Chapter 34

Arranged Marriage

ARRANGED MARRIAGE 

Chapter 34

NANCY'S POV

"Alam mo Nancy pag asawa ko ang asawa mo maghihirap ako sa loob lang ng siyam na buwan dahil sa mga trip niya." Sagot ni Hyebin, nagkukuwentuhan kami kasi hindi niya matawagan si Yeonwoo na ngayon ay may kausap sa phone niya kaya ako ang tinawagan ni Hyebin

"Hindi ko rin maintindihan, Hyebin pero pag hindi napagbigyan magtatampo naman." Sagot ko.

"Sinabi mo pa.." Sagot niya. "Naku Nancy baka sa sunod niyan gusto na niyang mamasyal sa buwan."

Sabi niya at natawa ako sa sinabi niya. Twenty eight weeks ng buntis si Yeonwoo pero hindi pa rin nababawasan ang mga 'trips' niya kumbaga. Food trips and road trips. At ngayon nga ay kababalik naming pamilya galing Hawaii.

"Haha, huwag naman sana Hyebin, bago pa niya maisapan yon sana manganak na siya." Balik biro ko naman. Nagpaalam na rin siya dahil alam niyang kararating lang namin.

"Who's that?" Tanong ni Yeonwoo pag lapit sa akin.

"Si Hyebin, busy daw ang phone mo kaya sa akin tumawag. Nireremind niya ang meeting niyo bukas." Sagot ko habang inaayos ni Mang Julio ang mga bagahe sa sasakyan.

"Kararating lang natin..." may himig reklamo sa boses ni Yeonwoo. "Hindi ko naman pinababayaan trabaho ko ah." Nakasimangot na siya.

"Honey, kinamusta niya ang biyahe natin tapos niremind na rin niya ang meeting niyo bukas." Mahinahon kong paliwanag. Mula ng nagbuntis si Yeonwoo hindi ko siya nakitang nahirapang maglihi pero ang hirap lang talagang sakyan ang trips at mood niya. Kailangan lang talaga ng mahabang pasensiya.

"I can attend naman, hon. Ok naman ako." Sagot na niya.

"I know honey and we're thankful because baby's not giving you a hard time." Ngiti kong sabi at napatango siya.

"Yup, hon. Hindi niya ako pinahihirapan although hindi lang ako makakilos ng maayos."

"Understandable naman yan, honey kasi malaki na ang baby bump mo." Lambing ko sabay haplos sa tiyan niya.

"Let's go, Mama, it's hot outside. You can talk inside the car." Biglang singit ni Jackson kaya napasunod na lang kaming mag asawa.

-

"Honey bangon na, I already prepared your bath..." Masuyong gising ko kay Yeonwoo

"Five minutes, hon." Tawad niya.

"Pang limang five minutes mo na yan. You're gonna be late." I reminded her, she scratch her nose as she slowly turned around to the other side. Ganito kami halos araw araw, hirap ko siyang gisingin lalo na ngayon malapit na siyang manganak.

"Can't I have five minutes or ten minutes or fifteen minutes more?" Reklamo na niya nakatalikod na ng higa sa akin.

"Honey, you can always sleep more minutes if you want to but that is if you don't have commitments. Remember may meeting ka ngayon?" Paalala ko. After a few seconds of silence ay bumangon na siyang nakatalikod pa rin sa akin at sa kabila siya ng kama bumaba. Derederetso sa bathroom ng walang lingon likod, pati good morning kiss ko nadamay sa sumpong niya. Hindi na lang ako umimik at hinanda ko na lang ang isusuot niya bago ako bumaba para asikasuhin na rin ang mga bata.

Pagbaba ko ay patapos ng kumain ang mga bata.

"Is Mom getting grumpy again?" Bungad na tanong ni Dane sa akin.

"Ha?!" Gulat kong tanong. "No Baby, mahirap lang gisingin si Mommy." Nakangiti ko ng sabi, kabisado na ng mga bata kung sinumpong nanaman si Yeonwoo. "How can you say Mommy's grumpy?"

"Because you look sad?" sagot agad ni Dane. Napangiti ako.

"Because sometimes, pregnant Moms are like that. They become moody in a minute then they're happy again after a while." Paliwanag ko, paulit ulit na paliwanag ko na rin sa mga bata pero lagi pa rin silang nagtatanong.

"You're not upset, Mama? Are you like Mommy before when we're in your tummy?" Kulit ni Dane

"Yes, I am moody too. I often cry with no reason. I feel sad at times. And no I will never get upset at your Mommy because I understand her and I love your Mommy so much." Ngiti kong paliwanag at nangiti na rn sila.

"C'mon let's go, Dane Mommy might see me." Aya na ni Jackson kay Dane at napatayo na ring bigla si Dane. Alam ko na kung bakit dahil pagttripan nanaman ni Yeonwlo ang tenga ni Jackson. Natawa na lang ako sa loob loob ko.

"Don't forget to brush your teeth..." pahabol ko sa magkapatid habang inaayos ko na ang kakainin ni Yeonwoo. Ilang minuto pa ay bumalik na ang mga bata at humalik na sa akin saka umakyat para lang humalik sa Mommy nila at magpaalam na nagmamadali para hindi na pagtripan ni Yeonwoo ang tenga ni Jackson. Pero kung titingnan ay malalate na nga ang mga bata pag nagtagal pa sila. Maya maya pa ay bumaba na si Yeonwoo, napagandang pagmasdan ni Yeonwoo na buntis ang cute niya lang tingnan. May ilan ilang episodes lang siya ng morning sickness during her early pregnancy pero ngayon ay wala na, nga lang lumala naman ang sumpong niya at mga wierd na trips.

"Why are you smiling?" Nagulat ako nang nasa harapan ko na siya.

"N-nothing, just happy staring my preggy wife who still looks gorgeous despite the baby bump." Biro ko sa kanya napangiti naman siya pero nawala din agad.

"Talaga? Hindi ba nabawasan ang appeal ko sa'yo." Sunod niyang tanong ng maupo na sa harap ng hapag kainan.

"Of course not honey." Sagot ko agad at hinakawan ang mukha niya saka hinalikan. "I find you more y each day..." bulong ko.

"Then why we're not making love often anymore?" Reklamo niya at napatingin ako sa paligid hoping na walang nakarinig pero nagulat ako ng nakita ko si Yaya Caring na iiling iling lang.

"Honey?" Bulong kong tawag. "Watch your words nakakahiya sa mga makakarinig." Sabi ko.

"Sino?" Taas tingin niya sa akin saka nilibot ng tingin ang paligid. "Si Yaya lang naman" Sagot niya sa tanong niya.

"Honey naman..." Paalala ko.

"Hon wala ng malaswa kay Yaya kasi kahit walang asawa si Yaya..."

"Yeonwoo magtigil ka, kahit buntis ka kukurutin ko yang singit mo." Sabat na ni Yaya Caring at biglang natawa si Yeonwoo

"Hala ka Ya, magagalit sa'yo si Nancy siya lang nakaka---"

"Honey!" Sabay saway at takip ko sa bibig niya. "Remember andiyan si Jenny..." I whispered at tumango siya then I slowly removed my hand.

"Hon, adult na si Jenny..." Katwiran niya and I just shook my head. Lagi na lang siyang may katwiran.

"Ok finish your food para makaalis na tayo." Nasabi ko na lang at palayo na ako para magbihis.

"Pati sa pagkain hindi mo na ako sinasabayan, pati sa pagligo, pati sa pagbihis hindi mo na ako binibihisan lalo na ngayon hirap na ako maghubad at suot ng damit ko." Litanya niya kaya napabalik ako at napansin ko si Yaya Caring na halos umikot ang mga mata at panay ang iling.

"Honey ngayon lang naman kita hindi nasabayang maligo kasi derederetso ka na sa bathroom kanina. I prepared you a dress where you can easily wear and I prepared your breakfast ahead para makapag prepare na ako kasi I'm driving you to work. Late ka na kasi bumangon kaya nauna na akong kumain." Paliwanag ko pero hindi siya nag angat ng tingin kundi patuloy sa pagkain. Hindi ko alam kung aakyat ako o lalapitan ko siya, mula nang nagbuntis si Yeonwoo mabibilang ang pagkakataon na hindi ko siya sinuyo, pag hindi mo sinuyo ay tatahimik na lang at wala ng usapan, kaya niya akong tikisin pero ako hindi ko kaya. I took a deep breath then slowly walked towards her. I held her face with both of my hands and whispered. "Sorry, honey. It won't happened again." Hinging paumanhin ko sabay halik sa kanya. Instantly her expression changed.

"You still love me..."

"So so much..." sagot ko.

"Are you not getting tired of taking care of me?" Tanong niya.

"Never..."

"You're not fed up with my moods?"

"Of course not, honey...That won't happen." Sagot ko at napangiti na siya. "I'll go and get changed so we can leave, ok?" I said giving her another kiss before I walk away.

"Aren't you taking a bath?" Tanong niya kaya napabalik ako ng harap sa kanya.

"Later na lang, honey. Hahatid lang naman kita." I said.

"Wait for me..." Habol niya habang inuubos ang pagkain niya.

"Bakit?" Tanong kong nagtataka.

"Ligo ka na lang, hon. Sabayan kita..."

"Ano?!"

-

Nasa mood ang Yeonwoo dahil nasunod nanaman ang gusto, parang brat lang. Sana hindi kasing brat niya ang baby pag lumaki mahina kong dasal.

"Hon, bakit lagi kang tahimik?" Gising ni Yeonwoo sa pag iisip ko.

"I'm concentrating, honey. Siyempre dalawa kayong pinag dadrive ko." Dahilan ko na lang.

"I told you I can drive, hon."

"It's okay, honey. You know I love doing things for you." Sagot kong nakangiti ng nagring ang phone niya.

"Hello, Lo?" Sagot niya sa tawag "Kamusta na po kayo? Ako, ok naman po. Hindi naman po ako nahihirapan. I think hiyang ko magbuntis" Natutuwa niyang sabi. "She's here with me driving." Sunod niyang sabi. "What do you mean? Of course not Lo, I'm not making life difficult for her. No she's not." Halos seryoso na niyang sagot. Nawala ng sigla niyang makipag usap. "Ok, Lo. Take care po, don't forget your meds and don't make life hard for your nurse. Sige kayo pag yan nag paalam ulit tataasan ko ulit sahod niya." Banta na ni Yeonwoo at natawa ako. Ilang beses ng nagpapaalam ang nurse niya at inaalok na lang ni Yeonwoo ng malaking sahod para hindi umalis kaya lalong naiinis si Lolo Pablo. Mabait naman kasi at matiyaga ang nurse niya pero natatakot pag hindi iniinom ni Lo ang mga gamot niya, baka daw pag may nangyari eh kasalanan niya. Matigas talaga ulo nilang mag lolo.

"Hon, am I giving you a hard time?" Rinig kong tanong ni Yeonwoo

"Of course not, honey. Bakit mo naman natanong yan?" I asked back pero umiling lang siya. "Yeonwoo, you're just craving for things that are unusual para sa mga nagbubuntis. Nakakapanibago man pero alam ko these are part of your pregnancy. Once the baby comes out at mag crave ka pa rin ng mga kakaiba, naku iba na yan." Biro kong sabi while I held and kissed her hand." at napangiti na siya.

YEONWOO'S POV

"Honey, a friend invited me over for lunch tonight. Is that ok?" Paalam ni Nancy sa akin, sinong friend kasi obviously kung si Daisy yon sinabi na niya ang pangalan.

"Sinong friend?" Taas kilay ko ng tanong na parang nakikita niya ako.

"College friend, si Subin..." Sagot niya "I happened to pass by at the grocery on my way home at nagkita kami sa store. He just arrived from States..."

"Are you two closed?" Putol ko na sa sasabihin pa niya.

"Kinda..." Matamlay na niyang sagot. "If you don't want to..."

"Of course hon you can go, just be sure to be here before 5 in the afternoon, will you?" Kunwang pakiusap ko, ayoko rin siyang magdamdam at gusto ko siyang pagbigyan dahil alam ko rin ang sakripisyo niya sa akin. Siya ang naghahatid at sundo sa akin sa opisina lalo na ngayong malapit na akong manganak. Pero hindi niya lang alam kung gaano katindi ang selos ko sa mga estrangherong nakakausap niya, tulad ngayon. Ni hindi ko kilala o nakita man lang ang Subin na yon.

"Of course, honey. Thank you...Love you. Bye."

Masigla na niyang sabi pero ako naman ang biglang tumamlay. "Sino kaya yon?" Bulong ko sa sarili.

"Sinong sino?" Tanong ni Hyebin na ngayon ay nasa harapan ko na pala.

"Halika Hyebin, samahan mo ako." Sabay tayo ko.

"Saan?" Takang tanong ni Hyebin. Oo nga ano saan kaya sila mag lunch.

"Saglit." Bigla kong sabi saka ako ng msg kay Nancy at nagtanong kung saan sila mag lulunch ng Subin na yon. Ilang minuto pang lumipas walang reply, napabalik ako ng upo sa mesa ko. "Hintay ko lang reply."

"Nino?"

"Basta..."

"Bakit?"

"Huwag ka ng matanong, Hyebin..." Taray kong sagot at tinaasan niya ako ng kilay. "Bakit?" Tanong ko.

"Sana, hindi kasing taray mo ang baby mo." Sagot niya lang at tumalikod na.

"Saan ka pupunta?" Habol ko.

"Alis na..."

"Wait..." pigil ko at saka tumunog ang cellphone ko pagkabasa ko ng msg ay tumayo ako. "Tara." Aya ko na agad.

"Saan?"

"Basta..." Ulit ko. Pagdaan namin kay Joy ay kita ng tanong sa tingin niya. "I want you to reserve all the seats in this resto except for one table by the window." Bilin ko sa kanya na natulala lang siya. "I will text you, tara Hyebin." Sabay hila ko sa kanya. Pero hindi kami agad sumakay ng elevator dahi derecho kami sa department ni Hyebin

"Anong ginagawa natin dito?" Pero hindi ako sumagot.

"Excuse me..." Tawag ko at lahat ng ulo ay naglitawan sa cubicle, nang makilala ako ay biglang nagtayuan.

"Good morning, Ms. Yeonwoo." Halos sabay sabay nilang bati.

"Hi, good morning. Can I borrow a car?" Bungad ko at nakita kong napabaling bigla sa akin si Hyebin, kanina pa siya nalilito sa akin. At biglang nagmamdaling naglabasan ng susi ang lahat ng nandon. " Uhm heavily tinted one?" Dugtong ko at may tatlong lumapit sa akin.

"Automatic?" At biglang umurong ang dalawa.

"Eto po Ms. Yeonwoo." Sabay lapit ng isang nakasalaming babae. "Pasensiya na po Ms. Yeonwoo, maliit lang po ang sasakyan ko." Mahina at nahihiya niyang sabi.

"You don't have to worry about it, maliit naman ang kasama ko." May halong biro kong sabi at biglang lingon nanman si Hyebin sa akin. Alam ko sukdulan ng inis sa akin ni Hyebin pero ang sarap lang niyang pikunin. "Thank you, Chit. Tara Hyebin." Sabay hila ko na kay Hyebin at kaway kay Chit, ang alam ko wala pa siyang 5 taon sa kumpanya namin pero magaling siya, well lahat naman ng staff ni Hyebin ay magagaling. Same with my other trusted friends in their own departments.

"Ano bang balak mong gawin Yeonwoo?" Inis na tanong ni Hyebin

"Ayaw mong sumama? Sige ok lang sabihin ko na lang kay Nancy na pinababayaan mo ako."

"Heto nanaman tayo eh. Wala ka na bang pwedeng gawin sa akin Yeonwoo kundi ipitin ako?" Maktol na niya at natuwa ako na makita siyang naiinis.

"Ipitin?"

"Oo..."

"Hindi pa nga lang kita iniipit ganyan ng katawan mo. Sa tingin mo may maiipit pa sa'yo?"

"Litiral talaga, Yeonwoo. Ha?" Bakas ng inis sa boses niya pero hindi na ako sumagot habang pababa na kami gamit ang private elevator.

-

"You had me walked for two hours to buy this thing para lang manmanan ang asawa mo?" Sabi ni Hyebin pagpasok niya sa kotse. Mula sa pwesto namin ay tanaw na tanaw ang table ni Nancy at ng kasama niyang lalaki. "You reserved all the tables except for one, borrowed a car, bought this binocular dahil nagseselos ka?"

"Anong nagseselos?" Pagdedeny ko.

"Yeonwoo, you did all these dahil nagseselos ka sa kasama ng asawa mo."

"I want to know who he is."

"Di lumapit ka na lang sana doon at nagpakilala ka."

"Ano? Para sabihin ni Nancy na sinusundan ko siya?"

"Bakit hindi ba?" Balik tanong niya sa akin.

"Gusto ko lang makita ang hitsura ng lalaki." Sagot ko sabay silip sa binocular. May hitsura at ang ganda ng ngiti nilang dalawa. Parang nakadama ako ng pananamlay at napahawak ako sa dibdib.

"Ang ganda ng ngiti nila." Halos pabulong kong sabi.

"Malamang, baka matagal na silang hindi nagkita."

"That's what Nancy said." Mahina kong sagot.

"Naman pala eh."

"Do you think she likes him or he likes Nancy?" halos wala na ako sa sariling nagtatanong.

"Hay naku Nancy balik na nga tayo ng office kanina pa tayo dito. Maglunch muna tayo." Yaya ni Hyebin pero parang wala akong narinig at wala sa loob kong dinial ang number ni Nancy

"Hello honey?"

"Hello, hon. Do you still love me?" Hindi ko alam bakit yon ang lumabas sa bibig ko.

"Of course honey. So much. Bakit mo natanong yan?"

Ramdam ko ang pagaalala sa boses niya at kita sa mukha niya dahil bumaling ang tingin niya sa labas kaya mas lalong maliwanag ko siyang nakikita. Narinig ko siyang nagsalita pero hindi ko naintindihan at napansin ko siyang tumayo at naglakad lang ng ilang layo mula sa table nila ni Subin. "Are you alright, honey?"

"Yes hon, nothing to worry."

"Are you sure?"

"Yes, hon. By the way how's your lunch?" pag iba ko na lang ng usapan.

"We're just waiting for our food. Alam mo ba Honey, this resto seems good kasi fully booked na, good thing Subin made reservation, too." Natutuwa niyang kwento.

"Really hon? We'll try to eat there some time." Halos wala na akong maisip na isagot, paano na lang pag nalaman niyang ginawa ko. "You sound excited, hon." Paglihis ko na lang.

"Yes, honey. We had a lot of reminiscing to do. Never thought we'll see each other again kaya na excite lang ako."

"I can see that..." Wala sa loob kong sagot.

"What? You can see what? Me?" Takang tanong ni Nancy

"Ah, no hon. Sabi ko ramdam kong excitement mo." Sagot ko lang. "Hope I can meet him, too."

"Sure, honey. I told Subin you have a meeting. He's excited to meet you too."

"Ah, ok." Tanging nasagot ko.

"Did you already had lunch?" Biglang tanong ni Nancy

"We're about too, hon. Katatapos lang ng meeting." Pasinungaling ko.

"Did you had meeting outside?" tanong ni Nancy at nagulat ako.

"H-here at the office, hon. Bakit?"

"I thought I hear passing cars..." Sagot niya lang.

"Uhm, may hinatid akong client outside..." Dahilan ko at nakita ko ang nanlalaking mata ni Hyebin. "Sige na hon, kain na muna kami." Paalam ko na.

"Ok honey, I'll be there early. After our lunch I'll go straight to your office. I love you."

"Ok, hon. Love you too." Paalam niya at saka nakita ko siyang muling bumalik sa table nila ng kaibigan niya.

"Sinong client mo ang hinatid mo sa labas?" Tanong ni Hyebin pero hindi ako umimik. "Mrs. Lee wala ka sa office." Dugtong pa niya.

"Shut up Hyebin" sagot ko habang nagmamasid pa rin ako sa dalawa. Mukhang masaya silang dalawa. Natural ngayon lang ulit nagkita, sagot ng utak ko.

"Pag nalaman ni Nancy na..."

"She doesn't have to know, so I suggest you keep it to yourself." Seryoso kong sagot.

"Why are you so mean to me Yeonwoo?" Rinig ko ng reklamo niya.

"No, I'm not."

"Hay naku, makalabas na nga lang." Sagot niya sabay hawak sa mundo.

"Saan ka pupunta? paano pag nakita ka ni Nancy?" Pigil ko sa kanya.

"Gutom na ako."

"We'll eat later pag tapos na sila." Sagot ko sabay silip ulit sa binacular.

"Ano? Mahabang kwentuhan pa yan, Yeonwoo. Aabutin pa yan ng hapon." Rason niya at hindi na ako umimik nakita kong nasa phone ulit si Nancy. "Let's go back Yeonwoo, naprapraning ka nanaman kaya tayo nandito eh."

"What if she falls in love with a man again?" Wala sa loob kong tanong.

"What's with you, Yeonwoo. Bakit mo pag iisipan ng ganyan si Nancy?" Tanong niya pero hindi ako sumagot nanatili akong nakatitig sa aking asawa na ngayon ay biglang sumeryoso ang mukha kaya nagalala ako. Sinong kausap niya sa phone at bakit nag iba ang expression niya. She held down her phone as if she's dialing, after seconds I heard my phone ringing. Nagulat ako at tumingin kay Hyebin. "Sagutin mo, bakit parang gulat ka?" Sagot ni Hyebin sa tingin ko sa kanya. Nagdadalawang isip ako pero sinagot ko na rin.

"Hello hon?"

"Where are you, Yeonwoo?" Seryosong boses na niyang tanong. "Yong totoo..." Sunod niyang sabi at hindi na ako makaimik kita ko na siyang tumayo at naglakad, biglang nawala sa paningin ko pero muli kong nakita na nasa pintuan na ng restaurant at ngayon ay nasa labas na. "Yeonwoo." Tawag niya.

"N-nancy..." Tanging nasabi ko sabay tingin kay Hyebin na ngayon ay nalilito na.

"Are you spying on me? Saan ka? Saan kayo ni Hyebin?" Mas lalo akong nagulat dahil paano niya nalaman, kita na rin ang taka sa mga mata ni Hyebin ng makita niya si Hyebin sa labas na ng restaurant.

"What do you mean? I told you..."

"Cut that crap, Yeonwoo. We forgot to turn off our phones. I was about to call Daisy when I realized you're still on the line. Hindi ko sinasadyang marinig kayo ni Hyebin." At para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa kinauupuan ko. "Now tell me where are you?" Ulit niya at natulala na lang ako, ramdam ko ng galit ni Nancy. Sa takot ko ay na off ko ang phone, after seconds nag ring ulit. Nanatili na lang akong nakatitig sa cellphone ko.

"Anong nangyari? Bakit ayaw mong sagutin?"

"Nancy knows we're here."

"Ano? Paano niya nalaman."

"Nakalimutan ko ioff ang cellphone ko."

"Naku Yeonwoo, lagot tayo niyan." Taranta na niyang sabi.

"Ang daldal mo kasi." Balik ko kay Hyebin

"Bakit ako? Sino bang praning?" Patol niya sa akin. Hindi ko pa rin sinasagot si Nancy na palinga linga na sa paligid.

"Baby, tulungan mo ako. Si Mama Nancy mo galit." Sumbong ko sa baby ko habang himas himas ko ang tiyan ko.

"Sige humingi ka ng saklolo ngayon, malas mo lang nasa tiyan mo pang kakampi mo." Inis na sabi ni Hyebin. "Paano yan dito lang tayo?"

"Oo hindi naman niya tayo makikita, tinted tong kotse." Sabi ko saka ko naisip na isilent mode ang phone ko dahil panay pa rin ang tawag ni Nancy. Ilang rings pa at ibang phone naman ang nagring. Kay Hyebin

"Paano na?" Tanong niya sa akin. Pero wala akong naisagot. "Ano na? Anong sasabihin ko?" Parang bata niyang tanong habang hawak hawak ang phone niya.

"Bahala ka na..." Tanging naisagot ko. Bahala na kung anong susunod na mangyari bulong ko sa isip ko habang himas himas ang baby bump ko.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
YeonYun #1
Plss continue write some nanwoo stories 🥺
iana013
#2
Fam write other stories please
Keiill
#3
Chapter 36: I really really love this story :) I want to re read this again.. If you want to make an another story about nanwoo author, I will there and read it. Thanks for this :)
usrcvi #4
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️
usrcvi #5
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️
usrcvi #6
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️
usrcvi #7
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️
usrcvi #8
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️
usrcvi #9
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️
usrcvi #10
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️