Photographs

Your Highness

"H-How did you get all of these Dad?" tanong ko sa kanya habang tinitignan ang mga litrato namin ni Jennie na kuhang lahat sa isla. Mga litratong kuha sa ilog, sa dagat, sa bahay at kung saan saan pa. Mga litratong punong puno ng kasiyahan. Mga litratong puno ng mga alaalang di ko malilimutan. 

 

"Matagal ko na kayong pinasusundan Lisa" pagamin niya na ikinagulat ko.

 

"Unang linggo ng paghahanap namin sa prinsesa ng malaman naming sa yate mo siya nagtago. Bukod sa mga kapulisan na inalerto ko para hanapin siya, naghire pa ako ng mga private investigators para malaman kung saan siya maaaring nagpunta o kung may nakakuha ba sa kanya. My private investigators did well than our policemen at may nakuha silang cctv footage ng isa sa mga nakaparadang yate roon. Kuha sa cctv na sa yate mo siya sumakay" paliwanag ni Dad. 

 

"Bakit hindi niyo agad siya kinuha at ibinalik dito sa Maynila?" kunot noong tanong ko.

 

"Noong una yun ang plano ko. Hindi ako agad kumilos dahil kailangan kitang ingatan. Ayokong masangkot ka sa pagkawala ng prinsesa kaya minabuti kong gawing tahimik ang pagkilos ko. Hindi ko rin sinabi sa mga kasama niya na natagpuan ko na siya dahil ayokong magpanic sila coz one of their men is very eager to tell his father na nawawala siya. Pinigilan namin ng kapatid niya na makarating sa hari ang pagkawala niya dahil alam naming ikakagalit niya iyon at hindi maganda yun para sa bansa natin. Kaya habang nagiisip ako ng plano sa tahimik na pagbalik ng prinsesa, nagpadala ako ng mga tao ko sa isla para ireport sakin ang kalagayan ng prinsesa at panatilihin kayong ligtas. I told them to take photos at ipadala sa akin. At sa bawat litratong yan, nakita ko kung gaano ka kasaya. Yung dating ngiti mo na nawala ay unti unting bumalik dahil sa kanya. Kaya nagdesisyon ako na pabayaan na muna kayong dalawa dahil masaya kong nakikita kang masaya anak. Itinaya ko ang bansa natin dahil ayokong bawiin sayo yung taong nagpapasaya sayo. Ayokong ako ulit yung maging dahilan ng kalungkutan mo. Hanggang sa tumagal ng tumagal and one of the king's men reported na nakidnap ang prinsesa at hindi lumayas. I tried to convince the King na hindi siya nakidnap pero ayaw niyang maniwala. I even sent him the copy of these pictures para makita niyang nasa mabuting lagay ang anak niya but he doesn't seem to listen. Sa halip,  pinagbantaan niya ang bansa natin kaya wala na kong nagawa kundi ang magpadala ng tao para sapilitang ibalik ang prinsesa kaya lang naunahan mo na ko anak. I tried to ask the King kung sino ang nagpahatid ng maling impormasyon pero wala siyang sinabi. Masama ang kutob ko anak. Kung sino man yun, sigurado akong may masama siyang balak. You should do something to protect your girl anak. Pakinggan mo siya bago pa mahuli ang lahat" 

 

 

 


I am lying on my bed habang tinititigan ko yung mga litrato namin ni Jennie na binigay sakin ni Dad. Hindi ko inaasahan ang lahat ng nalaman ko. Knowing Dad, palagi niyang uunahin ang kapakanan ng bayan kesa sa kapakanan ng sarili niyang anak pero itinaya niya ang bansa namin para sa kaligayahan ko. For the first time in my life, he did something for me. I am very happy dahil dun pero mas nangingibabaw ang pagaaalala ko para kay Jennie. What if tama si Dad na may nakaambang kapahamakan sa kanya? Paano kung may mangyaring masama sa kanya? Hindi ko kakayanin yun. Habang tinitignan ko ang mga litratong ito, hindi ko maiwasang isipin kung gaano ko naging masaya sa piling niya at habang inaalala kong lahat ng yun ay tuloy tuloy na umaagos ang mga luha mula sa mga mata ko. 

 

Bigla namang bumukas ang pinto at dumangaw ang kakambal ko. Napagdesisyunan ko nga palang dito na muna matulog sa palasyo. She was smiling but her smile instantly fades when she saw me crying dahil huli na para itago ko pa ito sa kanya. Agad niya kong nilapitan at niyakap. 

 

"Yati are you okay?" nagaalalang tanong niya. 

 

"I'm not Babs" 

 

Ikinuwento ko kay Babs lahat ng mga inamin sakin ni Dad at tahimik lang siyang nakikinig ngunit bakas sa mukha niya ang pagaalala.

 

"Hindi ako makapaniwala hanggang ngayon that she is a princess Babs. Kaya pala, kaya pala nung una palang ramdam kong may mali na sa mga kwento niya kung paano siya napunta sa yate ko. Kaya pala ayaw niyang humingi ng tulong sa mga pulis. Ang tanga ko kasi once again nagpaloko na naman ako, kasi nagtiwala na naman ako, kasi nagmahal na naman ako ng isang taong manloloko. Ang sakit! Ang sakit sakit ng puso ko. I've been true to her. Pinakita ko, pinakilala ko sa kanya kung sino yung totoong ako. I opened my heart again for her. Pero alam mo kung anong mas masakit? Narealized kong mas masakit kung mawawala siya sakin, Babs. Ngayong iniisip ko palang na maaaring nasa panganib ang buhay niya parang mababaliw na ko Babs. Masyado akong nagpakain sa galit ko to the point na hindi ko manlang siya binigyan ng pagkakataon makapagpaliwanag. Alam ko nagsinungaling siya Babs pero gusto kong maniwalang lahat ng yakap at lahat ng mga halik niya ay walang halong pagkukunwari. Gusto kong maniwalang lahat ng yun totoo. Pero pano kung mali ako? Ayoko nang masaktan ulit Babs. Sobrang gulong gulo ako Babs" umiiyak kong sabi against her shoulder.

 

Babs hugged me tight and said, 

 

"Ano bang sabi ng puso mo? Don't holdback dahil lang galit ka. Open your eyes and listen to what your heart is saying. Let her tell you her side of the story Lis bago ka magalit. Hindi ko siya kinakampihan dahil mali na nagsinungaling siya sayo pero mas mahalaga sakin yung kaligayahan mo at alam kong siya yun. So, go for your happiness Lisa" nakangiting sabi nito while cupping my face. 

 

"But she's getting married Babs and she's a princess" nagaalalang sabi ko naman.

 

Tinaasan niya naman ako ng kilay. 

 

"And so? Asawa nga naagaw pa eh, fiancè pa kaya? Besides, una siyang naging sayo, babawiin mo lang" sabi nito sabay kindat na naging dahil ng pagngiti ko. 

 

Nagyakap ulit kami at napaangat naman ang ulo namin ng may nagsalita. 

 

"She's right anak. Go and get what's yours. We are here, I am here now to back you up. And so what if she's a princess? Prinsesa ka rin naman ng bansa natin Lis. Don't forget that you are the president's daughter. Pantay lang kayo ng estado, anak" nakangiting saad ni Dad habang papalapit samin ni Babs. 


I smiled at her saka ako tumango. 

 

"Thank you Babs, thanks Dad" sabi ko bago kami nagyakap na tatlo. 

 

"Goodluck Lis" sagot naman ni Rosie. 

 

 

 

 

 

 

 


"Babs dali na kasi! Antagal mo naman eh!" tawag ko kay Babs na hanggang ngayon hindi pa rin lumalabas ng kwarto niya. 

 

Dumiretso na ko sa dining area dahil andun sila Dad and Mom para sa breakfast. Dito ko na lang hihintayin si Babs. 

 

"Oh bunso, ang aga aga nakasimangot ka dyan?" tanong ni Mommy na busy sa pagsasalin ng kape sa baso ni Dad habang si Dad naman ay busy sa pagbabasa ng diyaryo. 

 

I kissed my mom's cheek bago ako umupo sa upuan sa kanan ni Dad. Inilapag ni dad yung binabasa niyang dyaryo at tinignan ako. Tumawa ito bago nagsalita. 

 

"Chill ka lang 'nak" sabi nito sabay tapik sa balikat ko. 

 

"Si Roseann kasi Dad napakatagal!" inis na sabi ko. 

 

"Ang aga aga pa Lalisa Manoban!" napalingon kami nila mom and dad sa nagsalita and it was my Babs wearing her iritated face on na makikita mo lang pag nakikipagbangayan siya sa korte.

 

Automatic namang umirap ang mata ko coz I know who owns that voice. Inirapan niya rin ako bago siya umupo sa tabi ko.

 

"Finally!" eksaheradong sabi ko ng sa wakas tapos na ring magayos tong kapatid ko. 

 

Pinagtawanan lang kami ng parents namin. 

 

"Hayaan mo na anak excited lang yang kapatid mo" sabi ni Mom kay Babs na may nakakalokong ngiti sa mga labi. 

 

"Oo nga nak. Alam mo namang---"

 

"Ayoko lang mahuli sa flight okay?" sabi ko naman bago pa matuloy ni Dad yung sasabihin niya na alam ko namang pangaasar lang den sakin.

 

"Fine. Kasi naman 11 am pa ang flight namin and it's 7 am palang Yati masyado kang excited" pagtataray nito sakin.

 

"Ayoko lang naman kasi talagang malate. Hindi porket anak tayo ng presidente pwede na tayo magpa special" pagdepensa ko sa sarili ko. 

 

"Whatever" sagot naman nitong kambal ko. 

 

Papunta kasi kami ngayon sa South Korea para sa United Nations General Assembly, pero hindi lang naman yun ang dahilan kung bat ako pupunta dun. Pupunta ko dun para bigyan siya ng chance magexplain at para alamin kung totoo bang lahat ng mga pinaramdam niya sakin. At pag naconfirm kong totoo ang lahat ng yun pinapangako kong babawiin ko siya kahit na engage na siya at kung sinomang damuho yung fiancè niya. Sa totoo lang sinubukan kong contactin siya kaya lang di ko na mareach yung number niya. Hindi ko alam baka nagpalit na siya ng number. I even asked Babs na contactin yung ate ni Jennie na si Jisoo but even her hindi rin macontact. Nagaalala na ko ng sobra dahil magiisang linggo ko nang sinusubukan pero wala akong napapala. Kaya nung nalaman kong pupunta si Babs sa South Korea para sa UN assembly, I asked Dad agad kung pwede akong sumama. I told my family about my plan at sobrang willing naman silang tulungan ako. Sabi pa ni Dad sabihin ko lang sa kanya kung kailngan ko ng dowry para mapapayag ko yung hari na ibigay sakin yung kamay ng anak niya at di siya magdadalawag isip na maglabas ng kahit na magkano para samin ni Jennie. Pero siyempre hindi ko naman bibilin yung pagmamahal niya. Sabihin niya lang na mahal niya ako at ipaglalaban ko siya ng patayan kahit na ipakain pa ko ng hari sa mga leon gagawin ko mapatunayan ko lang sarili ko na karapat dapat ako para kay Jennie. 

 

Pagtapos naming magalmusal ay agad na kaming pumunta sa airport. Mineet muna namin yung ibang delegates na kasama namin at nagmeeting sandali para sa magiging agenda pagdating dun. Actually, hindi naman ako nakikinig sa meeting dahil yung isip ko nauna nang lumipad sa Korea. Iniisip ko kung anong sasabihin ko sa kanya pagdating ko dun. Pero ang mas pinoproblema ko eh, kung papapasukin kaya ako sa palasyo nila. Pero kahit na anong mangyari gagawin ko lahat makausap ko lang siya. Bahala na. 

 

Paglipas ng ilang minuto ay papasakay na kami ng eroplano. Naramdaman kong hinawakan at pinisil ni Babs ang kamay ko sabay sabing, 

 

"Are you ready to see her?"

 

"Kinakabahan ako Babs. Pano kung di niya ko pansinin?" 

 

"Sa tingin mo gagawin niya yun? Mahal ka nun Yati" nakangiting sabi nito. 

 

"Pano ka nakakasiguro?" 

 

"Basta alam ko lang. Ano ka ba! Sabi ko listen to your heart diba? Trust her! Trust your love for each other" 

 

Tumango ako at tumahimik. Tama si Babs, I should trust her. Kahit sandali lang kami nagkasama alam kong lahat ng pinaramdam niya sakin ay totoo. I trust her. Please Jennie, kailangan ko lang marinig yung totoo. Tumingin ako sa labas ng bintana at pinagmasdan ang napakagandang ulap. Naalala kita kapag tumitingin ako sa langit coz I remember how much you love it. 

 

See you in a bit mahal ko.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Kimwari25
Anyone who knows how to insert pic here sa AFF?

Comments

You must be logged in to comment
Jendeukie_16 #1
Chapter 44: Update soon author. 1 chapter only? Myghad, I'm not ready for that ? I want more chapters ?
DarkSilhouette_15
#2
Chapter 38: So hot!
Jung97 #3
Chapter 37: Wahhhh❤️❤️
yogirl_jasmin #4
Chapter 35: go go go!
erzcaps27
#5
Chapter 35: OMG!!! Lalisa is coming, wait for her Jennie
Jendeukie_16 #6
Chapter 34: We trust you author, you're the best ☺️
PinyaNiSeulgi
#7
Chapter 34: Engaged sya kay jennie oof
yogirl_jasmin #8
Chapter 34: alam ata ng daddy ni Lisa lahat pero tinago niya lang? alam ng daddy ni lisa na hawak niya sa jennie ganon? ?
Jendeukie_16 #9
Chapter 32: Author, wag naman ganyan please ? patalsikin mo na si kai ? nakakaawa naman na naiipit si jennie sa ganung sitwasyon ? napakasama ni kai ? patayin mo nalang siya ?
yogirl_jasmin #10
Chapter 33: konting sakit pala ah? ?