Truth

Your Highness

May usapan kami ni Babs na maglilibot sana sa street ngayong hapon kaso di na namin tinuloy dahil sa dami ng tao sa labas. Wala akong ideya sa mga nangyayari sa labas at kung bakit napakaraming tao. Siguro may okasyon o kaya fiesta din nila kaya eto napagdesisyunan namin na magstay na lang dito sa loob ng room namin at mag netflix. Pero nung nakaramdam si Babs ng gutom ay bumaba kami para kumain sa restaurant nitong hotel. Napansin kong maraming media sa labas at maya maya pa ay may pumasok na napakaraming kalalakihan na mga nakasuit. Kung titignan ko sila parang mga PSG sila ng presidente o baka naman may artistang pumasok kaya may mga media and bodyguards. Pinagmasdan ko sila at napansin ko ang isang lalaking nasa edad singkwenta ang binabantayan nila. He looks really intimidating and powerful. Siguro isang government official to or baka mayamang negosyante. Nagkibit balikat nalang ako at muling itinuon ang sarili ko sa mga pagkaing nakahain sa harap ko. Para kong bibitayin sa dami na naman ng pagkaing kinuha nitong kapatid ko. Minsan talaga umiiral pa rin pagka piggy nito eh. 

 

Pagtapos naming kumain ay nagpahinga lang kami ng kaunti at saka nagdesisyong umalis na. Inaya ako ni Babs na magikot ikot na muna dito sa hotel dahil sabi niya ayaw niya pa daw bumalik sa room. At tulad nga ng gusto niya halos nilibot namin tong hotel hanggang sa mapadpad kami sa may pool area. Nakakaakit yung pool pero di na ko nagtaka pang magswimming dahil napakalamig at baka mamaya mamatay pa ko sa sobrang ginaw. Kaya ayun, Babs and I ended up sitting on the patio chairs sa may poolside. Pansin ko naman na kanina pang puro pagcecellphone ang inaatupag nitong kapatid ko at medyo naiinis na ko dahil di niya manlang ako kinakausap.

 

"Sino ba yang kausap mo? Kanina ka pa text ng text!" iritableng sabi ko. 

 

Iniangat niya ang ulo niya and gave me an apologetic look. 

 

"Sorry, kliyente ko lang" maikling sagot niya. 

 

Hanggang dito trabaho pa rin inaatupag. 

 

"Yati?" tawag nito sa akin.

 

"Hmm?" sagot ko naman sabay lingon ko sa kanya. 

 

"Anong unang gagawin mo pag nagkita kayo ni Jennie?"

 

"Yayakapin" mabilis kong sagot na naging dahilan ng pagngiti niya.

 

"Tapos?"


"Then I will let her explain then I will say sorry and I will tell her how much I love her" sabi ko while giving her a weak smile. 

 

Sana magawa kong lahat ng ito. Sana hindi masayang ang ipinunta ko dito. Nginitian naman ako ni Babs, yung magandang ngiti. Tapos maya maya pa ay bigla itong tumayo kaya sinundan ko siya ng tingin. 

 

"Balik na tayo sa room?" tanong ko at umiling siya. 

 

"Nope. Dito ka lang may bibilin lang ako sa labas" sagot nito. 

 

Tumayo naman ako at sinabing, "Samahan na kita" 

 

Umiling ulit siya. 

 

"Hindi na Yati. Dito ka lang mabilis lang ako. Okay? Wag kang aalis dito antayin mong makabalik ako" pinandilatan niya ko ng mata kaya wala na kong nagawa kundi ang umoo habang pinapanood ko siyang papalabas nitong pool area. 

 

Hinayaan ko na lang si Babs at saka ako tumayo sa gilid ng pool. Tumingala ako sa langit at pinagmasdan ang buwan at mga bituin. Bilog na bilog ang buwan at kumikinang ang mga bituin. Napakaganda ng langit. 

 

Nakatingin ka rin kaya sa langit ngayon mahal ko? bulong ko sa sarili ko. 

 

Bukas makikita na kita. Natatakot ako, kinakabahan ako sa pwedeng mong maging reaksyon. Magiging masaya ka kaya? Yayakapin mo rin kaya ako? Mahal mo pa rin ba ko, mahal ko? Hindi na ko makapaghintay na muli kang makita mahal ko. 

 

"Lisa?" 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 


Jennie

 

Dahan dahan akong itinulak papasok ni Jisoo Unnie sa loob ng pool area at saka niya ko iniwang magisa roon. Hindi ko alam kung anong inihanda niya para sakin dito kasi mukha namang walang something na espesyal dito sa loob. Sinubukan ko na lang na maglakad pa papasok ng may matanaw akong taong nakatalikod at nakatingala sa langit. Nanlaki ang mga mata ko dahil habang papalapit ako nakikilala ko kung sino ang taong yun at hindi ako pwedeng magkamali. Kahit na nakatalikod, alam kong siya to. Habang lumalapit ako mas lumalakas yung pagkabog ng dibdib ko at parang unti unti nanghihina ang mga tuhod ko. Unti unti ko na ring nararamdaman ang pangingilid ng luha sa mga mata ko. Patuloy akong lumapit hanggang sa dalawang hakbang nalang ang pagitan natin sa isa't isa saka na ko naglakas loob na tawagin ang pangalan mo. 

 

"Lisa?" pagtawag ko sayo. 

 

Agad kang humarap sakin at mababakas sa mukha mo ang pagkagulat mo ng makita mo ako ngayon sa harapan mo. Hindi ko alam kung bat ka nandito. Andito ka ba para sakin? Andito ka ba para pakinggan na ko? Pero kahit na ano pang dahilan mo, isa lang ang alam ko at yun ay masaya akong andito ka ngayon sa harapan ko. Nang makita ko na nang buo ang maganda mong mukha ay di ko na napigil ang pag agos ng mga luha ko. I took off my mask at agad akong yumakap sayo without minding lung ipagtabuyan mo man ako. Pero mas lalong bumuhos ang emosyon at mga luha ko ng maramdaman kong ginantihan mo ang pagyakap ko. Once again I get to experience the warmth that only you could bring. I missed this and I badly missed you! Ibinaon ko ang mukha ko sa leeg mo at dun ako umiyak ng todo. Ilang minuto tayo sa ganung posisyon hanggang sa maisipan nating bumitaw pareho. I cupped your face and I looked straight into your eyes.

 

"You're here. You're here, my love" sabi ko habang walang tigil na umaagos ang mga luha ko. 

 

"Yes, love I'm here for you. I'm sorry. I'm... I'm s-sorry I didn't let you explain. I'm sorry if I hurt you" sabi niya in between her sobs dahil umiiyak na rin siya ngayon.

 

I shook my head. 

 

"No. I should be the one to say I'm sorry coz I lied to you, but Lisa believe me I didn't do that on purpose. I was just, I was just so afraid to tell you the truth the moment you told me about your past and how you hate lies. I don't want you to hate me. I got scared that you might bring me back the moment you knew everything about me and I wasn't wrong. I can't live without you mahal ko that's why I keep it. But the day that you surrendered me to them, that was the day that I was about to tell you that I've decided to give up being a princess coz I am choosing you, coz I want to be with you above everything else" 

 

Lisa also cupped my face and pulled me closer saka niya pinagdikit ang mga noo namin. 

 

"Do you love me Jennie? Does every kiss and hugs are true?" tanong niya habang diretsong nakatingin sa mga mata ko.

 

"I never lied about my feelings to you Lisa. I love you, since then until now. Ikaw lang" sagot ko naman while nodding my head. 

 

Atlast, I saw you smiled once again. Yung ngiting sobrang namiss ko, yung ngiting totoo, yung ngiting umaabot sa mga mata mo. That kind of smile that brings warmth to my heart. Yung mga ngiting minamahal ko sayo. Mas inilapit mo pa ako sayo at 
hindi ko na namalayan ang mabilis na paglalapat ng aming mga labi. We kissed like our lives depend on it. She kissed me so softly wherein you can feel how much she loves you. Yung halik na walang lust at punong puno lang ng pagmamahal. We kissed until we feel the need to breathe. We pulled out from the kiss at saka mo sinabing,

 

"I love you too, Jen. I love you so much, your highness" 

 

 

 


The End.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Charot! 😁🤣

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 


Lisa

 

"I miss you" 

 

Paulit ulit niya yung sinasabi simula pa kanina. Heto kami ngayon at naglakad lakad ng magkaakbay sa street nitong Seoul. Naalala ko kasi when Jennie told me that she likes to walk on the streets nang walang bodyguards na nakabantay. Since, nadispatyang maayos ni Babs at ni Jisoo ang mga bodyguards ni Jen, walang makakahadlang samin ngayon para lumabas at tuparin ang isa sa mga nasa listahan niya. Ikwinento niya sakin na ipinakilala na pala siya sa buong bansa nila bilang susunod nilang reyna. Sa totoo lang I am proud of her pero di ko pa rin maiwasang magalala sa magiging reaksyon ng ama niya pag nalaman niya ang tungkol samin lalo na ngayon na engaged na siya. Hindi ko pa nagagawang tanungin siya tungkol sa engagement dahil ayokong sirain yung moment naming dalawa. But before this night ends susubukan kong iopen up yun sa kanya. Nagpatuloy kami sa paglalakad nang hindi iniisip kung saanman kami dadalin ng mga paa namin. Medyo gumagabi na pero buhay na buhay parin at maingay pa rin itong siyudad. Humupa na rin yung mga tao kaya okay nang maglakad lakad. 

 

"Where do you want to go?" tanong ko sa kanya. 

 

"Anywhere" nakangiting sagot niya naman. 

 

"Do you want to runaway with me?" 

 

Nakita kong nagulat siya sa tanong ko at medyo hindi siya nakapagsalita. 

 

"Hey, I'm just kidding" tatawa tawang sabi ko sabay ng mabilis na halik ko sa labi niya.

 

Nakita ko nmang nakahinga siya ng maluwag nung sinabi kong nagbibiro lang ako. Totoo naman kasing biro lang yun. Wala naman akong balak itakas siya mula rito. Andito ako para bawiin siya pero siyempre sa legal na paraan. Ayoko namang habambuhay naming tatakbuhan yung katotohanan tungkol sa pagkatao niya at ayokong habambuhay na may humahabol sa amin. 

 

"So again, where do you want to go?" nakangiting tanong ko ulit.

 

Nakita kong inilibot niya ang mga mata niya sa paligid habang nakapout ang mga labi niya. Mukhang hindi niya alam kung saan kami pupunta. Nakalimutan kong palagi nga lang pala siya sa loob ng palasyo. Hindi naman nagtagal at may itinuro siya sakin. Nilingon ko naman yung tinuturo niya at nakita kong gusto niyang subukan yung pojangmacha. Yung maliit na tent na may tinding streetfoods at soju na nakapwesto sa gilid ng kalye. I smiled then I intertwined our hands bago ko siya hinila papunta dun. Pagpasok namin sa loob ay natuwa ako sa manghang itsura niya. Kita ko na nanlalaki yung singkit niyang mga mata and formed an 'o' shape. Napakacute talaga ng mahal ko. I ordered everything that she wants at sabi niya ngayon lang daw siya makakakain ng streetfoods at masayang masaya daw siya na ako ang kasama niya.  Habang inaantay namin na iserve ang food namin ay naramdaman kong nagvibrate ang phone ko and when I opened it, I saw Babs name on it. 

 

Babs: How is she? 😊

 

Napangiti ako ng nabasa ko yung text niya then saka ko lang narealized na kaya pala ayaw niya kong sumama sa pagbili ng kung anumang bibilin niya dahil may pinaplano siyang ganito. Pero hindi ko alam paano niya to ginawa. 

 

Me: How did you do it?

 

Babs: It was Jisoo's idea 😊

 

Me: Tell her thank you. And I love you Babs! 😘

 

Babs: I will tell her and you're always welcome Yati. I love you too and enjoy your night with her. Tell her I say hi.

 

Me: I will

 

"Who's that?" tanong ni Jennie sakin wearing her face on. 

 

Napalunok naman ako dahil sa nakakatakot siya kaya imbes na sumagot at iniabot ko na lang sa kanya yung phone ko. Binasa niya yung convo namin ni Babs at di niya naman naiwasang mapangiti. After niyang basahin yun ay agad niyang binalik sa akin ang phone ko. 

 

"We owe them this" sabi mo and I just nodded as a response. 

 

"I still can't believe you're here. Tell me I'm not dreaming" sabi mo ulit while looking at me lovingly. 

 

Ngumiti ako at saka ko inabot at kinurot ang pisngi niya ng medyo madiin. Napangiwi naman siya sa sakit at hinampas yung kamay ko. 

 

"Ouch!" you said while glaring and pouting at me na naging dahilan ng pagtawa ko at paglingon naman satin ng mga tao. Agad ka namang yumuko para itago ang sarili mo.

 

"See! You're not dreaming my love" tatawa tawang sabi ko naman. 

 

Maya maya pa ay dumating na yung mga pagkaing inorder natin. Pinagmamasdan kita habang tuwang tuwa kang pinagmamasdan yung mga putaheng inihain sa harapan natin. Napakaganda mo talaga mahal. Di ako magsasawang titigan ka araw araw. 

 

"Kamsahamnida" masayang pagpapasalamat mo dun sa matandang naghatid nung pagkain. 

 

Tinitigan ka naman nung matanda at may sinabi siya sayo na hindi ko maintindihan. 

 

"Ah.. Aniya... Aniya..." sabi mo sabay iling. 

 

Tumango naman ang matanda at saka umalis na ulit sa harap natin.

 

"What did she say?" kunot noong tanong ko. 


"She said she thinks she knew me. She said I have a resemblance to the crown princess" tatawa tawang sabi mo. 

 

"But you are the cro---" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla mong takpan ng kamay mo ang bibig ko. 

 

"ssshh!" saway mo sakin at tumango naman ako. 

 

Nakalimutan kong hindi ka ngapala pwedeng umalis ng walang guards lalo ngayong alam na nang buong bansa kung sino ka. Siyempre para na rin yun sa kaligtasan mo. Pinagpatuloy natin ang pagkain at feeling ko ginutom ka sa inyo dahil nakailang beses tayong umorder dahil sarap na sarap ka sa mga streetfoods na kinain natin. Pero masaya na kong pinagmamasdang masaya ka. Pagtapos nating kumain ay muli tayong naglakad lakad hanggang sa may nakita tayong park na may playground. Hinila mo ko papunta dun at saka tayo umupo sa may duyan. Parehas lang tayong tahimik pero eto yung katahimikang gusto ko kasi hawak ko ngayon yung kamay mo habang pinagmamasdan natin yung kalangitan. Inilipat ko ang tingin ko mula sa langit papunta sayo at kita ko yung napakatamis mong ngiti. Yung mga ngiting nagpahulog sakin sayo. Pinagmasdan lang kita ng tahimik hanggang sa ibinaba mo na rin ang tingin mo sakin. 

 

"Why?" tanong mo. 

 

Nagdadalawang isip pa rin ako kung magtatanong ako tungkol sa engagement mo. Pero sa ayaw at gusto ko kailangan kong gawin to. 

 

"What will happen to us after this?" tanong ko sayo. 

 

Nakita kong biglang lumungkot ang mukha mo na naging dahilan nang biglang pagkirot naman ng puso ko.  

 

"I will fight for you no matter what happen" sagot mo at di ko alam na yun lang pala ang mga salitang hinihintay ko para mabuhayan ako. 

 

Ngumiti ako at lumuhod sa harapan mo at saka ko siniil muli ng halik ang mga labi mo. 

 

"I'll fight for you too! I love you, Jennie..."

 

"I love you, Lisa"

 

 

 

 

 

 

 

----
MAAGANG UPDATE... HAPPY JENLISA DAY MGA BAKLA! SANA HAPPY KAYO! STAY SAFE EVERYONE. TINAPOS KO NA MUNA YUNG ANGST KASI INAAWAY NIYO NA KO.. HAHA.. CHOS! I APPRECIATE EVERY COMMENTS AND MESSAGES. KEEP IT COMING! JAYO!

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Kimwari25
Anyone who knows how to insert pic here sa AFF?

Comments

You must be logged in to comment
Jendeukie_16 #1
Chapter 44: Update soon author. 1 chapter only? Myghad, I'm not ready for that ? I want more chapters ?
DarkSilhouette_15
#2
Chapter 38: So hot!
Jung97 #3
Chapter 37: Wahhhh❤️❤️
yogirl_jasmin #4
Chapter 35: go go go!
erzcaps27
#5
Chapter 35: OMG!!! Lalisa is coming, wait for her Jennie
Jendeukie_16 #6
Chapter 34: We trust you author, you're the best ☺️
PinyaNiSeulgi
#7
Chapter 34: Engaged sya kay jennie oof
yogirl_jasmin #8
Chapter 34: alam ata ng daddy ni Lisa lahat pero tinago niya lang? alam ng daddy ni lisa na hawak niya sa jennie ganon? ?
Jendeukie_16 #9
Chapter 32: Author, wag naman ganyan please ? patalsikin mo na si kai ? nakakaawa naman na naiipit si jennie sa ganung sitwasyon ? napakasama ni kai ? patayin mo nalang siya ?
yogirl_jasmin #10
Chapter 33: konting sakit pala ah? ?