Chapter 28

Arranged Marriage

ARRANGED MARRIAGE

Chapter 28

YEONWOO'S POV

"We could have drop by at the hospital, Hon para masigurado natin na ok kayo ni Baby." I worriedly said but Nancy shook her head.

"It's just a stomach cramp, honey. I'll be fine." Sagot niya. "The kids are waiting for us." Dagdag niya, Nancy is 6 weeks pregnant and this pregnancy is giving her difficult moments. She's been experiencing morning sickness, vomitting at times. She said that it's normal pero hindi siya ganito noon sa kambal at lalo akong nagaalala sa kanya. We just came from a dinner with Jennie and Lisa, the two are planning to go back to US after more than two months of getting married. They too wanted to have a baby of their own. Nauna na kasi silang umuwi after their wedding because of commitments.

"Napapadalas na ang sakit ng tiyan mo, hon." Sabi ko na. "We're going to the doctor tomorrow and I won't take no for an answer."Utos ko.

"The kids have a school program tomorrow and I need to be there, honey." Tanggi niya.

"I can ask Yaya Caring to go with them to the school."

"No, honey. Please kaya ko pa naman eh. After school I will call you and we can go to the hospital." Pakiusap niya.

"Pero Nancy." Pakiusap ko pabalik.

"It's just a half day event, I will call you after lunch." she insisted. Wala na akong nagawa.

"Ok, sige. We will go after lunch then." Sabi ko nang pagsuko.

-

I woke up with a sound of vomit, it's Nancy again at agad akong napabangon at tumakbo ng bathroom.

"Hon, are you alright?" Tanong ko ng makita ko siya.

"It's just a morning sickness, honey." sagot niya.

"We can go to your doctor this morning if you want." alok kong muli.

"We agreed to go later, didn't we? I can handle this. Pangalawang pagbubuntis ko na ito Yeonwoo. There's nothing to worry."

"You've been delaying your appointments to the doctor, Nancy. Mas dapat ngayon ka nagpapa doctor."

"I'm sorry honey, this time tuloy na tayo. Maaga pa kasi para magpacheck up eh." pag kalma niya sa akin.

"We are definitely going, hon. Namumutla ka na eh." Alala ko na sa kanya.

"I'm sorry for keeping you worry too much, honey." sabi niya sabay halik sa akin. "It is still very early, we can still go back to bed." Aya na niya sa akin. Nahiga na muli kami pero hindi na ako makatulog. "I will asked na rin why I often have this stomach pain at madalas na morning sickness." bulong niya as I am spo.oning her.

"Matagal na kitang tinatanong if you already had your check up pero sabi mo normal lang ang nararamdaman mo."

"I know, I know. I'm sorry..." she said kissing the back of my hand that's holding her. Minutes passed naramadaman kong nakatulog na si Nancy pero hindi pa rin ako makatulog, nagaalala na talaga ako sa kanya. Alam ko maaga pa ang pagbubuntis niya pero kita ko ang paghihirap niya. I want a special care for her but she insisted that it's just normal. pag nakikita ko siyang laging pagod at madalas mag banyo ay nagaalala na ako. Mas nag panic ako when I saw her bleeding but she said it was the same as she had the twins before. I don't know why pero nagaalala talaga ako sa pagbubuntis niya ngayon.

-

We're in the middle of discussion with one of our team when Joy came rushing in to me.

"Yeonwoo, emergency. Sinugod si Nancy sa hospital..."

"What?!..." bigla kong tayo. "Bakit daw?" Pero hindi ko na hinintay ang sagot niya. I immediately got my phone and dialed. "Hello Dada are you in your office?... si Nancy po..."

-

"Anong nangyari, Ya?" tanong ko habang nasa daan kami at kasama ko si Dada. Tinawagan ko si Yaya at nasabi niyang si Mama Myeongju at Mang Julio ang nagsugod kay Nancy sa hospital at naiwan ang mga bata.

"Hindi pa sila nakakaalis ng bahay, Yeonwoo pero kita ko nang hirap na hirap si Nancy kaya kako ay tawagan ka at punta na lang kayo ng doktor pero pinigilan niya ako kaya ang Mama Myeongju na lang niya ang tinawagan ko dahil nagpipilit pa ring ihatid ang mga bata sa school. Pagdating ni Myeongju ay kinumbinsi na siyang magpatingin pero ang sagot lang ay hihintayin ka. Kaso nakita siya ng kambal na halos mahimatay na sa kwarto kaya antimano isinugod na nila sa hospital."

-

"I'm sorry, Yeonwoo. It was not detected at an early stage, Nancy's life is in danger because of ectopic pregnancy. We need to act now or she'll be in great danger. She already had internal bleeding. We have no choice, you cannot keep the baby, hindi rin mabubuhay ang bata because the baby's outside her womb...I'm really sorry, Yeonwoo." Balita ng doctor at pakiramdam ko ay para akong nasakluban ng langit at lupa. Hindi ko magawang maniwala sa narinig ko, parang panaginip lang. "Yeonwoo...." Tawag ng doctor.

"H-how?...I mean...Why?" Wala akong mahagilap na sabihin.

"I already suspected that it was the case when she called me and asked about her symptons. Actually I asked her to visit the clinic often especially when she felt severe pains...But she said it's too early to come."

"P-pero wala siyang sinasabi sa akin..." sagot ko.

"M-maybe she thought it's just normal and like I said maaga pa para sa kanya."

"You should've called me, Doc."

"I'm supposed to, Yeonwoo. Kung hindi pa siya pupunta ngayon. I will really call you. You have to talk her, I already explained her situation but she insisted in keeping the baby."

"Is there really no chance for the baby?"

"I'm sorry Yeonwoo, wala sa tamang lugar ang bata. The baby cannot make it. Nancy's life will be in danger kung patatagalin pa niya ang bata sa katawan niya. Tell me when you both are ready, I can't let her leave this hospital with her condition." Sabi ng doctor at hinawakan ang aking mga kamay "I'm sorry Yeonwoo, there is nothing we can do with the baby." Sabi nito at niyakap ako.

-

"No, Yeonwoo. I will keep the baby."

"Pinaliwanag na sa akin ni Doc. Lei, Nancg and I know she explained to you, too. Hindi rin mabubuhay ang bata..."

"Maaga pa para sabihin nila yan..." she reasoned. She's now in a private room. I looked at Mama Myeongju and worry is visible in her face.

"Nancy, nahihirapan ka na. Namumutla ka na. You're bleeding. Pag tumagal pa you'll get worst and I won't let that happen."

"I'm alright, Yeonwoo. Normal sa akin ang makaramdam ng ganito."

"No, you're not. Please Nancy."

"This is my body and my baby, Yeonwoo. Ako ang magdedisisyon." pagmamatigas niya at binitawan na ang kamay kong hawak hawak niya. "I will keep this baby..." Napalingon ako kay Mama Myeongju at napapailing siya habang kita na ang sobrang pag alala sa anak.

"You're putting yourself in danger, Nancy."

"I'm not, maaga pa para sabihin niyong hindi mabubuhay ang bata."

"Maaga pa pero nahihirapan ka na, Nancy. We have to save you."

"No!" matapang niyang sagot. "

"Anak..."tawag ni Mama Myeongju kay Nancy

"This is my baby, Ma. Ayaw ko siyang mawala sa amin."

"Ayaw ko rin naman Nancy, eh. Sa tingin mo ba hindi ito masakit para sa akin? Anak natin siya pero we have to give up the baby because there is no chance na mabuhay siya."

"No! That's not true! Don't day say that..." Sigaw na ni Nancy

"Please Nancy. Huwag mo ng pahirapan ang sarili mo. Alam na natin ang totoo."

"Madali lang para sa'yo ang sabihing igive up because this is not your baby."

"Anak ko rin siya!" halos pasigaw ko na ring sagot.

"Then we have to do something for the baby, Yeonwoo, please." Pakiusap niya at sabay hawak muli sa kamay ko. I held her hands too and sat beside the bed and kissed her hands.

"There is nothing we can do, Nancy. You and I both know that. Sinabi na ni Doc. Lei, pag tumagal pa ang baby sa katawan mo mas lalong manganganib ang buhay mo at hindi ko hahayaan mangyari yon."

"No, please. Yeonwoo, punta tayo ng abroad or let's go somewhere where they can help us save the baby." iyak na niyang sabi, kita ko ang hirap na kanyang nararamdaman sa kanyang mga mata pero mas nakikita ko ang pait ng katotohanang mawawalan kami ng anak. "Please, Yeonwoo."

"N-nancy, they tried to let me talk to the experts and Doc Lei even called her associates abroad to explain to me about your pregnancy, they have the same opinion. There's nothing they can do." Paliwanag ko. Hindi ko rin tanggap an mawawalan kami ng anak at ginawa lahat ni Doc Lei ang paliwanag na kaya niyang gawin para maunawaan ko ang sitwasyon ni Nancy. Sinabi niya na sinubukan niya yong ipaliwanag kay Nancy pero hindi niya pinakinggan at nauunawaan ko ang asawa ko. Masakit tanggapin lalo na at matagal naming hinangad na magkaanak muli.

"Don't let them take away our baby, please Yeonwoo."

"If I won't let them mawawala ka din sa amin, Nancy. Paano na kami ng mga anak mo kung mawawala ka rin?" Nasabi ko ng naluluha.

"Please, Yeonwoo. Don't let them, Please." iiling iling niyang pakiusap. Wala na akong nagawa kundi ang yakapin siya. "Let's go to another hospital, please."

"Nancy you're safe here, you're been well taken cared of. Dito mo rin ipinanganak ang twins natin. We have to trust them." bulong ko sa kanya.

"Please, Yeonwoo. They're going to take away my baby from me."

"We have to give up our baby, Nancy."

"No!No!"No!" Sunod sunod niyang sigaw at nagiging hysterical na siya. "Ahhh" sigaw niya bigla sabay hawak sa kanyang tiyan. Namimilipit na siya sa sakit.

"Nancy!" taranta ko ng tawag kay Nancy at siyang pasok ng nurse, pagkakita kay Nancy ay umalis agad at ilang segundo pa ay dumating na si Doc Lei at may sinabi sa nurse.

"Nancy. Please calm down." sabi niya pero nanatiling namimilipit sa sakit si Nancy

"Doc, tulungan niyong asawa ko..." pakiusap ko. May ininject sa kanya si Doc at ilang segundo pa ay kumalma na si Nancy

"Yeon...woo. Don't...let...them." putol putol na pakiusap ni Nancy habang pumapatak ang luha niya. Niyakap ko siya.

"Take some rest, hon. We'll talk again when you wake up." bulong ko at halik sa kanyang noo.

-

"You have to decide, Yeonwoo for your wife." gising ni Doc Lei sa diwa ko, matagal akong tulala. Sumakit nanaman ang tiyan ni Nancy at kailangan na siyang maoperahan. "If you're ready just let me know." Matagal akong natahimik muli. "I'll just leave you for a while." magalang na paalam ng doktor at tumango lang ako.

"Mohmi?" tawag ni Jackson na nakasilip sa pintuan ng clinic ni Dra. Lei. Napalingon ako at tiningnan ang anak ko saka ko siya nginitian at tinawag na pumasok.

"Come, Jackson." tawag ko at pumasok siya. "Where's Dane?" tanong ko paglapit niya sa akin.

"With Lolo Dada, going to Mahma's room." sabi niya.

"Sino kasama mo?" takang tanong ko at umiling siya.

"I said to Lolo Dada iwan ako para me kasama ka." he said and held my hand. "You alright Mohmi?" tanong niya then held my face. "You crying agen?" pansin niya at agad ako nagpahid ng luha.

"I'm just worried for your Mama's health." sabi ko.

"Will she be alryt? Is baby alryt too?" tanong na niya, hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Baby is not alright, Son." Umpisa ko. "May sakit siya at hindi na natin siya makakasama?" pagtatapat ko sa kanya. Kita ang gulat sa kanyang mukha.

"Why, Mohmi?" tanong niya at hindi agad ako nakapagsalita "Baka po nagalit baby sa amin Dane that is why baby don'th wanth to stay with us" malungkot niyang sabi.

"Why did you say that, Jackson?" tanong ko.

"Kasi away kami ni Dane, she wanths baby sister but I wanth baby brother..." sabi niya at mukhang iiyak na.

"Shhhh...hush Son. That's not true. Baby's not mad or anything." alo ko sa anak ko. "Look at me Jackson..." hawak ko sa pisngi niya. "Baby needs to go, kung hindi natin siya igigive up magkakasakit din si Mama..."

"What will they do to Mahma?" tanong niya.

"She needs to be operated, Anak. But after the operation there is no baby anymore and I know Mama will be very upset and sad after the operation..."

"Because the baby is no longer on Mahma's tummy?" tanong niya at napatango lang ako.

"I will be sad too, Mohmi and Dane too..." sabi niya.

"We're all sad for baby, Son. But baby can no longer stay with us. Doctor said the baby cannot live inside Mama's tummy." paliwanag ko.

"Baby will die?" Tanong niya at naluha ako dahil ayaw kong isipin ang ganon kaya hindi ko kayang banggitin. Tumango lang ako.

"Then baby will be our angel instead?" sabi niya.

"What?" tanong ko pabalik.

"Sabi Lolo Pabs Lola Mhin is now an angel watching over us..." sabi niya "Baby will be an angel righth, Mohmi?" tanong niya ulit.

"Yes...yes, Anak." sagot ko at niyakap na siya at dko na mapigilang umiyak.

"It's okay, Mohmi. Baby angel will be with us too." sabi habang balik yakap sa akin.

-

"I know she'll get mad at me, Mama pero I need to do this to save her."

"Naiintindihan kita, Anak. Darating ang araw ay makikita ni Nancy kung bakit ikaw na ang nagdesisyon." Sabi ni Mama Myeongju habang nasa labas kami ng Operating Room. "Bilang Ina nauunawaan ko siya, ina rin ako, Yeonwoo. Masakit para sa akin ang mawalan ng anak kahit dugo pa lang siya sa aking sinapupunan." Sabi ni Mama habang hawak ang kamay ko. "Kaya unawain mo na lang si Nancy kung sakaling magalit siya sa'yo."

"Yes, Ma." ngiti kong sagot. Tatlong araw na si Nancy sa hospital pero hindi pa rin namin siya makumbinsing magpa opera hanggang sa lumalala na ang kanyang kundisyon kaya ako na ang nagpasya. Kita ko ang galit sa mga mata ni Nancy bago pa siya patulugin para pakalmahin. Masakit sa akin ang ginawa kong desisyon pero kailangan kong gawin para sa buhay ng asawa ko.

"Don't feel guilty, Anak." rinig kong sabi ni Dada na ngayon ay umupo na sa tabi namin. Hindi ko na napigilang umiyak.

"I love her so much, Dada. Masakit sa akin ang igive up ang bata pero mas masakit kung wala akong gagawin habang nakikita kong nahihirapan na si Nancy."

"We understand, Yeonwoo. Kung ako rin ang nasa katayuan mo. Ganon din ang gagawin ko." masuyo niyang sabi. Saglit na katahimikan ng biglang tumunog ang phone.

"Hello Lisa..."

"Kararating lang namin dito when we heard the news...I'm sorry Yeonwoo. We're trying to get back pero wala kaming makuhang flight, we'll try until tom..."

"It's alright Lisa...You better not go back. Huwag mo hayaang ma stress si Jennie."

"Yeonwoo..."

"I'll be fine. We'll talk again later. Ok?" sabi ko na at saglit pang paguusap at nagpaalam na ako.

-

"Love you Mama" rinig kong lambing ni Dane kay Nancy na ngayon ay nakabalik na sa kwarto matapos ang operasyon. Nang makita ko siya sa recovery room matapos ang operasyon ay natuwa ako at nagpasalamat sa aking dasal. Nang ilipat na siya sa kanyang kwarto ay hindi muna ako sumunod dahil alam ko ang galit sa akin ng asawa ko. Nanatili lamang ako sa receiving area ng kwarto niya, nagtatago sa divider between her main room and the receiving room.

"Love you too, sweetheart? Where's Jackson?" rinig kong hanap ni Nancy kay Jackson. Lumingon ako sa tagaliran ko at senenyasan ko si Jackson na lumapit sa kama ni Nancy. Sumenyas siya at tinuro ako pero umiling lang ako.

"I will go later. Go now." bulong ko sa anak ko at tumango na siya saka naglakad papunta sa kanyang ina.

"Mahma, you awake?" rinig kong bati ni Jackson

"Yes, Baby.Come here." rinig kong tawag ni Nancy sa paos na boses. Naninikip ang dibdib ko sa hirap na dinanas ni Nancy. Ang iyak niyang pakiusap na huwag akong pumayag sa pag opera sa kanya ang dahilan ng pamamalat niya. "I wanna go home, Ma." Sunod kong narinig at nagulat ako.

"Anak you just had your operation..."

"I want to go home the soonest Mama, Dada. I don't want to stay in this hospital. Ayaw kong maalala pa ang ginawa nila sa akin." matigas niyang salita at doon ko napagtanto ang galit niya.

"Anak..."

"Tell, Yeonwoo. I'm going home with you and in your house." usal niya at para akong sinaksak sa dibdib. Not again Nancy bulong ko sa sarili.

"Jenny, labas mo muna mga bata. Mga apo maguusap lang kami ni Mama ha." Rinig kong sabi ni Dada sa mga bata habang tumayo si Jenny na noon ay nasa kabilang upuan ng receiving room.

"Adult talkz again,Lolo Dada?" tanong ni Dane "Let'z go J See you layter Mama." Paalam na nila kay Nancy. Dinaanan ako ng mga bata at nag flying kiss lang si Dane habang kinindatan lang ako ni Jackson pero hindi sila nagsalita. At nang nagsara na ang pinto ay narinig ko na si Dada na nagsalita muli.

"Magusap kayong mag asawa, Nancy. Hindi pwedeng ikaw lang ang magpapasya..."

"Baka nakakalimutan niyo Dada, Yeonwoo decided on her own when she had me aborted my baby."

"Nancy..." matigas na tawag ni Mama Myeongju. "Kailangang iligtas ang buhay mo kaya nagawa ni Yeonwoo yon." sabi ni Mama.

"Even against my will?" balik ni Nancy

"Oo, Anak. Kahit labag sa loob mo. Akala mo ba madali lang sa asawa mo ang naging desisyon niya? Sa tatlong araw mo dito sa hospital na ayaw mong paopera nahihirapan siya lalo na pag nakikita ka niya. Kung ako ang nasa kalagayan niya I would do the same Nancy." mataas ng boses ni Dada. Hindi ko na mapigilan ang iyak ko pero nanatili akong tahimik. "There is no way any doctor could save the baby, Nancy."

"I...I...just want to give her another child, Dada." Paos at naiiyak na muling salita ni Nancy

"Sino bang hindi, Anak. Kahit kami ng Mama mo sabik na magkaron ulit ng apo. Pero kung hindi para sa atin kailangan nating tanggapin yon..." Si Dada.

"She should have fought for our baby, Dada. Bakit kailangan hayaan niyang mawala agad."

"Mas lalong masakit para sa atin kung magtatagal pa siya, Anak at hindi rin mabubuhay. Mas lalong manganganib ang buhay mo kung patatagalin mo pa." paliwanag ni Mama.

"My baby..." rinig kong sabi ni Nancy at tuluyan nanaman siyang umiyak. Nadudurog ang puso ko sa bawat iyak ni Nancy. Pero wala akong magawa. Nanatili akong nakaupo sa tabi ng dingding at piping umiiyak sa mga pangyayari. Hindi ko makuhang lapitan ang aking asawa. Nandon ang guilt sa sarili ko dahil sa ginawa kong pagpapasya.

-

It's been a week since Nancy was out from the hospital. Nanatili lamang siya sa kwarto ng kambal. Ni minsan mula ng dumating siya galing sa hospital ay hindi niya ako tiningnan. Hindi pumayag si Dada at Mama na tumuloy sila sa kanila kaya sa amin umuwi si Nancy pagkagaling sa hospital. Sapat na sa akin ang makita siya at masilayan kahit ni isang salita ay wala akong naririnig sa kanya. Ako lang ang hindi niya kinakausap sa bahay, masakit pero tanggap ko at maghihintay ako.

Ako dapat ang nag aasikaso sa kanya dahil mahina pa rin siya ngunit ni hindi niya ako hinahayaang makalapit sa kanya. Her operation though done with laparoscope and it only takes weeks to recover still she needs special attention especially sa trauma dahil sa pagkawala ng baby namin. She's depressed and all but I can't go to her because of her hate for what I have done.

"Mommy, we go to our room now. " Paalam na ni Dane sa akin. "When Mama'z well di na siya gagalit?" tanong niya sa akin.

"Of course, Sweetheart. Pag magaling na si Mama, hindi na siya magagalit sa akin." Ngiti kong sabi, nagtataka ang mga bata bakit galit sa akin si Nancy pero ang tanging nasabi ko lamang ay dahil may sakit siya at hindi ko siya agad nadala sa hospital para magamot. Mababaw na dahilan pero matalino ang kambal, in their young minds there are questions yet they themselves try to understand.

"Mommy, not your fault. Ok? Baby angel iz now with Lola Minmin. Sabi Lolo Pabs angel na din siya po." Haplos ni Dane sa mukha ko. "Maybe Mama don't want Baby angel to be with Lola yet but you already said yez to the doctor. It's ok Mommy, soon Mama will understand." Sabay yakap niya sa akin. " Jackson and I will be good na po. We will not fight anymore for baby brother or sister so baby angel will not get mad." sabi nito habang umiiling.

"It's alright, sweetheart and thank you. Go now baka hinihintay ka na ni Mama." sabi ko at hunalik na siya sa akin.

"Goodnight Mommy." paalam na niya. Ilang minuto pa ay sumunod na ako sa kwarto nila.

"Pagpasensiyahan mo muna ang asawa mo, Yeonwoo." rinig kong sabi ni Mama Myeongju na nasa likuran ko. Nasa may pintuan lang ako at pinagmamasdan ang ngayon ay tulog ng si Nancy

"I know Mama." bulong ko lang. "I will wait for her to talk to me." mahina kong sabi. "Goodnight Ma." halik paalam ko na at lumayo na sa kanya agad dahil ayaw kong makita niya ang luhang tumulo na mula sa mga mata ko.Hanggang kailan Nancy tanong ko sa isip ko. Kailan mo ako mapapatawad?

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
YeonYun #1
Plss continue write some nanwoo stories 🥺
iana013
#2
Fam write other stories please
Keiill
#3
Chapter 36: I really really love this story :) I want to re read this again.. If you want to make an another story about nanwoo author, I will there and read it. Thanks for this :)
usrcvi #4
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️
usrcvi #5
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️
usrcvi #6
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️
usrcvi #7
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️
usrcvi #8
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️
usrcvi #9
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️
usrcvi #10
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️