Chapter 2

Arranged Marriage

ARRANGED MARRIAGE

Chapter 2

NANCY'S POV

Maghapon akong hindi lumabas ng bahay. Ewan ko ba matapos ang nangyari kagabi daig ko pang misis na nahuli ng asawang nakikipag landian sa lalaki. Hindi ako guilty dahil wala naman akong ginawang masama pero ang pagiging kalma ni Yeonwoo ang nakakapag paisip sa akin. Hindi ko kailanman gagawin ang iniisip niya, pero bakit nagaalala ako lalo na at hindi siya natulog sa kwarto namin. For sure late nanaman ang dating niya. Nagdinner akong kasabay si Yaya Caring at dalawa pang kasama rin namin dito sa bahay. Nakakalungkot kumain mag isa kaya kahit nahihiya sila pinilit ko silang sumabay sa aking kumain ng lunch at dinner dahil umalis din agad si Lolo kanina after breakfast. Gusto kong magalit kay Lolo for taking advantage of Dada's situation. All Dada said was the wedding was the only payment Lolo Pablo asked. Ganon ba kalaki ang pagakakautang ni Dada? I know how Lolo Pablo helped my family start in business, how he trusted Dada so much. So much so that he made him one of the pillars of the LGC. Kaya wala din akong nagawa nang kinausap ako ni Dada tungkol sa kasalan.

During dinner nakwento ni Yaya Caring na bahay daw ng mga magulang ni Yeonwoo ang tinitirahan namin ngayon pero pareho na daw nasa Canada ang parents ni Yeonwoo at matagal ng hindi umuuwi dahil na rin sa negosyo nila doon. Ayaw daw sumama ni Yeonwoo sa mga magulang kaya naiwan siya dito sa Pilipinas kasama ang kanyang lolo at pareho nilang inaasikaso ang negosyo ng matanda na ipinamana niya sa apo. Dalawang taon na daw na halos si Yeonwoo na ang mag isang nagpapatakbo ng kumpanya at hinahayaan na lang siya ni Lolo Pablo dahil tiwala naman ang lolo sa kanya. Kaya madalas ay nasa ancestral house lang daw ang matanda sa Laguna at inaasikaso ang sakahan at mga alagang hayop doon, paminsan minsan na lang lumuluwas ng Manila. Pero ngayon ay napapadalas mula ng ikasal kami ni Yeonwoo. Wala sa loob kong naitanong kung kwarto ba talaga ni Yeonwoo ang tinutulugan namin.

"Oo, anak. Kwarto ni Yeonwoo yon pero may kwarto rin siya sa attic. Pinagawa ng Lolo niya dahil nong high school siya lalo na nong college si Yeonwoo lagi niyang gustong mapag isa at pag pinagagalitan ng mga magulang lalo na ng Daddy niya tumatakbo sa bubong nitong bahay kaya nag alala ang Lolo niya. Kaya naman minsan nagpunta ng Canada ang magulang ni Yeonwoo at nagtagal doon dahil na rin sa negosyo nila, sinamantala ng matanda na pagawa itong bahay at nilagyan ng attic para sa apo niya."

Naalala kong kwento ni Yaya Caring na matagal na palang nag lilingkod sa pamilya ni Yeonwoo

Nasa ganon akong pagmumuni muni ng maramdaman kong may dumating. It's past 11pm na, sigurado si Yeonwoo na yon sabi ko sa isip ko. Naisipan kong bumaba ng kwarto at pagbaba ko ay naabutan ko si Yeonwoo na kakapasok pa lang ng sala. Nagkatinginan lang kami at nag aalangan ako kung ngingitian siya o hindi pero napansin ko na lang ang sarili kong matipid na ngumiti at ganon din ang natanggap ko mula sa kanya, ngunit bakas ang lungkot sa mga mata niya. May nangyari kaya sa office nila?

"Andito ka na pala." she said.

"Ahm, hindi ako lumabas." matipid kong sagot.

"Bakit? Masama bang pakiramdam mo?" tanong niya muli na halatang nagbago ang mukha, hindi ko alam kung mali lang ang tingin ko but was it a look of concern I saw in her eyes?

"No, I'm alright. Gusto ko lang mag stay dito sa bahay." sagot ko at napatango lang siya. "Kumain ka na?" I asked instead to hide my awkwardness. Bakit parang nahihiya ako sa kanya. Alam ko namang kumain na sila ni Mang Julio sa office pa lang. Anong nasa utak mo Yeonwoo?

"Oo, sa office. Bakit hindi ka pa natutulog?" balik tanong niya sa akin.

"I-im about to." sagot ko na lang at patalikod na ako ng marinig ko muli siyang nagsalita.

"Ahm, Nancy. Saglit." pigil niya and I saw her fished out something from her pocket at lumapit sa akin."Here." mahina niyang sabi sabay abot ng isang susi at isang maliit na calling card size na papel, more of like address card.

"What's this?" tanong kong nagtataka.

"Its your new condo unit. Kinuha ko for you, you can stay there if you want to pag galing ka sa bar---"

"What do you mean?" tanong kong hindi pinatapos ang sasabihin pa niya. I felt the sudden change in my temper. I suddenly felt mad. No. Furious.

"Look Nancy, I just want you to do the things you've been doing before this arranged marriage happened. Ayaw kong matali ka at makulong ka sa isang kasunduan and sacrificing the life you've been used to---"

"---what life I've beed used to?!" I almost shouted. But she didn't answer. " A wasted fv.cking night life in a bar and waking up in the morning with the same wasted guy in my bed that I just randomly met the night before?!" mataas ng boses ko nang tanong.

"That's not what I meant, Nancy." kalma niyang sagot.

"That's not what you meant? Pero yon ang gusto mong iparating sa susi na ito. It's like telling me what kind of person I am that I can't live without fv.cking any guy I meet in a bar or kung saan man!"sabi ko na sa mas mataas kong boses. Ramdam ko na ang panlalabo ng mata badya ng namumuong luha.

"N-nancy." kalma niyang tawag at kita ang gulat at alala sa mukha niya.

"Ganon ba kababa ang tingin mo sa akin, Yeonwoo? Dahil yon ang mga naririnig o nababasa mo, dahil yon ang reputasyon ko na alam ng maraming tao? That's what they see in me, because they see me frequent the bars, talking with guys and they'll report me as a wasted flirting model with no decency despite being the only daughter of a well respected businessman. You see me like what they see me, don't you Yeonwoo?" sunod sunod kong bitaw ng salita sa kanya, galit na ako at alam kong ramdam na yon ni Yeonwoo

"I don't want you to feel obligated in this senseless marriage, Nancy." mababang boses niyang sabi.

"You didn't answer my question, Yeonwoo. Anong tingin mo sa akin? Anong pagkakakilala mo sa akin!?"sigaw ko na.

"Nancy." muli niyang tawag sa akin at umiling lang ako at hindi ko namalayang pumatak na ang luha sa mga mata ko.

"Well, that means yes. Kaya kahit anong sabihin ko I know you won't believe me. So it's useless to talk to you." sabay lapit ko sa kanya at kuha ng kamay niya at iniabot ko ang susi."Take your fv.cking key, I have my own condo to stay in if I want to. And for your information I just don't fv.ck any guy I see or meet, put that in your dirty mind. Since we got married I never engaged myself to any guy, what you saw last night was unexpected that surprised me, too. Vernon is a good friend of mind. Or so I thought. Fv.ck him for taking advantage of me, fv.ck the people for making me look like a who.re and fv.ck myself for believing that you're different and not like them!" sunod sunod kong sabi at sabay talikod at naglakad palayo habang marahas kong pinupunasan ang mga luha ko. Pag akyat ko sa kwarto namin ay pabalibag kong sinara ang pinto at umiiyak akong humiga sa kama. Ang sakit isipin na pati siya ay naniniwala sa mga balita balita lamang. I thought she's different but I was wrong. So wrong. Bukas na bukas ay aalis na ako. Early in the morning yong hindi pa sila gising lahat. I won't go back to this place anymore. I felt like I belong in this place pero hindi pala. Aalis na ako. Aalis na ako. Paulit na kumbinsi ko sa sarili ko habang patuloy ang pagdaloy ng luha sa mga mata ko. Ilang minuto pa ang nakalipas, pero hindi pa rin ako tumitigil sa pag iyak ng maramdaman kong may nagbukas ng pinto. Hindi ako lumingon pero alam kung si Yeonwoo yon, I pretended to be sleeping.

"N-nancy." tawag niya pero hindi ako gumalaw. "I don't believe what I read or heard. Sorry kung minasama mo ang ginawa ko, I'm very sorry." sabi niya ng maramdamang kong malapit na ang boses niya sa akin pero nanatili lang akong sa pwesto ko.

"But you find me dirty, don't you?" balik ko sa kanya sa mahina at malat na boses dahil na rin sa pag iyak ko pero hindi ko pa rin siya nililingon.

"N-no, of course not, Nancy." mariin niyang sabi. "Kahit minsan hindi kita pinag isipan ng...look I'm sorry ok? Ayaw lang kitang matali sa isang relasyong nagkukulong sa'yo sa buhay na nakasanayan mo na." paliwanag niya.

"Will you believe me when I say that I never dated anyone since we got married?" mahina kong tanong, nakapikit at nakikiramdam lang sa kanyang presensiya.

"Yes." sagot agad niya.

"But you didn't believe me when I told you na hinatid lang ako ni Vernon?" tanong ko pagkunwa.

"I believed you, it's just that..." putol niya sa sasabihin pa niya. "I don't know why I said those words."

"Then why didn't you sleep in our room?" tanong ko muli.

"I, I don't know. I was hurt, or upset. Hindi ko rin alam." sagot niya at hindi na ako umimik. Tama bang narinig ko nasaktan siya? Alin ang ego niya dahil naguwi ako ng lalaki? Hindi ko rin maintindihan ang gusto niyang sabihin, humugot na lang ako ng malalim na hininga.

"Matutulog na ako." sabi ko lang at nagkumot na ako. Hindi na siya sumagot pero naramadaman ko siyang naglakad sa walk in closet namin at pumunta ng bathroom. Nanatili lamang akong nakapikit kahit nakapasok na siya sa bathroom. Ilang minuto pa ay naramdaman ko na siyang lumabas na ng bathroom, nakapikit pa rin ako nagkukunwang tulog na. Hindi ko siya naramdamang lumabas ng kwarto namin. I heard a click from the wall and another click malapit sa bed namin. She turned off the main light in our room and the side lamp. Naramdaman ko ang kumot na gumalaw. Dito siya matutulog sabi ko sa isip ko. Bigla ako napaisip paano yan hindi ako makakaalis bukas. Pero sa kabilang banda nakaramdam ako ng tuwa at parang napanatag ang loob ko nang maramdaman ko siyang nasa kabilang dulo ng kama. Pinilit kong matulog kahit na pakiramdam ko hindi ako dalawin ng antok.

YEONWOO'S POV

Nakahiga ako sa kama namin ni Nancy. Nasaktan ko siya sa ginawa ko at sa sinabi ko kanina, kulang pa ang sorry lang dahil nakita ko ang sakit ng loob niya kaya sinundan ko siya sa kwarto. She was deeply hurt, how stupid can you be Yeonwoo, sermon ko sa sarili ko. It's the first time na nakaharap ako sa kanya at pansin ko ang likod niya, mukhang hindi pa siya tulog. Hindi ko pa naririnig ang mahina niyang hilik. Hindi ko namamalayan na I slowly extending my left hand towards her, hindi ko man siya maabot pakiramdam ko napapakalma ko siya.Gusto kong magsorry pero nasabi ko na at nasaktan ko siya, napabuntong hininga na lang ako at pumikit. I closed my eyes and force myself to sleep without pulling back my arm that lies across the bed. I don't know how long I fell asleep when I felt a soft touch in my pinkie finger. I opened my eyes and saw Nancy gently caressing my pinkie finger with her index finger. Hindi ko maintindihan pero parang may kuryenteng dumadaloy sa buong katawan ko. I couldn't pull back my hand. Napansin niyang nagising ako.

"S-sorry kung nagising kita." sabi niya sa mahinang boses.

"It's ok." sagot ko lang, patuloy ang paglalaro niya sa pinkie finger ko. Ang unang beses na nahawakan namin ang kamay ng isat isa ay nong araw na ikasal kami, when we put our wedding rings into each other. At tulad ng una hindi ko maintindihan ang damdamin na gumapang sa buong pagkatao ko ng mahawakan ko ang kamay niya.

"When I asked Dada and Mama, my brothers and even my best friend to keep their promise I asked them to a pinkie swear. They said that I'm such a kid but I told them I am when it comes to promises dahil pag hindi nila tinupad nagwawala ako and I won't talk to them for days."

"That's why you're a brat?" singit ko.

"It's not my fault." depensa niya at napangiti ako. "But I'm not a brat, well if you say something you should mean it, di ba?" tanong niya at sabay tingin sa akin.

"Ha?" gulat kong sagot lang at tiningnan niya lang ako.

"If you tell your employees they will receive additional bonus then they'll expect it wouldn't they?" tanong niya ulit.

"Of course." sagot ko.

"But you should be specific too, tell them when they'll receive it because they're expecting it. Midyear bonus or Christmas bonus or performance bonus."

"Ok?" nasabi ko lang.

"Just an example of my point." sagot niyang hindi pa rin humihinto sa paglaro ng hinliliit ko.

"Nancy?" mahina kong tawag, I can't stand the butterfly feeling in my stomach.I want to pull my hand pero hindi ko magawa, gusto ko rin ang naramdaman ko.

"You'll be staying here in our room again?" tanong niyang parang bata.

"Oo." tipid kong sagot. Huli na para magisip pa. Nagulat ako sa sarili kong sagot.

"Can we eat breakfast together before you go to work?" tanong niya at hindi agad ako nakasagot. Nagiisip. Matagal kaming nagkatitigan, ok lang ba sa kanya kung humindi ako?
"Ok." wala sa loob kong sagot, muli nagulat ako sa isinagot ko.Nag isip na ako non. Nakita ko siyang ngumiti. Hay Yeonwoo you're being hypnotized.

"Can we eat dinner together, too?" hirit pa niya. Nagalangan ako muli.

"K-kasi Nancy I always arrived late di ba?" tanong ko pabalik.

"Can we eat dinner together?" ulit niyang tanong.

"Nanct...I can't be sure to be here on dinner time---"

"---so we can't..." putol niya sa sinsabi ko na hindi inaalis ang tingin sa akin. Huwag kang bibigay Yeonwoo paalala ko sa sarili ko.

"Ok, we can but I can't be sure to arrive---"

"That settles then. Now, if we can't sleep together and eat together, one should let the other know the reason why. ok ba yon?" tanong niya at napatango lang ako. Nahypnotize na nga ako.

"Ok. We have to seal it now. Pinkie swear." sabi niya sabay taas ng pinkie finger niya.

"Seriously, Nancy?" tanong ko.

"Very serious, Yeonwoo." sagot niya na hindi ibinababa ang kamay niyang nakaangat ang pinkie finger. Kaya wala na akong nagawa kundi imeet ang pinkie finger niya ng sa akin and I saw her smile and brought down our hands on the bed with our fingers still hooked with each other. She then closed her eyes as if feeling the promise we just had. I waited for a few moments kung bibitaw siya but she didn't hanggang sa marinig ko na lang ang mahina niyang hilik. She already fell asleep, napangiti ako habang pinagmamasdan siya. It's the first time I stared at her beautiful face, pinagsawa ko ang mga mata ko sa kagandahang nasa harap ko. Even with the dim light, her beautiful face is visible. She looks like an angel innocently sleeping, with that puffy eyes that's visible even with her eyes closed. Para siyang bata na mugto ang mata dahil sa iyak. She's a model, tagged as liberated and spoiled brat only daughter of Richard Mcdonie. I often see her in magazines and the memory of our first meeting is always fresh in my mind. I saw her in flesh only once sa isang company gathering namin. She wore simple dress that time but she exuded elegance and class. It's the first time I saw her up close when we were introduced to each other. From that moment her image remained in my memory. It's been two years now pero hindi siya nagbago at mas lalo siyang gumanda. Nabalik ang isip ko ng narinig ko muli ang mahinang hilik ni Nancy. Good thing she fell asleep soundly or else magdamag kong sisisihin ang sarili ko for making her cry. I can't believe we had a talk. It was the longest conversation we had since we got married. Hindi ko namalayan kung gaano ko siya katagal pinagmasdan, nakatulog ako sa ganong posisyon na hindi inaalis ang pinkie fingers namin sa isa't isa.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
YeonYun #1
Plss continue write some nanwoo stories 🥺
iana013
#2
Fam write other stories please
Keiill
#3
Chapter 36: I really really love this story :) I want to re read this again.. If you want to make an another story about nanwoo author, I will there and read it. Thanks for this :)
usrcvi #4
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️
usrcvi #5
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️
usrcvi #6
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️
usrcvi #7
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️
usrcvi #8
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️
usrcvi #9
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️
usrcvi #10
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️