Chapter 26

Arranged Marriage

ARRANGED MARRIAGE

Chapter 26

YEONWOO'S POV

"Mohmi/Mama!" sigaw ng mga bata nang makita kami pagbaba nila ng yate kasama si Jenny.

"Jackson Dane!" sigaw ni Nancy. "They're here, pinasundo mo sila?" baling niya sa akin at tumango ako.

"I promised to fetch them pag ok na tayo." ngiti kong sagot. "Kaya nga sinamantala ko na rin na masolo ka habang wala sila" sabay kindat ko at nailing lang si Nancy saka tumakbong sinalubong ang kambal. Kita ang tuwa at excitement sa mga bata.

"Mahma you and Mohmi ok now?" salubong ni Jackson.

"Yes baby, we're good and very much ok." sagot ni Nancy

"Mommy'z forgiven now, Mama?" si Dane

"Yes, princess. She's forgiven."

"Yes/Yez!" sigaw ng kambal.

-

Nagenjoy ang kambal sa beach mula ng dumating sila. Dala dala nila ang mga sand toys nila at enjoy sa pag gawa ng sand castles.

Laking tuwa nila nang makita nila sila Jennie at Lisa. Maghapon ang laro at kung hindi pa napagod ay hindi pa sila titigil at ngayon ay mahimbing nang natutulog.

"They're so tired. Tulog agad." bulong ni Nancy habang magkaharap kami at nasa gitna namin ang mga bata. Hiniling nilang matulog katabi namin dahil namiss daw nila kami.

"Yeah, kaso dito naman sila natulog. Buti na lang talaga nakapagsolo pa tayo." sabay kindat ko.

"Hay naku, Yeonwoo." Iling niyang sabi at napangiti ako. "Can we go down now, gising pa ba ang lovebirds?" tanong niya patungkol kina Lisa at Jennie. We invited them over to stay for the night para makapag kwentuhan na rin. May extra room naman para sa kanila.

"Yeah. They're still awake at parang may glue hindi mapaghiwalay." comment ko

"Inggit ka naman?" balik niya.

"Why should I, pag tayo kaya magdikit mas matindi pa sa glue. Dikit na dikit at kapit na kapit."

"Yeonwoo..." halos nanlalaki ng mga matang sabi ni Nancy sabay tingin sa mga batang mahimbing na natutulog. "Watch your words..."

"What?" depensa ko. "They're both in sound sleep."

"Kahit pa..." irap niya saka yumakap sa mga bata at humalik. "Let's go, baka magising pa sila sa'yo." bulong niya.

-

"We still don't know who's behind it though may iilan na akong pinaghihinalaan na pwedeng gumawa non." sagot ko nang matanong nila Nancy at Jennie ang tungkol sa picture. Nakaupo kaming apat sa labas ng resthouse at umiinom ng hot choco si Jennie at Nancy while me and Lisa chose to drink beers. Nakailang bote na rin kami ng beer at nagawi sa picture ang usapan.

"Maybe you should stop digging deep into that matter Yeonwoo..."

"And why should I stop?" seryoso kong tanong pero hindi siya umimik. "May alam ka ba na hindi ko alam?" Pero hindi pa rin siya sumagot. "Lisa?"

"Alam nating hindi ako gusto ng mga elders, Yeonwoo..." sambit niya at tiningnan ko lang siya "Because they see me in you, Yeonwoo. They find me as a threat, alam mo yon."

"I trust you Lisa."

"But they don't, they don trust me."

"I don't care."

"Yeonwoo."

"I know, Lisa. Alam ko and I'm sick and tired of them telling me that someday you'll gonna be my strongest rival but I don't give a dam.n about it." mataas na boses kong sabi at naramdaman ko ang kamay ni Nancy na humawak sa braso ko. I looked at her then Jennje

"I think you had enough for tonight. It's already late, matulog na tayo." aya ni Nancy

"We'll sleep after Lisa here speaks of what she knows."

"Yeonwoo--"

"--C'mon Lisa, tell me. Who's behind it."

"Let's sleep..."

"Bullsh.it---" nabulalas ko.

"Yeonwoo!" tawag sa akin ni Nancy pero hindi ko siya pinansin. Dala na rin siguro ng alak kaya hindi ako papigil.

"Just tell me, Lisa. Si Mr. Cruz ba?" tanong ko na sa mataas na boses. Pero nanatili siyang pipi. "Your silence is a yes." sabay tayo ko.

"Yeonwoo? Where are you going?" tanong ni Nancy nang akma na akong lalakad.

"I will see to it na magbabayad siya." banta ko.

"You don't have to do that..." si Lisa

"And why not?" balik tingin ko kay Lisa at tumayo na rin siya. Tumayo na rin si Nancy at tumabi sa akin habang si Jennie ay mahigpit ang hawak sa kamay ni Lisa

"Just don't..." halos pabulong na sagot ni Lisa

"I can do whatever I want in my company Lisa..." paninindigan ko. "Kahit parusahan pa ang mga seniors..."

"Hindi mo na kailangan gawin yan, Yeonwoo..."

"Bakit nga?" pansin na nila ang inis sa boses ko. "May nagbabanta ba sa'yo?" tanong ko.

"No. Hindi. Wala. Basta hayaan na lang natin."

"Fu.ck it Lisa...Hayaan? It almost cost you your engagement!" sigaw ko na.

"Yeonwoo!" diin ni Nancy sa pangalan ko.

"Ok naman na di ba!? Engaged na kami ni Jennie at maayos na kayo ni Nancy!" sigaw pabalik ni Lisa

"Ganon lang kadali para sa'yo na palampasin yon!" Sagot ko sa mataas na boses at kita na ang pag alala sa mukha ni Nancy at Jennie

"Honey..." Tawag sa akin ni Nancy pero parang wala akong naririnig.

"Who are you afraid of, Lisa?" galit ko ng tanong.

"Wala akong kinakatakutan, Yeonwoo." galit na rin ang boses niya habang halos yakap na ni Jennie

"B-babe, I think you had enough already. Let's go to our room." Yaya na ni Jennie 

"Kung hindi ka takot bakit ayaw mong malaman kung sinong may pakana ng nangyari?" Tanong ko pero hindi siya umimik kaya lalo akong nainis. "Kung ayaw mong sabihin. Fine. I'll find it out myself."

"Ang tigas talaga ng sintido mo noh, Yeonwoo!" sigaw na niya sa akin. "Sabi ng hayaan mo na. Bakit kasi kailangan mo pang balikan maayos naman na tayo!"

"Anong sabi mo? Mas matigas ang sintido mo dahil ayaw mong sabihin ang nalalaman mo!"

"Stop it! Please!" rinig naming awat ni Nancy. "Baka magising ang mga bata. Yeonwoo, Lisa."

Bigla kaming nahintong dalawa. "You both had too much alcohol. Aren't you both drunk before when that picture was taken? Histsura niyo doon para kayong honeymooners, tapos ngayon kung magbangayan kayo para gusto niyong magpatayan..." seryoso niyang sabi.

"Sana ganyan na lang kayo nong mga panahon na yon para hindi pa kayo na iskandalo."

"Iba noon, hon." sagot ko.

"Yeah, maganda ang usapan noon." dugtong ni Lisa

"Bakit maganda naman ang usapan niyo ngayon di ba?Pero humantong sa ganito dahil parehong ayaw niyong makinig sa isa't isa." Si Nancy.

"Ang gusto ko lang malaman ay kung bakit ayaw niyang ituloy ko ang imbestigasyon, Nancy."

"Dahil hindi na nga kailangan..." balik ni Lisa. "Hindi pa ba sapat na dahilan na naging maayos na tayo?"

"If you let this pass, that person will find other ways to ruin us and our relationship, Lisa." paninidigan ko. "Pati mahal natin sa buhay ay madadamay."

"Alam natin yon, Yeonwoo. Pero kilala na natin ang isa't isa para magpa apekto sa maruming laro nila."

"They won't stop, Lisa. We need to do something about this bago pa sila gumawa ng iba pang hakbang."

"Malaman mo man o hindi kung sino ang may gawa nito, Yeonwoo, hindi pa rin sila hihinto." matama niya akong tiningnan. "They won't stop until I'm out of the picture. Out of your company. Out of your life."

"That's bullsh.it..."

"Yon ang totoo, Yeonwoo at huwag kang magkunwaring hindi mo alam yon."

"If you deserve to be in my position. I will give it to you Lisa."

"Huwag na huwag mong sasabihin yan sa kahit kaninong tao sa kumpanya mo, Yeonwoo." Pakiusap nito pero sa mataas na boses

"I will say whatever I want to say, Lisa and I will say it again and again in front of the board."

"Yeonwoo! Makinig ka nga sa akin." taas boses na naman ni Lisa

"Ikaw ang makinig, Lisa. If you don't tell me what you know. I will call for emergency meeting and make you part of the board."

"Pu..cha naman Yeonwoo. Lalo mong pinapalala ang sitwasyon."

"Huwag mo akong munurahin ha!" pahakbang ko ng lapit sa kanya pero maagap si Nancy na yumakap sa akin.

"Ano? Ikaw lang pwede magmura? Kanina ka pa nga di ba?" hamon niya at pilit ng kumakawala sa yakap ni Jennie

"Ayaw niyo talagang tumigil?" Rinig ko ng galit na boses ni Nancy

"Eh siyang matigas ang ulo eh."

"Ikaw ang ayaw umintindi." balik sa akin ni Lisa

"Fine!" sabay bitaw ni Nancy sa pagkakayakap sa akin at mabilis na lumapit kina Lisa at Jennie. "Jennie let's go, hayaan mo silang magsabong tutal ayaw naman nilang papigil. Hayaan na natin silang lunurin ang isat'sa diyan sa dagat." sabi ni Nancy habang hila hila si Jennie at naglalakad na papasok.

"Hon/Babe!" halos sabay naming tawag sa kanila.

"Don't you both dare come inside hanggat hindi matino ang mga utak niyo." she warned and walked towards the door of the rest house, shut it closed in our faces. Ilang segundo na at nagkatinginan kami ni Lisa. Walang gustong magsalita, nag alis siya ng tingin at naglakad palayo. Naiwan akong tulala at parang biglang nawala ang alak sa katawan ko. Napahilamos na lang ako ng mukha. Tumingin ako sa may pinto, galit ang asawa ko hindi ako pwedeng pumasok. Tumingin ako sa gawi ni Lisa, natatanaw ko siyang nakaupo sa bench. I took a deep breath and slowly walked towards Lisa. She's sitting at the other end of the bench, I slowly walked and sat at the other end. A few seconds of silence.

"Sorry." sabay naming nasabi.

"Kung napipressure ka na sa company, I will set your team free. Matapos niyo lang itong huling project." umpisa ko.

"Kaya ko ang pressure, Yeonwoo. Mula pa sa unang araw na umapak ako sa kumpanya niyo, from the moment we signed our first contract marami ng nag challenge sa kakayanan ko pero tinanggap ko lahat yon because I'm holding on to your trust and confidence in me."

"But this is too much."

"They will try everything, Yeonwoo. Because they see me as a threat at naiintindihan ko yon." Sagot niya.

"Are you afraid of what I will find out kung ipagpapatuloy ko ang investigation?" tanong ko, again she didn't say a word. "I wanted you to spill it out, sabihin mo sa akin. But I admire you for keeping it to yourself, the more I am determined to keep you."

"Yeonwoo..." tawag niya.

"I'm sorry, Lisa. I'm sorry dahil I want to spare you but I can't let you go. You're one of the few who I can trust." I paused and bowed my head. "Sorry because I can't make a move against my own father."

"Y-yeonwoo..." muli niyang tawag. "P-paano..."

"I already knew, Lisa. Alam ko na si Mr. Cruz ang kasabwat niya. I also knew na kinausap ka na ni Mr. Cruz that if ever magpa imbestiga ako I will know who's behind all this."

"Paano?"

"I have my ways, Lisa. As I have said before I'm always one step ahead of my enemies and always behind my friends' back." mapait kong ngiti sa kanya.

"Gusto ka lang protektahan ng Daddy mo, Yeonwoo at naiintindihan ko yon."

"Dad's just protecting his name. Takot siyang mapuno ng ibang tao ang kumpanya.Ng mga taong hindi niya kaya."

"It's your family's company, Yeonwoo."

"I know Lisa but we owe it to the people working with us. Hindi lang kami, kasama kayo."

"You're Dad's just afraid na mawala sa kamay ninyo ang kumpanya."

"Kaya kailangan niyang paboran ang mga taong kaya niyang hawakan?" iling kong sabi, "the company will collapse if you have people like them." angat ko ng tingin sa kanya. "Mas gusto ko nang may mga katulad mo sa kumpanya at tatagal ito. We have to think of the people working in the company Lisa, the employees and their families." I said looking straight into her eyes. "I'm sorry kung tayo ang kailangang mag sakripisyo."

"I don't mind Yeonwoo. I will be under your wings for as long as you want me...to be your friend and your business partner." ngiti niyang sagot. "But please huwag naman sa board, don't even say that kahit pabiro." biglang sabi niya na halos magmakaawa na at natawa ako.

"Natakot ka ba?" halos natatawa ko ng tanong.

"Ayaw ko nga matorture sa board. Tama ng andon sila Tito Ramon at Tito Richard. Hindi ka naman nila pababayaan." sagot niya.

"I know. Tsaka, kulang pang investment mo para tanggapin kita sa board." Kunwari kong irap.

"Naku lumabas din tunay na kulay mo!" balik niya at nagtawanan na kami. Ilang saglit na katahimikan saka sabay kaming napatingin sa dagat. Maliwanag ang buwan at makikita ang tila sumasayaw na kristal sa dagat dahil sa sinag ng buwan. "Thank you, Yeonwoo for keeping a ba.stard like me."

"You never chose to be a ba.stard, Lisa. That doesn't define your whole being. Out of love or just lust you have the right to live and have your own life.Hindi mo kasalanan yon, so don't take it against yourself. Huwag mong hayaan na sirain nila ang pagkatao mo. Though I know your Dad has loved your mom but he is not that brave enough to stand for you."

"Alam ko..." sagot niya at natahimik. Saglit pa at lumawak ang ngiti, "Buti pala natapunan kita ng chocolate drink nong unang pasok ko pa lang sa University noh?" Masigla niyang nasabi.

"Oo nga eh. Sobrang takot mo non na halos di ka na makagalaw sa kinatatayuan mo." natatawa naming pag alala sa first meeting namin.

Ilang segundong katahimikan muli.

"Paano yan dito tayo matutulog ngayon?" bigla niyang natanong. "Galit mga kumander natin."

"Ikaw kasi." sagot ko.

"Ako nanaman..." depensa niya.

"Balik na tayo don, mas malamig dito lalo na at malakas ang hampas ng hangin." Aya ko na sa kanya.

"Sige mauna ka na kung gusto mo. Maya maya susunod na ako." Tanggi niya saka muling ibinalik ang paningin sa dagat. Hindi na rin ako umalis at tahimk lang kaming nakatingin sa dagat. May naalala ako at nagaalangan akong tanungin si Lisa, ilang minuto pa bago ako nagsalitang muli.

"Kamusta na kayo ni Tito Conrad?" tanong ko tungkol sa kanyang ama.

"Matagal ng panahon, Yeonwoo. I don't think makikipagkita pa siya after all this years na wala siya para sa akin. Pakiramdam ko wala na rin siya nang nawala si Mama." may pait sa bawat salita niya. Hanggat maari ay ayaw niyang pagusapan ang tungkol sa kanyang ama pero pag kami lang ay nakakapagsalita siya. "Tanggap ko na na hindi ako parte ng buhay ni Papa."

"Gusto lang niyang maging tahimik ang buhay mo kaya pinili niyang manahimik, Lisa." mahina kong sabi.

"Kahit minsan hindi namin ginambala ang pamilya niya Yeonwoo, pangalan lang ni Papa ang dala ko. Yon lang." halos naluluha na niyang sabi.

"Galit ka pa rin ba sa kanya?"

"Gusto ko siyang intindihin, Yeonwoo. Ayaw kong magalit sa sarili kong ama, siya lang ang pamilya ko."

"I understand you..."sagot ko.

"But you're the family that I never had, Yeonwoo. Ikaw at si Lolo Pabs..."Ngiti niyang baling sa akin. " And I'm sticking with you hindi dahil sa utang na loob..." her words full of sincerity.

"Lisa..."

"Ayaw ko ng maulila pa muli..."

At napansin ko ang namumuong luha sa kanyang mga mata.

"We will always be your family, Lisa."

Sabay kindat ko sa kanya.

"Oo nga hindi yong klase ng pamilya na kinakahibangan ko noon." Sabay tawa niya.

"Tsaka hindi naman talaga kita papatulan, Lisa." dugtong ko.

NANCY'S POV

"Mukhang ok na sila" narinig kong sabi ni Jennie. Pareho kaming nakatanaw sa labas pero sinigurado naming hindi kami makikita.

"Yup, mas mabuti pa lang hinayaan natin kesa pigilan sila." sang ayon ko.

"Natakot sila sa'yo." sabi niya sabay tawa.

"Parang mga bata kung mag away..."nasambit ko.

"Yeah, pero tulad ng mga bata hindi rin nagtatagal ang away nila." Jennie said without looking at me, her eyes out in the window.

"Yeonwoo is the only family Lisa knows after her mother died and her father couldn't stand up for her." I turned to look at her and she smiled back as we shift our gaze back to the two images outside.

"But she fell inlove with Yeonwoo." comment ko.

"Maybe that's what she believed before pero narealized niya na mas matimbang pala ang pagmamahal niya bilang kapatid. Maybe she's confused at nasanay sa presence ni Yeonwoo. Sabi niya she used to play around para pagselosin si Yeonwoo, pero it end up na lagi siyang pinagagalitan at pinagsasabihan nong isa."

"Until you came to her life..." ngiti kong sabi.

"I can see how Yeonwoo would scold her every time she breaks her promise or words to me." masaya niyang pagalala. "We always see the strong side of Yeonwoo, pero I know ginagawa niya yon for Lisa. Though I know deep inside how vulnerable Yeonwoo is." sabi niya at humawak sa braso ko. "But with you at her side she can show her weakness." She said and we both nod. "Salamat at hindi ka nag duda kay Lisa." she said after.

"Kasi ramdam ko na mahal ka niya. During the time she's doing changes in our house, I know how happy and inspired she is. Kaya alam ko kung gaano mo siya napapasaya." sagot ko lang sa kanya.Then she looked down to her engagement ring.

"Siguro nga nagbago na siya."

"Sigurado talaga na nagbago na siya." at sabay kaming nagtawanan. "Let's get there baka nakatulog na sa kalasingan yong dalawa halos di na ata sila gumagalaw sa pagkakaupo nila." yaya ko na.

JENNIE'S POV

"Kailan niyo balak pakasal?" rinig naming tanong ni Yeonwoo kay Lisa habang papalapit kami ni Nancy sa kanila.

"Hindi ko pa alam eh..."

"Naku huwag mo na patagalin, itali mo na si Jennie baka makawala pa. Gusto mo next month na at isasama ko pamilya ko para makapag bakasyon na rin kami."

"Another suggestion, honey?" narinig kong sabi ni Nancy at napalingon ang dalawa sa harapan namin habang halos sabay na napatayo.

"Hon..." tawag ni Yeonwoo

"Bakit ka nagmamadaling ikasal sila, Yeonwoo?"
Parang teacher na nagagalit si Nancy

"Yo-you know why, Nancy. Maraming gustong sumira sa relasyon nila." Sagot ni Yeonwoo at hindi na sumagot si Nancy

"You have a point. Pero kahit na ikasal pa sila ay marami pa ring maninira sa kanila. Look at us for years that we're married, hindi nawawala ang mga babae sa paligid mo."

"Hon naman. May napatunayan ka na ba na pinatulan ko?."

"Wala pa..."

"Bakit may 'PA'? Wala naman talaga eh."

"Dapat lang Yeonwoo. Dapat lang." Irap ni Nancy at natawa na lang kami.

"Halika na nga, hon at sundan na natin sila Dane at Jackson."

"Sundan?" Ulit ni Nancy sa sinabi ni Yeonwoo habang nakaakbay na si Yeonwoo sa kanya at taas baba ang kilay.

"Oo sundan." At humalik sa pisngi ni Nancy pero nagsalubong ang kilay ni Nancy at nanlilisik na ang mga mata. "Ibig ko sabihin sundan na natin sila at matulog na rin tayo." Pagiba ng tono ni Yeonwoo saka bumaling sa amin ni Lisa. "Mauna na kami, guys." At dahan dahan na sila naglakad pabalik ng bahay.

"They're an inspiration..." rinig kong bulong ni Lisa

"Yes...hope we could be like them." Sabi ko.

"We will, Babe...Alam ko marami kang takot at pangamba." Sabi niya habang hawak hawak na ang mga kamay ko. "Pero laging mong tatandaan, kasama mo na ako ngayon. Huwag ka lang bibitaw sa akin dahil hinding hindi ako bibitaw sa'yo. Mahal na Mahal kita." she said ang gave me a sweet kiss that last for seconds.

"Get a room, Lisa!" rinig naming sigaw at paglingon namin ay si Yeonwoo na hindi na makapagsalita muli dahil nasa bibig na niya ang kamay ni Nancy

"Panira talaga..."inis at napakamot sa ulong sabi ni Lisa. Napailing lang ako at nangiti.

"Tara na nga sa loob." aya ko na sa kanya.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
YeonYun #1
Plss continue write some nanwoo stories 🥺
iana013
#2
Fam write other stories please
Keiill
#3
Chapter 36: I really really love this story :) I want to re read this again.. If you want to make an another story about nanwoo author, I will there and read it. Thanks for this :)
usrcvi #4
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️
usrcvi #5
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️
usrcvi #6
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️
usrcvi #7
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️
usrcvi #8
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️
usrcvi #9
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️
usrcvi #10
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️