Chapter 30

Arranged Marriage

ARRANGED MARRIAGE

Chapter 30

YEONWOO'S POV

"How's school?" tanong ko sa mga bata habang nag aalmusal kami. They're now in gradeschool, how time runs so fast, parang kailan lang nong magstart silang pumasok. Ngayon halos independent na, hindi na rin sila madalas hinahatid ni Nancy kundi si Mang Julio na lang pero sinusundo pa rin namin sila pag uwian at minsan kasama si Nancy

"Not so good." sagot ni Dane at tiningnan lang siya ni Jackson 

"And why is that?" tanong naman ni Nancy habang naghihiwa siya ng fresh fruits para sa baon ng mga bata.

"There is a new kid in our school. He's kinda bad"

"Bakit mo naman nasabing bad?" Si Nancy ulit.

"Basta..." Matipid na sagot ni Dane

"Jackson? Do you know the kid Dane's talking about?" Tanong ko kay Jackson na tahimik lang na kumakain. Tiningnan niya ako at tumango.

"A girl or boy?" Ako ulit.

"Boy..." Jackson answered. "But it's ok Mommy, I'm here to protect Dane."

"I know, big guy. But don't get into trouble ok?" paalala ko at tumango lang si Jackson. "Am I clear, Jackson?"

"Yes, Mom." sagot niya.

"What if he's so annoying?" Biglang singit ni Dane

"Is he?" Tanong ni Nancy. "Ano ba ginagawa niya sa inyo or sa'yo? Is he bothering you.?"

"Nah, he just talk too much..." Parang inis na sabi ni Dane

"Then better ignore him, let him talk. Maybe he loves talking. As long as he's not making any trouble or saying bad things to you or to your classmates be good to him, ok?" Paalala ni Nancy

"Yes, Ma." sabay na sagot ng kambal.

-

Ako ng naghatid sa mga bata, I intentionally did so to check on the boy the kids talking about. Hinatid ko sila sa room at andon na ang teacher nila. One reason why Nancy doesn't want me to go to the school is the kids' teacher, I don't want to assume pero halata naman talagang nakikipag flirt siya.

"We're going inside now, Mom." Paalam ni Jackson

"Ok, kids. Take care. I love you." sabi ko habang humahalik sila sa akin.

"Love you too, Mom." sabi nila at naglakad na papasok sa room nila. Just then I saw Ms. Han coming, all smile and y. Thank heavens Nancy is not with me. Binati niya ang mga bata at pinapasok sa room saka ako hinarap.

"Good morning, Ms. Yeonwoo." Ngiti niyang lapit sa akin. Gusto kong humakbang paatras dahil mukhang nasobrahan niya ang lapit.

"Hi, good morning Ms. Han." Balik bati ko.

"Don't be too formal, tayong dalawa lang naman. Call me Choim." sabi niya, naku naman.

"Ok, Ms. Choim." sabi ko na lang at umatras ng konti.

"I seldom see you with your kids, Yeonwoo." sabi niyang nakangiti at humakbang ulit palapit sa akin. "You're really such a busy person." Halos bulong niya.

"Uhm, kinda. And si Nancy kasi nag aasikaso sa mga bata." sagot ko at kunwang umubo ako para lumayo siya pero mali dahil mas lalong lumapit.

"What's wrong? Do you need water?" Alala niyang tanong sabay hawak sa balikat ko.

"I'm ok naubo lang." Sabi ko.

"Are you sure?" Tanong niya muli at tumango ako.

"I thought you already left Mommy?" Rinig kong boses at sabay kaming napalingon kay Dane na nasa pinto na at nasa likod niya si Jackson na nanlalaki ang mata. Lagot na.

"Ah, yes, sweetheart. I--ah...Just want to ask something to your teacher." Dko na magawang magsalita ng deretso dahil nakikita ko si Nancy sa mukha ng anak kong babae.

"About what, Mommy?" Tanong niya.

"Nothing important, Sweetie. Better go back to your room. This won't take long." Nakangiti kong sabi pero umiling lang siya bago tumalikod at kasunod si Jackson na parang natatawa. Hay naku, huwag sanang magsumbong kay Nancy mga bata, mahina kong dasal.

"What is it that you want to ask?" Ulit ni Ms. Choim sa sinabi ko kanina.

"Ah Yes. Ms. Han---I mean Choim, do you have a new pupil around here? I mean..."

"You know Calvin?" Putol na niya sa tanong ko.

"Is that his name?"

"Yeah, the new transferee. Kilala mo siya?" takang tanong niya.

"No.Choim. The kids just mentioned about their new classmate and..."

"Why? May ginawa ba siya sa mga anak mo?" putol niya ulit sa akin.

"Nothing, Ms. Choim. I mean siguro hindi lang sanay ang mga bata sa bagong dating."

"Maybe because he talks too much at malikot." naiiling niyang sabi. "At a very young age ay naging problema na siya sa previous schools niya that's why he was here. It happened na closed friend ng Lola niya ang may ari ng school na to." Kwento niya at napatango lang ako. "I guess he's late again." Lingon niya sa paligid at saka napatingin sa relo niya.

"I see. Yon lang Ms. Choim. Thank you." Sabi ko na at nagpaalam na ako pero bago pa ako nakaalis ay hinawakan niya ang kamay ko.

"Don't worry, Yeonwoo I will look after your kids."

"I know how you're been looking after all the kids here Ms. Choim..." ngiti kong papuri. "All of us parents know your dedication and love for them." patotoo ko at mas lalong lumiwanag ang mukha niya at magsasalita pa sana pero inunahan ko na. "I got to go, need to be at the office early." Paalam ko at napaka kaway na lang siya. Dasal ko na lang huwag akong isumbong ng mga bata lalo na si Dane na ang sama ng tingin sa akin.

NANCY'S POV

Just as we settled in our seats my phone rang.

"Hello Honey?"

"Hello, Hon. Nasundo mo nang mga bata?" Tanong niya.

"Yes, honey. We're on our way home. Why?"

"Ahm. Nothing. Just want to make sure that you're there." Nasabi niya lang. "How's the kids?"

"They're seems good and ok..."

"Are they're not saying something about the boy?"

"I asked them but Dane said hindi daw pumasok yong bata." I answered.

"I see..." Sagot niya lang at tahimik saglit.

"Honey?" Tawag ko.

"Ah yes, O-ok, hon...Mamya na lang..." Sagot na niya.

"May gusto ka pang sabihin?" Tanong ko.

"Wala naman,hon. Just want to know how the kids are doing." Sagot niya.

"Ok, honey. See you at dinner. I love you."

"Yes, honey. See you. I'll be early, I'll leave here after 5 minutes. I love you."

"Wala bang masyadong work?" Taka kong tanong.

"Katatapos lang ng brainstorming and I feel tired."

"Ok then see you." paalam ko na.

"Is that Mommy?" Si Dane matapos kong ibaba ang phone.

"Yes, Anak."

"Is she coming home now?"

"Yes..."

"As in now now?"

"Yes, Princess. Why?"

"Nothing. Why Mommy is too early." Comment ni Dane

"Maybe she misses us, that's why."

"Owkay..." Sabi lang ni Dane pero nakataas ang isang kilay.

-

Dinner's ready and we're all at the dining table. Maaga din umuwi si Yeonwoo, medyo wierd nga ang asawa ko ngayon parang extra malambing. Tapos pagdating andaming dalang foods para sa mga bata. Not to mention she allowed them to play their gadgets until our dinner.

"Mom?" Tawag ni Dane kay Yeonwoo habang kumakain kami.

"Yes, Sweetie?" sagot ni Yeonwoo

"What are you talking about with Miss Choim earlier?" Tanong niya at halos masamid ang asawa ko kaya napainom ng tubig.

"Did they talk?" Singit ko.

"Yes, Mama." Tango ni Dane

"Ahh...Yes. That...I just asked her few things..." Sagot ni Yeonwoo at nakangiti sa akin pero blanko ang mukha kong tumingin sa kanya.

"Like?" Si Dane

"Like how are you doing in school and the stuff..." Kampanting sagot ni Yeonwoo

"Then why are you talking so close to each other?" Sunod na tanong ni Dane at pinanlakihan ko ng mata si Yeonwoo

"What?" Tanong ko na nakatingin kay Dane "Malapit silang naguusap?" At tumango muli si Dane

"Ganto Mama Oh." sabay baba niya ng upuan at lapit kay Jackson para ipakita kung gaano kalapit nag usap si Yeonwoo at Ms. Choim. "Tapos hawak pa niya si Mommy." Kwento nito. It's very obvious that Ms. Han is flirting with my wife, kaya hanggat maari ay ayaw ko siyang nagpupunta ng school ng mga bata. Pero Yeonwoo wants to see the boy the kids are talking about kaya siya ang naghatid. Pumayag naman ako because I already forgot about Ms. Han

"Is that so?" Taas kilay kong tanong pero nakatingin ako kay Yeonwoo

"Dane we're just talking. Napaubo ako kaya lumapit siya and asked me kung ok lang ako."

"Bakit ka po inubo?" Tanong naman ni Jackson. Nagiging curious na talaga ang mga bata.

"Kasi inubo ako, dba there are times na bigla ka na lang inuubo when your throat itch and you feel like coughing?" Paliwanag ni Yeonwoo

"Dba po you cough ka sometimes to get attention?" Si Dane natutuwa na ako sa debate ng mag iina. Sila nang nangiinterrogate sa Mommy nila.

"And why do I need attention?" Si Yeonwoo

"Para mapansin ka po ni Miss Han..." Si Dane

"At bakit naman ako magpapansin?" Si Yeonwoo ulit. Hindi na umimik ang dalawang bata dahil mukhang seryoso na ang mukha ni Yeonwoo

"Honey, don't take them too seriously." sabi ko at napansin kong nagkatinginan ang kambal at nangiti.

"Maybe Ms. Han is the one nagpapansin." Si Dane

"Dane that's enough." Si Yeonwoo pero tiningnan lang ako ni Dane

"Why did you say that?" Tanong ko naman.

"Because she ask me and Jackson about Mom." Si Dane ulit.

"Is that true Jackson?" Tanong ko kay Jackson pero bumaling ng tingin kay Yeonwoo. While the kids are growing up I find how Jackson always side at my wife. Not in the sense na kinakampihan niya but always aware of her Mom's feeling and reaction. "Jackson..." Tawag ko muli sa kanya at nabaling ang tingin niya sa akin.

"Uhm, yes Mama." Sagot niya sa mahinang boses at agad sumubo ng pagkain.

"Anong mga tanong?" I asked like it's nothing while I continue eating.

"How old Mommy, where is she working, what's her favorite food, does she go to the gym and more. Can't remember..." Mataray na sagot ni Dane

"How about you, Jackson? Do you remember anything she asked about Mommy?" Taas kilay kong tanong kay Jackson pero nakatingin ako kay Yeonwoo na ngayon ay hindi na makakain.

"Can't remember, Mama. Dane lang sagot ng sagot." Sabi nito na nakatungo. "Girls talk too much so I just stay away." Natawa naman ako sa loob ko, tahimik lang talaga tong anak kong ito.

"Ok let's eat now. Mommy and I will talk more about it later." Sabi ko na at tumango na lang ang mga bata habang si Yeonwoo ay pasulyap sulyap sa akin. We'll see later sabi ko sa isip ko.

-

It's past midnight pero hindi pa rin ako makatulog. Hindi ko na inusisa kanina si Yeonwoo although alam kong nakikiramdam siya sa kung anong pwede kong itanong sa kanya about sa Ms. Han na yon. I know she'll be honest pero ewan ko ba parang ayaw ko pa ring itanong. Normal lang siguro ang magselos kahit ganito na kami katagal na nagsasama ni Yeonwoo. Kahit minsan hindi ako nagduda sa pagmamahalan namin, hanggang ngayon ni hindi ko naramdaman na tinabangan sa akin ang asawa ko. Hay, I am really being paranoid sometimes, this has been my struggle eversince. Bumaling ako sa katabi kong mahimbing na natutulog, masuyo kong hinaplos ang kamay niyang nakaibabaw sa tiyan ko. I've been making love with this person for the longest time, in her eyes it is only me that she desires sabi ko sa isip ko habang lumipat ang kamay ko sa mukha niya. I sighed, I will spend my whole life with you Yeonwoo, I imagined no one but you being here beside me. I slowly lifted her arm so I can move up, I will go down dahil parang nagutom ako. I searched for my nightgown and wore it, then carefully took steps towards the door. Dahan dahan akong bumaba papuntang kitchen. Just the light at the counter, enough light for me to see things around the kitchen. Ilang minuto akong nagpapaikot ikot dito at ngayon ay nagmimix para gumawa ng pancake ng maramdaman kong may yumakap sa akin mula sa likod ko.

"Hungry?" Yeonwoo whispered.

"Yeah..." mahina kong sagot habang itinutuloy ko ang pagprepare ng pancake. "You?" Tanong ko pabalik.

"Yeah...hungry for you." balik bulong niya ang inahaled me at the base of my neck.

"Honey, I'm cooking."Sabi ko na nang hindi ko pinansin ang sinabi niya. Pero hindi niya rin pinansin ang sinabi ko at dahan dahan niya akong pinaikot paharap sa kanya.

"What's wrong, hon?" She asked.

"I'm hungry." Dahilan ko looking at her eyes.

"And?" Sunod niyang tanong.

"What do you mean by 'and?'" Tanong ko pabalik.

"You're hungry and?" ulit niya.

"Just hungry...period." sabi ko at iikot na ako paharap sa kitchen counter pero pinigilan niya ako.

"Are you jealous?" Bulong niyang tanong sabay lapit sa akin at halos ipitin na ako sa pagitan niya at ng counter.

"Y-yeonwoo..." Mahina kong tawag sa kanya. "Bakit naman ako magseselos?"

"Precisely...There's nothing to be jealous, hon." Sabi niyang titig na titig sa aking mga mata.

"I know kaya bakit mo ako tinatanong ng ganyan?"

"Wala naman, pakiramdam ko lang." bulong niya. "Kiss me then if you're not." hamon niya sabay baba ng tingin sa mga labi ko.

"I'm not jealous, Yeonwoo." Depensa ko.

"Then kiss me." Hamon niya pa rin.

"How can you know just by kissing you..."

"Just kiss me..." Ulit niya kaya wala na akong nagawa and gave her a quick kiss. "See? I told you you're jealous." Sabi niya pagkunwa at umiiling.

"No I'm not..." Tanggi ko.

"Then kiss me again..." Hamon niya ulit.

"Yeonwoo...ano bang..."

"I just want to know." putol niya sa akin kaya hinalikan ko ulit siya. 5-second kiss.

"How's that?" Tanong ko sa kanya.

"Uhmmm...I think you really are jealous." She said grinning. Kaya tinaasan ko siya ng kilay and held her face and kissed her deep and hungry. I felt her moan and that made me kiss her passionately putting my arms around her shoulders my hand now the back of her head and my other hand pulling her closed to me.

"N-nancy..."She whispered as we stop to gasping for air but only for seconds because she claimed my lips again. I'm lost as she started kissing me down my jawline, at the base of my neck. Her hands went down my thighs and lifted me up to sit at the counter.

"I love you, Yeonwoo..." I breathe out the words while at her touch and kisses. And that made her more aggressive and now her hands wildly roaming my whole body. I'm arching with the sensation she's giving me. I'm aching for her and I felt how she wanted me too.

"Ahem..." Biglang rinig namin at para kaming nabuhusan ng malamig na tubig. Ang sakit kaya non at alam kong ganon din ang pakiramdam ni Yeonwoo. Bigla kaming lingon sa may pinto at mabilis akong napababa sa counter.

"Yaya!" rinig kong sigaw ni Yeonwoo na naiinis.

"Alam niyo ba kung nasaan kayo?" Tanong niya. "Alam niyo rin ba na ang lugar na ito ay puntahan ng lahat ng tao sa bahay na ito?"

"Bakit gising pa kayo?" Balik tanong ni Yeonwoo na hindi sinagot ang tanong ni Yaya Caring pero ako ay hindi na makapagsalita sa hiya.

"Nauhaw ako bigla eh..." Taray na sagot ni Yaya at naglakad kumuha ng baso at deretso sa fridge saka nagsalin ng tubig. "Paano kung ibang tao nakakita sa inyo, Aber?" sermon niya at uminom. "Hindi na ba kayo makapag hintay at pati dine ay kailangan niyo mag labing labing? Paano pag nakita kayo ng mga bata? Hay susme tong mga babaeng to." Sermon niya at deretso sa sink para hugasan ang basong pinag inuman niya.

"Nagutom si Nancy at bumaba para magluto ng pancakes,Ya." Katwiran ni Yeonwoo, hindi pa rin ako makapagsalita.

"Eh ikaw?" Balik niya kay Yeonwoo ."Nagutom ka rin ba kaya ka bumaba para papakin ang asawa mo?"

"Ya! watch your mouth!" Saway ni Yeonwoo at lalo akong namula sa hiya.

"Ngayon ka pa nahiya eh, kanina lang rated SPG ng ginagawa mo sa asawa mo." Sagot niya habang pinupunasan na ang baso. Dna nakapagsalita si Yeonwoo "Oh ayan hindi pa naluluto ang pancake, sige na umakyat na kayo at doon na kayo maglabing labing at ako ng magtutuloy diyan." Sabi niya ng makita ang hindi ko pa natapos na ginagawa ko.

"I-its ok, Ya." salo kong bigla pero umiling lang siya.

"Sige na Nancy dahil mukhang sasabog na yang asawa mo sa inis sa akin. Ituloy niyo na ang naudlot at baka matunaw na ako sa tingin niya." Sabi ni Yaya Caring sabay kuha ng ginagawa ko.

"H-hindi na, Ya." Awat ko pero naramdaman ko na ang kamay ni Yeonwoo

"Tara na hon." hila na niya sa akin. "Yaan mo na si Yaya diyan." sabi niya.

"Oh tingnan mo, sige na pagbigyan mo na yang asawa mo. Kilala ko yan, namumulang kamatis yan pag galit." Sagot ni Yaya na hindi lumilingon sa amin. Natawa na lang ako sa loob loob ko habang nagpahila na lang ako kay Yeonwoo pabalik ng kwarto namin.

-.

Nasa mall kami because the kids want to buy stuff for their school. It's weekend kaya kasama namin si Yeonwoo. Masaya kaming apat na naglalakad dala dala ang mga pinamili at naghahanap na lang ng makakainan.

"Mommy, I think we can try there. Looks yummy!" Sigaw ni Dane sabay turo sa bandang kaliwan namin.

"Ok, sweetheart. Then we'll eat there." sagot ni Yeonwoo.

"How about you, Jackson?" tanong ni Yeonwoo at tumango lang siya.

"Let's try, Mommy." Sagot ni Jackson

"Mommy?" Rinig naming boses sa bandang likod namin at halos sabay sabay kaming napalingon. The kid looks familiar.

"Calvin." Rinig kong tawag ni Dane. Ah yes I remember the kid, classmate nila Dane at Jackson. Yong transferee.

"You call her Mommy?" Tanong ng bata kay Dane habang nakatingin kay Yeonwoo

"So you're Calvin?" Lapit na tanong ni Yeonwoo sa bata pero tiningnan lang siya nito at humakbang paatras.

"I thought she's your mommy?" sabay turo niya sa akin. "You have two mommies?" Tanong nito kay Dane tapos bumaling kay Jackson "Mommy mo rin siya?" Tanong niya kay Jackson habang nakaturo kay Yeonwoo

"Yes, Why?" seryosong sagot ni Jackson. Magsasalita na sana ako pero naunahan ako ng ibang boses.

"Calvin!" Rinig naming sigaw galing sa malayo at paglingon namin ay isang mestisang babae na may kasamang lalaki ang tumatawag sa bata. Pabaling baling ang tingin ng bata sa aming apat at saka tumakbo pero hindi sa gawing tumatawag sa kanya kundi sa ibang direksiyon kaya napasigaw muli ang babae sa pagtawag sa kanya.

"So he's Calvin?" Tanong ni Yeonwoo sa kambal pero hindi sumagot si Dane bagkus sinundan ng tingin ang tumatakbong bata.

"Yes, honey." Ako na ang sumagot dahil nakita ko na rin ang bata nong sumasama ako kay Mang Julio na maghatid at sundo sa kambal.

YEONWOO'S POV

"Hello Lisa, how's Jennie?" Kamusta ko kay Lisa, napatawag ako habang office break. Jennie is nearing her due at laging taranta si Lisa at natatawa ako dahil panay ang tawag at tanong niya. Hindi sila agad nagka anak pero hindi sila tumigil hanggang finally ay naging successful ang procedures.

"She's good but she's already in pain baka anytime soon manganganak na siya." Sabi nito.

"Just stay calm baka mas lalong kabahan ang asawa mo pag ganyan ka." payo ko pero alam ko ang pakiramdam dahil ganon din ako noon kay Nancy. We were still talking nang marinig ko na may incoming call ako from Nancy

"Hey I'll call you back, tumatawag saglit si Nancy." paalam ko kay Lisa at binaba ko na ang tawag saka ko sinagot ang tawag ni Nancy

"Hello honey?"

"Yes hon, what's up?" Bati ko pabalik.

"Can you come home right now?" May pagaalala sa boses ni Nancy

"Why? May nangyari ba?" Tanong ko na rin na may kaba.

"I just came from the kids' school. Pinatawag ako ng principal nila."

"Ha? Why?"

"It's Jackso ?"

"Why? What happened? What did he do?" Tanong ko ulit.

"He got into a fight..."

"What!?" Halos pasigaw kong bulalas. Bigla akong napatayo sa kinauupuan ko. "Where are you now?" Tanong ko.

"We just arrived home. I want to talk to our kids but I need you to be here with me, honey or better yet you talk to them, please?" Pakiusap niya.

"Ok, hon. I will talk to them. Wait for me, I'm on my way..."

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
YeonYun #1
Plss continue write some nanwoo stories 🥺
iana013
#2
Fam write other stories please
Keiill
#3
Chapter 36: I really really love this story :) I want to re read this again.. If you want to make an another story about nanwoo author, I will there and read it. Thanks for this :)
usrcvi #4
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️
usrcvi #5
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️
usrcvi #6
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️
usrcvi #7
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️
usrcvi #8
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️
usrcvi #9
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️
usrcvi #10
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️