Back to Reality

Your Highness

"JENNIE!" 


My eyes widened when I saw Jisoo right in front of my eyes. Tumatakbo siya papunta sa direksyon namin ni Lisa ngayon. Kasunod niya sina Kai at yung ibang mga guards ko, even Rosie is here. May mga pulis din sa paligid kasama nila. 


No! No! If this is a dream please wake me up now. 


Pero hindi nangyari. Hindi ako nananaginip. Totoo ang lahat ng ito. Totoong andito sina Jisoo at Kai ngayon para sunduin ako. I looked at Lisa but she's not looking at me. She's looking at them at sobrang seryoso ng mukha niya. No, she's not serious, she's mad. I saw how she clenched her jaw. When Jisoo reached our position ay agad akong binitawan ni Lisa at halos ipagtulakan niya ko kay Jisoo. Nakatitig lang ako sa kanya habang naguguluhan sa nangyayari. 


"Yati" pagtawag ni Rosie kay Lisa bago niya ito niyakap at hinalikan sa pisngi. 


"Babs" sagot naman ni Lisa na lalong ikinagulat ko. 


So, Rosie is Lisa's twin sister? Parang gustong bumigay ng mga binti ko dahil sobrang nanghihina ako sa mga pangyayari ngayon. If Rosie is Babs then ibig sabihin alam na ni Lisa ang totoo tungkol sakin. Alam niya na how I lied to her. I was dumbfounded and I can't find my voice to speak. Bakit sa dinamirami ng tao siya pa?
 

"Jennie, are you okay?" nagaalalang tanong ni Jisoo pero kahit konting atensyon di ko siya mabigyan dahil nakatuon lang ang pansin ko kay Lisa. 


Even Kai are saying things pero wala akong naiintindihan coz I am too focused to the person na sobrang nasasaktan ngayon. 


Nilakasan ko ang loob ko and I hold Lisa's hand pero agad niya namang tinanggal ang pagkakahawak ko sa kanya. That gesture broke my heart and tears started falling down on my face. 


"Lisa let me explain, please" 


Lisa looked at me. Kita ko sa mga mata niya yung galit, yung lungkot, at ang lahat ng iyon ay kagagawan ko. 


"You don't have to, your highness" tiim bagang niyang sabi sa akin habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. 


Nagsikip ang dibdib ko ng marinig ko ang salitang yun mula sa bibig niya. Tinalikuran niya ako at akmang aalis na sana para iwan ako but I ran to her and hugged her back. 


"Please Lisa don't leave me"


Lisa forcefully removed my hands na nakayakap sa kanya bago niya ko itulak ng malakas palayo sa kanya saka siya humarap sakin. Agad naman siyang pinalibutan ng mga guards ko habang si Kai naman ay kinuwelyuhan na siya. 


"Don't you dare shout to our Princess" pagbabanta ni Kai kay Lisa. 


"KAI! LET HER GO!" saway ko kay Kai. 


Alam kong they are just doing their job pero wala siyang karapatang saktan ang taong mahal ko. Kai seems like not hearing anything. Nakikipagtagisan lang siya ng masamang tingin kay Lisa kaya sinaway ko ulit siya. 


"Are you really going to ignore me, Kai?" sigaw ko sa kanya. 


I saw how Kai's jaw clenched bago niya binitawan si Lisa and move away from her. 


"Please Lisa let me explain" pagsusumamo ko sa kanya. 


This is the first time that I begged for someone to listen to me. Never in my life that I experience to be ignored. Sanay akong isang buka pa lang ng bibig ko at lahat na ng tao sa palasyo ay handang makinig sakin. Pero para kay Lisa, para sa taong mahal ko, handa akong ibaba ang sarili ko. 


"EXPLAIN? EXPLAIN WHAT JANE? OR SHOULD I SAY PRINCESS JENNIE?" sigaw niya sakin. 


Nagsisimula na ring mamuo ang mga luha sa mga mata niya ngunit agad niya rin iyong pinunasan. Galit na galit siya at ramdam ko yun sa bawat matatalim na tingin na binibitawan niya para sa akin. 


"You don't have to explain anything YOUR HIGHNESS, everything is clear to me now. You played me!" sabi niya emphasizing those words.


"Lisa it's not what you th---" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang muli siyang nagsalita. 


"PLEASE JUST STOP! I'M DONE WITH YOUR LIES PRINCESS! YOU AND MINA ARE JUST THE SAME! YOU ARE BOTH LIARS AND I HATE YOU!" galit niyang sabi bago siya umalis papalayo samin. 


Rosie followed her while Jisoo walked towards me. She hugged me tight as I cried so hard against her shoulder. Hindi ko nagawang sumagot. Hindi ko nagawang ipaliwanag ang sarili ko. Nasasaktan ako pero alam kong mas nasaktan ko siya. Kaya deserve ko lang lahat ng sinabi niya. Kahit na bawat salitang binitawan niya ay parang patalim na sumasaksak sa puso ko na sa sobrang sakit halos hindi ko na magawang huminga ng maayos. 

 

 

 

 

 

 

 

 

"Yati tama na nakakarami ka na!" pagawat ko kay Lisa na ngayon ay nagpapakalango na naman sa alak. 


Nasasaktan akong makita siya sa ganitong sitwasyon pero naiintindihan ko rin naman yung nararamdaman niya. Alam ko kung gaano ito kasakit para sa kanya dahil for the second time, niloko na naman siya ng taong mahal niya. Mina hurts her so much na naging dahilan kung bakit siya nagkaroon ng trust issues sa mga taong nakakasalamuha niya, but Jennie brought back the real Lisa that I know. She made her really happy sa sandaling magkasama sila ng kapatid ko. Binalik niya yung nawalang Lisa na kilala ko pero siya rin ang sumira ng mga iyon. Pero masisisi ko ba si Jennie kung nagsinungaling siya kay Lisa? Alam kong may dahilan si Jennie kung bat niya nagawa yun. Pero looking for how Jennie cried and begged for her kanina, alam kong totoong mahal niya ang kapatid ko at sana yun ang makita ni Lisa. I want to see her happy. Natatakot akong baka hindi ko na makita yung totoong Lisa na kilala ko pagtapos ng gabing ito. 


Pinabayaan ko siyang uminom hanggang sa di niya na kaya. Nung halos wala na siyang malay ay tinawag ko na yung mga bodyguards ko at isinakay si Lisa sa kotse ko pauwi sa palasyo. Alam kong magagalit siya sakin paggising niya bukas dahil alam ko kung gaano niya kaayaw umuwi dun pero hindi ko siya pwedeng pabayaang magisa sa yate niya. Isa pa, kailangan nilang magusap ni Jennie. I'm sure Jennie has an explanation, sadyang pasaway lang tong si Lisa at ayaw makinig. Maybe tomorrow kapag nahimasmasan na siya, makapagusap na sila ng maayos. 


Habang pauwi kami, Lisa keeps on blabbering Jennie's name. Napasmirk naman ako. Kahit na anong galit niya, alam kong mahal na mahal niya si Jennie. I just hope maayos nila to. After an hour ay narating na namin ang palasyo. The guards carry the drunk Lisa ng makasalubong naman namin si Dad. 


"Lisa? Anong nangyari, Roseann?" nagaalalang tanong ni Dad. 


His eyes were fixed on my twin. Alam kong hindi siya makapaniwalang andito ang kapatid ko ngayon. Pinahatid ko na si Lisa sa kwarto niya before I talk to Dad. I told Dad everything simula sa kung paano nagkrus ang landas ni Lisa at ni Jennie hanggang sa paglalasing ni Lisa. Hindi naman ako nakaramdam ng pagkagulat sa reaksyon ni Dad. He keeps calm sa kabila ng lahat ng ikinwento ko. Hinihintay ko pang magkomento siya sa lahat ng sinabi ko but I was disapppointed when he only said, 


"Buti na lang sa kapatid mo napunta si Princess Jennie"


Ni wala siyang simpatyang pinakita sa nararamdaman ng kapatid ko ngayon. Lisa was hurt at parang wala naman siyang pakialam. I love my Dad but sometimes he's really an . 


"By the way? Where are the royalties? Nakabalik na ba sila?" tanong ko kay Dad. 


"Bumalik na sila sa Korea" sabi ni Dad na ikinagulat ko naman. 


Hindi sinabi sakin ni Jisoo na babalik na sila agad agad. Pano na ngayon maguusap si Lisa at Jennie? So, ganun na lang yun? Dito na matatapos yung relasyon nila? Well, this can't be! Kailangan nilang magusap. Hindi pwedeng hindi dahil ayoko nang magbago na naman ang kapatid ko. Alam kong prinsesa si Jennie but so what? Anak naman ng presidente ang kapatid ko so quits lang. I texted Jisoo para tanungin kung totoong nakaalis na ba sila. 


Me: Jisoo? Is it true that you guys are going home tonight?


Ilang minuto lang at nagreply na rin siya agad. 


Jisoo: Yes Rosie. King's order.


Me: I understand but I think Jennie and Lisa still needs to talk. 


Jisoo: I know Rosie but not for now.


Me: Okay. I understand.


Jisoo: I promise I'll help them out. 


Me: Thank you Jisoo.

 

 

 

 

 

 

Jisoo


I couldn't believe everything that happened this day. Simula nang ibalita sakin ni Rosie kaninang umaga na alam niya na kung nasaan si Jennie at na kakambal niya pa ang kumupkop kay Jennie all this time. Napakaliit ng mundo para mangyari yun. Pero nagpapasalamat ako kay Lisa dahil inalagaan niya ang kapatid ko.


We are now riding the private plane pabalik ng Korea. Actually, wala sa usapan namin na uuwi kami agad pero dahil pabida tong si Kai ibanalita niya agad sa hari na hawak na namin si Jennie. Balak ko sanang pagpahingahin muna si Jennie pero mukhang ang ending, sa eroplano kami lahat magpapahinga. Rosie texted me about Lisa and Jennie and I promised her na tutulong akong makapagusap ang dalawa pero sa tingin ko hindi muna ngayon dahil alam kong mas paghihigpitan ng Hari ngayon si Jen. 


Kanina pang tahimik si Jennie na umiiyak. Namamaga na nga yung mata niya sa kakaiyak at hindi ko na kailangan pang itanong kung bakit. Based sa lahat ng nasaksihan ko kanina, sapat na yun para sabihin kong may espesyal na relasyong namamagitan sa kanila ni Lisa. Tahimik pa rin siyang humihikbi habang nakatingin sa bintana at para namang binibiyak ang puso ko kapag nakikita ko siyang ganito. Strong kasi ang personality nitong si Jennie. Bihirang magpakita ng emosyon, bihirang umiyak. Naalala ko pa, the last time she cried was when the queen, her mother, died. Kaya to see her cry over Lisa only means na sobrang importante ni Lisa para sa kanya. She even begged her to listen to her na kahit minsan never niyang ginawa. Willing siyang ibaba yung pride niya at kalimutang prinsesa siya para sa kanya. 


Inabot ko ang ulo ni Jennie at ipinatong yun sa balikat ko na naging dahilan para mas lalo pa siyang umiyak. Ikinuwento niya sakin ang lahat. Kung paano sila nagkakilala hanggang sa kung paano nahulog ang loob nila sa isa't isa. 


"I hurt her Chu. I hurt the person that I love" sabi niya in between her sobs. 


I can't help but to pity her situation. My Jendeukie fell in love in the most unexpected person, place and time. I want to be happy for her coz finally may nakapagpalambot na ng puso niya pero hindi ko rin maiwasang malungkot kasi alam kong nasasaktan siya ngayon dahil galit sa kanya si Lisa dahil sa pagsisinungaling niya about who she really is. But Jennie loves her so bad at nagsinungaling lang siya kasi ayaw niya tong masaktan. Naiintindihan ko silang pareho pero hindi ko maikakailang ang hirap ng sitwasyon nila. They are from two different worlds but despite that, Jennie is willing to give up everything for her. Handa siyang iwanan ang pagiging prinsesa niya para sa kanya. If that's not love then I don't know what that is. Kaya naman kahit mahirap, gagawin ko ang lahat magkaayos lang silang dalawa. This kind of love should not be put to waste. 


"Just give her time Jen. I know she'll come around" 


"Pano kung hindi Chu? Pano kung kalimutan niya na ko? Pano kung magmahal siya ng iba? Di ko kakayanin yun Chu" 


Nagulat naman ako ng bigla siyang tumayo after niyang sabihin yun. 


"Please stop. Let's go back!" sigaw niya habang patuloy na tumutulo ang mga luha sa mga mata niya.


"We can't princess. Naghihintay na ang mahal na hari" sagot sa kanya ni Kai. 


"Hindi pwede! Hindi pa kami naguusap ni Lisa! Kailangan namin magusap! Ibalik niyo to ngayon din!"  sigaw niya ulit. 


"No Jennie!" kunot noong sabi ni Kai. 


"What the Kai! I am the crown princess at ako ang dapat masunod dito!!" 


Sasagot pa sana si Kai when I signaled him to stop dahil hindi siya nakakatulong. He sat down at ako naman ang tumayo para pakalmahin si Jennie. 


"Jendeuk calm down. We can't go back now but I promise you tutulungan kitang makausap siya, okay?" pabulong na sabi ko habang hinahaplos ang mga braso niya. 


"You promise?" tanong niya at tumango ako. 


Muli siyang umupo at kumalma kaya nakahinga na ko ng maluwag. I really hate Kai. Kung hindi dahil sa kanya hindi pa sana kami uuwi agad. Pwede pa sanang magusap tong dalawa. 


Don't worry Jendeuk, Jisoo unnie got your back.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Kimwari25
Anyone who knows how to insert pic here sa AFF?

Comments

You must be logged in to comment
Jendeukie_16 #1
Chapter 44: Update soon author. 1 chapter only? Myghad, I'm not ready for that ? I want more chapters ?
DarkSilhouette_15
#2
Chapter 38: So hot!
Jung97 #3
Chapter 37: Wahhhh❤️❤️
yogirl_jasmin #4
Chapter 35: go go go!
erzcaps27
#5
Chapter 35: OMG!!! Lalisa is coming, wait for her Jennie
Jendeukie_16 #6
Chapter 34: We trust you author, you're the best ☺️
PinyaNiSeulgi
#7
Chapter 34: Engaged sya kay jennie oof
yogirl_jasmin #8
Chapter 34: alam ata ng daddy ni Lisa lahat pero tinago niya lang? alam ng daddy ni lisa na hawak niya sa jennie ganon? ?
Jendeukie_16 #9
Chapter 32: Author, wag naman ganyan please ? patalsikin mo na si kai ? nakakaawa naman na naiipit si jennie sa ganung sitwasyon ? napakasama ni kai ? patayin mo nalang siya ?
yogirl_jasmin #10
Chapter 33: konting sakit pala ah? ?