Welcome

Your Highness

Lisa's POV

 

"Wow!"

 

Nakangiti ako habang pinagmamasdan ko siya na manghang mangha sa ganda ng tanawin dito sa El Nido. Para siyang batang excited sa nakikita niya. Well, di ko naman maikakaila na napakaganda talaga ng EL Nido kaya nga dito ko napiling tumira. Bukod sa napakaganda ng tanawin dito, napakatahimik pa.

 

Pagkatapos ng halos 15 hours na byahe sa wakas nakarating na rin kami. Sampung minuto na lang at makakababa na kami.

 

"Wow! This place is really beautiful! Is this Palawan already? Are we still in the Philippines?" tanong niya ng nakangiti sakin.

 

"El Nido, Palawan and yes we're still in the Philippines" seryosong sagot ko naman habang pinipigilan kong ngumiti. 

 

As much as possible I want to look tough in front of her para naman kung may pinaplano man siyang di maganda alam niyang hindi niya ko basta basta mapapaniwala sa mga palabas niya. But I still hope she's really showing me her true color.

 

She keeps on nodding her head habang nakatingin sa nagtataasang bato at isla ng lugar.

 

Matapos ng sampung minuto ay narating na rin namin ang aming destinasyon.

Dito sa islang to ako nakatira

Dito sa islang to ako nakatira. Konti lang ang mga residenteng naninirahan dito kaya halos lahat magkakakilala. At isa pa sa mganda rito ay hindi ito katulad ng ibang isla na napakaraming turista dahil bihira lang ang pumupunta rito at karamihan ng mga nakatira rito ay mga mangingisda.

 

Pumunta na ako sa may manibela at dahan dahan ko nang inihinto ang yate. Sa may di kalayuan naman ay tanaw ko na si Seulgi na kumakaway sa akin.

 

Agad akong bumaba matapos kong ihinto ang yate.

 

"Lisa!" sigaw ni Seulgi bago siya lumapit sakin at niyakap ako.

 

"Dala mo na ba yung pinapabili ko?" tanong niya sakin.

 

Tuwing weekends kasi, lumuluwas ako ng Maynila para makipagkita sa kapatid ko at para na rin bumili ng mga kailangan namin dito sa isla. Napakalayo kasi ng palengke kaya naman lahat ng kailangan ng mga tao rito ay pinapabili na nila sakin tuwing luluwas ako.

 

"Oo nandun sa loob" sagot ko sa kanya.

 

Excited naman siyang tumungo sa yate para kuhanin yung mga case ng beer na pinabili niya. Magkakaroon kasi ng pyestahan ang buong isla kaya napakarami niyang pinabiling beer.

 

Nagpatuloy naman ako sa paglalakad ng bigla niya kong taawagin.

 

"Ah.. Li.. Lisa... sino siya?" tanong ni Seulgi.

 

"Hi!" dinig kong bati nung kuting kay Seulgi.

 

! muntik ko nang makalimutan si Jane. Oo nga pala!

 

"He... Hello" nakangiting bati rin naman ni mokong.

 

Lumingon ako kay Seulgi at nakita kong tinutulungan niya si Jane na pababa naman ng Yate. Nakangiti lang si kuting kay Seulgi habang si Seulgi naman ay nakatingin sakin at pinandidilatan ako ng singkit niyang mga mata at tinatanong ako kung sino tong kasama ko gamit ang mga mata niya.

 

Lumapit si Seulgi sakin habang si kuting naman ay inililibot ang kanyang mga mata sa paligid. Nagdesisyon nga pala akong tawagin siyang kuting dahil para siyang cute na kuting dahil sa mga mata niya.

 

"Hoy! Bat naguwi ka ng babae? Sino yan?" usisa niya kaya lang bago ko pa siya masagot ay lumapit na samin si kuting.

 

"Hi! Are you Lisa's friend?" tanong ni kuting kay Seul.

 

"Ye.. yes, I am. My name is Seulgi and you are?"

 

"Jane. Jane Kim. Nice to meet you Seulgi!"

 

" Same to you. Welcome to El Nido, Jane!" sagot naman ni Seulgi.

 

Kita ko namang nagulat si Seulgi dahil sa pagka Englisera nitong si Jane. Kaya napatingin na naman siya sakin.

 

"Mamaya tayo magusap" bulong ko kay Seulgi.

 

Isa si Seulgi sa pinakamatalik kong kaibigan at isa sa pinaka unang nakilala ko dito sa isla. Yung pamilya niya ang itinuring ko na ring pamilya simula ng tumira ako rito, kaya parang magkapatid na kami kung magturingan nito ni Seulgi. Kaya lahat ng tungkol sakin alam niya.

 

-----

 

"Is this where you live?" tanong ni Jane nang marating na namin yung munting tirahan ko.


 

"Yes" sagot ko naman.

 

Malayo sa prestihiyosong buhay ko sa Manila yung buhay ko dito sa Palawan. Dito kasi tahimik at simple lang ang buhay ko. Malayo sa gulo, malayo sa mataas na expectations ng mga tao. Dito kahit anong gusto kong gawin pwede, walang matang palaging nakamasid sakin. Kaya nga kahit tutol ang parents ko na tumira ako rito wala silang nagawa dahil ito yung gusto ko. Malayo sa buhay na gusto nila para sakin.

 

"You're house is so cute. Thank you for accepting me here" nakangiting sabi niya sakin.

 

I nodded my head and told her to look around na agad niya namang sinunod. Mukhang excited siya sa lugar eh.

 

Pinaningkitan naman ako ni Seulgi ng mata at nakatingin siya sakin ng masama ngayon. Alam ko na iniisip nito.

 

"Hoy! hoy! wag mo kong tignan ng ganyan ah. Alam ko yang iniisip mo. Hindi ko ibinahay yung babaeng yun" depensa ko sa sarili ko.

 

"Manoban, ito yung unang pagkakataon na naguwi ka ng babae dito sa bahay mo. Karamihan ng babae mo hanggang beach lang or motel pero ito inuwi mo. Anong gusto mong isipin ko?" mapanghusgang tanong niya sakin.

 

"Tinulungan ko lang yan. Nagtago sa yate ko dahil may humahabol daw sa kanya na gusto siyang saktan. Nagmakaawa na sumama sakin kaya ayan," paliwanag ko.

 

"Eh bat hindi mo sinurrender sa mga pulis?"

 

"Sa tingin mo ba di ko naisip yan? Ayaw niya eh. May connection daw sa mga pulis yung mga humahabol sa kanya"

 

Napakunot noo naman siya sa sinabi ko.

 

"Naku trouble yan Manoban, kung ako sayo isurrender mo na yan" sabi naman ni Seul.

 

"Paano nga eh ayaw niya"

 

"Ayaw niya o ayaw mo?"

 

I rolled my eyes at Seulgi habang nakatingin siya sakin ng seryoso.

 

"Tigilan mo ko Seulgi. Alam ko maganda siya pero hindi ko siya pag iinteresan no!"

 

Suelgi pouted her lips and nodded her head sarcastically.

 

"So, anong plano mo dyan?" tanong niya sakin.

 

Napaisip ako. Bakit nga ba ko napapapayag ng babaeng to? Hindi ko den alam? Siguro dahil naaawa ako sa kanya. Oo nga, naaawa lang ako sa kanya. Sabi ko sa sarili ko habang nakatingin ako kay Jane na nakaupo sa duyan sa may puno ng buko.

 

"Dito na muna siya hanggang sa panahong handa na siyang umalis at umuwi sa kanila"

 

"So, ano bahay bahayan kayo ganun? Ano na lang sasabihin ng mga tao dito?" tanong ni Seulgi habang nakangisi.

 

Napakunot noo naman ako pero naisip ko hindi naman mapanghusga yung mga tao rito. Kailangan ko lang ipakilala sa kanila ng maayos si Jane.

 

"Edi sasabihin kong nagtatrabaho siya sakin"

 

Napataas naman ng kilay si Seul sa sinabi ko.

 

"Bilang kapalit ng pagtira niya rito, kailangan magtrabaho bilang kasambahay ko. Tama, kung sasabihin kong kasambahay ko siya, edi hindi kami matsitsismis. Pwede pa rin akong gumimik, maglasing, at pumarty" napangisi naman ako ideyang yun.

 

"At sa tingin mo maniniwala sila eh napaka englisera niyang inuwi mo?"

 

Oo nga no bat di ko naisip yun?

 

"Edi sasabihin ko naholdup tapos nawala yung passport kaya di makauwi at tinulungan ko lang, basta! Bat ba ang dami mong tanong?" inis kong sabi kay Seulgi.

 

"Haay... bahala ka na nga Manoban! Malaki ka na. Alam mo na yang ginagawa mo. Sige na maiwan ko na kayo. Kukunin ko na muna yung mga pinabili ko sa yate"

 

Tumango naman ako at saka siya umalis.

 

Nang makaalis si Seulgi ay lumapit naman sakin si Jane.

 

"Lisa thank you again" nakangiting sabi niya.

 

Napatitig na naman ako sa mga mata niya. Bakit ba ang ganda mo?

 

"Ehem!"

 

Napabalik ako sa realidad ng biglang umubo si Seulgi habang dumadaan at buhat yung case ng beer habang pauwi sa kanila na ilang metro lang ang layo ng bahay mula sa bahay ko. Nakakunot noo na naman siya sakin. Inirapan ko naman siya at hindi na pinansin.

 

Nabalik yung atensyon ko kay Jane nung nawala na si Seulgi sa paningin ko. Pumasok kami sa loob ng bahay at pinaupo ko siya sa couch.

 

"Do you live here alone?" usisa ni Jane.

 

"Yes"

 

She looked around the house saka ko narealize na iisa nga lang pala yung kwarto ng bahay na to. Base sa mukha niya parang hinuhusgahan niya yung bahay ko eh. Parang ngayon lang siya nakakita ng ganito kasimpleng bahay at mukhang natatakot siya dahil isa lang yung kwarto. Hindi ko naman kasi kailangan ng malaking bahay dahil magisa lang naman ako. Pero hindi rin naman to ganun kaliit dahil medyo malaki ang sala, kusina, bakuran nito.

 

"Don't worry I wouldn't do anything bad to you" sabi ko naman.

 

"Oh no. no. I'm sorry. I'm not thinking anything like that. I am just so thankful that you accepted me here" she sincerely said.

 

"Okay, don't thank me so much coz I'm not as good as you think I am. First of all, I want to be honest with you. I only accepted you here coz you need help but I still feel that you're not saying me the whole thing. I still feel that you are concealing something. I just hope you're not"

 

She nodded her head, "I understand" sagot niya then I continued.

 

"Second, you're staying here but it's not for free. You have to work for me, as my maid"

 

Nanlaki yung mga mata niya sa sinabi ko at bigla siyang napatayo.

 

"What? As you're what?"

 

"As my MAID, Jane. You heard it? As my maid. You will be cleaning the house, you will cook, you will wash my clothes, the dishes, and other things I will tell you to do"

 

went ajar after hearing what I said. Her eyes were also squinted and I can see that she's against it.

 

"You want me to be you SERVANT? SERIOUSLY? Please tell me you're just kidding me?"

 

"I hope I am but I am not. Why? do you have any problem with that? I thought you'll gonna do anything I say?" I answered.

 

Then she was speechless while hung open.

 

"And also, I only have one room in this house so I will be using the room and you'll sleep on the couch" nakangiting dagdag ko pa.

 

Napaupo naman siya sa couch dahil sinabi ko.

 

'Welcome to my Home Kitten'

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

-----------------

Dahil may Lili Film ginanahan ako mag upload. What can you say about the story so far? Drop your comments please I need to hear if you like the story or not.

BTW, sinong nakanuod na ng Lili Film 3? Grabe ang hot. For those who haven't watch it yet, panuorin niyo na po. Here's the link. Let's support our Lisa! <3 <3

 

https://www.youtube.com/watch?v=je_R3gEtDbw

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Kimwari25
Anyone who knows how to insert pic here sa AFF?

Comments

You must be logged in to comment
Jendeukie_16 #1
Chapter 44: Update soon author. 1 chapter only? Myghad, I'm not ready for that ? I want more chapters ?
DarkSilhouette_15
#2
Chapter 38: So hot!
Jung97 #3
Chapter 37: Wahhhh❤️❤️
yogirl_jasmin #4
Chapter 35: go go go!
erzcaps27
#5
Chapter 35: OMG!!! Lalisa is coming, wait for her Jennie
Jendeukie_16 #6
Chapter 34: We trust you author, you're the best ☺️
PinyaNiSeulgi
#7
Chapter 34: Engaged sya kay jennie oof
yogirl_jasmin #8
Chapter 34: alam ata ng daddy ni Lisa lahat pero tinago niya lang? alam ng daddy ni lisa na hawak niya sa jennie ganon? ?
Jendeukie_16 #9
Chapter 32: Author, wag naman ganyan please ? patalsikin mo na si kai ? nakakaawa naman na naiipit si jennie sa ganung sitwasyon ? napakasama ni kai ? patayin mo nalang siya ?
yogirl_jasmin #10
Chapter 33: konting sakit pala ah? ?