Patintero

Your Highness

"So, how is it?" tanong ni Irene kay Jane habang nagaayos siya ng kanyang mga gamit sa lamesa. 


Kakatapos lang ng klase at naglabasan na ang mga estudyante at kami na lang tatlo nila Jane ang nandito ngayon sa loob ng classroom. 


"I enjoyed it actually. Atleast now I know how it feels like to be in an actual classroom scenario" 


Tumawa naman si Irene.


"Do you like it?" tanong ko naman sa kanya.


"I do" nakangiting sagot niya.


"Eventhough the kids were very noisy?" 


"Yes. I am actually not used to this kind of classroom set up but if given a chance to go back, I would definitely choose to be part of it. Looking at the kids happily talking to each other and participating to their teacher is fun. They seem to be enjoying the interactions" 


I bob my head habang nakangiti ako sa kanya. Actually, kita ko naman talaga na nagenjoy siya kasi para siyang estudyanteng masayang nakikinig den sa discussion ni Irene kanina. I saw how she smiles tuwing nagkakaroon ng class participation. Katulad kanina, sobrang interesado siya dun sa debate nung mga estudyante ni Irene. Kahit na alam kong di niya naiintindihan ang lenguahe, sobrang focus pa rin siya sa salitan ng punto ng bawat panig. I can see how amaze she is sa mga bata. I can also see how she pulled out a sad smile on her face. Siguro nga dahil never niyang narasan ito kaya ganun na lang yung reaksyon niya. Sa sandaling nakasama ko siya, napansin ko na parang andami niya pang gustong maranasan sa buhay. Hindi ko alam kung anong buhay meron siya sa Korea but looking at her mukhang may kulang sa kanya. Siguro kaya ayaw niya pa ding umuwi dahil marami pa siyang gustong gawin dito na hindi niya magagawa pagbalik niya dun. Ano pa kaya yung mga bagay na yun? Kasi willing akong gawin yun kasama siya. Willing akong ipaexperience sa kanya yung mga bagay na gusto niyang maranasan. I want to be part of all her first if she could only allow me coz I want to always see those smiles in her face. 


"Well, school is really fun but I am not a fan" pabirong sabi ko naman. 

 

Paglabas namin ng eskwelahan ay agad kaming sinalubong ni Seulgi. Agad namang ngumiti si Irene nang makita niya ito. Mukhang may di sinasabi sakin tong si Seulgi ah. Binati kami ni Seul bago niya kinuha yung mga bitbit ni Irene. 


Habang naglalakad kami pauwi ay napadaan kami sa isang maliit na parke. May mga estudyante na ring nakatambay rito na naglalaro dahil tapos na ang klase. Napansin kong masayang nanonood si Jane dun sa mga bata na naglalaro ng patintero. Naalala ko nung bata pa kami ng kapatid ko paborito naming laruin ito. Nagkatinginan naman kami ni Seulgi at sabay na napangiti. Alam kong pareho kami ng naiisip. 


"Tara" sabay na sabi naming dalawa. 


Napatingin naman samin si Jane at Irene na nagtataka pero nginitian lang namin sila at sabay na hinila papunta dun sa park. 


"What are you doing?"


"Ano to?"


Sabay na tanong nilang dalawa. 


Hinila namin sila papunta dun sa mga batang naglalaro.


"Pwede ba kaming sumali?" tanong ko dun sa isang bata. 


Nagtinginan sila pero agad din nama silang umoo. Jane was just looking at me, confused sa kung anong nangyayari. 


"We'll join them" nakangiting sabi ko.


Naisip ko kasi, malamang di niya pa rin nasusubukang makipaglaro sa iba dahil sabi niya nga buong buhay niya naka locked up siya sa kanila. Mukhang di naman ako nagkakamali sa akala ko dahil kita ko naman kung gaano lumapad yung mga ngiti niya. Her eyes were also sparkling dahil sa saya. 


Even Irene joined us kasi nga kulang ng isa. Buti na lang kahit teacher tong si Irene hindi siya KJ kahit na yung iba dito eh estudyante pa niya. Kita ko kasi na gusto niya rin mapasaya si Jane. Masaya lang den ako na nagkasundo sila agad at nakahanap si Jane ng kaibigan dito. 


Nagkampihan na kami at napunta kami sa magkabilang grupo. Ang naging magkakampi ay si Jane at si Irene. Pinaliwanag ko kay Jane kung paano laruin yung patintero at agad niya namang naintindihan yun. Matapos ng paliwanagan ay nagumpisa na ang laro. 


Nagsimula na ang laro at napagdesisyunan namin ni Seul na paunahin na sila. We are now on the defense mode sila naman yung attack. So, pumuwesto na kami sa linya. Ako sa starting line at sa dulong linya naman si Seul. 


Nung makaenter na ang buong grupo ni Jane ay pinanood ko na silang maglaro. Napangiti naman ako nung nakita ko kung gaano siya kaseryoso. Nakakunot pa yung noo niya habang pinagiisipan yung taktika kung paano makakalusot kay Seulgi dun sa dulo. At katulad ng napagusapan namin ni Seul, we will not go easy on them. Seulgi smiled habang nakalapad ang kanya mga kamay para harangan si Jane sa pagpasok kaya lang biglang nakalusot si Irene at dalawa na sila ni Jane dun sa dulo. Bago pa sila maghiwalay ay agad akong tumakbo sa gitnang linya bilang ako den naman ang patotot. Balak sana namin silang kornerin sa isang side kaso di ako umabot dahil mabilis na nakatakbo si Jane at nakawala sa bantay ni Seulgi. 


Mabilis naman siyang tumakbo at kita ko ngayong pabalik na siya sa starting point.


"Go Jane!" sigaw ni Irene. 


! Di siya pwedeng makalampas sakin. 


Binilisan ko pa ang takbo para makabalik agad ako sa starting point pero di ko inasahang ganito kabilas tumakbo ang babaeng to. Kaikli ikli ng biyas eh, ambilis tumakbo!


Di ka makakalampas sakin. Dire diretso ang takbo niya at madali niya nalampasan ang mga kakampi ko. Konti na lang makakaexit na siya. Kita ko na yung ngiti sa mga labi niya dahil mga tatlong hakbang na lang makakalabas na siya. Pero hindi ako papayag. 


Binilisan ko pa ang takbo ko and when Jane was about to step her foot outside the starting line ay agad ko siyang nahablot sa kanyang bewang. I pulled her against me at hindi niya nagawang makalabas ng starting line. 


"Gotcha!" sigaw ko. 


Her brows were creased dahil hindi niya nagawang makaexit. Tawang tawa naman ako sa naging reaksyon niya dahil hinayang na hinayang siya hanggang sa lumapit na samin si Irene. 


"Lisa, pwede mo nang pakawalan" 


Dun ko lang narealize na yakap yakap ko pa rin pala siya mula sa likuran. Agad na naginit ang tenga ko nung marealized ki yung position namin.


"Haha! Enjoy?!" mapangasar namang sabi ni Seul.


Agad ko naman siyang binitawan. Napalunok na lang ako dahil sa kahihiyan habang pinagtatawanan ako ni Irene at Seul.


Nagpatuloy naman kami sa paglalaro nung medyo nakapagpahinga na kami. Patas yung score namin ngayon kaya may last game pa kami. Pansin ko namang napapagod at naiinis na yung dalawa samin ni Seul dahil hindi namin sila pinapalagpas. Palaging ang umiiscore sa kanila ay yung mga batang kakampi nila. Lugi kasi sila samin ni Seul dahil di hamak na mas mahahaba ang mga biyas at braso namin sa kanila. Kaya kahit na anong gawin nilang takbo di sila makalampas samin. 


Nung magsimula na ulit yung laro namin ay pumuwesto ulit ako sa unahang linya. Isa isa ng pumasok ang lahat habang naghihintay ako sa mga pabalik na kalaban. Seryoso na talaga si Jane, I was amazed kasi ambilis niyang nalampasan yung ibang mga bata.


Ambilis talagang tumakbo ng babaeng to. Inihanda ko naman ang sarili ko dahil nandun na siya sa pangalawang linya pabalik dito sa pwesto ko. At nung malampasan niya yung bata ay agad kong inilapad ang mga braso ko para harangan siya. 


Intense.


Ganyan na yung tinginan naming dalawa. Nakatingin kaming dalawa sa mukha ng bawat isa. Kahit na pawis na pawis na siya ang ganda niya pa rin. Tumakbo siya pakanan at agad kong sinundan ang galaw niya, ganun din nung tumakbo siya pakaliwa. Alam kong pinagiisipan niya na kung anong gagawin niyang strategy para makalampas. Nakakunot na rin ang noo niya and that sight makes me smirk. 


Di ka makakalampas sakin! Last game na to at di kami pwedeng magpatalo.


I watched her as she looks at my feet. Sinusundan ko lang siya ng tingin hanggang sa napatingin siya ulit sa mga mata ko. Naguluhan ako ng bigla niya kong nginitian. Yung ngiting paborito ko, her gummy smile. Tapos di lang yun yung ginawa niya. She bit her lower lip and she winked at me. 


Did you hear me? She in' winked at me and I was stunned! Napalunok ako kasi ang ganda niya. Sobra! Para kong nanigas sa kinatatayuan ko at biglang di ako nakagalaw and the last thing I knew...


"Yey!!!!!" sigaw ng buong grupo ni Jane. 


Nakaexit na siya and their team won. Their team are jumping out of happiness dahil natalo nila kami. I just found myself gawking at her at nung magtama ang mga mata namin, she just smirked at me. 


Napailing na lang ako nang ulo. 


Andaya! Andaya ng strategy! I can't believe nagpadala ko sa isang kindat. 


"What the! Anong nangyari Lisa! Bat di ka na nakagalaw dyan? Bat mo hinayaang makalagpas si Jane?! Lusot tuloy tayo!" reklamo ni Seulgi. 


"Namulikat ako Seul" pagsisinungaling ko. 


Seulgi furrowed her brows at di makapaniwala sa sinabi ko pero hindi ko pwedeng sabihing nagpadala ako sa isang kindat dahil siguradong di ako tatantanan nito. 

 


Pabalik na kami ng bahay habang masayang nagkukwentuhan tungkol sa naging laro namin kanina ng may biglang dumating. 


"Lisa!" 


It was Nancy and she's walking towards us. Agad siyang puwesto sa pagitan namin ni Jane at agad na iniyakap ang kanyang mga kamay sa mga braso ko not minding her that's being pressed against my arm. 


I looked at Jane pero walang ekspresyon sa mga mukha niya unlike Irene na halatang iritable sa presensya ni Nancy.


"Anong kailangan mo Nancy?" tanong ko, trying to escape mula sa pagkakayakap niya sa akin. 


"Ikaw. Nakalimutan mo na ba Babe na birthday ko ngayon?" nakapout na sabi niya pa. 


"Mamaya I will celebrate my birthday sa bar and you are invited, ikaw den Seulgi" dagdag pa niya.


I saw how Irene rolled her eyes pero nung mapatingin ako kay Jane nakita kong kausap niya na si V. 


At kelan pa dumating ang lalaking to dito? Di ko namanlayan yun ah!


He was talking to Jane at mukhang nahihiya pa siya sa kung anumang sinasabi niya. Tumingin sakin si Jane at napansin kong napatingin din siya kay Nancy na nakakapit parin sakin. Gusto kong lumapit sa kanila para alamin kung anong pinaguusapan nila kaso di ako makawala sa mala sawang kapit nitong isa. 


I was just watching them at nainis ako ng makita kong ngumiti siya kay V at tumango. Halos magtatalon naman sa tuwa si V sa saya. 


"Lisa! Ano na? Are you coming?" iritableng tanong ni Nancy. 


Kanina pa pala siya nagtatanong but I was too focused dun sa dalawang masayang naguusap sa di kalayuan. 


I gritted my teeth at the sight. 


"I'll be there" 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 


-----
WAAAAAAA!!!! NAKAKALOKA TONG ARAW NA TO! ANYWAYS SANA OKAY KAYONG LAHAT!! 
SALAMAT SA LAHAT NG CUTE COMMENTS NIYO!! 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Kimwari25
Anyone who knows how to insert pic here sa AFF?

Comments

You must be logged in to comment
Jendeukie_16 #1
Chapter 44: Update soon author. 1 chapter only? Myghad, I'm not ready for that ? I want more chapters ?
DarkSilhouette_15
#2
Chapter 38: So hot!
Jung97 #3
Chapter 37: Wahhhh❤️❤️
yogirl_jasmin #4
Chapter 35: go go go!
erzcaps27
#5
Chapter 35: OMG!!! Lalisa is coming, wait for her Jennie
Jendeukie_16 #6
Chapter 34: We trust you author, you're the best ☺️
PinyaNiSeulgi
#7
Chapter 34: Engaged sya kay jennie oof
yogirl_jasmin #8
Chapter 34: alam ata ng daddy ni Lisa lahat pero tinago niya lang? alam ng daddy ni lisa na hawak niya sa jennie ganon? ?
Jendeukie_16 #9
Chapter 32: Author, wag naman ganyan please ? patalsikin mo na si kai ? nakakaawa naman na naiipit si jennie sa ganung sitwasyon ? napakasama ni kai ? patayin mo nalang siya ?
yogirl_jasmin #10
Chapter 33: konting sakit pala ah? ?