Chapter 33

Arranged Marriage

ARRANGED MARRIAGE 

Chapter 33

NANCY'S POV

"Hon?" I heard Yeonwoo waking me up.

"Yes, honey?"

"Nagugutom si baby..." sagot niya at natawa ako.

"Yeonwoo mahigit 1 month pa lang si baby. Huwag mo siyang gawing excuse sa gutom mo." Biro ko sa kanya sabay ngiti. She pouted her lips at natawa ako, hinalikan ko ang nguso niya at npangiti na siya. Hay ibang klaseng maglihi ang Yeonwoo ko. Tulad ngayon ilang gabi na rin siyang nagigising ng hatinggabi dahil nagugutom daw siya. "What do you want to eat now?" Lambing ko sa kanya habang hawak hawak ko ang tiyan niya.

"Carrot Cake?" Sagot niya at napaisip ako, meron ba kami non sa fridge? May mga stocks na kami ng cakes just in case magcrave si Yeonwoo in the middle of the night.

"Ok, honey. I'll check..." Sabi ko at bumaba ako ng kama at lumabas ng kwarto. Ang alam ko salted caramel, strawberry, sans rival, black forest, mocha, vanilla, chocolate at yema cakes lang ang nasa fridge. Ano pa ba ang hindi niya natikman doon? Nagiisip ako hanggang makarating ako ng kitchen at pagbukas ko ng fridge ay saka nasabi sa sarili ko. "Sabi ko na nga ba eh." Bulong ko sa sarili.

"Ibang flavor nanaman?" Halos mapatalon ako sa gulat sa boses na narinig ko.

"Mang Julio..." Tawag ko.

"Sorry, Nancy kung nagulat kita..." Hinging paumanhin niya. "May ibang gusto nanaman si Yeonwoo?" Sunod niyang tanong.

"Carrot Cake daw, Mang Julio..." I said at naramdaman niya atang wala sa mga cake na nasa harap ko.

"Meron kayang nagawa si Chef?" Tanong niya ulit.

"Not sure po..."

"Puntahan ko na lang..."

"Sige po, tawagan ko muna siya." I said at paakyat na sana ako ng iabot ni Mang Julio ang cellphone niya. Mukhang hindi lang ako ang napupuyat ni Yeonwoo

"Eto na lang Nancy." Sabay sabi niya. I scrolled the phone number until I stopped at the name I'm searching. May number na rin si Mang Julio ng taong kailangan ko. I dialled the number and after only two rings.

"Hello, Mang Julio?" Sagot sa kabilang linya.

"Hi Jane..."

"Oh, Hello Nancy..."

"Sorry dito na ako napatawag..."

"It's alright. I guess she's craving for something that's not available in your fridge?" May himig tawang sabi ni Jane, she's a pastry chef and bakes cakes and breads Yeonwoo started to like mula ng maglihi siya, naging kaibigan at suki ko na rin. She's very accommodating and always ready anytime Yeonwoo craves for something unusual or out of the menu.

"Yeah..."

"What's is it this time?" Tanong niya.

"She wants to eat carrot cake..."

"Wow...Good thing I'm baking one right now..."

"Really?" Halos hindi ako makapaniwala.

"Yeah...I've been thinking what else Yeonwoo could possibly crave for kaya naisip ko lang magbake."

"Pasensiya ka na, Jane pati ikaw..."

"Don't mention it Nancy, Yeonwoo's promoting our products for free kaya ako ang dapat magpasalamat sa inyo." Masaya niyang sabi, mula kasi ng maglihi si Yeonwoo ay cakes, breads and pastries niya ang nirerequest ni Yeonwoo sa mga meetings and engagements niya. Kaya kahit mga nagpapa appointments sa kanya ay puro sweets nila Jane ang ibinibigay ng clients kay Yeonwoo. Kami naman lahat sa bahay ang taga ubos pag inabot na ng ilang araw ang cakes and other sweets sa fridge.

"It's our pleasure, Jane. And besides your cakes are awesome kaya talagang mabenta." Patotoo ko at narinig ko siyang tumawa at nagpasalamat.

"Ok huwag na tayo magbulahan, send Mang Julio here. The cake's almost done." Sabi na nito.

"Ok, Jane. Thanks again..." Sabi ko na at nagpaalam.

"Maraming pinupuyat si Yeonwoo..." Birong sabi ni Mang Julio pabalik ko ng telepono sa kanya.

"Opo nga Mang Julio ibang klaseng maglihi."

-

"What took you so long?" Bungad na tanong ni Yeonwoo pagbalik ko ng kwarto namin, her back against the headboard and watching tv.

"Your carrot cake is still on its way..." Sagot ko na lang at tumabi na sa kanya. Bakas ang tuwa sa mukha niya

"Wow, freshly baked again?" Tanong niyang nakatingin sa akin at tumango lang ako. "Thanks hon." Sabi niya at humalik saka balik ulit ang tingin sa tv.

"What else do you want? While we're waiting for your carrot cake." Masuyo kong tanong at lumingon siya sa akin ulit. I don't like the way she looks at me and that mischievous smile forming in her lips. Kaya agad kong binawi ang tanong ko. "I mean what do you want to eat while waiting for your cake." Pero hindi nawala ang ngiti niya. Napapailing na ako "Yeonwoo?" Pukaw ko na sa nakakatunaw niyang tingin.

"I want you..." Sagot niya, sabi ko na nga ba eh.

"Honey..." Tawag ko pero ang bilis lang niya dahil naramdaman ko na ang mga labi niya sa tenga ko.

"I want you, hon." bulong niya habang nilalambing ng labi niya ang tenga ko.

"Mamya andiyan na si Mang Julio." Paalala ko.

"Matagal pa babalik yon." Sagot niya and I can feel her hand tracing my collarbone.

"H-honey... we can do this after your cake." Sabi ko na lang dahil ramdam ko ng panlalambot ng tuhod ko. With that she slowly pulled back and leaned back at the headboard, her eyes now fix on the tv in front of us. She's silent and keep changing the channels. Hindi agad ako nakaimik, oo nga pala buntis ang asawa ko sobra ang mood swings niya lately. Bigla niya inalis ang kumot na nakabalot sa kanya at inibabaw ang mga paa. "Why?" Natanong ko sa mababang boses.

"Naiinitan ako." sagot niya lang na hindi ako nilingon. Napailing lang ako then I slowly placed my hand on her thigh pero hindi man lang tumingin. I gently rub my hand on her thigh still she didn't react. I moved closer to her and kissed her shoulder, deadma pa rin panay lipat ng channel, tuluyan na atang nasira ang mood niya.

"You want shower para malamigan ka?" Alok ko pero wala siyang sagot. Na bad mood na nga, umayos ako at lumipat sa harap niya slowly and carefully sat on her lap but not all my weight on her. "Shower or tub?" tanong ko na sa kanya at nalipat sa akin ang mga tingin niya.

"No need, thanks." tanggi niya. Ok Nancy you have to be patient not because she's pregnant but because you love her so much, paalala ko sa sarili.

"Hey honey, let's have a good bath so you can sleep well later. Ok ba yon?" Lambing ko na ulit sa kanya.

"You're showering with me?" Tanong na niya. Nice, now I'm getting your attention sabi ko sa sarili.

"You want me to?" Balik kong tanong sa kanya at napangiti na siya. Hay salamat. "So you want shower then?" Tanong ko muli at tumango siya. "Ok let's get up and take a shower, just a quick one because you still have work tomorrow, yes?" Para akong nakikipag usap sa mga anak namin.

"Ok, hon..." Sagot niya and I gave her a sweet kiss at inaya ko na siyang tumayo sa kama.

-

"Done?" Tanong ko kay Yeonwoo after she finished off the last bite of the slice of carrot cake I gave her. It's enough for her to eat a slice of cake she craves while I eat some, too.

"Yup..." Masaya niyang sagot at inubos na rin ang gatas niya.

"Good..." Sabi ko habang kinukuha ko ang platito at baso sa kanya. Next I took the table napkin spread in her lap because she's eating in bed, ewan ko ba bakit mas gustong mag midnight snack sa kama. Matapos kumain ay manonood pa ng ilang minuto until she doze off to sleep. "Brush your teeth first honey. Pag balik ko dapat tapos ka ng magbrush ok?" Kunwa kong utos at tumango lang siya at lumabas na ako ng kwarto para ibaba ang pinagkainan niya. Nasa kitchen na ako ng mapansin kong may ilaw, ang alam ko past 1am na sino kaya ang nasa kusina? O baka nakalimutan kong ioff ang ilaw kanina.

"Iwanan mo na lang yan, anak.." Rinig kong boses ni Yaya Caring.

"Yaya bakit gising pa po kayo?" Tanong ko sa matanda.

"Napapansin ko na ilang gabi ka na ring napupuyat sa asawa mo. Hayaan mo na yan diyan at ako ng bahala." Hindi niya pagsagot sa tanong ko.

"Nagigising po ba kayo sa ingay dito sa kusina?" Pag iba ko ng tanong dahil nagiging maingat ako hanggat maari sa pagkilos."Sorry Ya---"

"Anak, matagal na ako sa bahay na ito. Maliit o malaking bagay, mahina o malakas ang bawat pangyayari sa loob ng bahay na ito ay nararamdaman ko kaya wala kang dapat ipagpaumanhin. Gawain ko na ito noon pa kahit nong wala pa si Yeonwoo." Paliwanag niya. "Kaya ano pa man ang dapat gawin dito hayaan mo na at nandito naman kami ni Jenny na gagawa diyan. Pumanhik ka na at masyado ka na ring napupuyat ng asawa mo." Sabi niyang nakangiti at napatango na lang ako.

"Sige po Ya, salamat po. Goodnight." Paalam ko na at umakyat na ako.

Pagdating ko sa kwarto namin ay wala si Yeonwoo. Tiningnan ko sa bathroom ay wala rin kaya lumabas ako ng kwarto at sumilip sa kabilang kwarto. Una kong sinilip ang kwarto ni Dane pero wala si Yeonwoo don. Sunod kong sinilip ang kwarto ni Jackson at andon ang Yeonwoo na mausuyong hinahawakan ang tenga ni Jackson. Dahan dahan akong lumapit. "What are you doing, honey. Baka magising si Jackson" Bulong ko paglapit sa kanya.

"Hinahawakan ko lang tenga niya kasi malambot." Sagot nito

"Honey, baka magising si Jackson, may pasok pa siya bukas." Paalala ko kay Yeonwoo at tumango na siya saglit pa ay dahan dahan ng tumayo. "Honey kaya malambot nang tenga ni Jackson kasi wala ka ng ginawa kundi laruin ang tenga niya." Paalala ko dahil mula ata kong naglihi siya ay lagi niya ng pinagtitripan ang tenga ni Jackson

"Sarap lang kasi hawakan, hon." Nakangiti niyang sabi at sumamg ayon na lang ako.

"We'll go walking again tomorrow, Ok? Then sa Saturday sa park at sa Sunday after we go to church walking ulit."

"Hon, bakit lagi mo nireremind yan?" tanong niya

"Kasi ang hirap mo gisingin honey eh. You're gaining weight hindi pa man lumalaki ang tiyan mo kaya dapat galaw galaw ng konti para hindi ka mahirapan manganak."

"Naglalakad naman ako lagi sa office ah." Katwiran niya.

"Siyempre iba yon, ayaw mo ba akong kasabay magwalking?" tanong ko

"Of course hon gustong gusto ko." Sagot niya at ngayon ay nasa kwarto na ulit kami. "Start na nating magsabay ngayon" Sunod niyang sabi. Nagulat ako.

"Ha? What do you mean?" Taka kong tanong.

"Sabay tayo maghubad, tapos sabay tayo humiga sa kama tapos..."

"Yeonwoo?!" Pinanlakihan ko siya ng mata.

"Sige na hon para kamukha mo si baby." Sagot niya.

"Not that again Yeonwoo..." kontra ko pero nangiti lang siyang nakakaloko.

"Oh yes, hon..." Sagot niya lang at wala na akong nagawa.

YEONWOO'S POV

"Hyebin I want ice cream." Bulong ko kay Hyebin habang nasa morning briefing kami sa conference room.

"Yeonwoo ang aga aga ice cream ka diyan..."

"Kahit yong pint lang, sige na."

"Bakit ako andiyan secretary mo oh." Tanggi niya sabay nguso kay Joy na nasa kabilang tabi ko.

"Sumbong kita kay baby mo..." Banta ko

"Walang ganyanan, braf." Bigla niyang sabi.

"Kaya nga bili ka na..."

"Labo mo naman, Yeonwoo."

"Sige na..."

"Anong flavor?" Tanong na niya at natuwa ako.

"Try ko nga kung masarap yong Crocodile Ice Cream..."

"Ano?!" Mataas na boses ni Hyebin at lahat ay napatingin sa aming dalawa. Biglang tumahimik si Hyebin pero ang sama ng tingin sa akin. Ngumiti lang ako sa mga nasa conference table at sumenyas na ituloy ang ginagawa nila.

"Sige na bili ka na..." Parang bata kong sabi, ewan ko ba bakit bigla kong naisip yong flavor na yon. Iiling iling si Hyebin

"Saan naman ako bibili non. Aber?" Tanong niya.

"Sa Davao..."

"Ano?!" Sigaw niya at muli nabaling sa amin ang tingin ng lahat. "Niloloko mo ba ako Yeonwoo..." Hindi na niya napigilang sabihin at napako na sa amin ang tingin ng lahat. Kaya tumayo siya at nagpaalam. "Excuse us." Sabi niya sabay hila sa akin palabas ng Conference room. "Crocodile ice cream? Davao? Seryoso?" Tanong niya paglabas namin.

"Oo..." Simpleng sagot ko.

"Pupunta pa ako ng Davao ngayon?"

"Oo..." sagot ko ulit.

"Kakainin mo ngayon?"

"Oo..."

"Yeonwoo sa Davao yon hindi diyan sa kanto lang."

"You can use the chopper..." Sagot ko na parang wala lang at lalong nanlaki ang mata niya kaya dko napigilang matawa.

"Ice cream lang ichochopper mo pa?"

"O sige magbook ka ng flight ngayon na at balik ka rin agad kung ayaw mo ng chopper." Sabi ko at iiling iling siya.

"Tunaw na yon pag balik ko."

"You can can bring a special cooler or portable freezer." Dahilan ko. Nakita niya ata na talagang gusto ko kaya nagmakaawa na siya.

"Yeonwoo naman eh, may office tayo sa Davao pwede bang sa kanila ka na magpabili at ibiyahe na lang nila dito?"

"Ikaw ang gusto kong bumili eh." Sagot ko lang.

"Sadista ka pala pag naglilihi." Mahina niyang sabi saka ako iniwan at naglakad palayo habang nagkakamot. Nangiti ako, Yes! Tagumpay kong sabi sa isip isip ko. Naiimagine ko ng lasa ng ice cream na yon.

-

I'm already in my office when the door opened and in came Taeha in a bewildered look on her face.

"Is it true?" Tanong niya

"Ang alin?" Tanong ko pabalik.

"You're asking Hyebin to go to Davao just to buy you crocodile flavored ice cream?"

"Yes?" I plainly answered.

"Yeonwoo, seryoso sa Davao?" Ulit niya.

"Bakit ba kayo nagugulat. Ice cream lang pinapabili ko bakit parang ang hirap hirap gawin?" Reklamo ko na pero mas nakita ko lalo ang gulat sa mga mata ni Taeha. Nakaramdam ako ng lungkot, magsasalita na sana ako ng bumukas nanaman ang pinto at pumasok si Jooe

"Yeonwoo, nagpapabili ka ng ice cream sa Davao?" Halos di makapaniwala niyang sabi. That's it. Tumayo na ako at halos maiiyak na nagsalita.

"How could you give me that kind of look? I just want to eat ice cream. Masama ba yon? If you don't want to buy. Fine. I will get it myself." Sabi ko na sabay lakad palayo pero nahawakan ako ni Taeha

"Hey Yeonwoo..." Mahinahon niyang tawag na nangingiti. "That's not what we meant, I mean..."

"Kasi ang weird lang ng trip mo, brad." Si Jooe na ang nagsalita.

"Weird bang gustong kumain ng ice cream?"

"Hindi...pero..." Si Jooe ulit.

"It's ok..." Sabi ko na lang at tuluyan na akong lumabas ng office ko hindi ko na pinansin ang tawag nila.

"Yeonwoo?" Tawag ni Joy

"I'm just going somewhere..." Sagot ko kay AJoy

NANCY'S POV

"Hello Nancy?" Boses ni Hyebin na nagaalala.

"Hello Hyebin? May problema ba?" Tanong ko na rin na nagaalala.

"K-kasi si Yeonwoo umalis dito sa office hindi namin alam saan pumunta..."

"Ha Bakit?" Alala kong tanong at naikwento niya ang nangyari.

"Nagaalala lang kami kasi sabi ni Taeha baka dumeretso daw para bumili ng ice cream..."

"Sa Davao?" Ako na ang nagtuloy.

"Ang wierdo ng asawa mong maglihi Nancy. Nabubulabog ang opisina sa kanya." Natatawang sabi ni Hyebin

"I know." Nakangiting sang ayon ko. 

"Matampuhin pa, akala niya pinagkakaisahan namin."

"Oo nga eh, pasensiya na kayo ha."

"Walang problema, Nancy. Nakakagulat lang mga trip niya. Siguradong sasagot yon pag ikaw ang tumawag, ayaw sagutin tawag namin eh."

"Ok sige Hyebin, I'll let you know." Sabi ko na at nagpaalam na ko.

Then I dialed Yeonwoo's number after two rings.

"Honey?" Tawag ko

"Hello hon..."

"Asan ka?" Malambing kong tanong.

"At the airport, terminal 3."

"Anong ginagawa mo diyan, honey?" May pagaalala kong tanong

"Talking to some passengers who are willing to give up their seats and offering them free accommodation and double the price of their tickets just to let Hyebin take the flight today." Derederetso niyang sabi, nalito ako at nagulat.

"honey, alam na ba ni Hyebin ang plano mo?"

"I just sent her a message now to get ready, may nakausap na ako." Sagot niya na lalo kong kinagulat.

"Honey, gusto mo tayo na lang pumunta ng Davao?" Bigla na lang pumasok sa isip ko.

"You sure? But I want to eat ice cream today, hon." Sabi niya at hindi agad ako nakaimik.

"Ok, well then find another person willing to give up a seat and I'm going there right now with you." Sabi ko na.

"Talaga?" Nasa boses niya ang excitement. "Ok I'll wait for you, hon. I love you."

Tinawagan ko si Mama para magstay muna sa bahay habang inaayos ko ang overnight clothes na gagamitin namin ni Yeonwoo. Dahil lang sa ice cream na gusto niya natataranta na akong kumikilos ngayon. Naalala ko ang mga bata kaya naisip kong tawagan si Ms. Choim

"Hello, Ms. Choim?"

"Hello Mrs. Nancy?"

"Yes Ms. Choim sorry to call in the middle of your class but can i possibly talk to my kids?" Magalang kong paalam at pumayag naman siya.

"Hello Mama?" Si Dane

"Hello Sweetheart...Uhm Mama and Mommy are going to Davao tonight but we'll be back tomorrow, we just need to buy something." Paalam ko sa anak ko.

"You and Mommy? What are you going to buy?"

"Mommy wants to eat ice cream made in Davao."

"Is that far?"

"Yes, Baby..."

"Ok, take care of Mommy and baby po ha..." Bilin niya.

"Yes I will, baby. Bye, love you." Pagkababa ko ng phone ay nag ring agad. Si Hyebin, parang alam ko na kung bakit siya tumatawag.

"Hello, Hyebin?"

"Nancy! Kung hindi lang buntis ang asawa mo hinamon ko na siya ng suntukan!" Bungad niya na parang naiiyak na at natawa na lang ako. "Alam mo ba ang ginawa ng mahal mong asawa?"

"Calm down Hyebin. Yes I know Yeinwoo already told me. But don't worry kami na lang ang pupunta ng Davao..." Sagot ko

"Seryoso Nancy?" Pagbabagong tono niya.

"Yup, pero kailangan din naming bumalik kinabukasan. Kaya can you do me a favor please? Can you ask Joy to get us a flight back here tomorrow?" Himig pakiusap ko

"No problem, Nanct kahit ako ng maghahanap for you. " Masigla niyang sabi.

"Thank you so much, Hyebin..."

"No Nancy, thank you so very much for saving me..." Masaya niyang balik.

-

"Hmmmm ganito pala ang lasa, hon." Parang batang sabi ni Yeonwoo at nakapikit pa talaga siya at ninanamnam ang ice cream. Natatawa na lang ako pero matapos ang ilang subo lang ay inabot na niya sa akin. "Ubusin mo na, hon." Sabi niya at natulala ako.

"Ayaw mo na?" Tanong ko.

"Yup, just got curious kung anong lasa." Ngiti niyang sabi sabay halik sa akin. Hay naku Yeonwoo sabi ko sa isip ko habang unti unti ko ng inuubos ang ice cream niya bukod sa sarili ko pang ice cream na inorder niya. Bumiyahe kami mula Manila para tikman lang niya ang ice cream na to. "Something wrong?" Nagulat pa ako sa bigla niyang tanong.

"Nothing, honey." Sagot ko agad."Bakit mo natanong?"

"Kasi bigla kang tumahimik..." May himig lungkot sa boses niya. "If you don't want to finish my ice cream, it's ok..." Sabay hawak niya sa ice cream niya na binigay sa akin.

"No!No! Honey." Biglang hawak ko sa kamay niya at bawi sa ice cream cup. "I will finish this."

"Bakit tumahimik ka?" Ulit niya.

"Kasi I'm enjoying the taste of this ice cream." Yon na lang agad naisip kong dahilan. Sana maniwala siya, maya maya pa ay ngumiti na siya.

"Masarap noh, hon." Ngiti na niya ulit na sabi. Hay salamat.

"Yes, honey masarap." Sang ayon ko na. "What else do you want to eat?" Alok ko pero umiling na lang siya.

"Let's buy na lang pasalubong sa mga bata." Sabi niya.

"Ok, honey." Sagot ko na lang. "After here deretso na tayong mamili?" Tanong ko at tumango na siya.

"Sana pala nag private plane na lang tayo o kaya yong chopper, hon." Bigla niyang nasabi makalipas ang ilang minuto.

"Bakit naman? Tsaka magastos na yon, Honey." Sabi ko na.

"Kasi parang gusto kong kumain ng empanada." Sagot niya.

"Ok we'll look for empanada here" Sabi ko na "Pero bakit gusto mo pang mag chopper or private plane?"

"Not empanada here, hon." hindi niya pagsagot sa tanong ko.

"Ha? Saan?" kinakabahan kong tanong sa kanya.

"Sa Vigan..."

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
YeonYun #1
Plss continue write some nanwoo stories 🥺
iana013
#2
Fam write other stories please
Keiill
#3
Chapter 36: I really really love this story :) I want to re read this again.. If you want to make an another story about nanwoo author, I will there and read it. Thanks for this :)
usrcvi #4
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️
usrcvi #5
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️
usrcvi #6
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️
usrcvi #7
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️
usrcvi #8
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️
usrcvi #9
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️
usrcvi #10
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️