Chapter 27

Arranged Marriage

ARRANGED MARRIAGE

Chapter 27

LISA'S POV

"Who?" halos hindi ako makapaniwala sa sinabi ng assistant ko.

"Mr. Conrad Manoban, Mam." sagot niya. Hindi pa rin ako makapaniwala. After what almost 10 years? "Mam?" balik tanong ng assistant ko.

"Ok, Kay. Papasukin mo, thank you." Sabi ko pero hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko sa oras na ito, gusto kong matuwa pero gusto ko rin magalit. Biglang nabuo ang mga tanong sa isip ko kung bakit andito ang papa.

"A-anak..." gising ni papa sa diwa ko. Matagal kong hindi narinig ang boses na yon at ngayon ko rin lang narinig muli ang pagtawag sa akin ni Papa. Tinatawag niya lang akong Anak pag kaming dalawa lang pero ni minsan hindi niya ako tinawag sa publiko ng ganon.

"Naligaw ata kayo?" sagot ko gusto ko pa siyang sagutin ng mas masakit sa pandinig pero nagpigil ako.

"How are you?"

"Ano sa tingin niyo, Pa?" balik ko.

"I can see how you have been doing all this years. Naging matunog na ang pangalan mo..."

"Kaya ba kayo nandito? Dahil matunog na ang pangalan ko?"

"Lisa..."

"Sabihin niyo na po kung anong kailangan niyo, Pa. Baka malaman pa ng asawa niyo na andito kayo ay sugurin ng isang batallion niyang private army ang opisina namin." sagot ko.

"Alam ng Tita Mildred mo ang pagpunta ko dito. Acutally, she sent me here..." sambit nito at napaunat ako sa kinauupuan ko at deretsong tumingin sa aking ama na hindi ko pa rin inaalok na umupo.

"For what?" Tanong ko. Hindi agad umimik si Papa.

"Uhm...Lisa, Mildred wants to say sorry for everything."

"Really? Bakit hindi siya ang magsabi niyan sa harapan ko, Papa? Bakit kailangang idaan niya sa inyo?" Duda kong tanong pero batid ko na may mas malalim pang dahilan ang pagbisita ni Papa.

"Anak, hindi ba pwedeng kalimutan na natin ang nangyari?"

"Matagal ko ng kinalimutan, Papa. Kaya nga nagawa kong ipagpatuloy ang buhay ko dahil tanggap ko na hindi na ako bahagi ng buhay niyo."

"We can start again, Lisa. It's not yet too late."

"How can you say that now, Papa?" Angas kong sagot. "Bakit ngayon pa kung kaya ko ng tumayong mag isa?"

"Hanngat may pagkakataon pa akong bumawi..."

"Anong ibig niyong sabihin?"

"We can be together, Anak. Pumayag na si Mildred na magkita at magkasama tayo..." nasabi niya, nagulat ako. Andon ang pananabik pero bigla ring napawi.

"What's the catch?" bigla kong tanong matapos ang ilang segundong katahimikan.

"What do you mean, Anak?"

"Anong kapalit? Knowing your wife, she wouldn't give without getting something in return." seryoso kong sabi.

"Let's not talk about it, Lisa. Hindi ba pwedeng maging masaya na lang tayo dahil..."

"Maging masaya? Dahil pinayagan kayo ng asawa niyo ay magiging masaya na tayo? Tapos anong kapalit ng kalayaan niyong makasama ako?"

"Lisa..."

"Wala na si Mama para magsalita, Papa kaya ako ng nagtatanong sa inyo. Anong kapalit?" Pero hindi siya umimik. "I'm sorry Papa, masaya akong makita kang maayos at nasa mabuting kalagayan, pero hanggang don na lang. Ayaw kong makipagkasunduan kay Tita Mildred, at huwag niyong sabihing tanggap niya ako dahil hindi ako maniniwala sa inyo."

"She's offering you to be part of our company..." parang wala sa loob na sabi ni Papa.

"I thought so..." Wala sa loob ko ding sagot. "May pakinabang na ako ngayon Papa kaya tanggap na niya ako?" Sarkastiko kong tanong.

"Look, Lisa. Gusto kitang makasama at ngayon na tanggap ka na ni Mildred..."

"She accepted me because she wants me to work in your company, Papa."

"You will be part of the company, Lisa. She's willing to give you part of her shares para maging part owner ka ng kumpanya." sagot na nito. Nailing ako pero natuwa sa loob loob ko, I'm slowly making name in the industry.

"I'm sorry Papa, masaya na ako sa maliit na opisinang ginagalawan ko."

"You can do more than this, Lisa."

"I don't need more than what you have to offer."

"Hindi mo na kailangan ng desisyon ng ibang tao, magkakaron ka ng sarili mong boses sa malaking kumpanya tulad ng kay Mildred."

"Hindi ko na kailangan ng malaking kumpanya Papa, masaya na ako sa apat na sulok ng opisina ko."

"Ipinagmamalaki mo ba ang LGC?" tanong niyang may lungkot sa mga mata.

"Opo..." walang kurap kong sagot. "Hindi ko pinagmamalaki ang kumpanya but the persons behind that company."

"Dinadala mo ang pangalan ko, ano na lang ang sasabihin nila pag nalaman nila na anak kita?"

"Alam na nila, Papa at tanggap nila ako."

"Hindi lahat tanggap ka. Pahihirapan ka nila, Anak."

"Kaya ko to Papa..." paninindigan ko. "Nakayanan ko noon at kakayanin ko ngayon." Umiling lang si Papa

"Ano na lang ang sasabihin ng mga partners namin sa kumpanya pag nalaman nilang isang Manoban ang partner ng matindi naming kalaban sa negosyo?"

"Yon ba ang dahilan kaya gusto niyo akong kunin?" tanong ko at kita ang pagkabigla sa mga mata ni Papa.

"A-anak, ang ibig kong sabihin..."

"It's ok Papa, I understand. Malinaw na ang dahilan ng pagpunta niyo dito." Sabay tayo ko na sa kinauupuan ko. "If you're worried about your name then I will change it and use Mama's name instead, even if I have to spend for it."

"Lisa!" tiimbagang na tawag ni Papa. "You are my daughter!"

"Kailan pa Papa? Hindi ko naramdaman na naking ama ka sa akin..." I paused. "Oo nga pala nong buhay pa si Mama pero mga nakaw na sandali. Isa? dalawa? Tatlong beses? I can only remember you in pictures, Pa."

"The reason why I want you to stay with us now." sagot niya.

"I'll stay with you when I am welcome as I am, as your daughter and not as a business partner." naiiling kong sabi. "Don't do this Papa, huwag mo hayaang bumaba ang tingin ko sa'yo. Please respect my decision."

"I'm just protecting you..."

"Thank you Pa but I can protect myself. You don't have to do that for me. I'm a big girl now. If you need to deny me as your own, I will understand." sabi ko na saka naglakad papuntang pinto at binuksan ito.

"Thanks for the visit, Mr. Manoban." nakangiti kong sabi. Hindi na umimik si Papa at mabigat ang hakbang na lumabas ng opisina ko. Dko na namalayan ang masaganang luhang kanina ko pa pinipigilang pumatak.

YEONWOO'S POV

"Yeonwoo, nasa phone ang Daddy mo. Kung hindi mo pa rin daw siya kakausapin, uuwi siya ASAP." Bungad ni Joy sa pinto. Matapos ang malalim na buntong hininga tumango ako at inangat ang teleponong nasa harap ko.

"Dad..."

"Buti naman sinagot mo. You keep avoiding my calls, Yeonwoo. Why?"

"You know pretty well why, Dad." balik ko.

"So nagsumbong ang Lisa na yan."

"She doesn't have to..."

"I'm just protecting you and the company, Yeonwoo."

"I can protect this company myself, Dad."

"You don't know your enemy. The next thing you know wala na sa kamay mo ang kumpanya."

"If you care that much for this company then come here and I will gladly hand it over to you, Dad."

"You spoiled..."

"Don't touch my friends working with me, Dad. Pinapalampas ko ang kalokohan ng mga tao mo sa board but if you don't stop what you're doing ilalabas ko lahat ng kalokohan nila at ipapalit ko ang mga karapat dapat."

"How dare you...I care about that company more than you ever know. Nagaalaga ka ng mga ahas na tutuklaw sa'yo pagdating ng panahon. Just so you know, any time now Conrad is taking her daughter by any means to be part of the CM Corp..."

"Good for Lisa if that's true Dad. You should be happy for her."

"How can you say that? Don't you know that your best Architect and trusted friend will soon betray you."

"I doubt..."

"Yeonwoo! You're too blinded by her..."

"You're too blinded by your doubts, Dad."

"You trust too much, that and your stubbornness will bring you down, Yeonwoo!"

"You and your..." hindi ko na magawang ituloy. Pagod na akong makipag talo kay Daddy, naging maayos na kami noon pero heto nanaman kami ngayon. "I know what I am doing, Dad. Thanks for your concern. We'll talk again later, I have a meeting. Bye." sabi ko ng tuloy tuloy at dko na siya hinintay na sumagot at agad kong ibinaba ang phone. Matagal akong natahimik at napahawak sa sintido. I stood up and walked towards the glass wall of my office. Looking at the horizon and thinking deep of what has been and what will be happening in the company. It's like I've been in a head on collision with my Dad when the time comes. Alam ko na he is keeping his distance because of Lolo, yet he has eyes and ears in the company, he has hands that can work for him. Napapailing na lang ako when I heard a knock at the door at pumasok ang taong kanina lang ay pinaguusapan namin ni Daddy.

"Lisa, what brings you here? Hindi ba bukas pa ang meeting natin?" Sabi ko ng makita ko si Lisa pero hindi siya umimik. "Sobra bang liwanag ng opisina ko para hanggang dito naka shades ka pa?" Pansin ko ulit sa kanya pero nanatili lang siyang nakatayo sa may pinto. "Lisa, is there something wrong?" tanong ko at dahan dahan siyang naglakad papalapit sakin.

"You know Dad's move, don't you?" Bungad niyang tanong.

"What do you mean?" tanong ko pabalik.

"You said you always watch my back?"

"Oo, pero hindi ako nakikialam sa personal at mga desisyon mo. Lalo na sa pamilya mo, Lisa. Alam ko ang lugar ko."

"Pero alam mo ang plano ni Papa?"

"Ang tanging alam ko lang ay marami nang interesado sa talento mo." Ngiti ko sa kanya. "Isa na don ang Papa mo, maybe he's just proud of you."

"Maybe, pero hindi niya ako kayang ipagmalaki. Kasiraan ako sa magandang imahe niya."

"I don't think so, malalaman nila na may anak pa lang genius si Mr. Manoban."

"Paano kung kunin ako ni Papa para magtrabaho sa kumpanya nila?"

"You are free to choose, Lisa. You can always decide what you want and where you want to go."

"Sabi mo pamilya mo ako, bakit mo ako pamimigay?" bigla niyang sabi.

"Anong pamimigay? Sabi ko nga you are free to choose..."

"Para mo na rin akong pinakawalan non, di ba?" Nanginginig ng boses niya.

"What the...what's happening to you, Lisa? At pwede ba alisin mo yang shades mo at kausapin mo ako ng maayos." Utos ko na sa kanya pero nanatili siyang nakatayo. "I won't talk to you if you don't take that off." Sabi ko at dahan dahan na niyang inalis ang sunglasses niya. Nagulat ako sa nakita ko. "Did you just cry?" pansin ko sa namumugto niyang mga mata.

"Will you ever give me back to my father?" parang bata niyang tanong at umiyak na.

"Look at yourself, Lisa. Ikakasal ka na at lahat para ka pa ring bata kung umasta."

"You always defend and protect me..."

"I am and I will do so if necessary, Lisa. Bakit ka nagkakaganyan?" parang nanay na akong nagsasalita. Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Joy signaling the time for meeting. " Tell them to wait 5 minutes, please Joy. Thank you." Sabi ko at napatango lang si Joy at magalang na lumabas. "Now, care to share what's bothering you?"

"Papa came over my office and he offered me a seat in their company."

"Wow that's big...great." sagot kong napa crossed arm.

"Bakit parang pabor ka pa?" Inis niyang sabi sabay punas ng luha niya.

"Ang sabi ko lang malaking opportunity yon para sa'yo."

"I know...but they offered it because they know I am your partner. Not because Papa wants us to be together kundi dahil gusto niya akong maging parte ng company nila ng asawa niya para malayo ako dito."

"Maybe Tito Conrad wants to take the chance na tanggap ka na ng asawa niya at makakasama ka na rin niya."

"Ngayon pa? Where was he when I was in College? Sino ba nagpatuloy ng pagaaral ko nong nawala si Mama, di ba si Lolo Pabs? Sino nagpadala sa akin abroad para marating ko ang kinalalagyan ko ngayon, hindi ba si Lolo Pabs?

"Lisa, hindi kailanman naniningil si Lolo..."

"Alam ko, kaya mas naramdaman ko ang pamilya sa inyo kasi hindi niyo kailanman pinaramdam sa akin na scholar ako. Na ibang tao ako. Higit pa ron, pakiramdam ko naging Lolo ko na rin si Lolo Pablo... Sinong takbuhan ko pag may nagbubully sa akin sa school, di ba ikaw? Sinong nagtatakbo sa akin sa hospital, hindi ba ikaw o kaya si Mang Julio. Sinong nakakaalam ng dreams and frustrations ko hindi ba kayo? Sino nagluluto sa birthday ko hindi ba si Yaya Caring?" parang batang naglilitanya.

"Lisa, hindi naman kami mawawala bilang pamilya mo kahit saan ka mapunta eh."

"Ayaw mo na ba sa akin porket mag aasawa na ako? Bakit parang tinataboy mo na ako?" kulit niya.

"I just want you to be with your father and have the chance na makasama mo siya, dahil sabi mo nga he's the only family you have." Paliwanag ko at tumango siya. She stood there in silence for seconds.

"Yes you're right. He is my father..." tingin niyang derekta sa aking mga mata."...but you and Lolo Pabs are my family, Yeonwoo." sagot niya at hindi ako agad nakaimik. "I just came over to let you know that." She finally said and wore back her sunglasses and walked towards the door.

I was left speechless but I smiled at the thought, parang kailan lang hindi niya magawang magsalita sa harap ko pero ngayon napaka vocal na niya. She has really grown up.

"Ready for meeting?" rinig kong boses ni Hyebin na ngayon ay nasa may pinto na. Napatango lang ako at naglakad.

"Hyebin, pag may nagalok sa'yo ng mataas na position sa ibang kumpanya, will you take it?" Tanong ko habang papalabas na kami ng office ko.

"Wow, talaga? Mataas ang sahod non?"

"Sigurado..." sang ayon ko.

"Maraming benefits?" sunod niyang tanong.

"For sure..."

"May sarili akong staff?" kita sa mukha niya ang excitement.

"Mas malaki at marami compared sa staff mo dito..." sagot ko at kita mo na siyang parang nagiimagine habang naglalakad.

"Malaki ang office ko?" hirit pa niya.

"Most probably..."

"Baka may shares pa ako, noh?" Tanong niya muli.

"Uhmm...Could be, why not..." sagot ko. Natahimik siya at saglit na nag isip.

"So?"

"Tatanggapin ko siyempre..." Ngiti niyang sagot sa akin.

"Talaga?" gulat kong tanong.

"Oo naman..." taas kilay niyang sagot. "Pero sa isang kundisyon..." habol niya.

"Ano naman?" tanong ko.

"Dapat andon ka rin...." sagot niya sabay kindat at pareho kaming nagtawanan habang papasok na sa meeting room. Nakakatuwang isipin at nakakagaan ng loob na nakakayanan ko ang mabibigat na problema dahil may mga kasama akong buo ang tiwala at pagmamahal sa akin hindi lang dahil boss nila ako kundi kaibigan at kasangga ko rin sila in and out of the office.

NANCY'S POV

"Jackson wants a baby boy while of course Dane wants a baby sister." I said while Yeonwoo and I are now lying in bed facing each other.

"Baka mahirapan ka na if we both have another twins, Hon. Especially now na pumapasok na sila." lambing ni Yeonwoo while her fingers are making circles at my back. She came home all worn out from work, I gave her a back massage hoping she'll have a good sleep but we end up making love. Parang lagi niya akong namimiss, and I love the feeling of her wanting me after all the years that we're married.

"Maybe they'll understand kung isa lang muna. I overheard them talking kasi. Lisa said he wanted a boy para daw dalawa ang bodyguard ni Dane Sabi naman ni Dane babae para may kakampi siya." nakangiti kong sabi. We already told the kids about our plan of having another baby and the kids were so excited that they wanted to have a baby immediately. "They're so excited to become big sister and brother." kwento ko.

"I know, they keep on asking me kailan ang punta natin abroad para daw magkaron na sila ng kapatid." Nakangiti rin niyang sabi. "I will just finish a few more meetings then we can leave late next month siguro. Lisa and Jennie want to have a simple wedding. It's enough daw na andon tayo. Hirap na rin magbiyahe si Lolo kaya tayo na lang ang saksi sa kasalan nila. Jennie's family will be there."

"How about Lisa's Dad?" Tanong ko pero umiling lang si Yeonwoo

"I don't want to ask, hon." sagot niya at napatango lang ako.

"Are you sure next month na agad ang kasal nila Jennie at Lisa?" tanong ko muli.

"Yup, magiging busy na sa mga projects si Lisa. Ayaw na rin niyang pakawalan pa si Jennie and gusto na rin daw nila magka baby para may kalaro na daw mga anak natin." ngiti nitong kwento as she moved closer to me.

"I will just talk to Jackson, mas madali siyang kausap eh." She said inhaling my scent and kissing my shoulder.

"Palibhasa mana si Dane sa'yo." biro ko and touched her nose.

"Ah ganon." She said and started tickling me.

"Y-yeonwoo, stop!" halos pasigaw kong sabi. Dinaganan ko siya for her to stop. I'm over her and I can see that despite the smile painted in her lips I know how bothered she is.We never talk about work but I can sense when there is too much pressure, her silence and her lack of appetite over dinner makes me worry, I know work is affecting her. I stared at her face for a while and gave her a quick sweet kiss.

"Office ?" I asked while playing the baby hairs on her forehead.

"Yeah..." sagot niya while her hands at my side moving up and down. "But you, your love and the kids keep me sane."bulong niya. I slowly move down to meet her lips again. I kissed her gentle and sweet. We enjoyed the moment. I wanted to stop the kiss but I felt her hand at the back of my head deepening our kisses and her other hand now gently caressing my back moving around. And I can't help but moan. I can feel our body is starting to heat up again with our kisses never wanting to end. Hungry kisses and hungry touches as if we have not just made love minutes ago. We felt so addicted with each other and Yeonwoo's kisses is like she's always thirsty for me. Devouring my lips and exploring every piece inside me and all I can do is to drowned in her love. I love her, love her so much. I can feel her movement inviting me to dance the same rhythm with her as she slowly move to change our position and carefully held me to lie down in bed without breaking our kisses. She inched back and look at me lovingly. "It's my turn, hon." she whispered as she started kissing me back again.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
YeonYun #1
Plss continue write some nanwoo stories 🥺
iana013
#2
Fam write other stories please
Keiill
#3
Chapter 36: I really really love this story :) I want to re read this again.. If you want to make an another story about nanwoo author, I will there and read it. Thanks for this :)
usrcvi #4
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️
usrcvi #5
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️
usrcvi #6
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️
usrcvi #7
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️
usrcvi #8
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️
usrcvi #9
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️
usrcvi #10
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️