngayon?" dugtong pa ni Hyebin

"What?!" gulat kong sambit. "What are you doing here?" taray kong tanong sa kanila habang patayo na ako. Malakas na tawa lang ang isinagot ni Hyebin

"Chill lang Yeonwoo." sabay baling kay Nancy."Just kidding, Ms. Nancy. Who wouldn't recognize one of well known models and owner of beautiful faces in our country." lapit niya kay Nancy. "By the way I'm Hyebin, this is Taeha and Jooe. We're Yeonwoo's college classmates, trusted and faithful friends, loyal employees and lunchmates and dinnermates." nakangiti niyang pakilala "But I guess we can't be her lunchmates today." habol pa niya.

"Hyebin, feeling close?" putol ko na sa kanya.

"Ikaw naman Yeonwoo, close ka namin eh di ibig sabihin close na rin kami sa asawa mo. Hindi ba Ms. Nancy?" birit naman ni Joor

"Nice to meet you, guys. Hi, Hello." sabay kaway ni Nancy. "We can all eat lunch together para masaya."

"Yes!/No!" sagot ni Hyebin na sumabay sa sagot ko. Kaya napatingin sila lahat sa akin.

"Anong No?" si Hyebin

"Ang daming bakanteng table oh." sabay turo ko sa paligid.

"Yeonwoo, it's ok. We'll get to know each other na rin." mahinahong sagot ni Nancy and I saw Hyebin and Jooe grinning while Taeha just smiling.

"Ayaw lang atang mabuking ni Yeonwoo, Ms. Nancy." hirit pa ni Jooe and I just rolled my eyes and sternly looked at them. Makuha kayo sa tingin sabi ko sa isip isip ko.

"Look guys, next time na tayo sumabay..." biglang singit ni Taeha, hay salamat at nakaramdam. "Baka masisante tayo pag pinilit natin." dugtong niya sabay ngiti kaya natawa na rin pati si Nancy

"Nice meeting you, Ms. Nancy. Hope you could join us in one of our bonding moments."

"Sure, anytime. Nice meeting you again guys." ngiting balik ni Nancy. Hustong parating na si Mang Julio dala ang tray ng pagkain namin.

"Yeonwoo, ok ka lang?" tanong sa akin ni Nancy habang kumakain kami. Nasa tapat ko na siya dahil dalawa lang naman kami sa table.

"Yeah. Why?"

"Nothing. You just too silent and you're not eating well. Are you alright?"

"I'm good. May iniisip lang."

"Can we not think of things na makakaistorbo sa pagkain natin?" ngiti niyang sabi "So that you can enjoy your food."

Paano yan Nancy kung ikaw ang iniisip ko?Tanong ng utak ko.

"If that's work, you have to leave it in your office desk."

Paano nga kung ikaw, Nancy? Tanong muli ng isip ko.

"Paano kung tao?" bigla kong natanong.

"Business Partners? Same. You have to put them aside so that you can taste your food." ngiti niyang sabi at dko napansin napapangiti na rin ako.

Paano nga kung ikaw, Nancy?Utak kong muli habang palihim na sumusulyap sa kanya

"Deal?" pukaw niya sa pag iisip ko.

"Ok." sagot kong nakangiti pa rin.

"So it's a deal?" ulit niya sabay taas niya ng kamay, nakaabang ang pinkie finger niya. Inabot ko na lang para ma seal ang usapan at napangiti siyang bumitaw pagkatapos.

"Paano kung hindi business related?" pahabol ko

"Well, kung family mo or your loved ones. That means you're worried kasi dka makakain. Pwede ring mga kaibigan siguro. But still you have to eat, Yeonwoo." balik niya at napangiti lang ako na tumango.

"Or maybe you're thinking of special someone." dugtong niya pero hindi na nakatingin sa akin kundi sa kinakain niya.

"Bakit mo naman nasabi?" curious kong tanong.

"Nothing. Di ba we often hear that kahit na sa kanta 'hindi na makakain, hindi na makatulog...' hintayin ko na lang na tubuan ka ng pimple sa ilong para ma confirmed." tipid na ngiti niyang sabi at mahina akong natawa.

"Applied pa ba sa atin yon, I mean hindi ba pang teenagers lang yon?" balik kong natatawa pa rin pero hindi siya umimik patuloy na kumakain at hindi nag aangat ng tingin.

"So you're thinking of your special someone then?" mahina niyang tanong na saglit lang nag angat ng tingin at balik ulit sa kanyang pagkain.

"Hmm, I guess she's really special because she got my attention." pabida ko namang sabi.

"Wow ha mahirap pa lang makuha ang attention mo kung ganon." nakatawa na siyang muli.

"Not really. Bihira lang naman kasi akong magka interest sa tao. I don't know, even with my friends. Look at them, they've been my friends since college aside from Hyebin na high school best friend ko na. Now parang ang hirap kong magtiwala or makakita ng totoong kaibigan." paliwanag ko at napatango tango siya.

"So are you NGSB?" biglang niyang tanong. "If you don't mind me asking?"

"No, I don't mind. Hindi naman I had moments of flings but nothing serious." paliwanag ko.

"Why?"

"I don't know. Maybe for someone like me, mahirap ng makahanap ng serysosong relasyon."

"Well, at least there's a chance."

"Bakit mo naman nasabi?"

"Well, you said mahirap. You didn't say na hindi ka na makakahanap, di ba?" paliwanag niya at napangiti ako.

"I hope so." tanging nasagot ko lang.

"So you believe in true love?" dugtong niyang tanong.

"Yes of course, I saw it in my Lolo and Lola. Theirs was an extraordinary love in an ordinary relationship. I thought Lolo would leave too when Lola died. Pero sabi niya I remind him so much of lola kaya nakayanan niya ang pangungulila."

"You love Lolo Pablo."

"So much." dugtong ko. "He and Lola Minerva stood as parents to me when I decided to stay with them. Dad wanted to prove himself, so he started his own company and made a name for himself far from Lolo's shadow. So they migrated abroad."

"I see." nasabi niya lang.

"Soon you'll know my family story. That is if you're interested." habol ko

"Of course I am."

"So ok lang sa'yo na pag usapan natin ang family natin?" tanong ko.

"Oo naman." she quickly answered as she smilingly looked straight into my eyes. Nabasag lang ang titigan namin ng tumunog ang cellphone niya.

"Hello, Best." sagot niya. "Oh, are you already there? Kanina pa? Sorry Best. I'm on my way. See you. Bye."paalam niya. "I think this is the longest lunch I had, napasarap tayo ng kwentuhan." sabi niya after the call.

"Oo nga." I said and when I looked around ilan ilan na lang ang tao sa cafeteria. Napansin ko sila Hyebin, Taeha at Jooe kasama si Mang Julio na nakangiting nakatingin sa amin. Binawela ko na lang at balik ang atensiyon ko kay Nancy. "Sorry for holding you this long, nalate ka na ata." bigla akong nataranta.

"No it's ok Yeonwoo. Malapit lang naman dito yong pupuntahan ko amd besides our call time is 2pm. Panic mode lang yong si Daisy kasi lagi akong late." paliwanag niya. "It was a great lunch."ngiti niya habang patayo na kaya napatayo na rin ako.

"Yes, it was." ngiti kong pag sang ayon. "Do you mind kung ihatid kita sa pupuntahan mo?" nagulat ako sa lumabas sa bibig ko.

"What?" pati rin siya nagulat sa sinabi ko.

"K-kung ok lang sa'yo. I mean baka kasi magmadali ka. It's because of me kaya baka malate ka. Masyado kasi akong makwento." paliwanag ko.

"Baka marami kang gagawin?"

"No it's ok." masaya kong sabi.

"Anong sasakyan mo pabalik dito?" alala niyang tanong.

"I can take a cab. Sabi mo nga malapit lang di ba?"

"How about Mang Julio?"

"It's ok, may pinakisuyo ako sa kanya after lunch. Don't worry Nancyi d naman ako mawawala. I just don't want you to drive alone baka kasi magmadali ka." paliwanag ko.

"Ok. Sige." tipid ngiti niyang sabi "Let's go?" aya na niya.

"Okay." sagot ko at sabay na kaming naglakad at nadaanan namin sila Hyebin

"Guys, I'll drive Nancy sa appointment niya. See you in a bit." Magsasalita sana si Hyebin pero tiningnan ko siya ng matalim at nakuha ata niya.

"Ok, Yeonwoo. See you and nice meeting you, Ms. Nancy." sagot na lang ni Hyebin. Matapos magpaalam ng iba pa ay naglakad na kami sa parking lot kung nasaan naka park ang kotse ni Nancy

"You're driving?" tanong niya.

"Ok lang sa'yo?"

"Sure." ngiting sagot niya. ngayon ko lang siya nakita ng matagal na nakangiti. Inabot niya ang susi at umikot sa passenger's seat.

Pagpasok ko sa kotse niya ay lalo kong nadama ang presensiya ni Nancy. Ang pabango niya na bumabalot sa loob ng kotse. Napapikit ako, pakiramdam ko ang lapit lapit ko sa kanya.

"Are you alright, Yeonwoo." pukaw niya sa isip ko.

"Yep, sorry for that." nasabi ko lang. Pinaandar ko na ang kotse at ilang saglit lang ay tahimik na kaming bumibiyahe.

"Ahm, Yeonwoo?" basag ni Nancy sa katahimikan.

"Hmm?" sagot ko lang.

"Usually kasi after ng practice namin, we go to the bar. Is it alright---"

"Yes, Nancy. It's alright for you to go. Diba nasabi mo na kanina." paalala ko at tumango siya. "Just let me know kung papasundo ka especially if you think you had too much drink. Just don't drive when you had too much. Call me at papasundo kita kay Mang Julio kung sakali." I sincerely said. I saw her looked at me, matagal kaya napatingin din ako sa kanya. "Why?" tanong ko.

"Nothing. Thank you." yon lang nasabi niya at balik tahimik nanaman. After few more minutes nagsalita na ulit siya. "That's the building you can park over there." mahina niyang sabi. Ilang ikot at ayos lang ng sasakyan at nakapark na kami. "Thank you again, Yeonwoo." matipid niyang ngiti.

"Pasado na ba?" biro ko sa kanya.

"Pasado saan?" tanong niya.

"Pasado na bang driver?" sagot ko.

"Yes, pasado na." sabi niya pero nabigla ako sa sunod niyang sinabi. "But more likely pasado na sa wifey duty."

"Ha?"

"Haha. Just kidding. But true. I think you'll be a good wife, Yeonwoo. Swerte ng mapapangasawa mo." sabi niya habang inaalis ang seatbelt niya.

"But I'm already married." sagot ko. Hindi agad siya nakaimik and we found ourselves staring at each other. "Do you really think, I can be a good wife, Nancy?" tanong ko na hindi inaalis ang tingin sa kanya.

"Yes" sagot niyang hindi rin nagaalis ng tingin.

"How'd you know?"

"I know..."

"Nancy..."

"Yeonwoo..."
Hindi namin namamalayan na we're exploring each other's faces.Parang minimemorize namin ang mukha ng isa't isa. It was a magical moment when her phone rang again.

"Excused me." Paalam niya. "Hello Best. Yes, I'm already here. Yes see you in a bit. Bye." saglit lang siyang natahimik. "Got to go." paalam niya.

"I know. You take care." sabi ko na lang. Para siyang nahihiyang nagayos ng sarili bago lumabas ng kotse. At sumabay na rin akong lumbas.

"See you later." nakangiti ngunit hiya niyang sabi.

"Ok, Nancy." paalam ko pero napansin kong hawak ko pa ang susi niya kaya tinawag ko ulit siya ng papalayo na siya."Hey Nanct!" at lumingon agad siya. Kaya takbo lakad akong lumapit sa kanya. "Your keys." sabi ko.

"Thanks, Yeonwoo. Take care." ngiti niyang sabi.

"You, too." sagot ko and I don't know why but I just found myself leaning towards her and kiss her left cheek. "Enjoy your practice." sabi ko pagkunwa. Kita ang gulat sa mata niya pero napalitan din agad ng ngiti.

"I will. Thanks. Bye." parang batang mahiyain niyang sagot saka tuluyan ng naglakad palayo. Hindi ko alam kung gaano katalagal akong nakatayo para lang pagmasdan siyang mawala sa paningin ko. Bakit ganito napapangiti ako ng hindi ko alam kung bakit.

Naglakad na ako at nagaabang ng taxi ng bigla kong naalala. "What the?" bulalas ko. Wala pala akong pamasahe? dko dala ang purse ko. Nasapo ko ang noo ko. Yeonwoo paano ka ngayon? Tawagan ko si Hyebin. Kinapa ko bulsa ko. Sh.it. Naiwan ko ang cellphone ko sa kotse ni Nancy? Anong gagawin ko?Bigla akong nanlamig at para akong mahihilo. Papara na lang ako ng taxi at sa office na ako magbabayad, yon na lang ang mabuting gawin, nabuo sa isip kong gawin. Balik ako paharap upang pumara ng nakita ko ang familiar na sasakyan.

"Mang Julio?" taka kong tawag. Huminto sa harap ko at awtomatikong binuksan ko. "Mang Julio, salamat at andito kayo. Sinudan niyo ako?" takang tanong ko pagkaupo ko.

"Paumanhin, Yeonwoo kung sinundan kita at hindi muna ako pumunta sa pinalalakad mo sa akin. Nong sinabi mo na ihahatid mo si Nancy, naisip ko baka mahirapan kang sumakay pabalik ng opisina mo. Balak lamang kitang sundan, ngunit napansin kong balisa ka kaya lumapit na ako. Tinatawagan kita hindi ka naman sumasagot. Mukhang hindi mo dala ang cellphone mo." paliwanag ni Mang Julio.

"Naiwan ko ho sa kotse ni Nancy. Pero pasalamat po ako at sumunod kayo Mang Julio. Biruin niyo wala akong pamasahe at wala pa akong cellphone. Nakakahiya namang sundan ko si Nancy at sa laki ng building na yon hindi ko alam kung anong floor sila. Ganito pala pakiramdam na mapunta sa lugar ng walang pera at cellphone. Pakiramdam ko katapusan ko na. Buti na lang umakyat na si Nanct, dyahe makita niya akong ganito." dko na namalayang daldal ko.

"Pero mukha namang maaliwalas ang mukha mo kahit balisa ka." balik puna ni Mang Julio na nakangiti.

"Anong ibig niyo pong sabihin?" baling ko.

"Wala naman." tipid niyang sagot na nakangiti, tiningnan ko lang siya.

"Mang Julio..." tawag ko

"Masaya lang akong makita kang ngumingiti, Yeonwoo." sagot na niya.

"Ngumingiti naman po ako ah." depensa ko.

"Madalang."

"Eh kasi po puro trabaho laman ng utak ko kaya lagi akong seryoso."

"Ngayon?" tanong niya.

"Anong ngayon po?"

"Ngayon puro trabaho pa rin ba ang laman ng utak mo?" tanong niya muli.

"Oo naman po..." sagot ko.

"Hindi nabawasan?"

"Bakit naman po mababawasan?"

"Baka nabawasan at napalitan ng iba?"

"Ano namang papalit?" tanong kong nalilito na.

"Hindi ano. Sino." ngiti niyang sagot na saglit akong sinulyapan saka bumalik ang buong atensiyon sa daan.

"Mang Julio, ngayon ko lang ata napansin mukhang marami kayong alam na hindi ko alam sa akin." nasabi ko at natawa siya.

"Ganon daw ata talaga yon, kung minsan ang pagbabago sa sarili hindi mo agad napapansin sa sarili mo pero nakikita ng ibang tao."

"Nililito niyo naman ako." sagot ko sabay kamot ng kilay pero tinawanan niya lang ako.

"Malalaman mo rin pagdating ng panahon." biro niyang sabi at wala na akong nagawa kundi ang umiling.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
YeonYun #1
Plss continue write some nanwoo stories 🥺
iana013
#2
Fam write other stories please
Keiill
#3
Chapter 36: I really really love this story :) I want to re read this again.. If you want to make an another story about nanwoo author, I will there and read it. Thanks for this :)
usrcvi #4
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️
usrcvi #5
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️
usrcvi #6
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️
usrcvi #7
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️
usrcvi #8
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️
usrcvi #9
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️
usrcvi #10
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️