Perya

Your Highness

I watched her as she happily talking to Nanay Esther. They seemed to like each other that much. Mukhang nakuha niya agad ang kiliti ng matanda. 

 

"Baka matunaw" banat ni Seulgi nang mahuli niya kong nakatingin kay Jane. 

 

Sinamaan ko siya ng tingin ngunit imbes na matakot eh tinawanan lang ako ng loka. 

 

"Napapansin ko napapadalas ang titig mo kay Jane ah. Type mo?" nakangising tanong niya sakin. 

 

I rolled my eyes on her first bago ako sumagot. 

 

"Type ka dyan! Tantanan mo ko Seul" sabi ko naman sabay talikod sa kanya. 

 

Tinawanan niya naman ako at sinundan sa may kusina. 

 

"Alam mo bagay kayo" pangungulit niya. 

 

"Pwede ba Seulgi, ni hindi ko pa nga kilala yung pagkatao niya. Isa pa di pa buo ang tiwala ko sa kanya" 

 

Napakunot noo naman siya sa sinabi ko. 

 

"Bakit? Sa tingin mo ba masama siyang tao? Sa tingin mo ba nagsisinungaling siya sayo?" 

 

I heave a deep sigh. 

 

"Hindi ko alam? Pakiramdam ko lang may hindi siya sinasabi sa akin. I just hope nagkakamali ako ng nararamdaman. Sana hindi siya nagsisinungaling" sagot ko sabay tingin ulit kay Jane. 

 

Seulgi crossed her arms and said, 

 

"Sa tingin ko naman mabuti siyang tao. Bakit hindi mo kilalanin? Let your guards down, Lis. Panahon na rin siguro para mag open up ka ulit sa iba. Give yourself a chance. Malay mo siya na pala yung para sayo" sabay tapik sa aking balikat at punta sa kusina para maghugas ng pinagkainan. 

 

I looked at Jane and she's now looking at me with a smile on her face bago niya muling ibinaling ang atensyon kay Nanay Esther na mukhang hindi nauubusan ng kwento sa kanya. 

 

Nakatitig pa rin ako kay Jane habang may mga bagay ang patuloy na tumatakbo sa isipan ko. 

 

Should I get to know you more? Should I loosen up for you? But what if my gut feelings are right? What if you're really hiding something from me? Bu what if not? What if Seulgi is right? What if you're worth giving a chance? Maybe Seulgi is right. Wala namang mawawala kung kikilalanin kita. By that malalaman ko kung may tinatago ka sakin o wala. I just hope you're true Jane. I hope. 

 

Makalipas ang ilang oras ay nagpaalam na kami kina Nanay Esther at Seulgi dahil naguumpisa na rin gumabi. Nagpasalamat kami sa masarap na hapunan at niyakap naman kami ni Nanay. Una niya kong niyakap bago si Jane. Matagal yung yakap niya kay Jane, mukhang tuwang tuwa talaga siya rito. 

 

"Mukhang may bago nang paborito si nanay" bulong ni Seulgi sa akin. 

 

"Mukha nga" nakangiting sagot ko naman. 

 

"I'll teach you how to cook that next time" nakangiting sabi ni Nanay kay Jane. 

 

Jane happily nodded her head before she looked at me. 

 

"Pano nay, Seul, alis na kami" paalam namin sa mag ina. 

 

"Sige ingat kayo mga anak at bukas ihatid mo dito si Jane para masukat niya yung gown na ipinagawa ko at para maremedyohan kung kinakailangan" bilin ni Nanay Esther. 

 

"Sige nay" sagot ko naman at agad siyang tumango. 

 

"At saka Lisa wag mo kalimutan yung practice natin bukas ah" paalala naman ni Seulgi.

 

Pinilit kasi ako nina Seulgi na sumali sa dance competition kaya bukas may practice kami. 

 

"Oo sige. Ihahatid ko muna si Jane dito bago ako susunod sa inyo dun" 

 

"Sige" 

 

Pagtapos ay umalis na kami ni Jane. Pansin kong nakangiti lang siya habang naglalakad kami pauwi. Mukhang naenjoy niya talaga yung kadaldalan ni Nanay Esther. Well, sa totoo lang may pagkamaldita yan si Nanay pero bilib ako dito kay Jane dahil mukhang nahuli niya agad ang kiliti nung matanda at nagkasundo agad sila. Mabuti naman den kung ganun. 

 

Habang naglalakad kami pauwi ay nagulat ako ng bigla niyang hilahin yung braso ko na naging dahilan para mapahinto at mapatingin ako sa kanya. I looked at her pero hindi naman siya sakin nakatingin kindi sa ibang direksyon. 

 

"Lisa what's that?" tanong niya sakin. 

 

Napalingon tuloy ako sa direksyon na tinutukoy niya para alamin kung ano yung nakita niya. 

 

"Is that a carnival?" 

"Perya" sagot ko. 

 

Napatingin siya sakin ng nakakunot ang noo. At aaminin ko ang cute niya. 

 

"We call that Perya. You're right. It's actually a mini carnival a funfair" 

 

I saw how her expression changed from curious to excited and her beautiful lips formed into a smile. 

 

Tumingin siya sakin ng diretso habang hawak hawak niya nang dalawang kamay niya ang braso ko. 

 

"Lisa... can we... can we go there? I haven't been in a carnival before, please" her eyes were pleading and she pouted her lips cutely at me just to convince me to go there. 

 

Tell me now, how can I even say no to this pretty little lady in front of me now? 

 

"Please?" she begged again with her cute puppy dog eyes. 

 

And like being hypnotized, I nodded my head. She squealed out of joy and she hastily pulled me papunta dun sa peryahan. 

 

I looked at her and saw how her eyes were twinkling while roaming her eyes in everything that's happening around. 

 

"Lisa what is that?" turo niya dun sa pinaguumpukan ng mga tao. Sa tingin ko color game yun. 

 

Agad niya naman akong hinila papunta dun at hindi nga ako nagkamali ng hinala dahil color game nga yung pinagkakaguluhan ng mga tao. 

 

Dahil sa dami ng taong naguumpukan at dahil sa hindi naman siya katangkaran ay hindi niya magawang makikita kung anong nangyayari doon. She even jumped just to take a glimpse but she failed and she looks frustrated already. Nakasimangot na siya dahil hindi niya pa rin makita samantalang ako eto masayang pinagmamasdan siya. Ang cute niya palang mainis. 

 

At dahil hindi pa rin siya sumusuko, I roamed my eyes around at swerte naman dahil biglang may umalis sa pwesto kaya naman agad kong hinila yung kamay niya para makapuwesto kami dun sa may umalis at makita niya kung paano nilalaro tong color game. Ang lambot ng mga kamay at di ko maiwasan na mapatingin sa magkahawak naming kamay at mapangiti at how her hand fits perfectly with mine. 

 

Napansin kong may mga lalaking kanina pa siya tinitignan kaya naman pinatayo ko siya sa harapan ko and I stayed at her back to protect her from this erted men. I don't like other guys looking at her like a hungry predator ready to eat their prey. 

 

Hinarang ko yung katawan ko sa kanya to block the view of this guys and I glared at them. Thankful naman ako and they back off. Umalis na sila nang di na nila makita si Jane. Nabalik ang atensyon ko kay Jane nang bigla niyang hilahin ang manggas ng tshirt ko. 

 

Napatungo naman ako sa kanya. Actually, hindi naman siya ganun kaliit sadyang abnormal lang talaga yung tangkad ko. Di hamak na mas matangkad kasi ako sa kanya. Pero hindi naman nakabawas sa pagkacute at sa ganda niya yung height niya. 

 

"How to play that Lisa?" tanong  niya sakin.

 

"Watch" sabi ko sa kanya. 

 

Matapos makataya ng lahat ay saka naman hinila ng peryante and tali para lumaglag ang mga dice na may kulay.

 

2 green 1 blue

 

Yan ang kulay na lumabas, pagtapos ay binayaran ng mga peryante ang mga nanalo. 

 

Napangiti naman ako habang seryosong seryoso si Jane na pinapanood yung mga nangyayari. Aaminin ko naaamaze ako sa mga reactions niya. Ang sarap niyang panoorin. Para siyang bata. Napaisip tuloy ako, nakakulong kaya siya dati? Para kasing andami niyang hindi pa nararanasan aa buhay eh. 

 

"Now I get it" sabi niya. 

 

"Hmmm?" tanong ko naman sa kanya. 

 

"All I have to do is to guess what will be the next color and have to bet on that color, right?" tanong niya sakin. 

 

Tumango naman ako at ngumiti naman siya. I leaned towards her ear and I whispered,

 

"What do you think the next color will be?" 

 

She looked at the dice before she answered. 

 

"I think red will dominate the colors" seryosong sabi niya. 

 

Agad naman akong bumunot ng pera sa bulsa ko at tumaya sa kulay na sinabi niya. 

 

I bet hundred pesos for red. Napatingin naman siya sakin.

 

"Make sure it will be red" bulong ko sa kanya. 

 

"I'm sure" punong puno ng kumpiyansang sabi niya sakin sabay kindat. 

 

Putek Jane! Bat may pagkindat? Wala na. Tapos na. Eto na naman yung abnormal na tibok ng puso ko. 

 

Di pa ko nakakarecover sa pagkindat niya sakin ng bigla naman akong nagulat ng bigla niya kong niyakap. 

 

"OH MY GOD LISA I'M RIGHT! IT'S RED! IT'S RED! WE WON!! YEHEY!" tuwang tuwang sabi niya. 

 

Habang yakap yakap niya ko at yung ulo ko ay nasa balikat niya, napatingin ako sa mga dice and guess what? Tatlong pula yung lumabas. Yung 100 ko natriple in an instant.

 

Napangiti naman ako at nakita kong nakangiti rin samin yung ibang mga tumataya saka ko lang narealize na nakayakap na rin pala ko sa kanya. Biglang nag init yung katawan ko at halos di ako makahinga pero hindi ko magawang kumalas sa pagkakayakap niya dahil ang sarap sa pakiramdam. Yung init ng katawan niya, yung bango niya, nakakabaliw. Please Jane, don't let go, please. But unfortunately, she lets go at agad niyang kinuha yung perang napanalunan namin at agad niya kong hinila paalis. 

 

"You don't want to play that anymore?" 

 

She shakes her head. 

 

"We already won. At some point we will still lose there, so it's better to stop now while we still can. Let's try something else" 

 

Sigurista

 

Nakatingin lang ako sa magkahawak naming kamay dahil hindi pa rin ako nakakarecover sa pagyakap niya sakin habang siya naman ay inililibot ang mga mata niya sa kung ano pang gusto niyang subukan. 

 

Nang hindi siya makapili kung anong isusunod ay ako na ang pumili. Hinila ko siya papunta sa Archery Booth. 

 

"Do you know how to use that?" tanong niya sakin. 

 

"Just watch" sagot ko naman at pagkatapos ay umurong siya para bigyan ako ng espasyo. 

 

"What prize do you want?" tanong ko pa. 

 

Tinignan niya yung mga prizes at itunuro ang isang malaking pink na care bear. 

 

"Okay" sabi ko.

 

Ngumiti naman siya sakin at pagkatapos ay nagbayad na kami para masimulan na ang laro. 

 

Tatlong tira at kapag may kahit isa na tumama sa bulls eye ay makukuha namin ang prize na gugustuhin namin. Mukhang madali lang naman to. 

 

"Fighting" pagchecheer naman sakin ni Jane. 

 

Inihanda ko na at isinargo ang arrow papunta sa target. Ipinikit ko pa ang isang mata ko para mas masargo ko ng maayos. I take a deep breath bago ko binitawan at pinakawalan ang pana. 

 

Missed

 

Sinubukan ko ulit but still Missed

 

Hanggang sa naubos na yung tatlong tira na ni isa wala man lang tumama sa target. 

 

I furrowed my brows but when I looked at Jane she's biting her cheeks to force herself not to laugh. Ganun din yung nagbabantay. Pinipigilan nilang dalawa yung tawa nila. 

 

"Kuya may problema ata tong mga pana niyo parang baluktot" reklamo ko sabay balik sa may ari nung pana. 

 

'Let's go!" aya ko kay Jane para makatakas na sa kahihiyan ko dito pero hindi pa din siya tumayo.

 

"Wait, Lisa!" tawag niya sakin. 

 

Napalingon naman ako sa kanya. 

 

"I want to try" sabi niya.

 

"I think there's a problem with those. Let's go, do not waste our money there" 

 

"Come on. Just one game. If I lose then we'll go" she confidently said. 

 

Huh! Kala mo madali?

 

Pumayag ako at pinabayaan ko siyang maglaro. 

 

"Tell me what prize do you want?" tanong niya pa sakin. 

 

I sarcastically laugh. Kala mo naman talaga may makukuha siya. Pero sige. Sasakyan ko yung trip mo.

 

"I want that Gundam Robot" 

 

"Okay!" sagot niya. 

 

Talagang confident ha!

 

Bago naman siya magsimula ay kinausap niya pa yung nagbabantay. 

 

"If I hit the bulls eye with these three arrows will you give us three prizes?" 

 

Aba! Ang lakas ng loob magtanong ng ganun? Kaya mo bang panindigan yan Kim? 

 

Nakita kong nabigla yung nagbabantay pero mukhang nachallenge siya at pumayag. 

 

"Deal. Three bulls eye, three prizes of your choice" 

 

"Okay!" 

 

Nagumpisa nang magumpukan ang mga tao para manood kay Jane. Hindi ko naman maiwasang mahiya. Ang lakas ng loob maghamon kala mo naman talaga marunong. 

 

Nanahimik na lang ako at pinanood ko siya. Tumayo na siya at pumuwesto. In fairness, and ganda ng tayo niya ah, parang professional archer. 

 

Show us what you've got!

 

Excited naman ang lahat na bitawan niya ang mga palaso at nung binitawan niya ang unang palaso, lahat ay napanganga dahil Bulls eye!

 

Pangalawang  palaso... still Bulls eye

 

Pangatlong palaso... Bulls eye

 

Nagpalakpakan naman ang mga taong nanonood samantalang ako at ang nagbabantay ay naiwang nakanganga at hindi maipaliwanag ang nangyari. 

 

Did she just hit three bulls eyes? How? 

 

Lumapit naman siya sa amin. Katabi ko lang kasi yung nagbabantay. 

 

"Can I get my prizes now? And you Lisa, close your mouth" natatawang sabi niya pa. 

 

Isinara ko naman ang bibig ko na kanina pa pala nakanganga sa sobrang amaze ko. Archery athlete ba siya? Ang galing!

 

Pumili naman siya ng prizes. The pink care bear, the Gundam Robot, and one big Lays. Iniabot niya sakin yung Robot and all I can say is thanks. Pagkatapos ay inaya niya ulit ako sa iba pang mga laro. 

 

Guess what? Parang may agimat tong babaeng to dahil palaging nananalo. Napakaswerte. Andami na tuloy naming bitbit ngayon. Pagkain, plato, baso, maski, palanggana may napanalunan kami. Kaya naman nung napagod na kami ay umupo muna kami sa isang bench. 

 

Nakangiti lang siya habang inaabutan ko siya ng isang bote ng tubig na binili ko kanina. By just looking at her parang ang saya saya niya. 

 

"Lisa I want to ride that" turo niya dun sa ferris wheel. 

 

Tumingin siya sakin ask me using her eyes if we can ride that. Tumango naman ako at tumayo. 

 

"Let's go"

 

Agad naman siyang tumayo at sumunod sakin papunta sa ferris wheel. 

 

-------

Naglalakad na kami pauwi ngayon at eto siya hindi pa rin mawala ang ngiti sa mga labi.

 

"Did you enjoy?" tanong ko. 

 

Tumingala naman siya sakin at tumango ng nakangiti pa rin. Her gummy smile really makes me weak and her cute fluffy cheeks were showing everytime she smiles this way. 

 

"I really enjoyed it. That was so much fun! I hope you also enjoyed it" 

 

"I did" nakangiting sagot ko naman. 

 

Totoo namang nagenjoy ako. Lalo na sa tuwing nananalo kami. Dahil tuwing nananalo kami may free hug ako galing sa kanya. Naenjoy ko rin yung ferris wheel dahil buong ride siyang nakayakap sakin. 

 

"That's good" sabi niya habang patuloy kaming naglalakad. 

 

"You know what? You should smile often. You're prettier when you smile. So, smile more" nakangiti niya pa ring sabi. 

 

I felt my heart beats a little bit faster when she said that and I can't help but be shy with the compliment. I can feel my ear starting to heat up kaya agad kong ibinaling sa iba ang usapan bago pa niya mapansin ang pamumula ng mukha at tenga ko. 

 

Bigla ko namang naalala yung archery. Sobrang naamaze kasi ako how she hit the bulls eye. Yung isa masasabi kong tsamba lang but three? She's an expert maybe. 

 

"Jane? How did you do that?" 

 

"Do what?" 

 

"The archery thing. How did you hit the bulls eye? Are you an athlete?" 

 

She chuckled. 

 

"You can say that. I am so fond of playing that since I was a kid. So, my Dad hired someone to teach me how" 

 

"I see. I thought you're just bragging earlier. I was about to leave you there but when you let go of the arrow and hit that, I was amazed" sabi ko at tumawa naman siya. 

 

"Yeah, I saw how you're mouth hung open" natatawang sabi niya. 

 

Pareho naman kaming natawa nang maalala namin kung gaano kalugmok yung itsura nung nagbabantay. 

 

Nagpatuloy kami sa pagkukwentuhan hanggang sa marating namin yung bahay. 

 

Niligpit namin yung mga napanalunan and we bid each other goodnight. 

 

"Thank you for this" sabi ko while lifting the robot na napanalunan niya mula sa archery. 

 

"You're welcome" sagot niya naman. 

 

"Goodnight Jane" ngumiti naman ako bago tumalikod papunta sa kwarto ngunit bigla akong napahinto ng tawagin niya ko. 

 

"Lisa wait" 

 

Muli ko siyang hinarap at naglakad naman siya papunta sakin. 

 

"Thank you for tonight and goodnight" sabi niya and I froze when she kissed me on the cheeks. 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 


-------
Ayan double update pipz!! Happy JenLisa Day! 

Love Love Love
🥰🥰

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Kimwari25
Anyone who knows how to insert pic here sa AFF?

Comments

You must be logged in to comment
Jendeukie_16 #1
Chapter 44: Update soon author. 1 chapter only? Myghad, I'm not ready for that ? I want more chapters ?
DarkSilhouette_15
#2
Chapter 38: So hot!
Jung97 #3
Chapter 37: Wahhhh❤️❤️
yogirl_jasmin #4
Chapter 35: go go go!
erzcaps27
#5
Chapter 35: OMG!!! Lalisa is coming, wait for her Jennie
Jendeukie_16 #6
Chapter 34: We trust you author, you're the best ☺️
PinyaNiSeulgi
#7
Chapter 34: Engaged sya kay jennie oof
yogirl_jasmin #8
Chapter 34: alam ata ng daddy ni Lisa lahat pero tinago niya lang? alam ng daddy ni lisa na hawak niya sa jennie ganon? ?
Jendeukie_16 #9
Chapter 32: Author, wag naman ganyan please ? patalsikin mo na si kai ? nakakaawa naman na naiipit si jennie sa ganung sitwasyon ? napakasama ni kai ? patayin mo nalang siya ?
yogirl_jasmin #10
Chapter 33: konting sakit pala ah? ?