Chapter 32

Arranged Marriage

ARRANGED MARRIAGE

Chapter 32

NANCY'S POV

"Mommy's not answering her phone." Sabi ko kay Dane habang nasa daan na kami papuntang office ni Yeonwoo. "'Maybe she's already in the chopper on her way to Mindoro."

"Nooo!" Sigaw ni Dane

"Dane?" Gulat kong tawag pero hindi siya sumagot. Nakita kong hinawakan ni Jackson ang kamay ni Dane and she calmed down. Pero makikita mo ang pagbukas ng bibig niya na parang tinatawag ang Mommy niya.

"It's ok Dane, we'll gonna see Mommy..."Kalma sa kanya ni Jackson at tumango lang si Dane pero nangingilid pa rin ang luha. Nagkatinginan kami ni Mang Julio at nangiti siya. Naisip ko si Hyebin kaya sinubukan ko siyang tawagan. Ilang saglit lang at nag ring na ang cellphone niya. Isa, dalawa, tatlo, apat, limang ring at ibinaba ko na. Baka nasa meeting sila kaya hindi sinasagot ang tawag. Sinubukan kong tingnan ang iba pang pwede kong tawagan. Si Joy? Kahit ilang taon na ang nakakalipas hindi pa rin mawala ang first impression ko sa kanya. Pakiramdam ko ay andon pa rin ang pagmamahal niya kay Yeonwoo dahil hanggang ngayon wala pa siyang ka relasyon. I shook my head and ignore the thought then put down my phone.

"Why is Mommy not aswering her phone?" Tanong ni Dane

"Maybe she's in a meeting, Dane. I tried calling your Tita Hyebin and she's not answering, too maybe they're in the middle of a meeting." Paliwanag ko sa anak ko.

"So nasa office pa po si Mommy?"

"Hope so, sweetheart." Sagot ko saka muli siyang tumingin sa labas na parang naiinip na.

Halos isang oras din kaming nagbiyahe buti at hindi na masyadong traffic. Pagkapark pa lang namin sa parking lot ng building nila Yeonwoo ay binuksan agad ni Dane at pintuan ng kotse sa likod.

"Hurry, Mama. Come on Jackson!" Sigaw niya, kita ang pagmamdali sa kilos at mukha niya.

"Wait, Dane." Habol ko.

"After you Dane.." sabi ni Jackson na patakbo na kay Dane. Pagpasok sa loob ay takbo agad sa private elevator at pinindot yon. Naiinip si Dane na nakatingala habang nagtitinginan lang kami ni Jackson, masaya akong makitang maginhawa na ang mukha ni Jackson, wala ng bakas ng pagaalala.

"Why so mabagal Mama?" Tanong ni Dane pero hindi nakatingin sa akin.

"Because your Mommy's office is in the top floor." Paliwanag ko. Maya maya pa ay tumunog na ang elevator senyales na magbubukas na. Pagbukas ay agad pumasok si Dane 

"Dali dali!" sigaw na niya sa amin ni Jackson

YEONWOO'S POV

"The chopper will be here in an hour, Yeonwoo." gising ni Joy sa isip ko. Kanina ko pa tinitingnan ang mga papeles sa harapan ko pero parang wala akong makita.

"Are you sure you want to go?" Si Taeha

"Yes, nagpaalam na ako at pinayagan ako ni Nancy. And besides andiyan naman si Hyebin." Sabi ko at sabay kindat kay Hyebin

"Paano naman ang lovelife ko? Naguumpisa pa lang ako. Samantalang kayong tatlo settled na." Reklamo niya, hindi pumayag si Taeha na ako lang ang pupunta kaya sumama si Hyebin

"Ayaw mo naman kasing isama ko si Joy..." Kunwa kong sabi na nakangiti. Tumingin si Hyebin sa pinto kung saan kalalabas lang ni Joy

"Ano ka Yeonwoo, gusto mong salubungin ka ng kanyon ng asawa mo pag balik mo?" Sagot niya at natawa kami ni Taeha. "Naku speaking pala brad may missed call sa akin si Misis, hindi ko nasagot kanina dahil nasa harap ako at ng meeting. Saka ko naalala ang phone ko. Patayo na ako para tawagan si Nancy ng biglang bumukas ang pinto.

"Mommy!" Sigaw ni Dane at ng makita ako ay mabilis na tumakbo kaya napabilis din ang hakbang kong umikot sa aking table para salubungin siya. Nakalahad ang kanyang mga kamay kaya yumuko ako para yakapin siya at kargahin. "Mommy..." sabi niya muli at umiyak na. Nagulat ako at kita rin ang gulat sa mata nila Hyebin at Taeha pero masaya ang sumunod na expression ng mukha nila. Ganon din ang maaliwalas na mukha ni Nancy na nasa pinto at hawak kamay si Jackson

"Why are you crying Baby?"

"Sorry, Mommy..." iyak na niya habang mahigpit ang yakap sa akin.

"Why? Bakit ka nag sosorry? Anong ginawa mo?"

"Don't leave us po, please..."

"I'm just going somewhere---"

"--No! Please Mommy. Dna ako po magiging bad. Huwag lang kayo umalis..." Sumamo niya.

"Hey Dane hindi ka naman naging bad eh..."

"Di na ako hahanap ng Daddy, Mommy. Ikaw lang gusto ko po. Huwag na kayo umalis please, Mommy." Sabi niya. I don't know what happened but she seems so afraid.

"Anak, may pupuntahan lang si Mommy, babalik din a---"

"Sama ako po..." Sabi sabay kalas ng yakap at hinawakan ang mukha ko.

"Dane..." Tawag ko sa kanya.

"Please, Mommy. I will behave. Promise."

"Pero---" Tutol pa sana ako pero nagsalita na si Taeha

"Perfect timing for your bonding..." Singit niya.

"Oo nga..." Sang ayon naman ni Hyebin

"But you have school..." Katwiran ko.

"Mama will call Miss Choim. Right Mama?" Baling niya kay Nancy na napatango na lang.

"I will try to call since tomorrow's Friday na. Baka payagan ka."

"Can I come too, Mama?" Rinig naming boses ni Jackson at nagtinginan kami ni Nancy

"Ok, but we'll call your teacher first." Sagot niya.

"Yehey!!!" excited na sagot ng kambal at muling yumakap si Dane sa akin.

"Thank you, Mommy. I love you." bulong nito.

"And I love you too so much, Baby." Bulong ko pabalik. Walang kasing saya ang nararamdaman ko ngayon, hindi ko alam kung anong nangyari pero abot abot ang dasal ko nang pasasalamat. Nagtama ang tingin namin ni Jackson at kinindatan ako kaya binalikan ko rin siya ng kindat.

"Can you wait for us?" Rinig kong tanong ni Nancy kaya napatingin kami sa kanya. "I'll call their teacher para ipaalam sila and then I'll get back home para ayusin gamit ng mga bata."

"Gamit lang nila?" Tanong kong taas kilay.

"Y-yeah..." Parang hiya pang sagot ng asawa ko. Oo nga pala hindi ko man lang siya naalala kaya naglakad ako palapit sa kanila at ng nakatapat na ako kay Jackson ay nag fist bump kaming dalawa saka ako tumapat sa asawa ko ang gave her a kiss.

"S-sorry got carried away and I'm just so happy." Bulong ko. "You're coming with us."

"P-pero..."

"Do what you have to do and I'll wait here." Sabi ko na kay Nancy

"Yes! Mama's coming." Sabay sabi ni Dane na ngayon ay nagkusa ng nagpapababa sa akin at ng makatapat ang kapatid ay nag apir silang dalawa.

"Yes! Yes! Yes!" Rinig naming sigaw ni Hyebin "Sa wakas matutuloy na ang naudlot kong lovelife, thank you Nancy at sa aking super duper na cute na cute na mga inaanak."

"Anong thank you?" Tanong ko kay Hyebin

"Hindi ba maiiwan na ako? may kasama ka na andiyan na ang pamilya mo na sasama sa'yo."

"Bakit ka magpapaiwan? Ours is business and my family's there for a holiday." Katwiran ko.

"That's not fair...sasamahan lang naman talaga kita kasi malungkot ka kesa naman sekretarya mo ang sasama sa'yo...diba nga sabi mo pa---"

"Ok na sige na maiwan ka na." Habol ko na sa sasabihin niya habang sinamaan ko siya ng tingin. Babae talagang ito ipapahamak pa ako porke't alam niyang andito asawa ko.

"Thank you thank you talaga, Nancy. I love you kids." Sabay sabi niya at halik sa mga bata at yumakap kay Nancy, naiiling na lang na natatawa si Taeha

"Para sa'yo Hyebin dahil alam ko namang bantay sarado sa'yo si Yeonwoo." Sakay naman ni Nancy at sabay silang napatingin sa akin but I rolled my eyes at them. "Let's go kids we have to hurry dahil hinihintay tayo ni Mommy." Aya na niya sa mga bata.

"It's ok hon, we'll use the chopper so no need to rush." Ngiti kong sabi kay Nancy

"Can I stay?" Si Dane at lahat ng tingin ay napako sa kanya. "Mommy and I will wait for you." dugtong pa niya

"Are you sure?" Paninigurado ni Nancy

"Yes po, Mama..." Sagot agad ni Dane

-

Since nahold ng ilang oras ang alis namin ay nagpatawag ako ng emergency meeting. Habang nasa meeting ay nasa katabing upuan ko si Dane parang ayaw niyang mawala ako sa paningin niya. Naka headset siya ngayon at naglalaro sa cellphone ko ng kung anong games na siya rin ang nagdownload. Nakatungo lang siyang naglalaro at mayat maya ay sumusulyap sa akin at ngumingiti. Anuman ang nangyari ay lubos lubos ang pasasalamat ko sa Diyos. Sana ay maging maayos na ang lahat at maunawaan niya ang klase ng pamilyang meron siya. Ipaparamdam namin sa kanila ni Jackson na walang pagkakaiba ang pamilya namin sa mga pamilyang lagi niyang nakikita. Makalipas ang ilang minuto ay kinalabit ako ni Dane at itinaas ang cellphone, tumatawag si Nancy. Naka silent mode ang phone ko dahil na rin sa nasa meeting ako at ginagamit ni Dane sa paglalaro habang gamit ang headset niya.

Hinila niya ang braso ko para lumapit ako sa kanya. Yumuko ako at inilapit ang tenga ko sa bibig niya.

"I will answer it for you, Mommy." Bulong niya at tumango ako.

"Ok..." Ngiti kong sagot. At narinig ko siyang bumubulong.

"Hello, Mama..." sagot niya "May meeting po si Mommy." bulong nito. "Tabi niya po..." Sunod niyang sabi. "No, Mama...I'm behave..." Sagot nito at napapangiti ako. "Ok... Yes, Mama.... We'll wait...Love you and Mommy loves you too. Bye..." paalam na niya at nagtama ang tingin naming dalawa. She gestured to say something so I bend down to hear what she has to say. "Mama is asking what I am doing." sabay mahinang tawa niya. "I'm behaving, am I not, Mommy?" Bulong tanong niya at hinalikan ko siya sa noo.

"Yes you are, Princess." Sagot ko.

Pagbalik ko ng tingin at harap sa mga ka meeting ko ay lahat sila nakangiting nakatingin sa amin. "S-sorry, where were we?" Halos utal ko ng tanong at natawa na lang sila Hyebin at Jooe

-

Gabi na ng nakabalik ako sa resort kung saan kami naibook para sa tatlong araw naming pamamalagi dito.

"Ginabi ka ah?" Alalang bati sa akin ni Nancy

"Don't worry, hon kasama ko naman mga tao natin sa kumpanya. Dito rin naman sila naka book. Tinapos na rin namin lahat para the remaining days will be ours na." Paliwanag ko kay Nancy. May mga nauna ng nagbiyahe nong nalaman nila na ako ang pupunta sa site.

"Ok, kanina ka pa hinihintay ng mga bata...Kumain ka na?"

"Oo hon, kasabay ko mga kasama sa opisina. Nagdinner na kami para pagbalik nila dito makapag pahinga na sila. Nasaan ang mga bata?"

"Nasa kwarto nila pero baka tulog na." Sagot ni Nancy and I held her hand as we walked towards our children's room. Dahan dahan naming binuksan ang pinto, maingat na hindi makagawa ng ingay para hindi magising ang kambal.

"Kaya magbait tayo kay Calvin, I'm crying for him when I heard what Lola Mrs. Chavez said..." Rinig naming sabi ni Dane at napatingin ako kay Nancy. Hindi pa namin napagusapan ang nangyari kanina dahil pagdating namin ay agad akong nagtungo sa site.

"Ok, Dane. But what if he's still bad. Pag inaway kaw ulit."

"We'll just tell Ms. Choim."

"Ok, kaw bahala."

"Sana Mommy's not mad..."

"She's not..." sagot ni Jackson 

"Sure ka?"

"Sure na sure, sama nga tayo dito eh..."sagot ni Jackson "Ikaw kasi..." dugtong niya. Hindi agad sumagot si Dane. "Kahit may Daddy tayo hindi ko kaya mawala si Mommy..." Napahawak ako sa dibdib sa narinig ko at naramdaman ko ang pagpisil ni Nancy sa kamay ko.

"I know, Jackson...I also miss Mommy when I can't see her." sagot ni Dane at dko na nakaya ang narinig ko at pumatak ng luha ko kaya humakbang na ako palayo at kasunod si Nancy

"Honey..." tawag niya ng makalayo kami sa pinto.

"I'm just so happy, honey." pagamin ko and I felt Nancy held my face and gave a sweet and long kiss.

"Told you so..." Ngiti niyang sabi matapos ang masuyong halik.I felt overjoyed that I claimed her lips again while wrapped her in my arms so tight.

"Y-yeonwoo..." Habol hiningang tawag ni Nancy sa akin.

"I love you so much, hon." sabi ko ng hindi ko siya binibitawan at muli ko siyang hinalikan.

"Aren't you suppose to do that in your room, Mama, Mommy?" Rinig naming boses at para kaming nakuryente na naghiwalay ni Nancy. Paglingon namin ay si Jackson na nagsalita habang takip takip niya ang mata ni Dane Biglang kaming nahiya ng asawa ko, pakiramdam ko ay binuhusan ako ng malamig na yelo. Strike two sabi ng isip ko, bigla ko naisip si Yaya Caring.

"I'm the eldest, why do you have to do that?" Reklamo ni Dane sa pagtakip ng mata ni Jackson sa kanya.

"Because I'm a boy..."

"So?" Sagot nong isa.

"That's enough..." Rinig kong saway ni Nancy, ako ang hindi makaimik ngayon. "Your Mommy just missed me so much so she kissed me like that before we could even reach our room." Paliwanag ng asawa ko at napangiti lang ako.

Paglingon ko sa mga bata ay umiiling lang sila saka naglakad papalapit sa amin.

"Where are you going?" Tanong ni Nancy

"To Mommy, we came out to check if she arrive and want to kiss her good night." Paliwanag ni Dane at buong tuwa akong sumalubong sa kanila para yakapin at halikan sila.

"Goodnight sweetheart, I love you." Sabi ko kay Dane ganon din kay Jackson. "Good night Buddy" sabay fist bump sa kanya matapos ang halik.

NANCY'S POV

The whole two days were all fun under the sun and sands. Nagmarka na ang init ng araw sa aking mag iina while I remain watching from the cottage. I'm so happy for Yeonwoo, bakas ang saya sa kanyang mukha. Hindi nila ako mayayang magbilad sa araw kahit pa may sunblock na at lahat. I'm just happy watching them. Bukas ay babalik na kami ng Manila kaya sinsulit na ng mag iina ang dagat.

I'm preparing a barbecue party for our dinner kahit aapat lang kami ay namili ng barbecue, sausage, hotdogs si Yeonwoo bukod pa sa mga seafoods.Sa tabing dagat daw kami kakain. Makikita ang saya sa mga mukha nila as we're now facing each other.

"Mukha na kayong sunog oh, look at your noses..." Pansin ko sa kanila pero tinawanan lang ako.

"Sana pla hinila natin si Mama sa araw na para umitim din siya..." Sagot ni Yeonwoo

"Kaw na lang Mommy, we're scared of Mama." sagot ni Jackson at nagtawanan sila ni Dane

"Ah ganon pinagkakaisahan niyo ako..." Kunwa kong tampong sabi pero mabilis si Yeonwoo at yumakap sa akin.

"hon naman..." lambing niya. "Let's eat na. Dane please pray na so we can eat and give our surprise to Mama." Sabi ni Yeonwoo sabay kindat sa mga bata.

"What surprise?" Gulat kong tanong.

"Mamya na, hon. Kain muna tayo." Sabi lang ni Yeonwoo

We had a hearty and funny dinner, ako nga ata ang trip ng mga ito dahil puro ako ang napapansin nila. After we had dinner naglatag ng mat ang mga bata sa buhangin and we sat overlooking the calm sea.

"Mama?"Tawag ni Dane sabay lingon sa akin.

"Yes, Dane?"

"Gusto niyo po magkababy ulit?" Tanong niya at nagulat ako. Ito ang matagal ko ng kinakatakutan ang magsabi muli ng baby ang mga anak ko at si Yeonwoo. Hindi agad ako nakasagot natigilan ako namg naramdaman ko ang kamay ni Yeonwoo. She held my hands and kissed them both them looked at me.

"Don't be scared, hon. We just want to hear what you have to say about us having a baby again..." Kalma niya sa akin.

"Y-yeonwoo..."

"Matagal na naming napagusapan ng mga bata ang tungkol don but I told them we have to hold it a bit longer until Mama is prepared. Sorry if this is a bad timing but the kids are just so eager to have a baby sister or brother."

"P-pero yeonwoo...there...is...a tendency that..."

"I know Nancy...the risk is there that you might have another ectopic pregnancy...." Dugtong niya sa sasabihin ko. "That's why for the past year when the kids started to ask if we can still have another baby in the family I started seeing Doc Lei. The good news is she said the test are good and she gave me the signal to go with it."

"W-what do you mean, honey?" Nalilito kong tanong.

"I know you still want to have a baby, hon. I can see and feel that and we want, too but we want to hear it again from you..." She said as she's gently caressing the back of my hands with both of her thumbs.

"Y-yes Yeonwoo I want to..."

"Yes!!! Yehey!" Putol ng mga bata sa sasabihin ko pa.

"P-pero how, I mean..."

"Yes, hon. I will carry your baby, our baby..." Pagtatapat niya.

"P-pero Yeonwoo...pwede ko pa namang..."

"No, hon. No..." Iling ni Yeonwoo. "Hindi ko na kayang makita pa muli ang paghihirap mo. You've given mo so much and you have loved me so much to sacrifice everything. Let me prove how much I love you too, Nancy. Let me carry the baby...Please?" Pakiusap niya.

"Y-yeonwoo..."

"Please, Nancy..." Hindi ko na matiis na tingnan ang nakikiusap niyang tingin. Mahal na mahal kita Yeonwoo and if saying yes is another way of showing you how much I love you then...

"Yes..."

"Yehey!" sigaw muli ng mga bata at hinawakan ni Yeonwoo ang magkabila kong pisngi at hahalikan na sana ako nang narinig namin si Jackson

"You can do that later Mommy..." pigil niya sa gagawin ng Mommy niya at parang robot na napahinto bigla si Yeonwoo at lumingon kay Jackson

"Really, Jackson? You're spoiling the moment..." Protesta niya.

"Mom, that's gross..." comment muli ni Jackson at natawa ako.

"Wha the...?" Reklamo ni Yeonwoo

"Jackson's strict Mom..." sambit na ni Dane at si Yeonwoo naman ang napangiti.

"Well I like it when he's strict around you..." kindat niya sabay fist bump si Jackson

"Mama oh..." reklamo ni Dane sa akin.

"Come here, Baby..." tawag ko kay Dane at lumapit sabay yakap at halik ko sa kanya.

"Do you really want to have a little sister or brother?"

"Kahit na po boy or girl, Mama. I will love the baby. Jackson and I will not fight anymore." sabi niya sabay yakap muli sa kin.

-

"What are you doing Yeonwoo walking around the room ? Paano pag biglang pumasok ang mga bata?"

"Late na, hon. Tulog na sila." Sabi niyang hindi sinsagot ang tanong ko bagkus humarap sa salamin at nag side view sabay hawak sa tiyan niya. "Bagay kaya sa akin magbuntis?" Sunod niyang tanong and I rolled my eyes.

"Is that why you're ?" Tanong ko ulit pero hindi siya sumagot.

"Mabigat ba sa tiyan ang buntis, hon." sabay lapit

"Find out for yourself..." Sagot ko. "Wear your shirt and let's sleep maagang darating ang chopper mo bukas, hindi ba?" Paalala ko.

"He can wait." Sabi niya na hindi gumagalaw para magbihis at nakangiti lang na nakaharap sa akin. "Do you still want my body kahit na buntis na ako?" Sunod niyang tanong.

"What a silly question..." Sagot ko. "I'm craving for that body no matter what your size is just as you crave for my body when I was pregnant."

"Well of course, hon..."

"Then why are asking me that question?" I sound a bit irritated.

"Bakit ka naiinis?" Balik niya.

"Ikaw kasi..." Sabi ko lang.

"Alisin natin inis mo." She said seductively then leaned forward to kiss me which I responded. "Let's start making Baby" she giggled.

"Yeonwoo huwag mo akong daanin sa ganyan..." Sagot ko sa kanya.

"Hon, kailangan natin to para maging kamukha mo ang baby."

"Hindi ka pa nga nabubuntis..." Rason ko.

"Kahit na...." Sabi niya at inuumpisahan na niyang hubarin ang nightgown ko.

"Yeonwoo..." Kunwa kong protesta.

"Sige na hon para kamukha mo si Baby..." Palusot niya.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
YeonYun #1
Plss continue write some nanwoo stories 🥺
iana013
#2
Fam write other stories please
Keiill
#3
Chapter 36: I really really love this story :) I want to re read this again.. If you want to make an another story about nanwoo author, I will there and read it. Thanks for this :)
usrcvi #4
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️
usrcvi #5
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️
usrcvi #6
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️
usrcvi #7
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️
usrcvi #8
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️
usrcvi #9
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️
usrcvi #10
Next story po author :)) yung proxy bride ☺️