Chapter 3

Arranged Marriage

ARRANGED MARRIAGE

Chapter 3

THIRD PERSON POV

Maagang nagising si Nancy pero wala na si Yeonwoo sa kama nila. Bumangon siya, agad na pumasok ng bathroom at saka bumaba, nagbabakasakaling maabutan niya sa dining area si Yeonwoo

Nagmamadali siyang bumaba pero biglang nahinto sa paglalakad ng mapansin kung sino ang nakaupo sa hapag kainan. Si Lolo Pablo na nagbabasa ng diaryo, gusto niyang umurong at maglakad pabalik sa kanilang kwarto pero napansin na siya ng matanda.

"O, Nancy. Hija gising ka na pala." sabi nito at sabay baling sa nakatayong kasambahay na nasa tabi ng matanda. "Jenny, pakitawag mo na si Yeonwok, sabihin mo gising na si Nancy. Halika ka na Nancy, umupo ka na apo nang makakain na tayo ng almusal." tawag niya sa gulat na si Nancy. Hindi agad siya nakakilos, parang hindi siya makapaniwala na andon pa si Yeonwoo, akala niya ay pumasok na siya. Lihim siyang napangiti at dahan dahang naglakad sa pwesto ng matanda at humalik saka umupo malapit sa kanya. Maya maya pa ay nakita na niya si Yeonwoo galing sa labas na mukhang katatapos lang makipag usap sa phone.

"Hi, morning." bati ni Yeonwoo na nakangiti ng makalapit na kay Nancy

"Good morning." balik niyang bati at nakangiti na rin. "I thought you left."

"Hindi pa tayo nagbreakfast, di ba?" tanong ni Yeonwoo at napatango lang si Nancy. "Let's eat, I'm late."

"Sorry, tinanghali kasi ako ng gising." hinging paumanhin ni Nancy
.

"It's alright, it's good that you slept well last night." sagot ni Yeonwoo. Hindi nila namamalayan ang mga tinging palipat lipat sa kanilang dalawa ni Lolo Pablo at ang lihim na ngiti mula sa kanya.

"Mga apo, andito ako." pukaw niya sa matamis na tinginan ng dalawa at seryosong tumingin si Yeonwoo sa lolo niya habang mukhang nahiya bigla si Nancy. Natawa ang lolo nila at masaya silang kumain, kahit madaldal si Lolo Pablo ay hindi nagrereklamo si Yeonwoo
.
Pagkatapos ng masayang almusal ay nagpaalam na si Yeonwoo. Humalik siya kay Lolo Pablo at lumapit kay Nancy

"Got to go. Bye." sabay halik niya kay Nancy

"Okay, ingat." ngiting balik ni Nancy

Nang pasakay na si Yeonwoo sa kotse ay narinig niyang tumawag si Nancy, nasa likod na pala niya at sumunod.

"Yeonwlo." at napalingon siya.

"Yes, Nancy?"

"Can I go out with Daisy tonight?" sabi niyang nagpapaalam. Nagulat si Yeonwoo

"You don't have to ask permission--"

"---But I want to." sagot ni Nanct na parang napahiya at tumalikod na para pumasok. Bigla namang nataranta si Yeonwoo at hindi alam ang gagawin. Humakbang siya pabalik at hinabol si Nancy

"N-nancy." may lakas ngunit mahinahon niyang tawag at lumingon ang tinawag niya.

"Just don't drink and drive. Ok?" ngiti niyang bilin at kita ang saya sa mga mata ni Nancy ng tumango ito.

"Y-yes. I won't." sagot niya at kumaway pa bago tuluyang pumasok ng bahay.

Hindi namalayan ni Yeonwoo na nakangiti na rin siya ng sumakay sa kotse.

"Maganda ba ang gising o masarap lang ang almusal?" biro ng may edad ng driver kay Yeonwoo dahil sa magandang aura ng dalaga.

"Pareho ho, Mang Julio" patol naman niya sa biro nong isa.

YEONWOO'S POV

I'm not sure if I'm smiling the whole trip to work but I think I am because Mang Julio would glance at me once in a while and smile. Hindi ko na lang pinansin kasi sigurado kantiyaw lang ang aabutin ko. Don't know but I felt so light today, parang ang gaan lang ng pakiramdam at ang saya ko at hindi ko alam kung bakit.

Pagpasok ko sa building ay parang kita ang gulat sa mga nakakasalubong ko. Ano ba kasing bago sa akin bakit hindi ko maintidihan ang mga tingin nila, parang alanganing gulat o nahihiyang ngumiti. Pero gaya ng dati ay andon pa rin ang magalang nilang bati.

"Good morning po, Ms. Yeonwoo." halos sunod sunod nilang sabi. Mula sa guard hanggang sa mga nakakasalubong kong empleyado ng kumpanya.

"Good morning." tipid kong sagot pabalik na nakangiti. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko pero nakisabay ako sa elevator na ginagamit ng mga empleyado ko. I have my private elevator but this time I chose to be with the crowd. Ewan ko rin I just felt being with them. Pagbukas ng elevator ay may ilang bumaba at nang wala ng laman ay wala pa ring pumapasok, I looked at them and they're looking at me too.

"Sige na Ms. Yeonwoo. Pasok na po kayo, sunod na lang po kami." I male employee gentlemanly said and gestured as he and the rest gave way for me. I walked towards the open door and when I was inside no one moved to follow me. Nagkakatitigan lang kami ng mga tao sa labas ng pinto when the door slowly closing, hinabol ko ang open button and pressed it again kaya nagbukas muli ang pinto at kita ang gulat sa kanilang mga mukha.

"Hindi kayo sasabay?" tanong ko at para silang mga tuod na di gumagalaw. So I decided to step out. "Sige kung ayaw niyo akong kasabay kayo na lang ang mauna." I said as I stand outside. Just then an elderly female employee stepped forward.

"Naku, Ms. Yeonwoo pasensiya na po nanibago lang ang mga ito. Halina kayo sumabay na kayo at ng makarating na kayo sa mga sadya niyong department floors." she said and only then they followed her. I just stayed behind and didn't move.

"Ms. Yeonwoo, pasok na po kasya pa po." ulit ng matandang babae at nangiti akong pumasok. Tahimik sa loob ng elevator bawat isa ay nakikiramdam, halos every floor ay may bumababa kaya panay ang bukas ng pinto at sa bawat bukas ay makikita ang gulat ng mga tao sa labas pag nakikita ako, mapapansin mo ang bigla at alanganin nilang pag pasok. Ang iba ay umaaktong hindi na tutuloy.

Kahit medyo nakakainip ang bukas sara ng elevator hindi ko alintana. Masaya ang umagang ito para sa akin at hindi ko maipaliwag kung bakit. Pagbukas muli ng elevator ay nagsilabasan na ang halos lahat ng nasa loob, ako na lang ang natira, I realized malapit na ako sa top floor.

Natatawa na lang ako sa loob loob ko. Umabot na sa top floor ang elavator at sa paglabas ko ay nakita ko si Hyebin na nakaabang na sa private elevator. She's unconsciously tapping her right foot and looking at her wristwatch as if inip na inip na.

"Hi Hyebin..." bati ko sa kanya sa likod niya.

"Ay butiki!" gulat niyang sabi at natawa ako.

"Ano ba yan Hyebin kailangan mo ba talagang tawagin ang kalahi mo pag nagugulat ka?" natatawa kong sabi. Pero mas nagulat ata ako sa reaction niya, tulala at mukhang gulat na gulat siya.

"Yeonwoo? Ikaw ba yan, brad?" takang tanong niya.

"Bakit?" tanong ko pabalik.

"Anong nakain mo?" siya muli.

"Bakit ngayon ka lang naging interesado sa pagkain ko?"

"Sana araw araw yon ang kainin mo."

"At bakit?" patol ko na sa kanya.

"Kasi maganda ang mood mo eh..."

"Bakit mo naman nasabi yan?" kunwa kong naiinis.

"Kailan ka ba huling nag biro? Kung matatandaan ko graduation pa natin ng college yon eh." sabay tingala niya at natawa ako dahil mukha talaga siyang nag iisip.

"Nagbibiro ako, hindi mo lang ako pinapansin." dahilan ko.

"Iba ang biro sa pagiging sarcastic, Yeonwoo." sagot niya. "Tsaka kailan ka pa gumamit ng elevator doon?" sabay turo niya sa lugar kung saan ako nanggaling.

"Ngayon. Mamya. Bukas." walang emosyon kong sagot.

"Bakit?"

"Bakit hindi?" balik ko.

"Something happened?" hirit pa niya.

"Why so many questions, Hyebin? Kanina lang mukhang inis na inis ka na dahil late ako. Ngayon para kang reporter kung makatanong." reklamo ko sa kanya.

"What's new?" pagbabalewala niya sa tanong ko. "Kahit malate ka araw araw brad, kung ganyan ang aura mo, i won't mind."

"You're funny, Hyebin." iwas ko at naglakad na papasok ng office.

"You're weird, Yeonwoo." habol niya sa likod ko.

"Alam ko matagal na akong wierd, Hyebin."

"Pero ngayon ka lang naging weird na masaya..." balik muli niya na nagpahinto sa akin at napalingon ako sa kanya.

"What?" confused kong tanong.

"So, tell me? What's new?" balik niya muli.

"Nothing's new, Hyebin. Ang tanging bago lang sa akin was what happened two weeks ago, remember?"

"Two weeks ago you looked like you're about to be executed..."

"Don't Hyebin..." pigil ko sa kanya.Mukhang alam ko ng susunod niyang sasabihin.

"Now you look like you just came from a honeym---"

"Hyebin!!!" Sigaw ko. "Wala pang nangyayari sa amin ni Nancg!" gulat kong sagot at napansin ko ang nakakaloko niyang ngiti saka ko naisip ang binitawan kong salita.

"Masyado kang defensive, brad." sabay naunang lumakad sa akin at pangiti ngiti. Yeonwoo minsan kasi mag isip ka muna bago sumagot, sermon ko sa sarili ko. "Ok lang kung wala pa, darating din kayo don." mahina ngunit dinig ko pa rin. Sasagot na sana ako ng marinig kong may nagsalita sa likod ko.

"Oo, nangyayari talaga yan sa mga arranged marriage. Nagkakahiyaan pa." si Jooe na bagong pasok. "Try to make the first move, malay mo."

"Jooe!" sigaw ko sa kanya. At napansin kong nag kindatan silang dalawa ni Hyebin kaya hindi ko na lang sila pinansin at umupo na ako sa table ko para tingnan ang mga naka tambak nanamang mga papales.
-
"Alam mo, Yeonwoo yong secretary mo kahit nakaleave parang andito pa rin. Kung makareact pa parang jowa ka niya." sumbong ni Jooe. "Kung makisuyo siya parang utusan niya ako, akala mo ang lapit lang ng department ko dito kung makautos"

"Bakit naman siya makikisuyo sa'yo?" kunot noo kong angat ng tingin kay Jooe

"Kasi pinatitingnan ka kung andito ka na raw sa office mo dahil may mga pipirmahan ka nga daw pero wala ka pa. Hindi mo daw sinasagot ang tawag niya."

"Hindi ko na siya nasagot kasi may kausap akong client kanina."

"Kaya pala hindi mapakali. Pasalamat siya at anak siya ng paborito kong Tito kung hindi nakarinig na siya sa akin."

"She's on leave kaya wala siyang obligasyon habang wala siya dito, I told her that. And Hyebin's here to assist me. Right brad?" sabi kong nakangiti kay hyebin

"Bakit ang bait mo Yeonwoo?" balik niya.

"Ewan ko, bakit hindi ba ako mabait?" patol ko sa kanya.

"Hindi!" walang takot niyang sagot.

"Really. Well, I'm not aware of it. Can you make me my coffee, please?" pakiusap ko kay Hyebin

"That's the Yeonwoo, I know. Except for the 'please'." sabi niya sabay iling at lumabas na. Hindi ko lang alam kung bibigyan niya ako ng kape.

"Yes, Jooe?" tanong ko sa isa pang hindi natitinag sa harap ko.

"You're secretary asked me to be sure you'll sign those papers." nakapameywang niyang sagot.

Sa tono ni Jooe baka kanina ko pa siya pinalabas kahit na sabihin pang barkada ko sila nong college. Kasi kung umasta parang siya pa ang boss ko. Pero magaan nga ata talaga ang pakiramdam ko sa araw na ito. Tiningnan ko lang ang papales sa harapan ko, binasa saglit saka ko pinirmahan.

"Here, signed and ready to go. You can take it now. Thank you." sabi ko matapos kong pirmahan.

"Meron pa, marami pang nasa table mo bakit ito lang pinirmahan mo?" tanong niya habang inaabot ang tapos ko ng pirmahan.

"Didn't my secretary tell you that that's the one she's referring to and all this should need my review first?" patungkol ko sa isang tambak pang mga folders.

"Ah, ok. Yong babaeng yon talaga. Makikisuyo na lang kulang pa sa instructions. Ok Bye. Thank you." at umalis na siya. napapailing na lang ako. Sila lang ni Hyebin, Ahin at Taeha ang mga iilang taong pinagkakatiwalaan ko mula ng ilipat sa akin ni Lolo Pablo ang pamamahala ng kumpanya. Lolo Pablo owns the majority of the shares in Lee Group of Companies and he transferred that shares to me two years ago. Hindi ko maiwanan si Lolo dahil matanda na siya pero hindi ko inaasahan na sa akin niya ililipat ang shares niya sa kumpanya. Hindi daw niya pwedeng ibigay kay Dad dahil gusto daw ni Dad mag pundar ng sarili niya, dahilan kaya hindi siya napigilan ni Lolo na umalis ng bansa. Nagiisang anak na lang daw niya iniwanan pa siya. Ayaw namang ibenta ni Lolo ang kumpanya dahil sa pagmamahal niya kay Lola. Nanatili ako sa tabi ni Lolo dahil sa kanya ko naramdaman ang pamilya na hindi ko naramdaman sa mga magulang ko.
-
The short meeting for the day has just finished and I'm on my way to my office when my phone rang.

"Hello?"

"Y-yeonwoo." rinig kong tawag sa akin. Familiar voice but I'm not sure. Gusto kong isipin na siya pero parang hindi ako maniwala we don't have each other's number, that I'm sure of.

"Yes?" sagot ko, hoping to hear her again.

"It's Nancy. Ahm...I got your number from Lolo Pablo...Ahm I hope you don't mind?" mahina niyang sagot. It's really her.

"No!" halos malakas na boses kong sagot, I realized medyo napalakas ata kaya natahimik ako saglit. "I mean. No. No. Sorry kung medyo napalakas. Nabigla lang ako. I'm not expecting. Honestly. Just surprised. You know." Hey Yeonwoo anong pinagsasabi mo?gising ng utak ko.

"It's ok...I ah...I ah...did I call in a bad timing?" alala niyang tanong.

"No! Of course not, Nancy. I'm free for you." ay mali bulong ko sa isip ko "I mean I'm available for you" what Yeonwoo? sermon ng utak ko. "Oh I'm sorry Nancy I don't mean to---"

"Nag lunch ka na?" putol na lang niya sa mga wlang kwenta kong kadaldalan. Just then I realized it was past 12 noon.

"I'm about to." tanging sagot ko na lang.

"Can we eat lunch together?" sunod niyang tanong at para akong biglang tuluyang natauhan. Totoo talaga, kausap ko si Nanct. Natulala ako ng ilang segundo. "B-but if you don't want to---"

"No!No!No! I mean yes...yes..of course I want to." I love to bulong ng utak ko...what I love to? good thing I didn't voice it out loud.

"Ok then see you, Yeonwoo?"

"Ok, but where?"

"At your cafeteria..." sagot niya.

"You're in the building?" taka kong tanong.

"I'm about to. Well, I have an appointment later near your place but I'm on my now from my morning schedule. I decided to invite you for lunch before my next stop since lunch na rin naman at wala akong kasabay kumain. Daisy will be there after lunch pa eh." she explained.

"Ganon ba? Is it ok with you to eat here at the cafeteria?" tanong ko.

"Sure, Yeonwoo. No problem."

"Ok then. I'll wait for you."

"Be there in 10mins.?" nagulat ako.

"Ha? Ok. See you." tanging nasabi at nagmamadali ako at halos patakbong tinungo ang private elevator.

"Hey, brad. Saan punta mo?" takang tanong ni Hyebin

"Lunch." sagot ko lang at nilampasan ko na siya papuntang elevator.

"Kailan ka pa nagmamadali for lunch?" balik niya but I didn't answer instead pressed the button on my private elevator. "Gutom lang?" habol ni Hyebin, still I didn't answer. Nilingon ko lang siya as I entered and I saw her curious look and just then hinabol ako sa elevator pressing the open button. "Wait!" sigaw niya.

"What the...?Nagmamadali ako, Hyebin!" sigaw ko nang bumukas muli ang pinto ng elevator.

"For lunch?"

"Yes?!" I simply said and pressed the close button but it seems like she's not satisfied and rushed to the door again extending her hand to open.

"Ano ba Hyebin!" sigaw ko na ulit.

"Who's with you?" tanong niya.

"Sino bang lagi kong kasabay?" sagot ko.

"Nagmamadali ka dahil lang kay Mang Julio kasi obviously andito pa kaming kasabay mong kakain?" she doubted. Because aside from her Jooe and Taeha, kasabay ko din si Mang Julio kumain.

"Hyebin please take off your hand." pakiusap ko ng naiinis.

"Okay." she simply said with a smirk but still the door isn't closing. I look down and saw her other foot extended.

"Hyebin! I'm gonna fire you!" banta ko na.

"For Mang Julio, you'll gonna fire me?" sarcastic niyang sagot.

"I will call the security." I said while dialing my cellphone.

"Just for lunch you're gonna jail me?" natatawa na niyang sabi. Tinitigan ko siya ng masama pero hindi siya natinag. She's looking at me as if she's waiting for me to satisfy her curiosity. Talo na ako.

"Fine!" pagsuko ko na. "Nancy's downstairs and waiting for me. Happy?" inis ko ng sagot. Then she flashed a teasing smile while slowly pulling off her foot from the door.

"Very." she simply answered. "Very happy for you. Kanina mo pa sana sinabi, di sana dka nalate sa ka lunchdate mo." she said

"It's not a lunch date!" sigaw ko habang pasara ang pinto ng elevator.

"Whatever..." sagot niyang tumalikod na at tuluyan ng nagsara ang pinto ng elevator. Saka ko lang naisip. Oo nga bakit ba ako nagmamadali?

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
YeonYun #1
Plss continue write some nanwoo stories 🥺
iana013
#2
Fam write other stories please
Keiill
#3
Chapter 36: I really really love this story :) I want to re read this again.. If you want to make an another story about nanwoo author, I will there and read it. Thanks for this :)
usrcvi #4
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️
usrcvi #5
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️
usrcvi #6
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️
usrcvi #7
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️
usrcvi #8
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️
usrcvi #9
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️
usrcvi #10
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️