Blackout

Your Highness

"Good morning!" masiglang bati mo sakin pagkagising mo. 

 

Kinabahan naman ako ng marinig ko ang boses mo nang maalala ko yung nangyari kagabi. 

 

I like you

I like you

I like you

 

Alam mo bang di ako nakatulog kagabi kakaisip sa sinabi mong yan. Pero mas hindi ako makatulog dahil sa ginawa mo. 

 

Tinignan kita at napakaganda ng ngiti mo, parang wala kang hang over ah. But anyways, mas maganda ang umaga kapag ngiti mo ang bubungad. Pero iniisip ko, naalala mo kaya yung mga nangyari kagabi? 

 

"Good morning, Jane" napabalik ako sa realidad nang di ko namalayang nakatayo ka na sa harapan ko. 

 

"Ah... gu-good morning!" nauutal kong pagbati naman sayo. I hate myself for stuttering. 

 

"Wow! You cooked?" nakangiting tanong mo. 

 

"Yeah. Let's eat" pagaaya ko sayo. 

 

Agad ka namang umupo sa may lamesa at hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi mo. Looking at you, mukhang sobrang excited kang tikman yung niluto ko. 

 

"Wow! This is good! You're fast learner ah!" sabi mo pagtapos mong tikman yung sinangag at bacon. 

 

Pinagmamasdan lang kita habang sarap na sarap kang kumain. 

 

Wala ka ba talagang naaalala Lisa? 

 

Hindi na ko nakatiis at tinanong na kita. 

 

"Lisa?" 

 

"Hmmm?"

 

"Do you remember anything from last night?" 

 

Napahinto ka sa pagkain at tumingin ka sakin. Napaisip ka. 

 

"Why? Is something important happened last night? Did I embarrassed myself too much?" 

 

Mukhang wala talaga siyang naaalala. Dala nga lang siguro ng kalasingan lahat ng nangyari kagabi. 

 

Umiling ako. 

 

"No. Nevermind" sabi ko at tumango ka naman bago bumalik ulit sa pagkain. 

 

 

 

 

 

 

 

"Yes!" 

 

"No!" 

 

Magkasabay na sabi ni Irene at ni Lisa. Napatingin naman ako sa kaninalang dalawa unsure kung sinong paniniwalaan ko. 

 

Irene glared at Lisa but the latter didn't even budge. Hindi ko na lang pinansin at muling pumasok sa cr para magsukat ng iba pang dress. Mamayang hapon na kasi yung date ko with V at nandito si Irene ngayon para tulungan akong mamili ng susuotin ko. Unfortunately, kanina pa ko nagsusukat but until now wala pa rin akong napipili dahil lahat na lang ng suotin ko inayawan nitong si Lisa eh. Ito na yung last dress, sana okay na to. Hindi ko nga rin alam kung bakit siya nakikisali siya sa pagpili ng susuotin ko eh. Basta ang sabi niya lang, makinig daw ako sa kanya or else di niya ko papayagan sumama kay V. Kaya ayun wala akong magawa. Pero sa totoo lang naiinis na ko kasi kanina pa ko papalit palit ng damit dito. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ang sungit niya na naman sakin. Samantalang kanina ambait bait niya. Nagthank you pa nga siya dahil sa pagaalaga ko sa kanya kagabi nung nalasing siya. Napaka moody! 

 

Andito ako sa loob ng banyo ngayon para magsukat na naman ng panibagong dress. I am now wearing a red backless dress that falls two inches above my knees. I like it. It's comfortable to wear and it suit my taste when it comes to dresses. Sana magkasundo na kami rito. 

 

Lumabas ako ng pinto and I saw Irene talking to Seul habang si Lisa naman busy sa kakacellphone niya. 

 

Seul and Irene looked at me first wearing big smiles on their faces. Kita kong gusto rin nila yung suot ko ngayon. 

 

"Wow Jane!" sabay na sabi ni Irene at Seulgi that made Lisa's head lifted up to see me. 

 

She looked at me from head to toe and I am actually praying inside me na sana okay na to sa kanya. The three of us are waiting for her comment while staring at her beautiful face nang bigla naman siyang umiling.

 

"No. That's too revealing" sabi niya with an emotionless expression on her face. 

 

Napasimangot naman ako at napakagat labi na lang dahil sa sobrang inis. Ganun din naman si Irene at Seulgi na nakaupo sa tabi niya. Kita ko na may inis na rin sa mga mukha nila. 

 

"Seriously? But this is the last one Lisa!" iritableng sabi ko sa kanya. 

 

"So? Is it my problem that all the dresses you have has issues? Besides, why do you only have too revealing dresses?" 

 

I rolled my eyes on her. 

 

"Your unbelievable Lisa! Those dresses aren't even revealing at all. Yes, these show some skin but these are still decent! Besides, we're on a 21st century already, showing some skin is no longer a big deal!" 

 

Nagulat naman ako ng bigla siyang tumayo. 

 

"In your country maybe not, but here, it is! Stop arguing with me Jane. My house, my rules and as long as you are living with me, you should follow my rules! Understand?!" sabi niya sabay labas ng bahay. 

 

Annoying! She's really annoying! Hindi pa kami tapos magusap ayun winalk outan niya na ko! Anong bang problema niya sa mga dress ko?

 

Lumapit naman sakin si Irene at Seulgi to calm me. 

 

"What's her problem?" bwiset na tanong ko sa kanilang dalawa. 

 

"Sorry for my friend's disgusting attitude. She's usually not like that. I don't know what's into her to act like a child. Don't worry I'll talk to her" sabi ni Seulgi. 

 

 

 

 

Lisa

 

I was fuming paglabas ko nang bahay. Hindi ko alam kung bakit naging ganun yung reaction ko. Sa totoo lang, lahat naman ng damit na isinukat niya bagay sa kanya. Actually, napakaganda niya nga sa lahat ng yun. At yun yung dahilan kung bakit ayaw kong ipasuot ang mga yun sa kanya. I don't want her to look so beautiful in front of any man. Alam ko wala akong karapatan but what should I do? 

 

Lumabas ako ng bahay para magpalamig dahil masyado nang nagiinit ang ulo ko ng wala sa lugar. Alam ko naman yun. I sat on the swing to clear my mind when, 

 

Ring... Ring... Ring...

 

"WHAT!?" sigaw ko sa telepono.

 

"Woah! Woah! What's your problem Lalisa? Ang aga aga ang init ng ulo mo?"

 

Kahit na hindi ko pa tignan alam ko na kung sinong tumatawag. Kapatid ko. 

 

"Sorry" pinilit kong huminahon at kumalma ang boses. 

 

"Napatawag ka Babs?" tanong ko. 

 

"Wala lang, masama bang kamustahin ko ang kapatid ko? I am also wondering bakit di ka lumuwas dito sa Manila last weekend?"

 

Naalala ko hindi nga pala ko nakapagtext sa kanya na hindi ako makakaluwas. 

 

"Yeah. Nakalimutan kong sabihing fiesta dito sa barangay kaya di ako nakaluwas" sabi ko then I heave a deep sigh. 

 

"I see. I understand. But what makes you so grumpy this early morning?" 

 

"Nothing" pagkakaila ko. 

 

"Yati, baka nakakalimutan mong magkarugtong na ang mga bituka nating dalawa. Alam na alam ko kapag may problema ka. So, ano nga?" 

 

Yeah right. Wala akong pwedeng maitago sa kapatid ko. Kilalang kilala niya ko dahil simula pa lang pagkabata namin sanggang dikit na kami. Para kaming kambal tuko na di mapaghiwalay. Bukod sa kapatid ko siya, bestfriend ko rin siya. Sa kanya ko sinasabi lahat ng problema ko and we also promised each other na walang lihiman.

 

"I don't know Babs. Maski ako di ko maintindihan kung bat ako nagkakaganito" 

 

Tahimik lang na nakikinig yung kapatid ko sa kabilang linya, alam kong hinihintay niya lang ipagpatuloy ko yung kwento. 

 

"Okay. I have a friend, a girl, and she's going on a date with my other friend" huminto ako dahil di ko talaga alam pano ko ieexplain. 

 

"And?"

 

"Concern lang naman ako sa suot niya. Medyo revealing kasi but she's too stubborn, hindi siya nakikinig sakin!"

 

Narinig kong tumawa siya at napakunot noo naman ako. 

 

"So, nagkakaganyan ka dahil sa isang babae? And wait why would she have to listen to you? Ano ka guardian niya? Besides, kelan ka pa natutong mangialam sa suot ng KAIBIGAN mo? Samantalang ako ngang kapatid mo wala kang paki sa kung anumang isuot ko" bwelta niya sakin emphasizing the word kaibigan. 

 

Tama siya, kahit kelan never naging issue sakin kung paano manamit ang mga kaibigan ko, ngayon lang, kay Jane. Pagdating sa kanya ang overprotective ko.

 

"Look, I'm just concern about her, okay. She's living with me kaya kargo ko kung anumang mangyayari sa kanya" bumuntong hininga ulit ako.

 

"Wait what? What do you mean she's living with you? Ano to Yati may ibinabahay ka na?!" gulat na tanong niya.

 

"Hey Babs chill! Di ko siya binabahay, okay. She needs help, wala siyang mapupuntahan kaya pinatuloy ko siya sa bahay ko. Saka ko na lang ikukwento sayo yung buong istorya pag nagkita na tayo. But please, stop whatever erted things you're thinking about us" 

 

"Oh my God! So, you're in love ag---" 

 

"Hey, hey... Don't get too excited. I'm not in love, okay?" 

 

Pansin kong masyado na siyang nagiging excited kaya naman I cut her off na. Tumawa naman siya sa kabilang linya ng hindi ko alam kung bakit. 

 

"Okay! Okay! You're not in love. Fine. But you like her don't you?" 

 

Sandali akong di nakapagsalita. Naguguluhan ako. Hindi ko alam ang isasagot ko. 

 

"I don't know?" 

 

"Yati, hindi ka naman magkakaganyan kung di mo siya gusto. Sabihin mo na yung totoo, nagseselos ka diba?" 

 

"I am no---"

 

"Don't you dare deny it Yati! Di ka makakapagsinungaling sakin. You can lie to everyone in the world but not me!" sabi niya cutting me off.

 

I let out a sigh of defeat.

 

"I guess you're right Babs, siguro nga gusto ko siya" sabi ko and I heard her chuckle. 

 

"Then tell her! Kelan ka pa naging torpe?" 

 

"Di kasi ganun kadali yun, okay. What if she doesn't like me? What if---" 

 

"But what if she does?"

 

Napaisip ako. Oo nga, what if she likes me too? Pero paano yun? Aalis pa rin siya. Kakayanin ko ba? 

 

"Go for it Yati. If you really like her, tell her. Bago ka pa maunahan ng iba" sabi niya ulit. 

 

Bahala na! Saka ko na lang iisipin yung tungkol sa pagalis niya. Tama si Babs, dapat sabihin ko na sa kanya. Ngayon pa lang nagkakaganito na ko, pano pa kung may manligaw na talaga sa kanya. Iniisip ko pa lang na ngingiti siya sa iba, nanghihina na ko. 

 

"Yes Babs you're right. I should tell her. Bahala na kung may feelings den siya sakin o wala" nakangiting sabi ko. 

 

"Go for it Yati! Ipakilala mo siya sakin ah" 

 

Napangiti naman ako sa kanya. 

 

"Yes Babs. Soon! Wish me luck Babs!" 

 

"Goodluck Yati! See you soon, love you!" 

 

"Love you too Babs, bye!"

 

 

 

 

 

 

 

Andito ako ngayon pinagmamasdan kayo habang masayang naguusap sa may tabing dagat. Aaminin ko talagang pinaghandaan niya yung date niyo. Talagang ang ganda ng set up niya para sayo. Dapat lang kasi napakaganda mo rin. Ang ganda ng ngiti mo at mukhang nageenjoy ka. Masaya kong nakikitang masaya ka pero bakit parang di ako makahinga. 

 

Patuloy ko kayong sinundan at ngayon ay naglalakad na kayo sa dalampasigan. Huminto kayo at humarap siya sayo at kinuha niya ang mga kamay mo. Nakatingin kayo sa isa't isa ng parehong nakangiti. Di ko naririnig kung anong pinaguusapan niyo pero base sa ekspresyon ng mukha mo, mukhang seryoso. Bigla kang ngumiti. Ang ganda mo pero ang sakit kasi hindi para sakin yung ngiti mo. Pero alam mo yung mas masakit yung bigla mo siyang niyakap. You initiated the hug, Jane. Ibig bang sabihin nito late na ko? Bokya na? Give up na?

 

Parang may libo libong karayom yung tumutusok sa puso ko. Ansakit sobra. Hindi ko na kinakaya kaya tumalikod na ko at umalis. Masaya na kong masaya ka kahit nasasaktan pa ko.

 

 

 

 

 

 


Napatingala ako bigla nang marinig ko yung naguusap. Dumating na pala kayo. At putcha hanggang ngayon nakangiti pa rin kayo! 

 

Tumayo kayo sa labas ng bahay ko na parang di ako nakikita at dun kayo sweet na nagpaalam sa isa't isa. 

 

"Good night, Jane. Thanks for tonight" nakangiting paalam sayo ni V.

 

Nginitian mo den siya. Nakakairita! 

 

"Goodnight V" 

 

Magyayakap pa sana kaya pero di ko na hinayaan yun. Ano gusto niyo sa harapan ko pa mismo? 

 

"Buti naisipan niyo pang umuwi? Anong oras na oh!" I sarcastically said.

 

Medyo may tama na den kasi ako sa ilang bote ng alak na binili ko kanina pero hindi pa naman ako lasing. Uminom lang ako para maibsan ng konti yung nararamdaman ko. 

 

"Good evening Lisa" nakangiting bati ni V. 

 

Tumango lang ako. Napatingin ako kay Jane at walang ekspresyon ang mukha niya. Hindi pa rin kasi kami nakakapagusap tungkol dun sa issue sa mga dress niya. Balak ko sanang magsorry sa kanya kanina after kong kausapin si Babs kaso wala na siya. Nasundo na siya ni V. 

 

"Jane get inside" utos ko sa kanya.

 

Sinimangutan niya naman ako.

 

Nagpaalam ka na den kay V at saka ka pumasok sa loob ng hindi man lang ako tinitignan. 

 

"Do you know what time is it now?" iritableng tanong ko sa kanya. 

 

Hindi pa naman ganun kalate dahil alas nuwebe palang naman but my point is, madilim na at pano kung may mangyari sa kanyang di maganda.

 

"Are you drunk?" 

 

Hindi ko yun sinagot. Oo nakainom ako pero di ako lasing. Hinintay kong sagutin niya yung tanong ko pero hindi niya sinagot at diretso lang siya na pumasok sa loob ng bahay na lalong ikinairita ko. Sinundan ko siya sa loob at muling tinanong. 

 

"Hey! I'm talking to you! I'm asking you if do you know what time is it now?!" halos pasigaw ko nang tanong.

 

"9PM" cold mong sagot naman sakin na lalong ikinainis ko. 

 

Umupo ka sa sofa at tinanggal ang sandals mo. 

 

"Do you know how dangerous it is for a woman like you to be outside home at this hour especially you're wearing that dress?" 

 

She glared at me again. 

 

"Seriously Lisa? It's still about my dress?" 

 

"YES! DIDN'T I TOLD YOU NOT TO WEAR THAT? WHY ARE YOU SO STUBBORN?" di ko na napigilang mapasigaw. 

 

Napatayo siya and she rolled her eyes on me. Hindi na rin maipinta yung mukha niya. Pero sino naman bang hindi maiinis sakin diba? I am being nonsense here. Alam naman nating hindi dahil sa dress kung bat ako nagkakaganito. 

 

"I CAN TAKE CARE OF MYSELF LISA!"

 

"KAHIT NA!" sigaw ko. 

 

"WHAT?!" tanong mo. 

 

This conversation is getting out of hand. Masyado na kong kinakain ng selos. Mas mabuti pa sa susunod na lang namin pagusapan to. Medyo nakainom na rin kasi ako kaya siguro di ko na rin makontrol ang sarili ko. Baka kung ano pang masabi ko.

 

Tinalikuran ko siya at papasok na sana ako ng kwarto ng bigla siyang nagsalita. 

 

"You're making me confused" halos pabulong na sabi mo pero dinig na dinig ko. 

 

Humarap ulit ako sayo. 

 

"What?" 

 

"I said you're making me confused Lisa"

 

Nakatungo ka at di ko alam kung bakit ka umiiyak. Sumobra ata ako sa paninigaw sayo. Nakokonsensya tuloy ako. 

 

Gusto kong yakapin ka at magsorry sayo pero di ko alam kung pano ko uumpisahan. Para kasi akong gagong binubunton yung inis ko sayo. 

 

Lalapitan na sana kita ng bigla mong iniangat ang iyong ulo. Nagtama ang mga mata natin at kinabahan ako sa mga titig mo. 

 

You take a step towards me and you said, 

 

"Lisa do you------ OH MY GOD!!!!!" 

 

Biglang nag black out. 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

-----
LAPIT NANG MAGKAAMINAN... AYIII... ANO KAYANG MANGYAYARI SA DILIM?

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Kimwari25
Anyone who knows how to insert pic here sa AFF?

Comments

You must be logged in to comment
Jendeukie_16 #1
Chapter 44: Update soon author. 1 chapter only? Myghad, I'm not ready for that ? I want more chapters ?
DarkSilhouette_15
#2
Chapter 38: So hot!
Jung97 #3
Chapter 37: Wahhhh❤️❤️
yogirl_jasmin #4
Chapter 35: go go go!
erzcaps27
#5
Chapter 35: OMG!!! Lalisa is coming, wait for her Jennie
Jendeukie_16 #6
Chapter 34: We trust you author, you're the best ☺️
PinyaNiSeulgi
#7
Chapter 34: Engaged sya kay jennie oof
yogirl_jasmin #8
Chapter 34: alam ata ng daddy ni Lisa lahat pero tinago niya lang? alam ng daddy ni lisa na hawak niya sa jennie ganon? ?
Jendeukie_16 #9
Chapter 32: Author, wag naman ganyan please ? patalsikin mo na si kai ? nakakaawa naman na naiipit si jennie sa ganung sitwasyon ? napakasama ni kai ? patayin mo nalang siya ?
yogirl_jasmin #10
Chapter 33: konting sakit pala ah? ?