Korea

Your Highness

I closed my eyes at inenjoy ko yung malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa mukha ko. Hindi ko first time dito sa Korea dahil nakapagbakasyon na ako dito dati kasama ang buong pamilya ko noon. I love Korean culture, people and food pero hindi ko akalaing pati yung taong mamahalin ko ay taga rito rin tapos prinsesa pa nang bansa nila. Napaka mapaglaro ng tadhana diba? 

 

Iminulat ko naman ang mga mata ko ng magsalita si Babs sa tabi ko. 

 

"Aaahhh.. I really like the weather here!" nakangiting sabi nito. 

 

Masarap naman talaga dito kasi malamig pero kahit na mainit sa Pinas mahal ko dun lalo na isla. Kung ganda at ganda lang naman ng lugar eh lalaban tayo dyan, yun nga lang napaka inet sa Pinas. 

 

"Ako den" sagot ko sa kanya. 

 

Matapos nun ay dumating na yung service namin maghahatid samin sa hotel. Pagdating namin sa mismong city ng Seoul ay napansin kong parang may mga dekorasyon sa daan at mukhang abala ang lahat. Siguro may malaking magiging pagdirawang sila kaya ganun. Pagdating namin ng hotel ay napagpasiyahan namin ni Babs na magpahinga na muna dahil balak sana naming gumala mamayang hapon. Bukas pa naman ang assembly kaya pwede pa kaming magliwaliw mamaya. Pagpasok ng pagpasok ko namin ni Babs sa kwarto ay agad kong binuksan ang phone ko. I tried to search kug paano makakapunta sa palasyo nila Jennie. Base sa mga nababasa ko, hindi daw basta basta nakakapasok dun. Kailangan may mahalagang pakay ka at nakapagpa appointment o kaya dapat invited ka ng hari para makapasok sa loob. Napakunot noo naman ako. So, ano nang gagawin ko ngayon?  Pano ko makakapasok dun? Pano ko makakausap si Jennie? Napasin siguro ni Babs na kanina pa ko sa pagbuntong hininga kaya agad siyang tumabi sakin at sinilip yung phone ko and gave me a 'what is that look?'

 

Agad ko namang iniabot sa kanya ang phone ko para ipabasa yung naresearch ko. Di naman nagtagal at ibinalik niya sa akin ang phone ko at saka siya tumayo. Napatingin lang ako sa kanya dahil wala man lang siyang reaksyon samantalang ako, eto problemado. 

 

Maya maya pa ay narinig ko na siyang magsalita. 

 

"Wag ka na mamroblema dyan. Bukas pagtapos ng assembly pupunta tayo sa palasyo" sabi niya habang hinuhubad ang jacket niya at nilalantakan yung cookies sa may mini table habang nakaupo sa sofa

 

Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. Dali dali akong umupo sa harap niya at tinignan siya sa mata. 

 

"Yes Yati, you heard me right. Bukas after assembly pupunta tayo ng palasyo dahil ininvite ng hari ang mga UN delagates for dinner. Kaya kung ako sayo, wear your best outfit coz you're about to meet the princess once again" she said with a smirk on her face. 

 

Lumapad naman ang ngiti ko at di nako nakapagpigil yakapin siya. I kissed her chubby cheeks multiple times dahil sa sobrang saya ko. 

 

"Oh my God Babs I'm so excited!" sabi ko na nagpatawa sa kanya. 

 

"Handa ka na bang harapin ang hari?" 

 

"Kinakabahan ko Babs" 

 

"Bat ka naman kakabahan? Dapat nga magpasalamat pa sila dahil kinupkop, inalagaan, at minahal mo ang anak niya. Chin up twin sister. Alalahanin mo kung bat ka nandito and that is?" tanong niya habang nakataas pa ang isang kilay. 

 

"To get back what's mine" seryosong sabi ko na nakapag patango naman sa kanya. 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

"You're so beautiful Jendeuk" nakangiting sabi ni Jisoo pagpasok niya ng kwarto ko. 

 

Tapos na kasi akong ayusan para sa pagpapakilala sakin sa taumbayan mamaya.

 

"Thank you Chu" sagot ko naman sa kanya. 

 

"Kinakabahan ka ba?" tanong nito. 

 

"Hindi" 

 

Lumapit ito sa akin at tumayo sa likuran ko habang pareho kaming nakaharap sa salamin. Tinitignan niya naman ako roon. 


"Malungkot pa rin yung mga mata mo" 

 

I smiled weakly at her while she looks really worried about me. 

 

"I'm sorry" maikling sagot ko. 

 

Actually, dapat masaya ko ngayon kasi matagal ko nang hinintay na ipakilala ako sa lahat. Matagal ko nang hinintay na makilala ang mga mamamayan ng aming bansa pero bakit kabaligtaran yung nararamdaman ko. Hindi ko makuhang maging masaya. Dahil na rin siguro alam kong ngayong araw na rin magtatapos ang istorya naming dalawa. Ngayong araw kung saan ipapakilala ako sa buong mundo bilang susunod na tagapagmana ng trono, kasabay ng pagpapakilala sa magiging fiancé ko. Nakadagdag pa dun yung kabang hindi ko alam kung sino ang napili ng aking ama para sa akin dahil hanggang ngayon hindi niya ipinapaalam sa akin. Nakakainis pero hindi ako makapagreklamo dahil wala akong karapatang kwestiyunin ang desisyon ng mahal na hari. 

 

"Cheer up sister dahil mamaya may sorpresa ako para sayo na siguradong ikasasaya mo" nakangiting sabi ni Chu. 

 

Tinitigan ko naman siya mula sa salamin na parang nagtatanong kung ano yung sorpresa but she just shook her head habang nakangiti. 

 

"Basta malalaman mo mamaya" sabi nito. 

 

Hindi ko alam kung ano na namang pinaplano niya pero sa ngayon malabo yung sinasabi niyang ikakasaya ko yung sorpresa niya. Dahil alam ko namang isang tao lang ang makakapagpasaya sa akin. Ilang sandali pa ay may kumatok sa pinto ng kwarto ko. 

 

"Pasok" sigaw ko. 

 

I saw one of my maids stand before us. 

 

"Mahal na prinsesa pinapatanong lang po ng mahal na hari kung tapos na daw po ba kayo? Kung tapos na daw po kayo ay dumiretso daw po muna kayo sa study room niya dahil may sasabahin daw po siya sa inyo. Sumama na rin daw po kayo Lady Jisoo" 

 

"Sige. Pakisabing papunta na kami" sagot ko. 

 

Ano na naman kaya tong announcement ni Dad at napakalast minute naman ata? Hindi kaya ipapakilala niya na sa akin kung sino ang magiging fiancè ko? I don't usually curse but dahil hindi pa ko ready at sobrang kinakabahan ako. Sabay kaming naglakad papunta sa study room ni Dad. Naunang pumasok si Jisoo at sumunod naman ako. Dad was seated on his chair at the back of his study table habang si Kai naman ay nakaupo sa may couch. Napakunot ang noo ko nang magtama ang mga mata namin. Mas lalo akong nainis ng makita ko yung pagngiti niyang parang aso. I swear mas lalo akong kinabahan sa presensya niya dito. Don't tell me siya yung fiancé ko? Oh gosh! Wag naman sana. I looked at Jisoo and asked her using my eyes kung may alam ba siya sa nangyayari but she just shrugged her shoulders. 

 

"Why do you need me here my King?" lakas loob kong tanong. 

 

Tumayo ang hari mula sa kinauupuan nito at lumipat sa may couch. 

 

"I called you here tungkol sa engagement mo Hija" tugon nito na mas lalong nagpakaba sakin. 

 

Sinasabi ko na nga ba. This is something about my engagement. My gaze Kai dahil hindi mawala ang ngiti niya sa mukha. Parang gusto kong mahilo habang tinitignan ko siya. Siya na ba? Siya na ba ang fiancé ko? Kinakabahang tanong ko sa sarili ko. I crossed my fingers habang hinihiling ko na sana nagkakamali lang ako. Inalis ko ang tingin ko kay Kai at muling ibinaling ito sa aking amang hari. Ilang sandali pa ay muli itong nagsalita

 

"Alam kong sinabi ko na kasabay ng pagpapakilala sayo sa taumbayan ang pagpapakilala ng iyong magiging kabiyak ngunit hindi natin ito magagawa sa ngayon" 

 

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ng hari. Ang ibig bang sabihin nito walang engagement na magaganap? I was about to ask the king ng bigla namang marahas na tumayo si Kai sa kinauupuan niya. Hindi ko mawari ang ekspresyon ng kanyang mukha. Mukhang magkahalong gulat at galit ang nakikita ko. 

 

"Anong ibig sabihin nito mahal na hari? Akala ko ba'y ngayon niyo ako ipapakilala bilang magiging kabiyak ng prinsesa?" halos pasigaw nitong tanong sa hari. 

 

Nakita ko ang pagiba ng ekspresyon ng mukha ng hari. Tinaasan nito ng kilay si Kai bago ito sumagot.

 

"At paano mo naman nasabing ikaw ang magiging kabiyak ng aking anak?"

 

Nanlaki ang mata ni Kai sa sinabi ng hari habang nagngangalit naman ang kanyang mga bagang sa galit. Samantalang ako eto kinakabahan. Kung hindi si Kai sino?

 

"Kung hindi ako, sino?" tahasang tanong nito.

 

"Huminahon ka Kai. Hindi ka pa naman tanggal sa listahan ng maaaring mapangasawa ng aking anak. Napagdesisyunan ko lang na pagbigyan ng chance ang iba pang may nais makuha ang kamay ng aking anak. Besides, hindi pa tumutuntong sa bente singko si Jennie kaya may panahon pa para patunayan niyo na kayo ang karapat dapat para sa kamay ng aking anak at para sa trono. Isa pa, kailangan ko ring bigyan ng panahon ang anak ko para kilalanin kayo na mga taong gusto siyang kilalanin at paibigin" nakangiting sabi nito.

 

Kai shook his head. Alam kong inis na inis siya sa binalita ng hari pero wala siyang magagawa dahil ang utos ng hari ay hindi mababali. I smirked seeing him like that. My father turned his gaze on me na may napakalaking ngiti sa mukha. Hindi ko na napigilan at napangiti na rin ako. Atleast kahit papano nabawasan ang mga isipin ko. Hindi pa rin ako sigurado kung sino ang mapipiling maging kabiyak ko but mas mabuti na to kesa hindi man lang ako mabigyan ng panahong kilalanin kung sino man siya. Pero ang pinakapinagpapasalamat ko sa ngayon ay hindi pa siguradong si Kai yun. Hindi siya nawawala sa listahan pero maraming pwedeng mangyari. At gagawin ko ang lahat wag lang siya ang mapili. Sobrang saya ko dahil sa balitang ito ng hari pero mas magiging masaya sana ko kung isa si Lisa sa tinutukoy ng aking ama na mga taong gustong kumilala pa sakin. Should I call her? Pero hindi niya naman ako sasagutin dahil alam kong galit siya sakin. 

 

 

 

 

 

 


Natapos na ang presscon sa pagpapakilala sa akin sa media at andito na ako ngayon sa isang street ng Seoul kasama ang aking ama habang nakasakay sa isang kalesa. Napakarami ng tao sa paligid ang nagaabang at kumakaway para sa amin hanggang sa nagsimula na ang parada. Hindi ko naman maiwasang mapangiti habang kumakaway sa mga nakangiting mukha ng aking mga kababayan. Napakasaya nilang makilala ako at ganun din naman ako sa kanila. 

 

"Hail to the future Queen!" paulit ulit na sigaw nila. 

 

I feel overwhelmed dahil sa mainit na pagtanggap nila sa akin. Alam kong masaya ako pero bakit ganun? Pakiramdam ko pa rin parang may kulang. Yung saya na nararamdaman ko ay hindi maikukumpara sa sayang naramdaman ko nung nasa isla ako at nung nasa piling niya ko. I missed her. I missed her so much. Hindi ko na naiwasan at agad na tumulo ang luha mula sa mga mata ko. Hindi naman yun nakaligtas sa mata ng aking amang hari. 

 

"Ayos ka lang ba anak?" tanong nito. 

 

Agad ko namang pinahid ang luha sa mga mata ko at tumango. 

 

Matapos ang parada ay dumiretso kami sa hotel kung saan kami magsstay for the night. Napagdesiyunan kasing bukas na kami bumalik sa palasyo dahil may ipinaaayos raw roon ang mahal na hari. Press are scattered everywhere dahil hinihintay ang pagdating  namin. Ilang minuto pa ay huminto na ang limousine  namin sa entrance ng hotel restaurant. Nauna nang bumaba ang mahal na hari na protektado ng mga royal guards. He walked inside at nung masecure na nila ang hari sa loob ay saka kami sunod na lumbas ni Jisoo. Kasalukuyan naman kaming kumakain ng hapunan sa restaurant sa loob nitong hotel ng biglang mapabaling ang mata ko sa isang babaeng papalabas ng pintuan. That girl looks really familiar. Hindi ko maiwasang titigan siya para malaman kung tama ba ako ng hinala. Her side profile really looks like the person I've longed for. Hindi ako pwedeng magkamali na si Lisa yun. Tumayo ako sa kinauupuan ko para lapitan sana siya nang bigla namang tawagin ako ng aking amang hari. 

 

"May problema ba mahal na prinsesa?" tanong nito. Sabay sabay silang tatlo nila Jisoo at Kai na napatingin sa akin. 

 

Napatingin ako sa kanya bago ako muling napatingin sa direksyon ng pinaghihinalaan kong si Lisa. Papalabas na siya ngayon ng restaurant at hindi ko na nagawang kumpirmahin kung siya nga yun. 

 

Huminga ako ng malalim at muling naupo.

 

"Wala po Dad" sagot ko sa aking amang hari. 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

"Jendeuk?" 

 

Nagising ako dahil may tumatapik sa pisngi ko at tumatawag sa pangalan ko. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako dito sa sofa kakahintay kay Jisoo, sabi niya kasi may sorpresa daw siya sakin kaya wag muna ko matulog. Sa totoo lang, sobrang napagod ako kanina at gusto ko na lang sanang magpahinga kaya lang mukhang nageffort talaga tong Unnie ko kaya kawawa naman kung hindi ko pagbibigyan. Though wala ako sa mood, sasakyan ko na lang yung trip niya kesa magtampo pa siya sakin. Alam ko naman na gusto niya lang akong sumaya. Nang imulat ko ang mata ko nakita kong nakangiti siya sakin. Bumangon ako at agad na inayos ang sarili ko. 

 

"Magbihis ka na dali. Magsuot ka ng komportable at mag jacket ka dahil malamig sa labas" sabi nito sakin. 

 

"Unnie, san mo ba kasi ako dadalin? Ano ba yung sorpresa mo?" kunot noong tanong ko. 

 

"Basta. Gawin mo na lang yung sinasabi ko" 

 

Sumunod ako sa sinabi niya at nagsuot ng komportableng damit. When everything is settled ay agad niya kong hinila palabas ng pinto ng kwarto ko. Pagbukas ng pinto, nagtaka ako dahil wala yung mga guards ko sa labas. 

 

"Where are they?" takang tanong ko kay Jisoo. 

 

"Dinispatya ko muna para mailabas kita ng walang asungot" tatawa tawang sabi nito while I gave her a 'seriously' look. 

 

"Hahaha... Don't worry about your guards. Sabi ko masama ang pakiramdam mo at gusto mo ng mainit na Chicken Noodle soup sa isang Chinese restaurant. Inutusan ko sila na bumili ng authentic na chinese cuisine na yun. Malayo kasi ang Chinese restaurant dito kaya sigurado akong medyo matatagalan silang bumalik which is just enough for me para maihatid kita sa sorpresa ko" paliwanag nito habang bakas ang excitement sa mukha niya.

 

Maya maya pa ay bigla siyang humarap sakin. Isinuot niya sa akin ang hoodie ko at pinagmask ako. Mukha akong celebrity na nagtatago sa mga fans ko, pero dahil nga alam na ng taumbayan kung sino ako, dapat masanay na ko sa ganitong get up. Jisoo Unnie hold my wrist at hinila ako papunta sa pool area nitong hotel. Di ko alam kung anong ginagawa namin dito. Sobrang lamig naman kaya imposibleng magsiswimming kami. Napatingin ako sa kanya ng bigla kaming huminto sa may entrance nun. 

 

"Just enjoy this night Jendeuk, okay? Sobrang pinaghirapan ko to kaya sana maging masaya ka. Babalik na ko sa kwarto mo pagpasok mo dyan sa loob kasi kailangan andun ako bago pa makabalik ang mga guards mo para mapagtakpan kita. Basta itext mo ko pag pabalik ka na sa unit mo ha" 

 

Naguguluhan parin ako sa kung anong nangyayari but Jisoo Unnie told me that I should just trust her. Dahan dahan niya kong tinulak papasok at hindi ko na napigilan ang pagsabog ng emosyon ko at pagpatak ng luha ko ng makita ko kung ano yung inihanda niya para sa akin.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Kimwari25
Anyone who knows how to insert pic here sa AFF?

Comments

You must be logged in to comment
Jendeukie_16 #1
Chapter 44: Update soon author. 1 chapter only? Myghad, I'm not ready for that ? I want more chapters ?
DarkSilhouette_15
#2
Chapter 38: So hot!
Jung97 #3
Chapter 37: Wahhhh❤️❤️
yogirl_jasmin #4
Chapter 35: go go go!
erzcaps27
#5
Chapter 35: OMG!!! Lalisa is coming, wait for her Jennie
Jendeukie_16 #6
Chapter 34: We trust you author, you're the best ☺️
PinyaNiSeulgi
#7
Chapter 34: Engaged sya kay jennie oof
yogirl_jasmin #8
Chapter 34: alam ata ng daddy ni Lisa lahat pero tinago niya lang? alam ng daddy ni lisa na hawak niya sa jennie ganon? ?
Jendeukie_16 #9
Chapter 32: Author, wag naman ganyan please ? patalsikin mo na si kai ? nakakaawa naman na naiipit si jennie sa ganung sitwasyon ? napakasama ni kai ? patayin mo nalang siya ?
yogirl_jasmin #10
Chapter 33: konting sakit pala ah? ?