Babs

Your Highness

"She'll be fine Lisa akong bahala kay Jane" pagaassure sakin ni Irene habang magkayakap kami ni Jane dito sa tapat ng yate ko. 

Ngayon na kasi ang alis ko pa-Maynila para makipag kita kay Babs pero parang ayaw pang umalis ng mga paa ko. It seems like my feet were buried on the sand at di ako makagalaw mula sa kinatatayuan ko dahil ayaw ko sanang iwan si Jane dito sa isla but she insisted that it's fine with her. Isa pa, una naman talaga siyang nakapangako na kay Irene. Ayoko namang sirain yung bonding nila. Besides, Irene is her first friend dito sa isla, mas nauna pa nga silang maging close kesa samin ni Jane. It's her birthday kaya kahit na pilitin ko pa si Jane, alam kong di siya sisira sa pangako niya kay Irene that she'll spend a day with her at tutulong siya sa paghahanda para sa kaarawan nito bukas. Gustuhin ko mang wag na munang umalis, di naman pwede kasi alam kong si Babs naman ang magtatampo sakin. Two weeks na rin kasi kaming di nagkikita at alam kong kailangan niya na yung presence ko dun dahil these past few days na magkatext kami, she keeps on telling me how stress she is sa bahay at sa trabaho. So, she really needs my company para makapag unwind naman siya. Nakakahiya man but I can't help to be clingy with Jane. Sa halos tatlong linggo naming magkasama araw araw ko siyang nakikita at ngayon lang siya mawawala sa paningin ko. Hindi ko alam bat nakakaramdam ako ng takot. Natatakot ako na baka pagbalik ko wala na siya dito sa bahay. Na baka pagbalik ko di ko na siya makita. Para kong baliw no? Paano naman siya makakaalis dito kung wala ako diba? Sobrang naattach lang siguro talaga ko. Anyway, bukas ng madaling araw uuwi na rin naman ako at bago pa lumubog ang araw bukas alam andito na ulit ako sa isla. Ano ba naman yung 24 hours. Kayang kaya ko to. 

"I'll be fine, don't worry. I'll be here when you get home. I'll wait for you so be safe, okay?" nakangiting sabi ni Jane while caressing my face. 

I nodded my head. 

"Okay, I'll be home quick. Just stay with Irene okay?" 

I heard her chuckle while nodding her head. 

"I will. Just enjoy your time with Babs. Tell her I say hi" 

Tumango ulit ako bago ko siya hinalikan sa noo at niyakap saka umakyat sa yate ko. I mouthed Irene thank you and she just smiled at me. 

"I love you" paalam ko kay Jane. 

"I love you too. Be safe"

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

"I can't believe how clingy Lisa is. She's so whipped for you, Jane" tatawa tawang sabi ni Irene nang makaalis na ang yate ni Lisa pa-Maynila. 

Ngumiti lang ako sa sinabi ni Irene. Hindi pa ganun katagal ng umalis si Lisa pero miss ko na siya agad. Hindi ko alam pero kagabi pa ko nakakaramdam ng kaba sa pag alis ni Lisa. Parang may hindi magandang mangyayari at ayoko na lang isipin kung ano. Malamang napapraning lang ako. Tulad nga kasi ng sabi ni Jisoo, nakaalerto na ang buong bansa sa pagkawala ko at hindi ko alam kung anong mga paraan na ang ginamit nila para mahanap ako. Natatakot lang siguro ako sa thought na baka nakabalandra na sa tv, dyaryo, at kung saan man ang mukha ko sa paghahanap nila sa akin at baka makita yun ni Lisa. Dalawang araw na rin ang nakakalipas simula ng huling makausap ko si Jisoo at wala naman siyang nabanggit sakin kundi ang paghahanap lang daw ng mga pulis sa akin. Sabi niya pa hindi pa rin daw alam ng aking ama na nawawala slash tumakas ako. Hindi ko alam kung anong ginagawa nila para pagtakpan ako at kung paano nila napapaniwala ang hari. Pero kung anuman yun, they're doing a great job sa pagtatakip sakin. 

"Are you okay Jane? You're spacing out" 

Irene touched my arm while asking me that question. Di ko na napansin na kanina pa pala ako tahimik.

"Yeah, I'm fine. I'm sorry" 

Ngumiti naman siya. 

"Are you sure?" she asked and I nodded in response. 

"Okay. Don't think of Lisa too much. She'll be fine" sabi pa niya na may halong pangaasar. 

Medyo nahiya naman ako at naginit ang mukha ko sa pangaasar niya. Ganun ba ko kahalata na iniisip ko si Lisa. Pero hindi lang naman si Lisa ang iniisip ko eh. 

"I'm not thinking about her" 

Irene laughed and said, "I'm just kidding haha" 

I can't believe pati si Irene nahawa na kay Lisa at Seulgi sa pangaasar sakin. I just shook my head at her. 

 

 

 

 


We're now heading to the market dun sa kabilang isla at nakasakay kami sa isang bangka ngayon. Excited ako kasi first time kong makakapunta sa totoong palengke. 

"Thank you for coming with me instead of going with Lisa" nakangiting sabi ni Irene habang magkatabi kaming nakaupo dito sa umaandar na bangka. 

"I promised you first and I never break promises. Besides, it's your birthday tomorrow, I know Lisa understands" 

She bob her head at ngumiti ulit. 

"So, tell me something about Korea. You know, I always wanted to visit that place but I don't have time since I can't use my leaves yet coz I can't find a substitute teacher for my class" bigla naman siyang nalungkot habang sinasabi niya yun. 

Pero napaisip ako sa tanong niya. Hindi ko alam kung paano ko sasagutin. How can I even tell her that I have been inside our castle all my life. Na ni minsan hindi ko pa nagawang makapaglakad mag isa sa kalye ng Seoul. Na ang tanging lugar lang na nabisita ko ay mga orphanage na sinusuportahan ng palasyo. Hindi pa rin kasi ako kilala ng mga mamamayan ng Seoul dahil usually pinapakilala ang mga susunod sa trona pag umedad na kami ng bente singko, which in my case, less than two years pa from now. Kadalasan kasabay pa nun ang pagpapakilala sa magiging kabiyak namin. In short, ipapakilala ang susunod sa trono kasabay ng engagement ceremony nito sa taong mapipili ng hari. At habang wala pa kami sa edad na yan, mananatili lang kami sa loob ng palasyo para magsanay at magaral. Gustuhin ko mang tumakas pero wala ring mangyayari sa dami ng mga kawal na nakapalibot sa palasyo. Isang maling galaw at sigurado kulong sa kwarto ang aabutin ko. I once tried but got caught kaya di ko na inulit dahil magpapakapagod lang ako. 

"Jane?" tanong ni Irene sakin na muling nakapagpabalik sa kin sa realidad. 

"Are you really okay? Something seems off. You don't look good actually" nagaalalang tanong niya. 

"No, I'm fine" pinilit kong ngumiti but Irene doesn't seemed convinced. She really looks worried. 

"I know were not blood related but you can always treat me as your big sister. What I mean is, you can always tell me what's bothering you" she said while holding my hands and smiling sincerely. 

I just nodded my head and said, "Thank you but don't worry about me I'm fine" 

Ngumiti lang siya at tumango. Matapos ng ilang minuto ay nakarating na kami sa palengke. Maingay at sobrang busy ng mga tao dito. Pero nakakatuwa dahil sobrang daming makikitang iba't ibang bagay na tinitinda rito. Naglalakad kami ni Irene papunta sa seafoods area ng biglang napansin kong may mga unipormadong kalalakihan ang nakatayo sa di kalayuan sa amin. Pinagmasdan ko sila and I confirmed that they are policemen dahil na rin sa police car na nakaparada sa gilid ng kalsada na di kalayuan sa kanila. I gulped really hard at bigla akong kinabahan ng makita ko yun. Nagtatanong sila sa mga tao, seems like they are looking for someone. Hindi kaya ako na yung hinahanap nila?

"Jane are you okay? Gosh! You look pale" nagaalalang tanong ni Irene. 

"I'm a little dizzy Irene. Can we sit down there for a minute? Maybe it's because it's because of too much heat" pagdadahilan ko. 

Hindi naman talaga ako nahihilo. Gusto ko lang makalayo sa mga police na yun. Irene nodded her head at agad akong inalalayan sa paglalakad. Ilang sandali pa and we reached a bench sa ilalim ng isang puno. Irene also bought a bottle of water na agad niyang iniabot sa akin pagkaupo namin. 

"Let's stay here for a while til you get better" 

I smiled at her and nodded my head. Medyo malayo na kami dun sa mga pulis kaya nakahinga na ko ng maluwag. 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 


Natatanaw ko na ang daungan at mga buildings ng Maynila. Atlast nakarating narin ako after a long trip on the sea alone. Di bale sa susunod di na ko magisa. Di ko maiwasang mapangiti when I suddenly remembered Jane. I can't believe na next week kasama ko na siyang haharap kay Babs. Sigurado akong magkakasundo silang dalawa and I would be the happiest to see the two most important people in my life together in one place. I can't wait. Sana mag next week na agad. 

"Yati!!!!" sigaw niya na gumulantang sa akin pagkababang pagkababa ko ng yate ko. 

Palaging ganito ang eksena naming dalawa dito sa Manila Bay. She's always excited to see me. Well, syempre ako rin naman. I always miss my sister. Ngumiti ako sa kanya at nagulat naman ako ng bigla siyang tumakbo at niyakap ako ng napakahigpit. She even s his legs on my torso. Para kaming mag jowang ilang taong di nagkita. She kissed me on my face which made me chuckle. Pinagtitinginan na kami ng mga tao pero mukhang wala siyang pakialam. I looked at the people around us and they are smiling at us. I gave them an apologetic look dahil mukhang nagulat den sila sa pagsigaw nitong si Babs. Pagtapos niya kong pupugin ng halik ay agad na siyang bumitiw at bumaba, but as expected she cling her hands on my arm. 

"I missed you!" nakapout na sabi niya. 

"I miss you too!" tatawa tawa ko namang sabi at nagulat na lang ako ng bigla niya kong irapan. 

"What's with the attitude?" tanong ko. 

"Hmf! Nagawa mo kong tiisin for two weeks. Ganyan ka porket may girlfriend ka na ulit. Nakakalimutan mo na ko!" sagot niya sabay irap at bitiw sa kamay ko. 

Iniwan niya ko at saka siya agad na naglakad papasok sa restaurant na madalas naming kainan dito sa baywalk. Agad ko naman siyang sinundan at inakbayan. 

"Sus! Tampo ka naman agad! Sorry na. Di naman ganun yun. Nagkataon lang na fiesta sa baryo kaya di ako nakauwi. Ipagpapalit ba naman kita?" nakangiting sabi ko sabay pisil sa cute na cute niyang pisngi.

"Dapat lang! Dahil dyan libre mo tong food" sabi niya sabay irap. 

Tumango ako at tumawa. Kahit kelan talaga to parang bata to. But she's just like that kapag kaming dalawa lang. Pero kapag naka attorney mode yan di mo makikitaan ng soft side. She's that serious pagdating sa trabaho. That's how passionate she is for being a lawyer. Sobrang kabaligtaran ko. Ako kasi gusto ko kasi chill lang. Kaya naman kapag magkasama kami, I let her act like that coz I know she's just being herself pag ako ang kaharap niya.

"Oo na libre ko na. Orderin mo lahat ng gusto mo" 

Lumapad naman ang ngiti niya sa sinabi ko.

"Yey!" sabi niya naman ng may pagpalakpak pa. 

Mukhang malilintikan wallet ko nito ah. Pero di bale na. Kailangan ko rin naman talagang bumawi sa kanya. Saka alam ko namang pagkain lang kahinaan nitong kapatid ko. Basta masaya siya, masaya na rin ako. 

Ilang sandali pa at nilapitan na kami nung waiter. Babs ordered everything she wants on the menu. As expected, napakarami niyang inorder. Sigurado stress na naman to kaya nagistress eating na naman. 


"How are you? You looked so stress Babs. Look at those eyebags, para kang isang taong walang tulog. Dalawang linggo lang tayong di nagkita pinabayaan mo na agad sarili mo" mapang asar kong tanong sa kanya pero ang totoo nagaalala talaga ko. She looked really stress at napansin kong nangayayat siya. 

Inirapan niya naman ako bago siya sumandal sa upuan. 

"You have no idea, Yati!" sabi niya right after she heave a deep sigh. 

I leaned forward as if asking her na magkwento pa and I'll just listen. Di naman siya nagdalawang isip na magkwento pa habang nakikinig lang ako. 

"Daming problema sa trabaho. I have this client na naframe up and all evidences are pointing him pero may loophole sa story eh. Pinagaaralan ko pa kung paano ko kokontrahin those evidences. I am just so anxious na kung paano kung di ko siya maipagtanggol at mapawalang sala, kawawa naman yung pamilya niya na sa kanya lang nakaasa"

I can see how affected she is sa kasong to. Maybe because naaawa talaga siya sa pamilya ng taong yun. Bakit ba kasi may mga taong sinungaling at handang manira ng buhay ng iba makapanlamang lang ng kapwa? I really hate those kind of people. 

"Don't worry. I believe in you. Alam kong mapapawalang sala mo siya. He's actually very lucky to have you as her lawyer!" mayabang na sabi ko to boost her confidence. 

Napangiti naman siya sa sinabi ko. Totoo namang maswerte siya sa kapatid ko. Babs is a bar top notcher. Isa sa pinakamagaling sa batch namin. Despite being a top notcher mas pinili niyang maging pro-bono lawyer. Mas gusto niya daw ipagtanggol yung mga mahihirap na napagbibintangan lang kasi para daw sa kanya iba yung fulfillment. Yan ang kapatid ko, pwede nang ihanay sa mga bayani. But kidding aside, I am really proud of her. She save a lot of lives. Marami siyang kasong naipanalo at buhay na nabago. Well, that's what she is, kaya mahal na mahal ko yan eh.

"Thank you, Yati. You never failed to boost me. Siguro I am just so pre occupied these past few weeks dahil na rin sumabay pa yung problema sa bahay" seryosong sabi niya habang hinahalo yung ice tea na kakaserve lang samin. 


Napasimangot naman ako. Sigurado ako na pinoproblema niya na naman amg problema ni Dad. 


"How many times do I have to tell you na ang problema ni Dad ay hindi mo problema" naiinis kong sabi sa kanya. Palagi ko tong sinasabi sa kanya kapag namomroblema siya sa bahay. 

Napatingin naman siya sakin na parang nagulat kung paano kong nalaman na involve si Dad sa problema. Eh ano pa? Siya naman palagi ang nagdadala ng problema sa bahay eh. Usually, nadadamay lang kami sa mga problema niya. Lalo na tong si Babs. Siya ang pinakaapektado kapag may problema ang tatay namin kasing she's a Daddy's girl and Daddy's favorite.

"Don't ask me how do I know. Siya naman lagi nagdadala ng problema sa bahay diba?" I sarcastically said. 

"Lisaaa!" saway niya sakin. 

"He's still our Dad" dagdag niya pa. 

I sighed in defeat at mas pinili na lang wag makipagtalo sa kanya. 

"Let's just stop talking about him. Ayoko nang marinig kung ano na namang problemang dinala niya sa bahay"

"Mas mabuti pa nga" sagot niya naman. 

 

 

 

 

 

 

 

Ilang sandali pa pagtapos naming kumain ay napagdesisyunan naming tumambay sa yate. We even ordered a few bottles of beer saka pulutan to drink sa deck ng yate ko under the night sky. We didn't talk about Dad na at nagkwentuhan na lang ng kung ano ano. She even told me yung mga batchmates namin na naging magjojowa na ngayon na kung magaway dati kala mo nasa korte na. 


"You look good" sabi niya while opening her first bottle of beer

"Do I?" nakangiting tanong ko. 

"Yeah and you look happy" sagot niya while nodding her head. 

She's staring straight into my eyes na parang binabasa niya yung reaksyon ko.

"I am happy" 

"And that's because of her right?" she asked while smiling. 

Ngumiti ako at tumango. Hindi ko naman maikakaila na si Jane talaga ang dahilan kung bakit napakasaya ko ngayon. In a short span of time she made me really happy and I thank her for that dahil matagal na panahon na nung huling ganito ako kasaya.

She nodded her head. 

"Being in love suits you well. Sayang she's not here para mameet ko siya and to thank her na rin for making you happy again. Truly happy" nanghihinayang na sabi niya. 

"Don't worry mamimeet mo na siya next week" nakangiting tugon ko sa kanya.

She then again nodded her head. 

"Pano mo nga ulit siya nameet?" curious na tanong niya naman. 

Napangiti naman ako when I remembered how we met. Dito sa eksaktong lugar na to. Kinuwento ko sa kanya how Jane and I met and guess what her reaction is? Sobrang nagulat siya sa kakaibang lovestory namin. 

"Why didn't she go straight to the police?" tanong niya matapos kong sabihing there are men who are really after her trying to hurt her. 

"I asked her that na rin. Pero sabi niya natatakot siya dahil daw may koneksyon sa mga pulis yung mga humahabol sa kanya" sabi ko pagtapos kong uminom ng beer. 


Babs nodded her head and drink again. 


"Tell her I'll help her if she wants to catch those bastards. I'll make sure sa kulungan ang bagsak ng mga yun. Sabihin niya lang sakin pag ready na siyang harapin at ituro sila" seryosong sabi niya naman. 


I smirked. Kahit na mukhang weak tong kakambal kong to, kahit kelan napakatapang talaga neto. Maski leader ata ng mafia haharapin nito sa korte kung kinakailangan eh. Inakbayan ko naman siya. 


"Sige, sasabihin ko sa kanya"


Sandali kaming natahimik. Babs looks at the sky at pinagmamasdan ang mga bituin habang ako eto texting Jane asking how is she doing. Sinusubukan ko siyang tawagan kanina pero di ko siya macontact kaya I texted her na lang para pag nabasa niya makareply siya. 


I put my phone down on the table kung saan nakapatong yung mga bote ng beer namin bago ako tumayo. 


"Wait lang Babs CR lang ako. Naiihe na ko" paalam ko sabay lakad pababa para mag cr. Tumango lang siya at muling tumingala sa langit. 


Pagtapos kong maghugas ng kamay, I went back up on the deck and I saw Babs looking at my phone. I walked towards her and called her name. 


"Babs?" 


She looked and asked,


"Is this Jane?" sabay turo sa phone ko. 


"Yes" I answered with a big smile on my face. 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 


--------
Hindi na ko nag proofread so please just ignore yung mga maling spellings... 

Matanong ko lang would you still love the person na sinira na yung trust mo once? 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Kimwari25
Anyone who knows how to insert pic here sa AFF?

Comments

You must be logged in to comment
Jendeukie_16 #1
Chapter 44: Update soon author. 1 chapter only? Myghad, I'm not ready for that ? I want more chapters ?
DarkSilhouette_15
#2
Chapter 38: So hot!
Jung97 #3
Chapter 37: Wahhhh❤️❤️
yogirl_jasmin #4
Chapter 35: go go go!
erzcaps27
#5
Chapter 35: OMG!!! Lalisa is coming, wait for her Jennie
Jendeukie_16 #6
Chapter 34: We trust you author, you're the best ☺️
PinyaNiSeulgi
#7
Chapter 34: Engaged sya kay jennie oof
yogirl_jasmin #8
Chapter 34: alam ata ng daddy ni Lisa lahat pero tinago niya lang? alam ng daddy ni lisa na hawak niya sa jennie ganon? ?
Jendeukie_16 #9
Chapter 32: Author, wag naman ganyan please ? patalsikin mo na si kai ? nakakaawa naman na naiipit si jennie sa ganung sitwasyon ? napakasama ni kai ? patayin mo nalang siya ?
yogirl_jasmin #10
Chapter 33: konting sakit pala ah? ?