Chapter 31

Arranged Marriage

ARRANGED MARRIAGE

Chapter 31

NANCY'S POV

"What happened Jackson?" Tanong ni Yeonwoo kay Jackson na ngayon ay nakatungo, katabi niya si Dane na nakatungo din. Andito kami sa sala at magkatabing nakaupo ang kambal. Hindi sumasagot si Jackson. Sinabi ko kay Yeonwoo na pinatawag ako ng School Principal at nasa Guidance Counselor's Office si Jackson nong dumating ako. Matapos kong makipag usap sa Principal at sa Guidance Counselor ay tinangka ko na kausapin ang kambal pero walang gustong magsalita. "Jackson look at me?" Matigas na tawag ni Yeonwoo kay Jackson pero hindi niya siya tiningnan nito. "Dane aren't you going to say something why Jackson got into trouble?" pero nanatili ring tahimik si Dane

"What? You're not going to talk about what happened? Gusto niyo ako pa ang magpa imbistiga ng puno't dulo ng ginawa mo Jackson?" Seryoso ng tanong ni Yeonwoo at kita sa mukha niya ang galit.

"A-are we not allowed to keep secret?" Mahinang tanong ni Jackson

"Ano? Why do you have to keep secrets from us? We are your parents. You're supposed to tell us everything..." Mataas ng boses ni Yeonwoo

"Honey..." Mahinahon kong tawag at hawak sa kanya. Nakaupo rin ako sa tabi niya.

"Are we not allowed to have children talk, just between me and Jackson?" Si Dane naman, dahil nga may adult talk kaya minsan hindi nila kami sinasali sa children talk daw nilang magkapatid.

"No. Not in this case." Sagot ni Yeonwoo. "Now tell me Jackson why did you hit Calvin?" Tanong ni Yeonwoo. Nagdugo ang ilong ni Calvin sa lakas ng suntok ni Jackson kaya nagkagulo sa school at dinala agad sa clinic ang bata. Nanatiling tahimik na nakatungo si Jackson. "Ayaw niyong magsalita? Fine. Both of you are grounded and will not go to school until I say so." Galit na sabi ni Yeonwoo at biglang tumayo si Dane at lalakad na paalis "Get your back to your chair Dane" Halos sigaw na tawag ni Yeonwoo kay Dane at nagulat kaming lahat lalo na ang mga bata.

"Yeonwoo!" Halos pasigaw ko ring tawag sa kanya. Nabigla sa kanyang ginawa ay humugot ng malalim na hininga bago ulit nagsalita si Yeonwoo

"Please get back to your chair Dane We're not done talking yet." Mababang boses na niyang sabi. Bumalik ng upo si Dane pero kita na ang namamasa niyang mga mata kahit hindi kami tinitingnan. Nanatiling nakayuko si Jackson saglit lang na nagtaas ng tingin pero yumuko muli, siya rin ay namumula na ang mga mata.

"Please tell us why Jackson, bakit mo sinaktan si Calvin?" Nakikiusap ng tanong ni Yeonwoo

"Sorry, Mommy." Tanging sambit ni Jackson. Mula pa kanina ay yon lang ng yon ang nasasabi ng kambal.

"Anak, we will not get mad just tell us..." pakiusap ko na rin, pero nanatiling nakayuko lang si Jackson at nagsisimula ng umiyak.

"Son..." Tawag na ni Yeonwoo at akmang tatayo na ng nagsalita si Dane

"Because of me..."

"What?" Tanong ni Yeonwoo at ganon din ang tanong sa isip ko.

"Anong ibig mong sabihin anak?" Tanong ko rin.

"A hit Calvin's face because of me...."

"Dane.." Tawag ni Jackson na nag angat ng tingin sa kapatid. Nilingon lang siya ni Dane

"Sorry Jackson..." Sagot lang niya saka tumingin sa amin ni Yeonwoo. "He keeps on talking about you Mama, Mommy. So I yelled at him and he got mad so he came to me but Jackson hit him instead ." Sabi na ni Dane at nagulat ako. Kita rin ang pagkabigla ni Yeonwoo kaya hindi agad nakapagsalita.

"What do you mean, Anak?" Masuyo ko ng tanong. Saglit na natahimik si Dane na ngayon ay naiiyak na.

"He keeps on asking why do we have two mommies..." Sabi na niya sa namumuo niyang mga luha na anumang oras ay papatak na. "Sabi ko Mommy at Mama ko kayo...But he still keeps on asking why...hinaharang niya ako..." Kwento na niya at naiyak na ng tuluyan. "He said we're not real children because we have two mommies, we're experiment, alien daw kami." May galit sa bawat sambit niya pero umiiyak na, ramdam mo ang sakit sa bawat salita niya.

"Dane..." Tawag ni Yeonwoo

"We come from you, Mama di ba?" Tingin niyang tanong sa akin.

"Of course, Sweetheart..." Sagot ko agad.

"Calvin said if we come from you, then we have a daddy..."Parang bombang sumabog sa tenga ko ang tanong na yon at nakita ko si Yeonwoo na nagulat at natulala.

"Anak, sweetie..." Masuyo kong tawag. Napag usapan na namin ni Yeonwoo ang tungkol sa panahong darating ang pagkakataong ito pero hindi sa ganitong sitwasyon at ganito kaaga para sa kanila.

"Do we, Mama?" Tanong na ni Dane

"Baby..." Tawag ko muli sa kanya hindi ko alam paano ko sisimulan.

"Yes..." Si Yeonwoo na ang sumagot at nagulat ako pati si Jackson ay napatingin kay Yeonwoo. "You're like all other children, Dane, Jackson. You have a father, may daddy kayo katulad ng mga kaklase niyo. Hindi kayo experiment at hindi alien, hindi kayo naiiba sa kanila. Pero parte kayo ng dugo at laman namin ng Mama niyo." Naluluha ng salita ni Yeonwoo. "In a very special way you are who you are now because of love just like any other kids." Mahinang sabi ni Yeonwoo at tuluyan ng tumulo ang luha niya.

"Honey..." hawak ko sa kamay niya at hinawakan niya rin ang kamay ko at pinisil saka marahang tumango. Tumayo siya at lumuhod sa harapan ng kambal.

"Always remember that you are conceived and born out of love, mga anak." Sabi niya hawak hawak ang kamay ni Dane at Jackson. "Our family may not be the usual you see often in other people but we are still a family, aren't we?" Tanong nito sa mga bata. Umiiyak na rin ang mga bata ng halikan ni Yeonwoo ang mga kamay nila. "We love you so much, Mama and I love you so very much." Nanatiling nakayuko ang mga bata. "You want to move to another school?" Tanong na ni Yeonwlo habang haplos ang kamay ng mga bata. Umiling si Dane "Why?" masuyong tanong ni Yeonwoo

"What...if...there...is...another...Calvin again?" Tanong niya at hindi nakasagot si Yeonwoo. Bumitaw sa kamay niya si Dane at nagpunas ng luha. "I want...a normal...family, Mama." Tingin niya sa akin, parang kinurot ang puso ko. Ngunit alam kong mas masakit yon na marinig ni Yeonwoo. "Calvin said...we are not...normal."

"Dane." tawag ko kay Dane at nakita ko ang pagkuyom ng palad ni Yeonwoo, hindi niya magawang magsalita o kumilos man lang. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya sa bawat salitang naririnig niya sa anak namin at galit dahil sa mga naranasan ng mga bata. "Go now to your room, please." Mahina ko ng sabi para lang matapos na ang masasakit na salitang maririnig pa namin.

"Are we going to school tomorrow?" Tanong ni Dane at napatingin ako kay Yeonwoo na ngayon ay tulala na at nanatilihing tahimik.

"Honey..." tawag ko para ipaalala sa kanya ang binitawan niyang salita sa mga bata kanina.

"Y-yes...you can go to school..." Sagot niya lang at marahan ng tumayo ang kambal. Humakbang na sila pero nahinto ng nagsalita ako.

"Aren't you going to kiss goodnight your Mommy and Mama?" Paalala ko at sumunod naman ang mga bata, walang reaksiyon si Yeonwoo ng halikan siya ng mga bata napako siya sa pwesto niya, lumapit sa akin ang mga bata at humalik. Bago pa tuluyang humakbang palayo ay huminto si Dane at humarap sa amin.

"Mommy?" Twag ni Dane kay Yeonwoo at nag angat lng ulo si Yeonwoo para tingnan si Dane. "Can't you....please don't go to our school anymore?" Pakiusap ni Dane nagbuka ng bibig si Yeonwoo pero walang salitang lumabas mula sa kanya, muling tumulo ang luha at tumango na lang bilang pag sang ayon sa aming anak.

"Dane.." tawag ko pero tumalikod na ang anak ko at humakbang ng palayo. Agad kong nilapitan si Yeonwoo na nanatiling nakaluhod sa sahig at nakayuko muli.

"Hindi pa ba sapat ang pagmamahal ko para maghanap sila ng ama?" Halos bulong niyang sambit pagupo ko sa harap niya. Masuyo kong hinawakan ang mukha niya at hinarap sa akin, hindi ko makayanang tingnan ang masaganang luha na umaagos sa mga mata ni Yeonwoo. I kissed her deep.

"Your love is enough, honey. Ang pang unawa lang nila ang kulang. Time will come Dane will understand. Matalino ang kambal, nasaktan lang sila dahil sa mga narinig nila." Bulong ko after the kiss and she just nod and cried in my bosom. Hinayaan ko lang siya dahil kahit ako nasaktan sa mga narinig ko sa anak ko.

-

Nakahain na ang almusal at kumakain na ang mga bata habang hinahanda ko ang baon nila. Habang kumakain ay panay ang lingon nila sa paligid na parang may hinahanap pero hindi sila nagsasalita.

"Finish your food, naghihintay na si Mang Julio." I said pretending to be not aware of their movements.

"Ok, Ma." Sagot ni Dane

"Where's Mommy?" hindi nakatiis na tanong ni Jackson makalipas ang ilang minuto pa na hindi nila nakikita si Yeonwoo

"Your Mommy left very early." Sabi ko habang inaayos ang baon nila. "And she said she's not coming home yet, she needs to do some stuff in her office." Dugtong ko at nakita ko silang nagtinginan pero hindi na nagsalita.

"I will just fix myself and when I get down I expect you're both done with your breakfast, ok?"

"Yes Mama..." sabay nilang sagot. Hahatid ko ang mga bata at kailangan din daw akong makausap ng may ari ng school.

YEONWOO'S POV

Lutang ng utak ko habang nasa harap ako ng isang presentation sa office. Malinaw ang naririnig ko pero nas malinaw ang mga binitawang salita ng anak ko. Paulit ulit kong naririnig sa utak ko. Naghahanap ng ama si Dane

"Ok, thank you, Mr. Anton. We need to see the place and discuss who will go and visit the site." Rinig ko sabi ni Taeha

"I'll go." Wala sa loob kong sabi at kita ang pagkagulat sa lahat ng nasa harapan ko.

"Yeonwoo..." Halos bulong na tawag ni Taeha

"I'll go and check the place. If I can possibly get there tomorrow, much better. Arrange the chopper and please check my schedule, Joy." Lingon ko kay Joy na halatang gulat din. Saka ako tumayo ng hindi na sila tiningnan. Deretso ako sa office ko at naglakad kung saan kita ko ang kapaligiran. But every view looks blank, every building looks plain white, everything looks vague then I felt my tears running down my cheeks. I immediately wiped off the tears from my face.

"You never run away from your problems, Yeonwoo." Rinig kong mahinang boses at pag lingon ko ay si Taeha na ngayon ay nasa tabi ko na, nakatanaw din sa labas.

"I'm not. Just need to think things over." Sagot ko saka nagbuntong hininga.

"You can show to the whole world how strong you are, Yeonwoo..."

"But only you know how vulnerable I am..." sabi ko at sulyap sa kanya. Iilan lang ba silang nakakaalam? Sila nila Hyebin, Jooe. "Kailangan kong magpakita ng tapang para hindi ako tapakan. They can judge me all they want but I learned not to get affected. I learned to be strong because of them...." I suddenly stopped to compose myself. "I can take every blow, Taeha and I've been used to it. I can shrugged off every insult thrown against me, I have learned to accept people who can't accept me."

"Y-yeonwoo..."

"Pero ibang sakit pala pag nalaman mo na sarili mong dugo at laman ang magtatanong sa'yo ng pagkatao mo." Sunod kong sabi at naramdaman kong bumaling ang tingin ni Taeha sa akin.

"I want to spare my children from all the insults and discrimination, Taeha...Sobrang sakit na makitang apektado sila dahil kami ang mga magulang nila. Hindi nila kasalanan na kami ang magulang nila..." I said in a shaky voice.

"Hindi niyo rin kasalanan kung minahal niyo ni Nancy ang isa't isa, Yeonwoo." Sagot niya. Nailing lang ako.

"Dane wants a normal family, Taeha. Hindi normal ang tingin niya sa pamilya niya ngayon. Masakit marinig yon sa sarili kong anak."

"She's just a kid, Yeonwoo. Hindi pa niya lubos na nauunawaan." Sagot ni Taeha at napatango ako.

"I know...But just the same a mother will do everything for their children.... and...and I'm willing to give her a normal life she wants..."

"What?!" pasigaw na baling ni Taeha. "Are you crazy? Anong sinasabi mo?"

"I will go and find a father..."

"That's bvll.sht Yeonwoo..." Halos galit na niyang bulalas. "Alam ba to ni Nancy?" pero hindi ako umimik. "Finding a man from nowhere pretending to be a father to your twins won't make their life normal, Yeonwoo." pero parang wala na akong naririnig kundi ang boses ng anak ko at ang sakit na nakikita ko sa mukha niya nong nakausap ko siya. Tahimik man si Jackson alam kong nasasaktan din siya.

"Nasasaktan ako para sa mga anak ko, Taeha."

"Mas masasaktan mo sila sa gagawin mo. At si Nancy hindi rin ba siya masasaktan pag nalaman niya ang gagawin mo?" Harap na niya sa akin. Wala akong maisagot. "Don't do this to yourself Yeonwoo."

"Hindi ko kayang makitang lumalayo sa akin ang mga anak ko, Taeha."

"Finding them a foster father will only make things worst Yeonwoo. Lalo mong ilalayo ang loob ng mga anak mo sa'yo."

"Gagawin mong lahat para sa anak mo, Taeha. Alam mo yan." Balik ko sa kanya, may anak na rin si Taeha kaya ko nasabi yon. She was married to her long time model boyfriend.

"Alam ko pero ipaglalaban ko ang karapatan ko bilang magulang nila kung ako ang nasa katayuan mo. Masakit man ang paraan pero alam ko pagdating ng panahon maiintindihan ako ng anak ko."

"Easy for you to say dahil wala ka sa sitwasyon ko."

"Wala tayong pagkakaiba, Yeonwoo."

"Sa mga taong hindi nakakaunawa, meron Taeha." Hindi na sumagot si Taeha. Ilang segundo pa ay naramdaman ko na ang kamay niya sa likod ko.

"Huwag ka sanang padalos dalos Yeonwoo. Mabuti na ring pumunta ka ng Mindoro para makapag isip isip ka." Sabi nito at humakbang na palayo. Hindi ako pumupunta ng site maliban na lang kung talagang kailangan kaya nagulat ang lahat ng ako ang magprisinta. Madalas ay pag maayos na ang usapan saka lang ako pumupunta dahil naghahanda rin ang mga tao sa site.

NANCY'S POV

I heard a car in the garage and I looked at my watch, it's 40 minutes past 9 in the evening. Nagpagabi si Yeonwoo. Kanina ko pa siya hinhintay ni walang tawag o message man lang bago umuwi. Maghapon siyang tahimik.

"Hi..." Ngiting bati niya sa akin ng makita niya ako malapit sa pintuan ng sala.

"Hi, honey." Sagot ko habang lumapit siya at humalik. "Nag dinner ka na?" Tanong ko.

"Yes, drive thru food. Traffic kasi." Ngiti niyang sabi. "By the way, hon I will be going to Mindoro tomorrow, may titingnan akong bagong project site." Paalam niya, hindi agad ako nakaimik.

"Agad agad?" Tanong ko lang.

"Yup. Para maumpisahan na rin ang transaction." Dugtong niya.

"Yeonwoo...does this something to do---"

"Hon..." she called me in almost a whisper. She held my hand. "Hindi ko alam kung anong mukhang ihaharap ko sa mga bata."

"Yeonwoo..." masuyo kong tawag sa kanya pero umiling siya and gently touched my lips with her thumb.

"Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong takot. Ayaw kong magpakita sa kanila dahil natatakot ako na marinig pa ang mga pwedeng sabihin ni Dane. Takot akong marinig na sabihin niya sa akin na hindi ako ang kailangan niya." Pagtatapat ni Yeonwoo at nagsimula ng mamula ang mata niya.

"Hindi mo kailangang umalis, honey." Pakiusap ko.

"It's just three days, hon. Mabuti na rin yon para makapag isip ako at pagbalik ko maguusap tayong mabuti kung anong pwede nating gawin para sa mga bata."

"Pero Yeonwoo..."

"Please, hon. Pagbigyan mo na ako." Siya naman ang nakikiusap at wala na akong nagawa kundi ang yakapin siya at halikan.

"Three days lang Yeonwoo..."

"Yes, Nancy. Three days lang." sagot niya at hinalikan muli ako. "Thank you."

"For you, Yeonwoo. I'm just giving you time to think..." Ngiti kong sagot.

"How's your meeting with Mrs. Chavez nga pala?" Tanong niya pagkunwa.

"May emergency siyang pinuntahan kaya hindi kami nagkausap. I'll come back tomorrow." Sagot ko na lang at tumango siya.

-

"Mama, where is Mommy going?" Tanong ni Jackson habang nag bre-breakfast kami, hindi bumaba si Yeonwoo at naiwan siya sa kwarto.

Ayaw din niyang magpakita sa mga bata. Naaawa ako sa asawa ko pero nakiusap din siya na huwag ko muna kakausapin ang mga bata tungkol sa nangyari. Matapos lang daw ang site inspection niya ay saka muling kakausapin ang mga anak namin.

"Why, did you see your Mommy in our room?" Tanong ko kay Jackson pero umiling siya, nakikinig lang si Dane. "I saw her bag, I think she's in the shower."

"May pupuntahang site si Mommy somewhere far so she will be away for three days." Paliwanag ko.

"Is Mommy upset with us?" Tanong na ni Dane. "Is she mad at me, Mama?" Malungkot na mukha ni Dane

"No sweetheart, Mommy will never get mad at you nor feel upset." Paliwanag kong may lungkot. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin. Maintindihan man nila o hindi siguro ay masabi ko lang ang nasa loob ko. "Mommy is just sad because she loves you both so so so much, you are our happines. But because having two mommies is hurting you she choose to keep her distance so you won't get hurt by other people's words." I said. Hindi ko alam kung tama ang mga tinuran ko pero nagtinginan ang magkapatid, bakas ang lungkot sa mukha ni Jackson, ngunit mas bakas ang pagkalito sa mukha ni Dane. Hindi na sila kumibo. Tinuloy na lang nila ang kanilang pagkain ng tahimik.

-

"Sorry about yesterday, Nancy. Hindi ko lang talaga maiwan yong emergency kahapon." Bungad ni Mrs. Elise Chavez pagpasok ko ng office niya.

"It's ok, Mrs. Chavez." Sagot ko at umupo sa tapat niya

"Your children started in this school and I can say that both of them are very good and doing well in their studies specially si Jackson. He's very quiet kaya nagulat ako when the incident happened. I'm sorry kung umabot sa ganito ang lahat." Pauna ni Mrs. Chavez.

"Naiintindihan ko po Mrs. Chavez. Iba na po ang temper ng mga bata ngayon kahit si Jackson na tahimik." Sabi ko na lang.

"I know. But Jackson was provoked by Calvin and I want to apologise for what Calvin did. You see, Ms. Nancy kung titingnan mo ay biktima si Calvin dahil sa magulong pamilya niya. His father left them for another family pero hinahanap hanap siya ni Calvin. The thing is hindi naman gusto ng ama niya na kunin siya dahil makakagulo lang daw siya sa bagong pamilya niya. And his mother is in different relationships at hanggang ngayon wala pang seryosong karelasyon. Pag nakikita ni Calvin na hindi ang Daddy niya ang kasama ng Mommy niya nagagalit siya at nagwawala. He's asking for his Daddy pero hindi siya magawang kunin ng ama niya. Naaawa ako kay Calvin kaya tinanggap ko siya sa school na to. He's devastated in a way kaya nagiging bully siya. He was a jolly and active child before his parents separated. Her grandmother is my bestfriend and I promised to help Calvin in any way I can." Kwento ni Mrs. Chavez at nakaramdam ako ng awa sa bata. "After the incident I know maybe Yeonwoo would want to take your kids out from this school at naiintindihan ko yon and I am not saying this things about Calvin to hold you. I will respect your decision, Nancy. Again I'm sorry." Malungkot niyang pagtatapos at kita ang panghihinayang niya sa maaring maging pasya ko o namin ni Yeonwoo

"Ms. Chavez, honestly we haven't talk about taking or removing our children here. Your school has been their second home and we never felt different in the way you treat me and Yeonwoo, you know what I mean." Sabi ko at nakangiti siyang tumatango. "And personally, you never judge me and Yeonwoo for who we are. What happened between Jackson and Calvin was just a bit of misunderstanding. I could talk to Jackson and Dane Ms. Chavez, not by telling them everything we talked about pero mga bagay bagay na maari nilang maintindihan." I said and she's all smile.

"Thank you, Nancy." Ngiti na niyang sabi. "I find no reason why I don't have to treat you like any other parents. I could tell how you love your children so much, you can do and even much more than any other parents could for their children."

"Thank you, Mrs. Chavez..."

"Let's have some coffee and cake at the canteen?" Alok niya at sabay na kaming tumayo.

"Sure, Thank you." Sabi ko, naglakad na kami palabas pero nagulat kami pagbukas ng pinto.

"Dane.." gulat ngunit mahina kong tawag "What are you doing here?" Tanong ko pero hindi na siya makagalaw at luhaan ng nakatingin sa akin at kay Mrs. Chavez

"S-sorry Mama, sorry Lola Mrs. Chavez, I'm supposed to go to the washroom...but...I..." Naiiyak na niyang simula.

"It's ok, Darling. Don't cry we're not mad. But you're supposed to be in your classroom." Paliwanag ni Mrs. Chavez.

"So sorry..." ulit ni Dane at nilingon ko si Mrs. Chavez na ngumiti.

"Maiwan ko muna kayo, I'll just be in my office." Sabi nito at bumalik na ng office niya.

"Nakikinig ka ba sa amin kanina, Dane?" Tanong ko pag alis ni Mrs. Chavez pero tanging luha lang ang isinagot ni Dane sakin. "Anak..."

"Sorry Mama, gusto ko lang po makinig ng adult talk kasi I can't understand anymore...am I bad Mama?" Balik tanong niya at niyakap ko na siya.

"Hush now, Princess. No you're not bad. I know you're just curious and confused with the things around you..." Haplos ko na sa likod niya. "Now let's go back to your class." Aya ko na pero hindi siya gumagalaw. "Dane."

"Can we go to Mommy, Mama?" Tinging pakiusap niya sa akin

"Why?" Tanong ko.

"Please?" Sagot niya lang. Nakaramdam ako ng gaan sa dibdib sa tinuran niya, siguro nga ay narinig niya ang usapan namin ni Mrs.Chavez kanina.

"Ok we'll go to Mommy after your class..." Ngiti ko ng sabi.

"Can we go now?" Tawad niyang hiling.

"But you still have a class..." Sagot ko.

"Please?" Pakiusap niya muli.

"Ok, we'll go to Mrs. Chavez first then to your room so we can talk to your teacher ok?"

"Thank you Mama..." sabay yakap niya sa akin. "Can't wait to tell Jackson."

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
YeonYun #1
Plss continue write some nanwoo stories 🥺
iana013
#2
Fam write other stories please
Keiill
#3
Chapter 36: I really really love this story :) I want to re read this again.. If you want to make an another story about nanwoo author, I will there and read it. Thanks for this :)
usrcvi #4
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️
usrcvi #5
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️
usrcvi #6
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️
usrcvi #7
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️
usrcvi #8
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️
usrcvi #9
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️
usrcvi #10
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️