Decision

Your Highness

Kanina pa ko nakatulala sa dagat at nagiisip kung dapat ko na nga bang sabihin kay Lisa ang totoo. Kahapon sa palengke, hindi ko maiwasang matakot nung makita ko yung mga pulis. Nagaalala ako na baka ako na yung hinahanap nila at baka ibalik nila ako sa kung saan talaga ako galing. Sobrang takot ang naramdaman ko nun. Takot na hindi dahil ibabalik ako sa dating buhay ko kundi takot na malayo ako kay Lisa. Hindi ko na kakayaning mapahiwalay sa kanya. Kaya naman nagisip isip ako pagkauwing pagkauwi namin ni Irene kahapon. Alam kong nangako ako kay Jisoo na babalik ako, pero matapos ng malalim na pagiisip ko 
at after realization ko how I missed Lisa now that she's not here around, nakapagpasya na ko. Alam ko magagalit si Jisoo sakin dahil sa magiging desisyon ko pero ito yung gusto ko at eto na yung pinipili ko. I will tell her the truth pagbalik niya at sasabihin kong I am choosing her, that I will choose to stay with her. Yes, wala na kong balak bumalik sa Korea kaya sana dumating na siya para masabi ko na sa kanya ang totoo. 

 

"Jane you okay there?" tanong sakin ni Irene.

 

She looks really worried about me. Hindi ko alam pero kanina pa ko kinakabahan. Kahapon, I received a text from Lisa asking me how am I doing here, she also called me kaya lang di ko nasagot kasi I left my phone inside Irene's room since dito ako natulog dahil ayaw ni Lisa na magisa ako sa bahay. I was actually trying to call her back kaya lang di niya sinasagot yung phone niya simula pa kagabi. Nagaalala na ko na baka kung ano nang nangyari sa kanya. 

 

"Lisa still hasn't calling me yet. I already texted her but she's not even responding back" nagaalalang sagot ko naman sa tanong ni Irene.

 

Irene patted my shoulder and smiled at me. 

 

"Don't worry too much. Maybe she's just asleep. I'm sure she'll be here before the sun sets. Let's go there and join them" pagaya niya sakin papunta kina Seulgi na masayang nagkakantahan sa videoke. 

 


Nagsisimula nang lumubog ang araw pero ni anino ni Lisa wala pa rin. Lisa told me bago siya umalis na she won't miss Irene's birthday pero hanggang ngayon di pa rin siya nagpaparamdam. Ni isang text wala akong natanggap galing sa kanya. 

 

Lisa asan ka na ba?

 

Patuloy na lumalim ang gabi at walang Lisa na dumating sa birthday ni Irene. Parang mababaliw na ko sa sobrang pagaalala sa kanya. Isa isa nang naguuwian yung mga bisita ni Irene dahil tapos na rin yung birthday party niya. 

 

"I'm sure she has an explanation why she missed my party" 

 

Napalingon ako and I saw Irene smiling weakly towards me. Irene and Lisa are also good friends kaya alam kong nagtatampo siya kay Lisa. Well, Lisa really should have a better explanation why. 

 

"Irene, I'm worried" 

 

Lumapit siya sakin at agad akong niyakap. 

 

"What if something bad happens to her?" 

 

"Sssshhhh... Don't think like that, let's just hope she's fine" sabi niya naman habang hinahaplos ang likod ko. 

 

Ilang sandali pa at napansin na namin ni Irene ang pagdaong ng yate ni Lisa. My heart started pumping so wild and I run as fast as I can papuntang dalampasigan para salubungin siya. Gosh! I missed her so much at hindi niya alam kung gaano niya ko pinagalala. I stay still waiting for her to reveal herself. Di naman nagtagal at bumaba na yung taong kanina ko pang pinakaaantay. She's just wearing a simple black vneck shirt and black fitted jeans yet she still looks hot and stunning. Nagtama ang mga mata namin and I automatically smiled at her pero wala akong nakitang reaksyon sa mukha niya. She looks so serious but I just shrugged it off at inisip na lang na baka pagod lang siya. Agad akong tumakbo papunta sa kanya at niyakap siya nang napakahigpit. I missed her so much! I missed her scent, her warmth, I miss everything about her. 

 

"I miss you!" sabi ko before I buried my head on her chest.

 

Before Lisa could even answer me ay nagsalita naman si Irene. 

 

"You made us worried. Akala namin kung ano nangyari sayo" 

 

"I'm sorry Irene that I wasn't able to attend your birthday party coz something came up. Bawi na lang ako"

 

"It's fine ang mahalaga you're safe" Irene replied with a smile on her face. 

 

Lisa nodded her head at saka na siya nagpaalam kay Irene. We are now walking on the way home but until now hindi pa rin nageexplain si Lisa sakin kung ano bang nangyari. Napapansin ko rin na parang ang cold niya sakin. It's either yes or no or tango lang ang isinasagot niya kapag kausap ko siya. Kaya naman pagdating namin sa bahay agad kong hinawakan yung kamay niya at iniharap siya sa akin. 

 

"Lisa? Are you okay? What happened?" nagaalalang tanong ko sa kanya. 

 

She looked straight into my eyes pero wala akong mabasang ekspresyon sa mga mukha niya kaya mas lalo akong kinakabahan. Bakit bigla na lang siyang naging ganito?

 

"Pack your things we're going somewhere" 

 

"Huh? Where are we going?" kunot noo kong tanong sa kanya. 

 

Naguguluhan pa rin ako sa inaasal niya ngayon. Ano ba kasi talagang nangyari sa kanya? Ano bang nangyari sa Manila?

 

"We'll be going on a vacation with Babs" 

 

Again napakunot noo ako at mas lalong kinabahan. Bakit parang ang biglaan naman ata? Diba kakauwi niya lang tapos aalis na naman siya. Pero ang mas kinakatakot ko ngayon ay yung ideya na hindi pa ko handang mameet yung kambal niya. Tulad nga ng sabi ko ayokong pati sa pamilya niya magsisinungaling ako. Gusto ko muna sanang sabihin kay Lisa yung totoo pero pano ko naman gagawin yun ngayon. Looking at Lisa's mood, feeling ko hindi pa ito yung tamang panahon para ipagtapat ko sa kanya yung totoo. Siguro kapag okay na yung mood niya. Maghihintay na lang muna ko ng tamang tiyempo. 

 

Sumunod ako sa kanya at inempake yung mga gamit ko. Sabi niya magdala daw ako ng maraming damit kasi matatagalan kami sa bakasyon and since isang bag lang naman ang dala dala kong gamit nung tumakas ako, dinala ko nang lahat ng damit ko. Matapos kong makaimpake ay agad na kaming sumakay sa yate niya. 

 

"Where are we going baby?" tanong ko sabay hawak ko sa kamay niya. 

 

"You'll see" sagot niya naman ng hindi manlang tumitingin sakin. 

 

Sobrang naninibago talaga ko sa attitude niya ngayon dahil napakacold niya. 

 

"You better sleep. I'll just wake you up when we arrive at our destination" sabi niya sakin.

 

Tumango naman ako. Pero bago ako bumaba sa cabin, tinitigan ko muna siya at hindi ko na natiis at nilapitan ko na siya. 

 

I cupped her cheeks with both my hands saka ako tumingkayad at hinalikan siya sa labi. 

 

"Goodnight, mahal ko" sabi ko matapos ko siyang halikan.

 

"Night" sagot niya naman. 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Lisa


Flashback


"Babs?" tawag ko sa kanya when I saw her holding my phone while looking at the screen. Pansin kong parang shocked yung expression niya sa nakikita niya. Napangiti naman ako. Sino ba naman ang di mashoshocked sa ganda ni Jane. Yes, siya kasi yung wallpaper sa phone ko. Siguro di lang makapaniwala tong kambal ko na ganyan kaganda ang girlfriend ko. 

 

"Is this Jane?" tanong niya pagharap niya sakin at habang itinuturo ang picture ni Jane sa phone ko. 

 

"Yes" proud at nakangiting sagot ko naman. 


Napansin kong namutla siya at di nakapagsalita sa sinabi ko. Sobrang gulat niya ba at di makapaniwalang girlfriend ko si Jane?


Natatawa akong lumapit sa kanya at sinabing, 

 

"Hoy Babs! What's with your face? Gulat na gulat lang? Ano di ka makapaniwalang ganyan kaganda ang girlfr---" I wasn't able to finish talking when she cutted me off. 

 

"Don't you know her, Lis?" kunot noo niyang tanong sakin. 

 

"Ano bang sinasabi mo jan, Rosie? Of course I know her, she's my girlfriend, she's Jane" tatawa tawang sabi ko pa rin. Ang OA naman kasi ng reaksyon niya. 

 

"Lisa she's Princess Jennie Ruby Jane Kim for sake!" taas boses niyang sabi sakin. 

 

"P--princess?" naguguluhang tanong ko sa kanya. 

 

She nodded her head bago siya lumapit sakin at hinila ako paupo sa isang upuan. 

 

"Remember what I told you regarding sa problema sa bahay?" tanong niya habang hawak hawak niya yung mga kamay ko. 

 

I bob my head while looking straight into her eyes. 

 

"Siya yung problema ni Dad, siya yung pinoproblema sa bahay" 

 

Mas kumunot ang noo ko sa narinig ko. Wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya. Saka Princess? Si Jane? How come?

 

"Alam ko naguguluhan ka. So, let me explain. Naalala mo 3 weeks ago nung may malakas na bagyo ang tumama dito sa bansa natin, particularly here in Manila?" 

 

Tumango ako. 

 

"A group of Korean citizens came here para magbigay ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo at kasama dun ang crown Princess ng Korea. Kasama namin siyang magbigay ng reliefs and medicines pero wala kaming alam na may balak pala siyang tumakas. Tinakasan niya yung mga guards niya at ilang linggo na siyang pinapahanap ni Dad. At first, sinubukan nami nang adopted sister niya na wag ipaalam sa hari ng Korea kasi natatakot kami sa pwede niyang gawin sa bansa natin kapag nalaman niyang nawawala ang anak niya but unfortunately, someone reported to the king that the princess was kidnapped. Sa sobrang galit ng tatay niya, pinagbantaan niya na tatapusin ang pagkakaibigan ng mga bansa natin at magpapadala siya ng mga armies dito para hanapin ang anak niya. Pag hindi pa siya bumalik sa kanila in a week siguradong magkakagulo dito satin Lis" 

 

Hindi ko maabsorb lahat ng sinasabi niya sakin ngayon. Baka naman nagkakamali lang siya. 

 

"Are you sure about that Rosie? Coz Jane told me she's a tourist and there are people running after her who wants to hurt her kaya siya napadpad dito sa yate ko" parang gustong sumabog ng dibdib ko dahil hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko ngayon hanggang sa hawakan niya yung kamay ko. Bahagya niya yung pinisil at napatingin naman ako sa mga mata niya na puno ng kalungkutan. 

 

"Lisa, sa tingin ko, Jane lied to you. Yung mga humahabol sa kanya, mga bodyguards niya yun" 

 

Doon ko na hindi napigilang sumabog ang nararamdaman ko at unti unti nang umagos ang mga luha mula sa mga mata ko. I was being played again. I can't believe nagawa niyang magsinungaling sakin. I told her how much I hate liars pero hindi pa rin siya nagsabi ng totoo. 

 

End of Flashback

 


Hindi ko na nagawang makatulog kagabi dahil sa dami ng mga bumabagabag sa isip ko. Hanggang ngayon hindi ako makapaniwalang Prinsesa yung kasama ko, pero mas hindi ako makapaniwalang naloko na naman ako. 


"Lisa? Why are we here?" tanong niya. 

 

Fear is evident in her face habang patuloy siyang tumitingin paligid. We are now here in Manila Bay. 

 

"We'll meet Babs here" 

 

I saw how she swallowed a lump in and I can feel that she looks bothered. 

 

"You remember this place?" I forced a smile while asking her that pero ang totoo gusto ko siyang sigawan at tanungin kung bakit niya nagawang magsinungaling sakin. 

 

"How can I forget?" nakangiting sagot niya naman na mas ikinainis ko. Naiinis ako kasi nagagawa niyang pang ngumiti sa harap ko na parang wala siyang tinatago sakin. 


I was about to say something to her when suddenly my phone rang. I looked at it and saw Babs name on it. 


"Yes Babs? Andyan na kayo? O sige papunta na kami dyan" 

 

Pagbaba ko ng phone ko ay agad ko na siyang hinarap. I hold her wrist and took her bag. I saw her flinch dahil sa biglaan kong paghila sa braso niya and she looks really lost sa mga nangyayari. Nagmamadali ko siyang hinila pababa sa yate ko. I looked around and I saw Babs car sa di kalayuan. 

 

"Lisa why are we in a hur---" hindi niya na natapos ang sasabihin niya when someone called her name. 

 

"JENNIE!!!" 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 


-----
This is it! Alam kong sinabi ko sa inyong light story lang to. Well, this is actually light for me, compared sa ibang books ko..haha.. Sorry kung sa iba hindi to light, pero pramis di naman magtatagal yung angst. Kumbaga konting spice lang sa story. Saka in life, hindi naman pwedeng palaging masaya ang buhay diba? Minsan need den natin masaktan para matuto tayo. Basta wag kayo magalala and just trust your authornim. 😘😘

Thank you den pla sa mga sumagot dun sa tanong ko nung nakaraan. Grabe! I never imagined na karamihan ng mga readers ko eh mga martyr! 🤣🤣 Char! Whaaha.. joke lang! pero minsan naman talaga martyr tayo pagdating sa love eh. haha. By the way keep on commenting and voting! Love you guys! Keep safe!

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Kimwari25
Anyone who knows how to insert pic here sa AFF?

Comments

You must be logged in to comment
Jendeukie_16 #1
Chapter 44: Update soon author. 1 chapter only? Myghad, I'm not ready for that ? I want more chapters ?
DarkSilhouette_15
#2
Chapter 38: So hot!
Jung97 #3
Chapter 37: Wahhhh❤️❤️
yogirl_jasmin #4
Chapter 35: go go go!
erzcaps27
#5
Chapter 35: OMG!!! Lalisa is coming, wait for her Jennie
Jendeukie_16 #6
Chapter 34: We trust you author, you're the best ☺️
PinyaNiSeulgi
#7
Chapter 34: Engaged sya kay jennie oof
yogirl_jasmin #8
Chapter 34: alam ata ng daddy ni Lisa lahat pero tinago niya lang? alam ng daddy ni lisa na hawak niya sa jennie ganon? ?
Jendeukie_16 #9
Chapter 32: Author, wag naman ganyan please ? patalsikin mo na si kai ? nakakaawa naman na naiipit si jennie sa ganung sitwasyon ? napakasama ni kai ? patayin mo nalang siya ?
yogirl_jasmin #10
Chapter 33: konting sakit pala ah? ?